Share

HOT NA BODYGUARD - FINALE

Penulis: Lathala
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-25 00:02:21

Ngunit ang hindi alam ni Kael ay, sa kabila ng lahat ng kanyang pangamba, si Loreen ay hindi na natatakot. Napagdesisyunan niya na hindi niya pababayaan si Kael. Ang pagmamahal niya kay Kael ay kayang  higit ang takot at kahit anong sabihin ng kanyang ama ay ipiaglalaban niya ito.

“Loreen, hindi ko kayang hayaang maging pabigat si Kael sa pamilya natin.” Panimula ni Don Emilio  dahil hindi nila namalayang bumaba na pala ito, “Alam mo kung gaano kahalaga ang ating pangalan at ang ating lugar. Kung magkakaroon tayo ng problema dahil sa relasyon niyo, hindi ko ito kayang tanggapin. Mabait si Kael pero para lng maging bodyguard mo. Ano nalang sasabihin ng tao kung malaman nilang ang unica hija ko ay nakapag-asawa ng bodyguard lang? Ang dami pa namang nirereto sa iyo ng mga Auntie mo na mayayamang business man.”

Tinitigan niya ang ama at nagsalita ng may lakas ng loob. “Hindi ko kayang iwan si Kael, Dad. Mahal ko siya. Wala akong pake sa sasabihin ng iba.”

“Loreen, hindi mo alam ang pinapasok mo.” Ang tono ni Don Emilio  ay naging mas matapang. “Hindi ito laro. Kung magsasama kayo, magiging pabigat sa pamilya natin. Ano nalang ang maitutulong niya? Kung nakapangasawa ka ng kalevel natin ay matutulungan pa tayo sa negosyo.”

Subalit si Loreen ay hindi nagdalawang-isip. “Talaga Dad? Iyon ang iniisip mo? Hindi ang kasiyahan ko? Hindi ko kayang mawala siya. At hindi ko kayang mawalan ng pagkakataong magkaruon ng tunay na taong mamahalin ko.” Ang tinig niya ay puno ng tapang at hindi na niya iniiwasan ang mga mata ng kanyang ama.

Habang nagkakaroon ng tensyon, si Kael ay nagkaroon ng lakas ng loob. Naglakad siya patungo kay Don Emilio  at tumingin nang deretso sa mata nito. “Don Emilio , naiintindihan ko po ang mga alalahanin niyo. Ngunit, kung ang pagmamahal ko kay Loreen ang magiging problema, handa akong pagdaanan ang lahat. Hindi ko po siya pababayaan.”

Ang mga salitang iyon ay nagpangiti kay Don Emilio . Hindi siya makapaniwala na si Kael, ang kanyang dating tahimik na bodyguard, ay may ganitong lakas ng loob. Nakatingin siya kay Kael at sa mga mata ni Loreen, at doon niya napagtanto na hindi niya kayang paghiwalayin ang mga ito. Na sa kabila ng lahat ng takot at galit na nararamdaman, may mga bagay na hindi mo kayang kontrolin. 

At iyon ay pagmamahal.

Aaminin niyang nabahala siya pero kampante naman siya kay Kael. Sinabi niya lang iyon kanina para ma-test kung ipaglalaban ba nang dalawa ang kanilang pagmamahalan.

Nilingon ni Don Emilio  si Loreen bago bumuntong hininga, “Talagang mahal niyo ang isa’t isa ha. Pumasa kayo sa hamon ko”

“Ha?! Anong hamon?”

“Gusto ko lang malaman kung mature ka na ba para sa isang seryosong relasyon, anak.” Sabi ni Don Emilio .

“Dad! Ano bang tingin mo sa akin? Bata?”

Ngumiti si Don Emilio . “Masaya ako para sayo, hija. Sana ay alagaan niyo ang isa’t isa. Hindi ko tinitignan ang estado mo sa buhay Kael, basta ang mahalaga ay magsipag siya para maibigay ang buhay na pareho niyong gusto.”

“Makakaasa po kayo Sir.” Sagot ni Kael na mas kalmado na ngayon at prang hindi kabang-kaba kanina.

“Paano, kailan niyo ba ako bibigyan ng apo niyan? Tumatanda na ako.”

“Dad!” Sigaw ni Loreen.

“Ano?!” Natatawang sabi ng Don. “Ikaw bata ka! Isinusumbong ng mga maid na may naririnig daw sila na kung ano-ano. Akala nila ay may multo dito! Bahala na nga kayo!” Sabi ng Don bago iniwan sila.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na natawa dahil alam nila kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.

Ang araw na iyon ay nagsilbing isang panibagong simula para kay Loreen at Kael. Hindi nila alam kung ano ang hinaharap para sa kanila, ngunit ang pagmamahal nila sa isa’t isa  ay siyang magsisilbing pundasyon para malagpasan nila ang lahat ng pgsubok na ibibigay sa kanila. 

Makalipas ang ilang buwan, dumating ang isang hindi inaasahang balita. Naramdaman ni Loreen ang ilang pagbabago sa kanyang katawan, at sa simula, hindi pa siya sigurado. Ngunit habang tumatagal, ang mga senyales ay naging mas obvious. Pumunta siya sa doktor at dumaan sa ilang tests.

Pagkatapos ng ilang araw ng paghihintay, natanggap ni Loreen ang tawag mula sa klinika. Siya ay nagdadalang-tao.

Nang malaman ni Loreen, hindi niya alam kung anong klaseng emosyon ang ipapakita. Halos hindi siya makapaniwala. Ang unang taong naisip niya ay si Kael. Nais niyang sabihin sa kanya agad, ngunit natatakot siya sa magiging reaksyon nito.

Nang makita ni Kael ang pagkabahala sa mga mata ni Loreen, nagtanong siya. “Loreen, anong nangyari?”

Bumuntong hininga si Loreen, at tumingin sa mata ni Kael na parang naramdaman niyang kailangan niyang magpakatatag para sa kanilang dalawa. “Kael… buntis ako.”

Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Tinitigan ni Kael si Loreen habang bahagyang nakaawang ang labi bago ito ngumiti nang sobrang lapad. “Ang saya saya ko, Loreen, nagbunga ang pagmamahalan natin dalawa.”

“Hindi ka galit? Hindi mo ko iiwan?” Tanong ni Loreen.

“Bakit ko naman gagawin iyon, mahal?”

“Baka hindi ka ready na maging Tatay.” 

“Eh naimagine ko na ikaw ang kasama ko sa pagtanda habang pinapanood natin ang mga magiging apo natin na naglalaro!” Masayang sabi ni Kael.

“Wow, masyado ka namang advance! Eh dati nga ang suplado mo pa sa akin!”

“Mahal naman, dati na iyon eh. Wag mo nang ibalik.” Sabi ni Kael habang nagkakamot ng batok at bahagyang nakayuko.

Nag-asaran at nagharutan pa ang dalawa bago nag-usap sa magiging future nilang magkasama. Sa nakalipasan na buwan ay madalang nalang pumarty si Loreen at lagi nalang silang nagkukulong sa kwarto ni Kael at gumagawa ng makamundong bagay na ngayon ay nagbunga na. Masaya naman siya.

“Mahal, gusto ko ng noodles. Yung mainit.” Biglang sabi ni Loreen.

“Okay, mahal. Anong gusto mong flavor? Seafood? Beef? Ioorder kita sa restau.”

“Chocolate.”

“Ha?” Napamaang si Kael.

“Noodles pero chocolate ang nakahalo. Please, mahal?” Nagpacute pa si Loreen.

“Ang weird pero sige para sayo. Alis muna ako ha? Kailangan ko atang gawin ang best ko para mahanap yan.” Sabi nito bago hinalikan si Loreen sa labi. 

Nabuksan niya na ang pinto ng biglang magsalita si Loreen.

“Kael?”

“Yes, mahal?”

“Bilisan mong umuwi ha? May reward ako sayo na siguradong magugustuhan mo.” Nang-aakit na sabi nito at kinagat ang labi. Bahagyang ibinababa niya rin ang strap ng suot na night gown.

“Mahal, pwede bang bukas ka nalang mag-crave? Ako nalang ang magpapainit sayo.” Sabay kindat ni Kael.

WAKAS.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   INAKIT KO ANG KAAWAY KO - FINALE

    Malamig ang hangin nang lumabas si Elle mula sa opisina. Ito na ang huling beses na tatahakin niya ang hallway na ito. Matagal niyang pinag-isipan ang desisyong ito, pero sa huli, alam niyang ito lang ang tamang gawin. Hindi niya kayang manatili sa kumpanyang ito kung araw-araw ay makikita niya si Noah at kung patuloy siyang maaakit sa isang lalaking hindi niya kailanman maaaring mahalin.Bitbit ang kahon ng kanyang gamit, naglakad siya papunta sa elevator. Wala siyang balak magpaalam kay Noah. Wala siyang balak ipaalam dito na siya mismo ang sumusuko.Ngunit hindi siya nakalayo.Mabilis na sumulpot si Noah sa harapan niya, hinarangan ang dadaanan niya. Nakasuot pa ito ng itim na dress shirt, bahagyang nakabukas ang ilang butones sa may leeg. Mukhang kakarating lang nito mula sa meeting pero sa ekspresyon nitong puno ng emosyon, alam niyang hindi iyon ang dahilan ng pagmamadali nito.“Elle,” malamig pero nanginginig ang boses nito. “Anong ibig sabihin nito?”Hindi siya sumagot. Lalo ni

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   INAKIT KO ANG KAAWAY KO - V

    Habang lumilipas ang mga linggo, hindi maitatangging nagiging mas possessive si Noah.Nagsimula ito sa maliliit na bagay. Halatang-halata kasi ang mga matatalim na titig nito sa tuwing may lalaking lumalapit sa kanya o kaya naman ay bigla na lang siyang hihilahin palayo sa isang usapan para lang mapag-isa sila.Pero nang makita niya itong halos magalit nang may kasamahan silang nag-ayang lumabas siya para mag-dinner, alam niyang lumalampas na sa boundary nila si Noah.“Hindi mo kailangang sumama sa kanya,” malamig na sabi nito habang nakasandal sa desk niya, nakatitig sa kanya.Napailing si Elle, pilit na pinapanatili ang kontrol sa sarili. “Noah, kasamahan natin siya sa trabaho. Wala kang karapatan na pakialaman kung sino ang gusto kong makasama.”Bahagyang tumingala si Noah, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ah, gano’n?”Tumayo ito, lumapit sa kanya, hanggang sa halos magdikit ang kanilang katawan.“Hindi kita pag-aari, Elle,” bulong nito at mariing hinawakan ang ka

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   INAKIT KO ANG KAAWAY KO - IV

    Hinila niya ang kuwelyo ni Noah at siniil ito ng halik. Saglit lang siyang nagpatumpik-tumpik pero nang maramdaman niya ang labi at dila nitong gumalaw rin ay lalo siyang nadarang. Mabilis siyang isinandal ni Noah sa pinto ng kotse habang ang kamay nito bumalot sa baywang niya para ihapit siya palapit. Ramdam niya ang tigas ng katawan nito at ang init na tila lumalabas sa damit nila.Mabilis na binuksan ni Noah ang pinto at bago pa siya makapagtanong, iginiya siya nito papasok.Nang makapasok sila sa loob ng kotse ay hindi na talaga nila kayang pigilan. Hindi na nila kayang magpanggap.Hinila siya ni Noah paupo sa kandungan nito habang kamay niya mahigpit na nakahawak sa bewang ni Elle. “Tingnan natin kung kaya mo pa akong artehan ngayon. Hirap na hirap akong di mo ko pinapansin.”Napasinghap si Elle nang maramdaman ang maiinit na labi ni Noah na gumapang sa kanyang panga, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa kanyang collarbone. “Noah…” Hindi niya alam kung pagtutol o pag-halinghing

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   INAKIT KO ANG KAAWAY KO - III

    Dumating ang isang malaking company event sa isang hotel. Parehong dumalo sina Elle at Noah, parehong alam na ang promosyon ay halos abot-kamay na. Walang humpay ang pagpapakitang-gilas nila sa mga boss na nandoon lalo na’t parehas naman silang magaling sa pakikisalamuha. Busyng- busy sila na dalhin ang kani-kanilang mga bangko.Pero kahit anong gawin nila, hindi nila kayang hindi magkasalubong.Magkasamang nakatayo sina Elle at isang senior executive nang lumapit si Noah na may hawak na inumin.“Sir, gusto niyo po bang marinig ang opinyon ko tungkol sa project natin?” sabi ni Noah habang nakatingin sa kausap ni Elle.Nagpanting ang tenga ni Elle. Mabilis niyang inexcuse ang kanyang sarili bago hinila si Noah papalayo doon. Nakakainis na dahil nanlalamang ito! “Ano ba! Oras ko yun ng pakikipag-usap eh! Takot na takot ka ba na malaman nilang kaya kitang talunin sa kahit anong laban?”Bahagyang lumapit si Noah at bumaba ang boses. “Mas gusto mo ba kung ibang klase ng laban ang subukan

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   INAKIT KO ANG KAAWAY KO - II

    “Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Noah habang nakasandal sa pinto at nakatiklop ang mga braso. Ang suot nitong puting polo ay bahagyang nakabukas ang itaas na butones at kahit ayaw niyang aminin, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano ito ka-distracting tingnan.“Dami pang kailangang tapusin,” sagot niya, hindi tumitingin. “Baka gusto mong sabay na tayong umuwi,” ani Noah hbang lumalapit nang dahan-dahan. “Alam mo namang delikado na kapag gabi. Baka may magtangka pang masama sa’yo.”Ano?! Tama ba ng narinig si Elle?! Si Noah, inalok sya na sabay na silang uuwi?!Napataas ang kilay ni Elle at sa wakas ay tumingin sa kanya. “Ikaw siguro ang may balak.”Napangisi si Noah. “Ako ang huling kasama mo, kargo ko pa pag may nangyari sayo. Tsaka ano bang balak ang sa tingin mo mayron ako sayo? Hmm?”Tumaas ang temperatura sa loob ng silid. Lalong bumibigat ang tensyon sa pagitan nila. Ilang hakbang na lang at halos magkalapit na ang kanilang mga katawan. Naririnig ni Elle ang sariling paghinga a

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   INAKIT KO ANG KAAWAY KO - I

    Mainit ang panahon nang pumasok si Elle sa opisina. Ang suot niyang fitted white blouse at high-waist pencil skirt ay lalong nagpatingkad sa kanyang mataray na aura. Rinig na rinig ang takong niya habang naglalakad siya. Ngumiti lang siya nang makita ang mga ulong napapasunod niya sa bawat hakbang niya.Hmmm. Mukhang magiging maganda ang araw ko.Ngunit sa kanyang pag-upo sa desk, isang pamilyar na boses ang sumira sa kanyang umaga.“Maaga ka yata ngayon, Elle.”Napakurap siya at dahan-dahang inangat ang tingin. Nasa tapat ng cubicle niya si Noah na nakasandal sa gilid, nakataas ang isang kilay, at may pilyong ngiti sa labi. Naka-roll up ang manggas ng navy blue dress shirt nito na kaya naman lalong naging obvious ang matikas nitong bisig.“At ikaw, late ka pa rin gaya ng dati,” mataray niyang sagot. “Paano ka mapo-promote kung hindi mo kayang dumating sa oras?”“At paano ka mapo-promote kung hindi mo kayang pakisamahan ang mga katrabaho mo?” ganting sagot ni Noah habang lumalapit pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status