Pagdating nila sa bahay, agad siyang bumaba at dumiretso sa kanyang kwarto. Ngunit kahit na gusto niyang matulog, hindi niya maiwasang isipin ang si Kael.
Ugh, ano bang meron sa lalaking iyon at masyado niyang ginagambala ang isip ko! Oo pogi siya pero duh?! Sa tanang buhay niya ay napapaligiran siya ng mga magagandang lalaki at sila p ang nagkakandarapa para sa kaniya kaya hindi na ito dapat bago!
Tumingin siya sa bintana at nakita niya itong naka-duty pa rin sa labas. Ito ay nakatayo sa gilid ng kanilang gate na parang isang estatwa.
“Bakit kaya ang suplado nun?” bulong niya sa sarili habang nakatingin pa rin dito. Hindi niya namalayang nakangiti na siya.
Humiga siya sa kama at pumikit, subalit may kakaibang excitement siyang nararamdaman.
Para sa kanya, si Kael ay isang bagong challenge at gusto niyang malaman kung paano ito masusubok.
Sa mga sumunod na araw, walang ginawa si Loreen kundi asarin si Kael. Sanay siyang ang mga bodyguard niya ay madaling kausapin, madaling utuin, madaling paikutin. Pero iba si Kael. Parang may sariling mundo na hindi siya basta-basta makakapasok.
“Kael, mainit. Puwede bang ikaw na lang magdala ng bag ko?” reklamo niya habang naglalakad sila papunta sa isang boutique sa mall.
Tiningnan siya nito na walang emosyon sa mukha. “Hindi ko trabaho ‘yan, Loreen.”
Napabuntong-hininga siya. “KJ mo naman,” aniya sabay irap. Kahit kailan hindi niya nakita si Kael na ngumiti o kahit man lang sumagot nang may lambing.
Sinadya niyang pabagalin ang lakad niya, pinapabayaan ang strap ng bag niyang dumulas sa kanyang balikat. Sa isip niya, baka sakaling mapilit niya si Kael na tulungan siya.
“Ugh, Kael, please?” kunwari’y nagmamakaawa siya. Iniiba niya pa ang tono nito.
“Kung hindi mo kayang bitbitin ang bag mo, huwag mo nang dalhin.”
Napanganga si Loreen. Sa lahat ng lalaking nakilala niya, ngayon lang may humindi sa kanya nang direkta. Nagpanting ang tenga niya pero hindi siya papayag na matalo sa laro nila ni Kael.
“Hays bahala ka,” sabi niya sabay hagis ng bag sa sahig. “Huwag mo na akong sundan.”
Pero bago pa siya nakalayo, mabilis na dinampot ni Kael ang bag at inabot ito sa kanya. “Bitbitin mo,” anito na puno ng awtoridad.
Napatulala siya. Sa halip na mainis, may kung anong kilig siyang naramdaman. Bakit ganoon? Parang iba si Kael. Hindi siya basta-basta nagpapadala sa mga kapritso niya.
Kinagabihan, sa bahay nila, abala si Loreen sa harap ng salamin. Naka-nightgown siya na manipis at hapit sa kanyang katawan, sapat para ipakita ang kanyang makurbang pigura. Alam niyang maraming lalaki ang nahuhumaling sa kanya sa isang tingin lang.
Tumingin siya sa bintana at nakita niyang nakatayo si Kael sa labas tulad ng nakagawian nito. Naka-cross arms ito at parang may malalim na iniisip.
Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at pumunta sa may entrance nila saka sinadyang dumaan sa harapan ni Kael. “Kael, hindi ka ba napapagod? Puwede ka namang pumasok sa loob at maupo sandali.”
Hindi siya nito nilingon. “Dito lang ako.”
Napairap siya at sinadyang lumapit. “Alam mo, hindi ka dapat masyadong seryoso. Nakakatanda ‘yan.”
Napatingin si Kael sa kanya at para sa isang segundo, nagtagpo ang kanilang mga mata. May kung anong init na dumaloy sa kanyang katawan pero agad ding ibinaling ni Kael ang tingin.
“Hindi ako nakikipagbiruan, Loreen. Ginagawa ko ang trabaho ko.”
“Tsk. Napaka-KJ mo talaga,” sabi niya pero sa loob-loob niya, gusto niyang subukin hanggang saan ang pasensya nito. Malandi siyang tumawa tsaka pabirong hinampas ang dibdib ng binata.
Parang siya pa ang nasaktan dahil sa tigas nito.
Napansin niyang parang mas lalo pang naging tensyonado si Kael base sa kung paano siya tumindig ngayon at hindi niya alam kung bakit siya natutuwa roon.
Hmmm, may effect naman pala ako sa sungit na ito.
——
Minsan, sinubukan ni Loreen kay Kael ang isa sa mga paborito niyang pang-aakit . Habang nasa pool area siya, sinadya niyang pumili ng pinaka-sexy niyang swimsuit at naglakad papunta sa gilid kung saan naroon si Kael.
“Kael,” malanding sabi niya habang iniayos ang kanyang buhok. “Gusto mo bang samahan ako rito?”
Hindi siya nito nilingon. “Nandito ako para magbantay, hindi para mag-enjoy.”
Naglakad siya papalapit dito at sinadyang tapikin ang balikat nito. “Kailangan mo rin namang mag-relax minsan, ‘di ba?”
Sa wakas, tumingin ito sa kanya, at doon niya nakita ang malamig ngunit mariing titig nito. “Loreen, ‘wag mo akong subukan.”
Sa halip na matakot, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. “Pakipot pa ang lalaking ito ha,” bulong niya, saka dahan-dahang naglakad pabalik sa pool.
Nagtampisaw siya sa pool habang sinasadyang ipakita ang malulusog nitong hinaharap. Tinitignan niya pa si Kael na iwas na iwas ang tingin sa kaniya.
Sinadya niya pa ngang basain si Kael at baka sakaling maghubad ito ng pang-itaas sa harap niya dahil basa na ito pero as usual… failed na naman si Loreen dahil lumayo lang nang kaunti si Kael pero sapat pa rin na makita siya.
Kahit anong gawin niya, tila ba may pader na hindi niya kayang gibain pagdating kay Kael.
Malamig ang hangin nang lumabas si Elle mula sa opisina. Ito na ang huling beses na tatahakin niya ang hallway na ito. Matagal niyang pinag-isipan ang desisyong ito, pero sa huli, alam niyang ito lang ang tamang gawin. Hindi niya kayang manatili sa kumpanyang ito kung araw-araw ay makikita niya si Noah at kung patuloy siyang maaakit sa isang lalaking hindi niya kailanman maaaring mahalin.Bitbit ang kahon ng kanyang gamit, naglakad siya papunta sa elevator. Wala siyang balak magpaalam kay Noah. Wala siyang balak ipaalam dito na siya mismo ang sumusuko.Ngunit hindi siya nakalayo.Mabilis na sumulpot si Noah sa harapan niya, hinarangan ang dadaanan niya. Nakasuot pa ito ng itim na dress shirt, bahagyang nakabukas ang ilang butones sa may leeg. Mukhang kakarating lang nito mula sa meeting pero sa ekspresyon nitong puno ng emosyon, alam niyang hindi iyon ang dahilan ng pagmamadali nito.“Elle,” malamig pero nanginginig ang boses nito. “Anong ibig sabihin nito?”Hindi siya sumagot. Lalo ni
Habang lumilipas ang mga linggo, hindi maitatangging nagiging mas possessive si Noah.Nagsimula ito sa maliliit na bagay. Halatang-halata kasi ang mga matatalim na titig nito sa tuwing may lalaking lumalapit sa kanya o kaya naman ay bigla na lang siyang hihilahin palayo sa isang usapan para lang mapag-isa sila.Pero nang makita niya itong halos magalit nang may kasamahan silang nag-ayang lumabas siya para mag-dinner, alam niyang lumalampas na sa boundary nila si Noah.“Hindi mo kailangang sumama sa kanya,” malamig na sabi nito habang nakasandal sa desk niya, nakatitig sa kanya.Napailing si Elle, pilit na pinapanatili ang kontrol sa sarili. “Noah, kasamahan natin siya sa trabaho. Wala kang karapatan na pakialaman kung sino ang gusto kong makasama.”Bahagyang tumingala si Noah, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ah, gano’n?”Tumayo ito, lumapit sa kanya, hanggang sa halos magdikit ang kanilang katawan.“Hindi kita pag-aari, Elle,” bulong nito at mariing hinawakan ang ka
Hinila niya ang kuwelyo ni Noah at siniil ito ng halik. Saglit lang siyang nagpatumpik-tumpik pero nang maramdaman niya ang labi at dila nitong gumalaw rin ay lalo siyang nadarang. Mabilis siyang isinandal ni Noah sa pinto ng kotse habang ang kamay nito bumalot sa baywang niya para ihapit siya palapit. Ramdam niya ang tigas ng katawan nito at ang init na tila lumalabas sa damit nila.Mabilis na binuksan ni Noah ang pinto at bago pa siya makapagtanong, iginiya siya nito papasok.Nang makapasok sila sa loob ng kotse ay hindi na talaga nila kayang pigilan. Hindi na nila kayang magpanggap.Hinila siya ni Noah paupo sa kandungan nito habang kamay niya mahigpit na nakahawak sa bewang ni Elle. “Tingnan natin kung kaya mo pa akong artehan ngayon. Hirap na hirap akong di mo ko pinapansin.”Napasinghap si Elle nang maramdaman ang maiinit na labi ni Noah na gumapang sa kanyang panga, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa kanyang collarbone. “Noah…” Hindi niya alam kung pagtutol o pag-halinghing
Dumating ang isang malaking company event sa isang hotel. Parehong dumalo sina Elle at Noah, parehong alam na ang promosyon ay halos abot-kamay na. Walang humpay ang pagpapakitang-gilas nila sa mga boss na nandoon lalo na’t parehas naman silang magaling sa pakikisalamuha. Busyng- busy sila na dalhin ang kani-kanilang mga bangko.Pero kahit anong gawin nila, hindi nila kayang hindi magkasalubong.Magkasamang nakatayo sina Elle at isang senior executive nang lumapit si Noah na may hawak na inumin.“Sir, gusto niyo po bang marinig ang opinyon ko tungkol sa project natin?” sabi ni Noah habang nakatingin sa kausap ni Elle.Nagpanting ang tenga ni Elle. Mabilis niyang inexcuse ang kanyang sarili bago hinila si Noah papalayo doon. Nakakainis na dahil nanlalamang ito! “Ano ba! Oras ko yun ng pakikipag-usap eh! Takot na takot ka ba na malaman nilang kaya kitang talunin sa kahit anong laban?”Bahagyang lumapit si Noah at bumaba ang boses. “Mas gusto mo ba kung ibang klase ng laban ang subukan
“Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Noah habang nakasandal sa pinto at nakatiklop ang mga braso. Ang suot nitong puting polo ay bahagyang nakabukas ang itaas na butones at kahit ayaw niyang aminin, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano ito ka-distracting tingnan.“Dami pang kailangang tapusin,” sagot niya, hindi tumitingin. “Baka gusto mong sabay na tayong umuwi,” ani Noah hbang lumalapit nang dahan-dahan. “Alam mo namang delikado na kapag gabi. Baka may magtangka pang masama sa’yo.”Ano?! Tama ba ng narinig si Elle?! Si Noah, inalok sya na sabay na silang uuwi?!Napataas ang kilay ni Elle at sa wakas ay tumingin sa kanya. “Ikaw siguro ang may balak.”Napangisi si Noah. “Ako ang huling kasama mo, kargo ko pa pag may nangyari sayo. Tsaka ano bang balak ang sa tingin mo mayron ako sayo? Hmm?”Tumaas ang temperatura sa loob ng silid. Lalong bumibigat ang tensyon sa pagitan nila. Ilang hakbang na lang at halos magkalapit na ang kanilang mga katawan. Naririnig ni Elle ang sariling paghinga a
Mainit ang panahon nang pumasok si Elle sa opisina. Ang suot niyang fitted white blouse at high-waist pencil skirt ay lalong nagpatingkad sa kanyang mataray na aura. Rinig na rinig ang takong niya habang naglalakad siya. Ngumiti lang siya nang makita ang mga ulong napapasunod niya sa bawat hakbang niya.Hmmm. Mukhang magiging maganda ang araw ko.Ngunit sa kanyang pag-upo sa desk, isang pamilyar na boses ang sumira sa kanyang umaga.“Maaga ka yata ngayon, Elle.”Napakurap siya at dahan-dahang inangat ang tingin. Nasa tapat ng cubicle niya si Noah na nakasandal sa gilid, nakataas ang isang kilay, at may pilyong ngiti sa labi. Naka-roll up ang manggas ng navy blue dress shirt nito na kaya naman lalong naging obvious ang matikas nitong bisig.“At ikaw, late ka pa rin gaya ng dati,” mataray niyang sagot. “Paano ka mapo-promote kung hindi mo kayang dumating sa oras?”“At paano ka mapo-promote kung hindi mo kayang pakisamahan ang mga katrabaho mo?” ganting sagot ni Noah habang lumalapit pa