Share

CHAPTER 8

Author: Haneibuns
last update Last Updated: 2024-07-22 23:22:35

Nanlaki ang mga mata ni Thyra na napatingin kay Brett. Naisip niya na dahil nahawakan na siya ni Brett at n*******n nang hindi sinasadya ay may gagawin ito sa kaniya.

Tinakpan niya ang kaniyang katawan at napalunok.

"I will not do anything stupid. But if you're not okay with it—"

"S-Sa kuwarto ko na lang po ako, Sir," mabilis na sagot ni Thyra.

Tumango naman ito.

"Okay."

Biglang kumidlat at nakakabinging kulog ang kasunod nito kaya napapikit si Thyra.

"W-Wait lang po," pagpipigil niya nang tumalikod na si Brett.

"Why?" Kunot-noong tanong nito saka lumingon sa kaniya.

"K-Kukunin ko lang po 'yong unan ko," nahihiyang wika ni Thyra.

"Faster."

Tumakbo si Thyra pabalik sa kaniyang kuwarto at mabilis niyang kinuha ang mga unan niya habang naghihintay si Brett sa labas.

Nagugulat pa siya sa mga kidlat habang papasok sila sa kuwarto ni Brett.

Bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib nang makitang naunang humiga si Brett sa kama.

Dahan-dahan siyang nagpunta sa kabilang parte ng kama habang hawak ang unan at ang kaniyang cellphone. Huminga siya nang malalim bago umupo sa kama ni Brett.

Nilagyan niya ng unan ang pagitan nila at hindi man lang ito tumingin sa kaniya.

Tinalikuran siya nito habang abala sa kaniyang cellphone.

Dahan-dahan siyang humiga at tumalikod din.

Nainis siya nang ma-lowbatt ang kaniyang cellphone kaya inilapag niya ito sa side table.

Hindi na niya kinausap si Brett at nagkumot na lang.

Nag-stretch si Thyra nang magising siya nang madaling-araw. Napatigil siya nang maramdamang wala na ang unan sa pagitan nila ni Brett.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maramdaman ang paghinga nito mula sa kaniyang likuran.

Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at ipinagdasal na huwag itong gumalaw.

Napakunot-noo siya at nagtaka kung ano 'yong matigas na bagay sa likod niya.

Humarap siya nang dahan-dahan kay Brett at kinapa ang bagay na malapit sa kaniyang puson.

Nakapa niya iyon at unti-unting gumapang ang kaniyang kamay patungo sa dibdib ni Brett.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at napaawang ang bibig nang ma-realize kung ano 'yon.

Napaatras siya at tumalikod saka umusog nang bahagya.

"Sh*t, sh*t," mahinang sambit niya.

‘Hindi ko nga nakita dati, pero nahawakan ko naman ngayon. Nagiging manyak na ako.’

Tumigil ang kaniyang paghinga nang bigla siyang yakapin ni Brett at bumubulong ito ngunit hindi niya maintindihan.

‘Ang init naman ng katawan niya.’

Tinanong niya ang sarili kung gigisingin niya ba si Brett, o hindi.

Hinayaan na lang niya ito habang nararamdaman niya ang pintig ng puso ni Brett mula sa kaniyang likuran. Dahil mas malaki si Brett, nakapatong ang baba nito sa ulo niya.

Hindi na lang siya gumalaw at natulog muli.

Nang magising siya ulit ay nakaharap na siya kay Brett at nakayakap pa rin ito sa kaniya. Ang paghinga nito ay nararamdaman niya sa kaniyang noo.

Mula sa liwanag sa labas ng bintana ay pinagmasdan niya ang kalmado nitong mukha.

Mahahaba ang pilik-mata at makapal ang kilay nito.

Nang makuntento na siya ay dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap nito sa kaniya saka siya tumayo.

Kinuha niya ang kaniyang unan saka inayos ang kumot ni Brett saka lumabas doon.

"How's your sleep?"

Muntik na niyang mabitawan ang hinuhugasang gulay nang tanungin iyon ni Brett saka tumabi sa kaniya.

"O-Okay naman po."

Napapikit siya nang maalala ang nangyari.

"I woke up in the middle of the night. You're shaking while crying. You're also looking for your mother."

"Sorry po," wika naman niya saka siya lumingon.

Hindi naman umimik si Brett at uminom ng tubig bago lumabas doon.

Nakahinga naman siya nang maluwag.

"Ibig sabihin ay totoo ang napag-aralan namin sa school about sa morning erec—"

Napatakip siya sa kaniyang bibig at ilang beses ding hinampas ang ulo.

"Ano ba? Nagiging manyak na ba ako kay Sir?"

Umiling-iling siya.

"Pero gano'n ba talaga katigas—"

"Hey."

"Ay! Matigas!"

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ulit si Brett na nasa kaniyang likuran.

"Ano'ng matigas?" Kunot-noong tanong ni Brett.

"H-Huh? Itong...Itong karne po," pagpapalusot niya saka siya napalunok.

"You're cooking sauteed vegetables," kunot-noong wika ni Brett.

Napatingin naman doon si Thyra at hindi siya nakaimik.

Bigla siyang nailang nang bantayan siya ni Brett sa pagluluto.

"May ipag-uutos po kayo, Sir?" Baling niya.

"Nakalimutan kong sabihin sa'yo, I will take you with me sa susunod na araw," sagot naman nito saka umatras nang dumaan si Thyra.

"Saan po?" Tanong niya habang nag-aayos sa lamesa.

"Sa isang event. Wear something decent. A dress, but not too revealing. Don't expose your knees," sabi ni Brett saka naupo.

"Po? Wala po akong dala para sa mga okasyon."

Nagsimula na silang kumain habang nag-uusap.

"Tell me your body measurements. Like your waist and your shoulders."

Nabulunan naman siya.

"P-Po?"

"I'll buy you something to wear. Para makita ko kung ano'ng maganda and appropriate for the occasion," saad nito.

Tumango-tango naman si Thyra.

"Did you bring some heels?"

"Hindi rin po," sagot niya.

"Include also your foot size," wika ni Brett saka uminom.

"Sige po. Ano'ng event po pala 'yon, Sir?"

"Event with various businessmen. Inimbitahan nila kami, but Dad told me na ako na lang ang pupunta."

Tumango-tango naman siya.

"May bibitbitin po ba ako?"

"None. Just don't do anything stupid," paalala ni Brett.

Napatigil naman siya.

‘Siya nga 'tong gumawa ng stupid kagabi.’

Matapos nilang kumain ay agad na ginawa ni Thyra ang ipinag-uutos ni Brett.

Nang dumating na ang araw na may pupuntahang event sina Thyra ay napaisip siya kung may makikilala siya roon.

Pababa na siya sa hagdanan nang saktong tawagin siya ni Brett.

"Paniguradong guwapo na naman siya sa paningin ng iba. Makikita ko na siya kung paano makipag-usap sa iba," na-eexcite na sambit niya.

Nakatayo naman si Brett na naghihintay sa kaniya sa sala.

"Wear this now. I'm gonna prepare also," saad ni Brett saka iniabot ang isang malaking box at isang paper bag.

"Sige po."

Kinuha niya iyon at napangiti.

"Don't put too much makeup," paalala pa nito.

"Opo," sagot niya saka umakyat na sa kaniyang kuwarto.

"Wow!" Sambit niya nang maisuot niya ang dress.

Color dark green na tube long gown iyon at may slit sa harapan. Mermaid skirt ang style para hindi siya mahirapang maglakad. Nude naman ang kaniyang heels.

Mabilis lang siyang nag-ayos. Naka-bun ang kaniyang buhok at exposed ang kaniyang collar bone. Kitang-kita rin ang maliit niyang baywang.

Pagbaba niya ay nakita niyang nandoon na si Brett at nakatalikod ito.

"Sir, nakaayos na po ako," wika niya.

Humarap naman agad si Brett at ilang segundong napatitig sa kaniya. Sinuri siya nito, mula ulo hanggang paa.

Nakasuot naman ito ng tuxedo at maayos na naka-brush up ang kaniyang buhok.

"That's not the style I ordered," wika nito.

"Po? Magpapalit na po ba ako?" Gulat na tanong ni Thyra.

"No. If you're going to change, we'll be late," sagot naman ni Brett habang nakatingin pa rin sa suot niya.

"Sige po."

"Let's go."

Nakaramdam siya ng kaba nang alalayan siya ni Brett paakyat sa sasakyan at nahawakan nito ang malambot nitong kamay.

Ilang beses siyang huminga nang malalim nang makarating sila roon.

Sa isang sikat na hotel ang venue nila kaya na-amaze siya.

"Don't go away. Just stay with me, and don't talk to anyone else," paalala ni Brett habang papasok sila.

"Sige po, Sir."

Nag-flashback naman sa isipan ni Thyra ang nag-viral na video ni Brett na nakikipag-away sa isang event kaya mas lalo siyang kinabahan.

Pagpasok nila ay hindi masyadong maaninag ni Thyra ang loob nito dahil sa iba't ibang klase ng ilaw ang umiikot doon.

Itinago niya ang pagkagulat nang makakita siya ng mga kilalang businessmen sa lugar nila.

"They never told me that it's going to be a drinking party," kunot-noong sambit ni Brett.

Napatingin sila sa mga server na namamahagi ng mga maiinom sa mga bisita at may bar counter pa sa tabi ng stage.

‘Hindi naman ako makakainom ngayon.’

Tumayo lang sila sa isang space malapit sa stage.

May mga lalakeng lumapit sa kanila kaya ngumiti na lang siya na parang isa siya sa kanila.

Nag-usap sila tungkol sa bagong business ng host ng party.

Binasa naman ni Thyra kung kaninong party iyon.

‘Anthony Dunjer.’

"How about you? We heard about what happened to one of your shops. Napakalaki pa naman nu'n."

Agad na napalingon si Thyra kay Brett.

"I'm okay. Planning to build a new one," kalmado nitong sagot.

"And who are you?" Tanong ng isa saka sila bumaling kay Thyra.

Ngumiti naman siya sa kanila.

"I'm—"

"She's with me," pamumutol ni Brett sa kaniya kaya napalingon siya.

Tumango-tango naman ang mga lalake saka sila nagtinginan.

Nang umalis ang mga lalake ay uminom si Brett ng alak nang may nagbigay sa kaniya.

"Bakit hindi niyo po sinabing maid niyo ako?" Tanong ni Thyra.

"Of course, they will ask why I brought you here. Iisipin nilang may alalay ako."

Inubos ni Brett ang alak kaya napatingin siya.

"Sir, mag-da-drive pa po kayo."

"I can manage," walang ganang sagot nito.

Napabuntong-hininga siya nang maalalang mabilis itong malasing kaya napatingin siya nang may halong pag-aalala.

Nakipalakpak si Thyra nang magsimula na ang event.

Hindi naman siya nakinig sa sinasabi ni Anthony Dunjer. Nakita niya ring hindi interesado si Brett.

Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang makaramdam ng gutom, pero nahihiya siyang magsabi. Sumasakit na rin ang paa niya.

Uminom naman ulit si Brett kaya kinain na lang ni Thyra ang mga prutas sa table nila.

Naagaw ng tingin niya ang isang buffet table sa gilid. Aayain na sana niya si Brett, ngunit lumapit naman sa gawi nila si Anthony, kaya napabuntong-hininga siya.

"Brett, long time no see!" Wika nito.

"Yeah. Maybe a year or two," seryosong sagot naman nito.

Ipinagpatuloy naman ni Thyra ang pagkain.

"The last time we met was on the anniversary of your defunct business," saad ni Anthony.

Nailang naman si Thyra.

‘Ang bastos naman nito.’

Ngumisi naman si Brett saka umiling-iling. Iyon ang unang beses na nakita siyang gano'n ni Thyra kaya kinabahan siya.

Napansin niyang humigpit ang hawak nito sa baso kaya mas lumapit siya kay Brett.

"How is your family?" Tanong ni Brett.

"They're good," sagot ni Anthony.

Tumango-tango naman si Brett.

"I found out that they arrested your Dad. What is that about again?"

Napakagat-labi si Thyra upang pigilan ang kaniyang pagngiti.

"Just some baseless accusations."

Nag-iba naman ang ekspresyon nito.

Tumango-tango si Brett na parang hindi kumbinsido.

"Your sister told me that you backed out of your arranged marriage. Why? Iyong babae is one of the best businesswomen, she would have saved your business," baling ni Anthony.

Nagulat naman si Thyra.

‘May magtiyatiyaga naman ba sa kaniya?’

"That's true, but I don't use people for my personal interest, unlike you. David said, may kinausap kang pulitiko to fund this event."

Hindi naman napigilan ni Thyra ang mapangisi.

Sumama naman ang tingin ni Anthony at ibinulsa ang kaniyang mga kamay.

"Well, I will not deny that. At least I don't become scandalous when they don't give me what I want. I know what you did last time. You're still the old Brett Leo," sagot nito.

Ngumiti ito bago umalis.

Sumama naman ang tingin ni Brett at akma itong susunod kay Anthony ngunit hinawakan ni Thyra ang suot nito.

Napatingin ito kay Thyra habang nakakunot-noo.

"Sir, hayaan niyo na lang po. Marami pong tao, baka m-mapahiya po kayo," saad ni Thyra saka mas hinigpitan ang pagkakahawak niya.

"Nauna naman siya ah. He's always—f*ck! That's why I hate going to any party," sambit nito saka nagpamewang.

Binitawan naman siya ni Thyra at agad na binigyan ng tubig para kumalma.

Huminga nang malalim si Thyra saka niyakap ang sarili.

"Why?" Tanong ni Brett kaya napatingin siya.

"Po?"

"You're hugging yourself," saad niya.

"Nilalamig lang po ako," sagot ni Thyra.

Agad na tinanggal ni Brett ang suot niya at iniabot sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niya at nagpalipat-lipat ang tingin kay Brett at sa hawak nito.

"Wear this. Don't hug yourself, it makes your boobs look bigger."

Nanlaki naman lalo ang mga mata niya ngunit agad niya iyong kinuha at binalot ang sarili.

"Stay here. I'm going to the washroom," paalam ni Brett.

"Sir, sigurado po ba kayong—"

"If you want, you can come along," pamumutol ni Brett sa sasabihin niya. Agad naman siyang umiling.

Sinundan siya ng tingin ni Thyra upang masiguradong hindi ito susunod kay Anthony.

Huminga naman siya nang malalim saka naglakad-lakad at nakarating sa garden.

"Ang daming tao. Ang ingay," komento niya. Inayos niya ang suot at napahawak na naman sa tiyan niya.

"Ang ganda ko ngayon. Tapos orange at apple lang ang kakainin ko? At mukhang hindi na makakakain ng dinner dahil sa nangyari."

"Iba talaga ang mga mayayaman minsan. Kailangan talagang mag-brag?" Sambit niya habang pinagmamasdan ang mga ilaw.

"Thyra?"

Napatigil naman siya nang may tumawag sa kaniya.

"Thyra, is that you?"

Lumingon siya at nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

"F-Felip?"

"Ikaw nga! You look gorgeous tonight," pamumuri nito sa kaniya.

Hindi naman siya makaimik at biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan.

"Wait. What are you doing here? May kasama ka ba?" Kunot-noong tanong ni Felip.

"A-Ano—"

"Thyra Haze, I told you not to do anything."

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Thyra nang lumapit si Brett sa gawi nila at nakakunot-noo na agad ito.

"What? Let's go," aya nito sa kaniya.

"Sir Brett?" Nagtatakang sambit ni Felip.

Napalunok naman si Thyra at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   FINALE

    Nanlaki ang mga mata nila nang humandusay si Hilary."M-Mommy!" Sigaw ni Laureen at napatakbo ito palapit sa kaniyang ina.Hindi alam ni Thyra kung hahawakan niya ito o hindi dahil may dugo itong lumalabas mula sa kaniya. Nanghihina ang kaniyang tuhod at hindi makapaniwala sa nasaksihan.Dumudugo ang tiyan nito matapos tumagos ang bala mula sa kaniyang likuran patungo sa gilid ng kaniyang tiyan.Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig nang makita kung sino ang bumaril."T-Tito?" Gulat na sambit ni Brett dahil hindi na makapagsalita sa gulat si Thyra.Nakatayo si Thyrone malapit sa pintuan at hawak nito ang isang baril. May tungkod pa rin ito at walang bahid sa mukha nito ang pagsisisi sa ginawa niya."Hayop ka, Hilary. Masama ka talagang tao. Pati anak ko, idadamay mo sa pagiging demonyo mo," malumanay at seryosong wika nito.Napalingon sila sa kaniya at masama na agad ang tingin ni Laureen.Nagpunas ng luha si Laureen saka tumayo at patakbong lumapit kay Thyrone.Nanlaki ang mga mata ni

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 87

    Napalunok si Thyra at hindi pa rin mawala ang paningin kina Hilary at Bettina. Naguguluhan siya kung ano'ng nangyayari. Kung ano ba ang plano ng kaniyang ina kay Bettina, at kung may plano rin ba ito kay Bettina.Huminto si Hilary sa pagtawa at huminga nang malalim saka umiling-iling habang nakangiti."You should have seen yourself, Thyra," wika nito.Nakakunot-noo pa rin siya."B-Bakit, M-Mama? H-Hindi ko maintindihan."Tila bumara sa kaniyang lalamunan ang salitang 'Mama' dahil sa kaniyang nakikita.Humakbang ng dalawang beses si Hilary kaya hinawakan ni Brett ang kamay ni Thyra. Ramdam naman nito ang pamamawis at panginginig ng palad ni Thyra.Tulad ni Thyra ay naguguluhan din si Brett, ngunit nilalakasan niya ang kaniyang loob para sa kaniyang girlfriend at kaniyang parents."Do you know how long I've been waiting for this? Na makita kita, at bonus na lang na kasama mo ang mga Forteluna," sabi ni Hilary at bigla itong sumeryoso.Biglang nanghina ang mga tuhod ni Thyra at muntik n

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 86

    "B-Brett. Oh my God," mahinang sambit ni Thyra saka tumulo ang kaniyang luha. Napatakip siya sa kaniyang bibig."Why? What happened? May problema—"Hinawakan agad ni Thyra ang kamay nito at nanginginig na hinatak."Where are you going?" Takang tanong ni Benjamin."S-Sorry po. Pero mauuna na po muna kami. Mag-usap na lang po tayo sa susunod. K-Kung makita niyo po si Bettina, sabihan niyo po kami," mabilis at natatarantang sambit niya.Magsasalita pa sana sila ngunit patakbo nang hinatak ni Thyra si Brett patungo sa sarili niyang sasakyan."Why? Ano'ng nangyayari?" Kunot-noong tanong ni Brett nang maikabit nito ang kaniyang seatbelt.Sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang mga luha saka pinaandar ang kaniyang sasakyan."N-Nawawala raw si Thrina. Kailangan natin siyang mahanap, b-baka may ginawa na si Bettina sa kaniya. A-Ayokong mangialam ang parents mo dahil marami pa silang hindi alam," natatarantang sagot ni Thyra saka pinaharurot ang sasakyan."What? Fuck it!" Bulalas ni Brett.Wala nam

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 85.2

    Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig at bumilis ang tibok ng kaniyang puso."G-Grabe naman si Anthony," komento niya habang nakatingin sa sasakyan nito.Agad na bumaba si Anthony sa kaniyang sasakyan at lumapit sa lalake.Napalunok si Thyra at bumaba na rin siya.May mga sugat ang lalake at nahihirapan din itong gumalaw at tumayo.Nanginginig siyang lumapit, at mas lalong kinabahan nang mabilis na hawakan ni Anthony ang lalake sa kuwelyo nito at iniangat ito nang walang kahirap-hirap."A-Anthony, baka mamatay naman 'yan," pigil niya."You better answer us, and you better not be quiet," banta ni Anthony sa lalake at hindi pinakinggan si Thyra.Napaubo ang lalake at duguan ang noo nitong tumingin kay Anthony. Nakasuot ito ng facemask na itim.Humakbang naman palapit si Thyra at mabilis na hinablot ang facemask nito.Kumpirmadong ang boyfriend nga iyon ni Bettina."Nahuli ka rin namin," kunot-noong sambit ni Thyra.Napangisi naman ito kahit halatang nasasaktan sa posisyon niya.Napada*ng

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 85.1

    "What? Why are you so shocked? Akala ko ba ay alam mo na?" Nakangising tanong ni Bettina.Mas lalong nakaramdam ng kaba si Thyra nang makitang may baril sa tabi nito.Siguradong mamamatay siya kapag may masabi siyang masama dahil wala siyang kalaban-laban."A-Ano'ng kailangan mo sa akin? Gagawin mo rin ba sa akin ang ginawa mo kay Felip?" Tanong niya saka ito sinamaan ng tingin.Natawa naman si Bettina."What I want to happen is simple, Thyra. I just need your cooperation."Napalunok siya sa narinig at hindi makapagsalita.Sumeryoso si Bettina at umayos ng upo."Get out of here and get your whole family away. Nasira lang naman ang mga plano ko noong ipinakilala mo ang bastarda mong anak. I'm ready to buy your business, as long as you're gone. At huwag na huwag ka nang magpapakita kay Brett at kina Dad.""A-At kung hindi ako papayag—""Something bad will happen to you, and your family, especially to Thrina," pamumutol nito sa sasabihin niya.Napaawang ang bibig ni Thyra at sumikip ang

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 84

    "N-Nasaan siya? Where's Brett?" Natatarantang tanong ni Thyra kay Anthony nang makasalubong niya ito sa hallway ng hospital. Pinipigilan niyang pumatak ang kaniyang luha."He's inside. Kasama niya sina Tita, Tito, Thrina and Tito Thyrone. He is still conscious, but he says he feels dizzy. Nauntog kasi siya," turo ni Anthony sa isang room doon.Napakagat-labi siya saka nagmadaling pumasok sa loob.Naabutan niyang umiiyak si Thrina habang hinahaplos ni Brett ang ulo nito.Umagos ang luha sa kaniyang mga pisngi nang makita niyang may mga gasgas sa katawan nito.Malapit nang maghilom ang sugat sa kaniyang tagiliran, ngunit nadagdagan na naman iyon."B-Brett," namamaos na sambit ni Thyra.Napatingin ito sa kaniya at matamlay na ngumiti."No. Don't cry. I told you, hindi ako basta-basta mamamatay," pabirong sabi nito.Patakbong lumapit si Thyra at niyakap si Brett. Nakatingin naman sa kanilang dalawa si Thrina at tumahan ito sa pag-iyak."Stop crying, love," mahinang saad ni Brett saka pinu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status