Share

REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE
REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE
Author: Maryahuwana

Kabanata 1 - Who is she, Honey?

Eloise's Point of View

"Thank you Mr. Adam for trusting our company." Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa matanda habang inilahad sa kanya ang aking kamay.

Mainit naman iyong tinanggap ni Mr. Adam. "Welcome Ms. De Vega, anyway , I have to go." Pagpapaalam nito.

Masaya kong sinundan ng tingin ang pag-alis ni Mr. Adam. Nakahinga na rin ako nang maluwag. Isang proposal na naman ang napaapproved ko ngayon.

Masama ang pakiramdam ng aking boss ngayon kaya ako ang ipinadala niya upang makipagkita kay Mr. Adam. Mabuti na lamang at hindi ako nahirapan na kumbinsihin ang matanda.

Kalhating oras na ang nakalilipas ay nandito pa rin ako sa West Coast Luxury hotel. Weird pero parang ayaw pa ng aking mga paa na umalis dito.

Naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura, hindi pa nga pala ako kumakain.

Napagpasyahan kong maghanap ng restaurant sa loob ng hotel.

Sakto naman na may isang VIP Restaurant akong nakita. Dumaan muna ako dito upang magdinner.

Halos mga mayayaman ang kumakain doon. Hindi naman ako mayaman pero afford ko naman kumain sa mga sosyal na restaurant na katulad nito.

May mga iilang magkasintahan din ang kumakain. Ang sweet nilang tingnan. Hindi ko maiwasan mainggit sa kanila.

Naisip ko tuloy kung gaano na ba kami katagal na hindi lumalabas ni Atticus? Ilang araw na itong busy pati ang aming anniversary ay nakalimutan na.

Limang taon na kaming magkasintahan ngunit hindi pa namin ulit napag-uusapan ang tungkol sa kasal namin.

Hindi ko maiwasan na magtampo dito dahil hindi na niya ako maalala. Halos magduda na rin ako na baka may ibang babae na ito.

Pinili kong pwesto ay malapit lang sa may pintuan ng restaurant kung saan matatanaw ko ang bawat pumapasok at lumalabas doon.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong kinukutuban. Marahil ay sa gutom lamang iyon. Hindi ko na lang pinansin ang nararamdaman ko.

Tinawag ko na ang waiter at lumapit naman agad ito sa akin.

Masaya akong binati nito at magalang na itinanong ang aking order.

"Good evening ma'am.. Welcome to RMB restaurant! May I take your order?"

Napasulyap ako sa waiter. Hindi makakailang gwapo ito lalo na nang ngumiti at lumabas ang mga dimple nito.

"One order of Lobster Pappardelle with Brown Butter Crumbs, please!

and... ahmmm.. Sticky Toffee Date Pudding."

Mabilis naman nitong isinulat ang kanyang order.

"Something to drink, ma'am?" Muling tanong ng waiter.

"A glass of wine."

Habang naghihintay ako ng aking order hindi ko maiwasan tumingin sa pinutuan na para bang may inaasahang taong darating.

'Sino bang hinihintay ko?' sa isip-isip ko.

Pagkatapos ng labinlimang minuto ay dumating na rin ang order ko.

"Enjoy your meal ma'am!" Masayang saad ng waiter.

"Thank you!" Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko dito.

In fairness, maganda ang kanilang customer service.

Abala na ako sa pagkain kaya hindi ko na napapansin ang mga pumapasok sa restaurant na iyon.

Narinig ko ang boses ng waiter sa kabilang table na kinukuha ang order ng bagong dating.

"Good evening sir and ma'am.. Welcome back to RMB Restaurant!"

Magiliw na saad ng waiter dito, mukhang regular customer na nila ang mga iyon.

Hindi naman akong nag-abalang tingnan ang nasa kabilang table dahil nakapwesto iyon sa bandang likuran ko.

Tapos na akong kumain kaya kinuha ko ang wine at sinimsim ang laman niyon.

"Would you like something to start?" Tanong pa rin iyon ng waiter sa kabilang table.

"Can we’ve two sweet corn soups with some garlic bread and vegetable platter for starters?"

Umalis na ang waiter upang kunin ang order ng babae.

After 10 mins bumalik na ang waiter para i serve ang order ng mga ito. Sakto naman na tapos na ako.

Nakita naman ng waiter na tumayo na ako kaya naman lumapit ito sa akin.

"Have you finished, ma'am?"

Tumango lang ako dito sabay inabot ko na ang bill kasama na ang tip ko para sa kanya.

"Thank you ma'am!" Masayang saad ng waiter.

Laking tuwa nito ng makitang malaking tip ang ibinigay ko sa kanya.

"You deserve it." Nakangiting kong saad dito.

"Excuse me.. waiter!" Tawag ng babaeng nasa kabilang table na ikinalingon naming dalawa.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan. Ni hindi ako makagalaw ng maayos dahil unti-unting nanginig ang aking katawan.

'Kalma ka lang self. Namamalikmata ka lang. Pikit ka muna, at hingang malalim. Hindi siya ang nobyo mo.' Pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

Pumikit ako saglit, pagkaraa'y nagmulat din agad.

Nakita kong lumapit ang waiter sa babae. Maganda ito at mestisa. Hindi makakailang mayaman ang babae dahil nakasisilaw ang suot nitong mga alahas.

Naagaw ang atensyon ko sa nakaumbok na tiyan ng babae. Kung titingnan ay malapit na itong manganak dahil mababa na ang tiyan nito.

Awang ang mga labi na napatitig ako sa babae at halos kapusin ako ng hininga nang tumingin ako sa lalaking kasama nito.

Daig pa ni Atticus ang nakakita ng multo nang magtama ang aming mga mata. Kinakausap siya ng babaeng kasama niya ngunit hindi ito makapagsalita.

"Honey! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ng babae.

Sinundan ng babae kung saan nakatingin si Atticus.

Mukhang nagulat ang babae nang makita niya ako ngunit saglit lamang iyon.

"Who is she, honey?"

Mukhang natauhan naman si Atticus nang kalabitin siya ng babae.

"I- I don't k-know honey."

Mabilis naman nag-iwas ng tingin sa akin si Atticus.

Kuyom ang mga palad kong tiningnan ito ng masama. Kaya pala iba ang kutob ko kanina. Malalaman ko palang niloloko ako gago kong nobyo.

"Are you sure honey? Then why she's starring at you like that?" Taas-kilay na tanong ng babae.

Muling bumalik ang tingin sa akin ng magaling kong nobyo. Halos makiusap ang mga mata nito na huwag akong gumawa ng eskandalo doon.

Halos magdilim naman ang paningin ko. Kung nakakapaso lamang ang tingin ko ay kanina nasusunog ang mga ito.

"Yeah, maybe she just remember someone that looks like me!" Patay-malisyang saad ni Atticus.

Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi nito.

Paano niya nasasabi ang ganung bagay at nagagawa pa niyang kumain nang maayos gayong may tao siyang niloloko?

Gusto kong magwala ng mga oras na iyon. Sugurin at pagsasampalin ang aking nobyo.

Paano niya ako nagawang lokohin? Kaya pala hindi na niya ako nagagawang kumustahin dahil may iba na pala ito at buntis pa.

'How dare you! Anong mga pagkukulang ko sayo? Bakit nagawa mo sa akin to?' Mga katanungan na gusto kong itanong sa kanya ngunit hindi ko magawa.

Nararamdaman ko na ang pangingig ng aking mga tuhod. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay matutumba ako.

"Are you okay ma'am?" Nag-aalalang tanong ng waiter sa akin.

Tumango lang ko dito. Humawak ako sa upuan malapit sa akin upang hindi ako tuluyang matumba.

Bahagya kong kinapa ang singsing na binigay sa akin ni Atticus. Hindi ko na ito kailangan. Dahan-dahan kong tinanggal iyon at saka hinagis sa pagmumukha ng lalaki.

Napatayo ito sa kanyang kinauupuan dahil na gulat ito sa aking ginawa, maging ang babaeng kasama nito ay nagbigla din.

"What's your problem, bitch?" Galit na tumayo ang babae at humarap ito sa akin.

"Huwag mo akong matawag tawag na bitch, malandi ka! Bakit hindi mo itanong diyan sa magaling na lalaking iyan?."

Hah! Pasalamat ang babaeng 'toh. Kung hindi lang siya buntis ay baka nakatikim na ito sa akin.

Halatang hindi naintindihan ng babae ang aking sinabi dahil hindi naman ito nakakaintindi ng tagalog.

"What are you saying? Are you cursing me?"

Tumingin muna ako sa aking nobyo saka muling hinarap ang galit babae.

"He is my boyfriend for a long time. We have been in a relationship for five fvcking years!"

Halatang nagulat ang babae ngunit saglit lamang iyon. Pasimple akong tiningnan nito mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay kalmadong lumingon sa aking nobyo.

What? Ganun na lang ba 'yon? Ni hindi ito nagalit sa lalaki. Walang sampalan na nangyari?

"So, You're my fiancee's worthless girlfriend?" Taas kilay nitong tanong sa akin.

Napaismid lang ako sa sinabi nito. Kaya pala ganun lang ang reaksyon ng babae, nasabi na pala ng magaling kong nobyo ang tungkol sa akin. Ano kaya ang pinakain ng magaling kong nobyo dito sa babae.

"Kaya ba lagi kang busy? Iba na pala ang tinatrabaho mo!" Mapakla akong napangiti kay Atticus. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan ko malalaman na niloloko na pala ako. "Maghiwalay na tayo! Magsama kayo ng babae mo."

"Magpapaliwanag ako sayo, Eloise. Pero hindi ngayon. I'm soryy!" Nakayukong saad ni Atticus.

Tinawanan ko lamang ang sinabing iyon ng lalaki. Hindi ko na kailangan ang paliwanag nito. Para saan pa? Para lokohin lang ulit ako?

"Nagpapatawa ka ba, Atticus? Pagkatapos ng lahat ng ito, sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo?"

Tila napahiya naman ang lalaki. Ramdam ko ang galit nito para sa akin.

Muli akong tumingin sa babaeng kasama nito. "You are the most pathetic woman I have ever met." Saad ko dito at binigyan ko nang nakakaawang tingin.

Taas noo akong umalis. Ginamit ko ang natitirang lakas para makalayo sa lugar na iyon.

"You're fvcking crazy, bitch!"

Dinig ko pang sigaw ng babae ngunit hindi ko na iyon pinansin.

I hate you, Atticus! I hate you!

Hindi mawala-wala ang aking paghikbi habang naglalakad ako palabas ng hotel na 'yon. Walang humpay ang luha na umaagos mula sa aking mga mata.

Sa paglalakad ko ay hindi ko namalayan na may mabubunggo ako. Huli na bago pa ako nakaiwas.

"Awwww! My butt.. " Umiiyak kong d***g.

Naramdaman ko na lamang tumama ang aking puw*t at balakang sa sahig.

Masakit na nga ang aking puso tapos dumagdag pa ang aking puw*t at balakang. Huhu!

"Bakit ba kase may pader dito sa-"

Naputol ang sasabihin ko nang mapansin kong hindi pala ako sa pader nabangga.

'Gosh! Katawan pa ba yan ng tao?' sa isip-isip ko.

Matangkad ang lalaki at malapad ang katawan nito. Halatang alagang alaga ito sa gym.

Pasimple ko naman Tinitigan ang mukha niya. Mayroon itong kulay sea rover-blue at bilog na bilog na mga mata, bumagay sa kanya ang makapal nitong kilay. May matangos siyang ilong at manipis na kulay pulang mga labi. Bagong ahit naman ang bigote at balbas ng binata. Napakalinis niyang tingan.

Napatingin ako sa ibabang bahagi ng katawan nito.

'Sabi nila kapag matangkad at malaki ang katawan. Kabaligtaran naman iyon sa kanilang mga ari.' wala sa sariling napangiti ako nang maisip ko iyon.

Nababaliw na yata ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status