Share

Kabanata 21 - Alam ko na ang lahat

Eloise's Point of View

"Nagseselos ka ba kay Sofia?" Napapaos na tanong ni Elijah sa akin. Nakakulong pa rin ako sa kanyang mga bisig at halos magkapalitan na kami ng hininga.

"Hindi 'no! At saka bakit naman ako magseselos sa kanya?" Nakairap kong usal dito.

Bahagya ko siyang itinulak. Pakiramdam ko'y hindi ako makahinga dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.

Subalit mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin at halos isang hibla na lamang ng buhok ang aming pagitan. Amoy na amoy ko na rin ang mabango nitong hininga.

"Hmm.. Wala akong ginawa kay Sofia na ikaseselos, honey." Malamig ang boses na usal ni Elijah. Halos kapusin ako nang hininga nang unti-unti niyang inilapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi.

Wala sa sariling nagpaubaya ako sa matamis nitong mga halik. Mariin akong napapikit at ninamnam ko ang malalambot niyang mga labi.

"Uhm.." Mahihinang ungol ang lumabas sa aking bibig. Mahigpit akong napayakap sa lalaki habang tinutugunan ko ang kanyang mapupusok na halik.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status