LOGINCeelin
Hindi ko matanggap na mauulit pa rin sa pangalawa kong buhay ang nangyari sa akin in my past life. Agad akong bumangon sa kama para isuot ang mga damit kong nasa ibaba ng kama. Kailangan kong makalabas sa silid na ito bago pa man dumating ang mga magulang namin ni Phil at pilitin kaming ipakasal sa isa't isa. Tapos na akong magbihis at inaayos ko na lamang ang nagusot kong buhok nang bigla namang nagising si Phil. Agad na lumarawan ang galit sa mukha nito nang makita ako at ang sarili nito. Nilapitan niya ako at sinakal. "You shameless, woman! You drugged me and brought me into this room! You did this so I could marry you, right?" Nag-iigting ang mga ugat sa leeg ni Phil sa matinding galit. "Huwag mong isipin na pakakasalan kita porke't may nangyari sa ating dalawa. I will never marry a woman like you!" Pinilit kong alisin ang mga kamay nitong nakasakal sa leeg ko. Ngunit parang bakal ang mga kamay nito at kahit anong gawin ko ay hindi ko ito magawang alisin. Nahihirapan na akong makahinga. Pinagbabayo ko ang dibdib ni Phil ngunit hindi pa rin niya binibitiwan ang leeg ko. Wala akong choice kundi ang sipain ang pagitan ng mga hita nito. "You left me no choice, Mr. Salvatore. Mapapatay mo ako kapag hindi mo pa ako binitiwan," hinihingal na sabi ko kay Phil matapos siyang mapilitan na pakawalan ang leeg ko. "You're a shameless and evil woman!" galit na wika nito habang nakayuko at iniinda ang sakit ng ginawa kong pagsipa sa pagkalalaki nito. "You will pay for this, woman!" "Bago ka manggalaiti sa galit ay makinig ka muna sa sasabihin ko, Mr. Salvatore," inis na sabi ko sa kanya. "Una, walang nangyari sa atin. N*******d lang tayo pero nasisiguro ko na walang nangyari sa pagitan nating dalawa. Pangalawa, both of us were drugged at dinala sa silid na ito. Panghuli, bilisan mo at isuot mo na ang mga damit mo bago pa dumating ang mga magulang natin. Kapag dumating sila at nakitang ganyan ang hitsura mo ay tiyak na mangyayari ang iniisip mo. And for your information, kahit ikaw na lamang ang pinakahuling lalaki sa mundo ay hinding-hindi pa rin ako magpapakasal sa'yo." "Do you think maniniwala ako sa mga sinabi mo?" he hissed at me. Hindi pa rin mailarawan ang galit sa mukha nito. Sasagutin ko sana ang sinabi niya nang marinig ko ang boses ng aking ama na palapit pa lang siguro sa kuwartong kinaroroonan namin. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong nagpanic. "Shut up and just do what I said!" nagpapanic na sigaw ko kay Phil. Hindi ko na hinintay na sundin niya ang sinabi ko. Ako na mismo ang dumampot sa mga damit nitong nasa ibaba rin ng kama. Katulad ko ay may suot na underwear pala si Phil. They just took off our outer garments. "Sa banyo ka na magbihis at ayusin mo ang sarili mo. Bilis!" Itinulak ko si Phil papuntang banyo pagkatapos ay nagmamadaling inayos ko ng bahagya ang nagusot na kama. Inilagay ko sa mahabang sofa ang isang unan pati na rin ang kumot para isipin nila na sa sofa natulog si Phil. Eksaktong humiga ako sa kama nang bumukas ang pintuan at galit na pumasok ang aking mga magulang kasama ang mga magulang ni Phil, kapatid nitong si Paula at aking nakababatang kapatid. "Ano ang ibig sabihin nito, Ceelin? Bakit ka narito sa silid na ito?" galit na sita sa akin ng Dad ko. Lihim akong napaismid dahil napakagaling nitong umakto. Nag-artista na lang sana siya at hindi naging businessman. Bago pa ako makasagot sa aking ama ay lumabas sa banyo si Phil na bagong paligo at nakasuot lamang ng bathrobe. "Anong ibig sabihin nito, Phil? Bakit magkasama kayo sa iisang silid ng babaeng iyan?" galit na tanong naman kay Phil ng ina nito. "Ano pa ba ang ibig sabihin nito, Mrs. Salvatore? Our children spent their night alone inside a room and slept in one bed. Kahit sino ay mahuhulaan kung ano ang nangyari sa kanila," nakakasiguro ang tono na wika ng aking ama. Nakita ko ang lihim na pagngiti ng aking ina at ang palitan nila ng makahulugang tingin ng aking ama. Iniisip nilang magtatagumpay ang masama nilang binabalak. Ngunit kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na muling magpakasal kay Phil. "Don't be exaggerated, Dad. Walang nangyari sa amin ni Phil. At hindi kami natulog sa iisang kama," mabilis na kontra ko sa aking ama. Tumalim ang tingin niya sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. "Ako lamang mag-isa ang natulog sa kama. Phil is a gentleman kaya sa sofa siya natulog." Itinuro ko ang sofa kung saan naroon ang isang una at gusot na kumot na hindi pa natutupi. Tinitigan ako ni Phil na tila ba binabasa kung ano ang laman ng isip ko ngunit mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "No. Hindi ako naniniwala na walang nangyari sa inyong dalawa," giit ng aking ama. Nilapitan niya ako at mariing hinawakan sa braso. Lihim na naikuyom ko ang aking kamao dahil masakit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nais niyang iparating sa akin na huwag akong kumontra sa nais niyang mangyari sa halip ay sumang-ayon ako. "Huwag kang matakot, Ceelin. Nandito si Daddy. Hindi ko hahayaan na maagrabyado ka ng kahit na sino. Kailangang panagutan ni Phil ang nangyari sa inyong dalawa." Pilit na inalis ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. Sa pagkakataong ito ay hindi ko hahayaan na manipulahin niya ang buhay ko. "Dad, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala ngang nangyari sa amin ni Phil. Hindi niya ako kailangang panagutan dahil wala naman siyang pananagutan. Kung hindi kayo naniniwala ay willing akong magpatingin sa doktor para masiguro sa inyo na intact pa rin ang aking virginity," muling paliwanag ko sa kanya. Talagang ipinagdiinan ko na walang namagitan sa amin ni Phil para mawalan ng rason ang aking ama na pilitin kaming ipakasal ni Phil. "And besides, wala akong gusto sa kanya kaya bakit ko siya pakakasalan?" Lalong tumalim ang tingin sa akin ng ama ko. Maging ang Mom ko ay matalim din ang tingin sa akin ngunit hindi nito magawang magsalita at ipagdiinan na panagutan ako ni Phil gaya ng ginagawa ng ama ko. "Ano ba talaga ang nangyari at natulog kayo sa iisang silid, Phil?" mahinahon ang boses na tanong ni Mr. Salvatore sa kanyang anak. Mabait talaga siya. Sana ay siya na lamang ang naging ama ko. "Someone drugged us and deliberately brought us into this room, Dad. Mabuti na lamang at nakaya kong kontrolin ang sarili ko kaya nanaig ang katinuan ng aking isip. Nagbabad ako sa ilalim ng shower hanggang sa kumalma ako. At tama si Ceelin. Siya lamang mag-isa ang natulog sa kama dahil sa sofa ako natulog," paliwanag naman ni Phil sa kanyang ama. Muli niya akong tinapunan ng tingin ngunit kagaya kanina ay iniiwas ko lamang ang aking paningin sa kanya. "Kahit totoo na walang nangyari sa pagitan ng mga anak natin ay hindi pa rin maniniwala ang mga tao na walang nangyari sa kanila, Mr. Salvatore. Magiging katawa-tawa ang anak ko. Masisira ang reputasyon niya. Sino na lamang ang matinong lalaki ang papayag na magpakasal sa kanya? Kaya nararapat lamang na pakasalan ng anak mo ang anak ko para hindi masira ang reputasyon niya." Talagang iginigiit ng ama ko na pakasalan ako ni Phil. Mukhang hindi siya papayag na hindi magtagumpay ang kanyang plano. "I don't care about my reputation, Dad. Wala rin akong pakialam kung walang lalaking nais na magpakasal sa akin dahil wala naman akong balak na mag-asawa. Huwag mo nang ipilit ang gusto mo dahil hindi mangyayari iyon," muling kontra ko sa aking ama. "Makinig ka sa Dad mo, Ceelin. Para rin naman sa ikabubuti mo ang nais niyang mangyari. You need to marry, Phil," pangungumbinsi sa akin ni Mommy. For the first time ay nagsalita siya para panigan ang aking ama. Lihim akong napaismid. They are really good at portraying as my loving parents. What a perfect couple. Ngayon ay nagdududa na tuloy ako na hindi sila ang tunay kong mga magulang. Dahil walang magulang na nananaising mapasama ang kanilang anak. "Mom. Dad. If you really want to have a connection to the Salvatore family through marriage then why don't you let my younger sister marry Phil instead of forcing me to marry him?" prangkang tanong ko sa mga magulang ko. This time, I know na wala ng pag-asa na magtagumpay ang plano nila. Lihim akong nagbunyi. Galit na sinampal ako ng aking ama. "How dare you say that to us! You're unfilial daughter!" Napahiya ng labis ang ama ko kaya walang paalam na lumabas ito ng silid matapos akong bigyan ng malakas na sampal. Nagmamadali namang sumunod sa ama ko ang aking ina at nakababatang kapatid. "I'm sorry for the trouble, Mr. Salvatore," paumanhin ko sa ama ni Phil. Tinapunan ko ng mabilis na tingin si Phil bago ako lumabas ng silid. Masakit man ang mukha ko dahil sa sampal ng aking ama ay masaya at magaan naman ang pakiramdam ko. Sa wakas ay natakasan ko ang sitwasyon na naging dahilan kung bakit mas naging miserable ang buhay ko sa aking past life. From now on, I will decide my own fate. I will create my destiny.CeelinPagkatapos ng nangyaring drama sa birthday banquet ni Delfin ay pormal na ipinakilala ko si Phil sa mom at kuya ko. Humingi ng tawad si Phil sa kanila dahil sa nangyari noon at nangako na hindi na iyon mauulit. Bilang patunay na sinsero siya sa kanyang mga sinabi ay inilipay niya ang lahat ng mga aria-arian niya sa pangalan ko kasama na ang lahat ng shares niya sa kompanya niya. At first, ayokong tanggapin iyon ngunit nagpumilit si Phil kaya sa huli ay wala akong nagawa kundi tanggapin din iyon. At least he won't neglect me again or else he would sleep in the street without anything left in his name. At my mom's birthday party, Phil proposed to me in front of so many guests. And of course, I didn't hesitate and agreed to his marriage proposal. Agad na nai-set ang wedding date namin pagkatapos ng kanyang marriage proposal. And after a month, finally, dumating din ang pinakahihintay naming sandali, our wedding day. "Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ka ulit kay Phil, C
Ceelin"You're lying!" sigaw ni Lucy sa akin habang nanlalaki ang mga mata."Whether Ceelin is lying or not, you will know it after you see these." Kinuha ni Phil sa akin ang mga dokumento at initsa sa mukha ni Lucy.Napatitig ako sa mukha ni Phil. Does he already know about my plan? How did he know it? Nabasa yata nito ang iniisip ko kaya ngumiti siya sa akin at marahang hinalikan ang aking noo."Inhave ways to know about it, sweetheart," mahina ang boses na paliwanag nito sa akin. Ngumiti lamang ako sa kanya at hindi nagsalita. Mas nagpokus ako sa kung ano ang magiging reaksiyon nina Lucy at Delfin kapaga napatunayan nilang nagsasabi ako ng totoo na hindi sila mag-ama.Nanginginig ang mga kamay na dinampot ni Lucy ang mga papel na nalaglag sa sahig at pagkatapos ay binasa. Namutla ang mukha nito at lalong nanlaki ang mga mata matapos basahin ang papel."No! This is not real, Mom! Hindi ang driver na iyon ang aking ama!" sigaw ni Lucy habang napapailing. Agad namang inagaw ni Delfi
Ceelin"You're such a disgrace to our family! How could you do that to, Mr. Salvatore?" galit na sermon ni Delfin sa akin. Kung hindi ko pa alam na kunwari ay wala itong alam ay iisipin kong totoong galit siya sa akin dahil sa kanyang nalaman. He was a really good actor. Akmang magre-react si Phil nang makita nitong sinampal ako ni Delfin ngunit mabilis ko siyang hinawakan sa braso para pigilan. Wala itong nagawa kundi ang mapakuyom ng kamao na lamang at magtagis ang mga ngipin."Ceelin is really shameless. She threw herself into bed just to marry Mr. Salvatore but she still cheated on him with another man? She's really crazy," komento ng isa mga babaeng bisita na nakakaalam na asawa ko si Phil, ngunit hindi alam na divorce na kaming dalawa. Sinang-ayunan naman ng marami ang sinabi nito.Halos lahat ng mga bisita ay nakatingin sa akin na puno ng pangungutya at panghuhusga ang mukha. Marami sa mga bisita ang hindi alam na ikinasal kami ni Phil kaya naman gulat na gulat sila sa kanilan
CeelinWith confidence, I entered the function room hotel where Delfin held his birthday banquet. Lahat ng bisita nito ay napatingin sa akin at napanganga pagpasok ko sa function room. Ang iba ay nanlaki ang mga mata at meron namang napailing sa pagkadisgusto. Paano ba naman hindi magiging ganoon ang mga reaksiyon nila gayong nakasuot lang naman ako ng plain black evening dress. Parang uma-attend ako sa isang lamay at hindi isang birthday party."Bakit ganyan ang suot na damit ng panganay na anak ni Mr. Miller? Lamay ba itong pinuntahan niya?" natatawang komento ng isang babaeng bisita habang sinusuyod nito ng tingin ang aking kabuuan. "You're right," sang-ayon ng katabi nito. "I heard walang alam siyang gawin kundi ang maghabol kay Mr. Salvatore. At narinig ko pang sabi ni Miss Lucy na walang breeding at manners daw ang kapatid niya.""Paano naman siya magugustuhan ni Mr. Salvatore sa ganyan klaseng porma?" natatawang komento ng isa pang bisitang babae. "Narinig niyo ba na a-attend
Phil"What do you need from me?" agad na tanong ko pagdating ko sa bahay. Nadatnan kong nakaupo sa couch ang ina at kapatid ko at parehong matalim ang tingin nila sa akin."How could you do that to Jessa, Phil? Matagal ng kaibigan ng pamilya natin ang pamilya niya. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya sa ginawang pamamahita mo sa kanya sa auction?" Halatado ang disgusto sa mukha ng aking ina habang nagsasalita. "It was her fault that she was humiliated in front of many people. She was very assuming so she just got what she deserved," kalmado ang boses na sagot ko sa kanya. "She's the woman I chose for you to marry, Phil. At wala akong ibang manugang na tatanggapin kundi siya lamang," matigas ang boses na wika nito. Mom hated Ceelin. I don't think she would ever accept her as her daughter-in-law. I might as well send her and Paul abroad to avoid bullying Ceelin. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko gusto si Jessa, Mom. I will never marry her. If you really like her,
CeelinHindi makapaniwalang napakurap ako ng mga mata habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa mukha ni Phil at sa jewelry box na hawak nito. Talaga bang sa akin niya iyon ibinibigay at hindi kay Jessa? I thought he fought it from my brother so he could give it to that woman?Wala sa loob na napatingin ako sa kuya ko. He was smiling at me. Para bang sa una pa lang ay alam na nitong sa akin talaga ibibigay ni Phil ang kuwintas at hindi kay Jessa. Pero kung alam niya ay bakit hinayaan niyang tumaas ng tumaas ang bidding price at hindi na lang nagpatalo agad? Nagbayad pa tuloy ng malaki si Phil. "What are you doing, brother? Bakit sa babaeng iyan mo ibinibigay ang gift mo para kay Jessa?" hindi napigilang sita ni Paula sa kuya nito.Lumapit naman si Jessa at akmang aagawin kay Phil ang jewelry box ngunit mabilis na naiiwas iyon ni Phil sa babae. "That necklace is for me. Sabi mo ay gift mo iyan sa akin?" masama ang loob na tanong ni Jessa kay Phil. Nagsisimula nang mamula ang mukha nit







