Share

Kabanata 2 - Ang Pagtatagpo

Elijah's Point of View

Nang malaman kong nasa West Coast Luxury hotel si Sofia ay nagmadali na akong pumunta doon. Wala akong sinayang na oras dahil baka hind ko na naman maabutan ang dalaga.

First Love ko si Sofia. Limang taon kaming magkasintahan ngunit bigla na lang siyang hindi nagpakita sa akin. Isang linggo na lang bago ang aming kasal nang umalis ito kaya halos mabaliw ako sa pagkawala niya. Pinahanap ko na ito sa buong Pilipinas ngunit hindi ito nakita.

Nalaman ko na lamang na umalis na pala ito ng bansa. Mag-iisang taon na ang nakalilipas. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng dalaga kung bakit bigla na lang ako nitong iniwan.

Ayon sa mga kamag-anak niya ay hindi rin nagpaalam sa kanila ang dalaga. Maging sila ay nagtataka sa biglaang pag-alis nito.

Sa nakuhang impormasyon ng aking detective, dito sa Canada pansamantalang naninirahan ang dalaga.

Sa pagmamadali ko ay hindi ko naiwasan ang babaeng papalapit sa akin. Hindi ito nakatingin sa kanyang dinaraanan kaya naman bumunggo ito sa akin.

Malaki ang aking katawan kaya kitang kita ko kung paano tumilapon ang babae. Mabilis ko itong nilapitan dahil halos d*****g na sa sakit ang dalaga.

"Are you okay, Miss?" Nag-aalalang tanong ko dito.

Marahan kong iniabot ang aking kamay upang tulungan ang babaeng makatayo ngunit hindi niya iyon tinanggap. Napa-awang na lang ang sulok ng aking labi.

Nakangiwing tumayo ang babae habang hawak-hawak niya ang kanyang balakang. Marahan nitong pinagpagan ang kanyang puwitan dahil nadumihan iyon, saka masungit niya akong hinarap.

"Do I even look okay? Huh?!" Hindi napigilan ng babae ang umiyak.

"I'm sorry, miss. I didn't mean to hurt you. Please don't cry."

Hindi ko malaman kung paano ko patatahanin sa pag-iyak ang babae. 'Holy sh*t! Ayaw ko sa lahat ay ang makakita ako ng babaeng umiiyak.

Bigla kong niyakap ng mahigpit ang babae. "I'm sorry! Please don't cry, honey!"

Maging ang babae ay tila nabigla sa aking ginawa pero hindi ito kumibo. Hinayaan lamang niya akong yakapin ko siya. Narinig ko ang mahinang pag hikbi nito.

"It's not your fault. It's my ex-boyfriend's fault." Mahinang usal nito.

Kaya siya umiiyak dahil sa ex-boyfriend niya? Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman ko iyon. Dadalhin ko na sana siya sa ospital pero mukhang yakap lang ang kailangan ng babaeng ito.

Pagkalipas ng ilang minuto ay kumawala na rin ito sa aking pagkakayakap.

"Are you feeling better, miss?"

Nahihiya naman itong tumango sa akin. "Thank you!"

Banayad niyang pinunasan ang kanyang mga luha saka tumingin sa akin. Ngayon ay mas natitigan ko ng maayos ang mukha ng dalaga.

Para itong anghel sa sobrang amo ng mukha. Nakaramdam ako ng galit para sa lalaking nagpaiyak dito. Paano nito nagawang saktan ang ganito kagandang dalaga? Noong una kong makita si Sofia, akala ko'y wala na akong makikitang babae na mas gaganda pa sa kanya. Ngunit kahit walang makeup ang babaeng nasa harap ko ay hindi ko mapigilan ang humanga dito.

'Oh sh*t!" Napamura ako sa aking isip nang maalala si Sofia. Napapikit ako nang mariin, kailangan mapuntahan ko na siya.

"I'm sorry miss, but I have to go-"

Luminga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko na nakita ang dalaga.

"Saan na pumunta 'yon?" Kakamot-kamot ako sa aking ulo. Sayang hindi ko nakuha ang kanyang pangalan.

Halos kumabog ang aking dibdib nang marating ko na ang kinaroroonan ni Sofia. Nakita ko siya sa isang restaurant at tila may hinihintay.

Hindi pa rin ito nagbabago. Maganda pa rin ang dalaga. Sexy ito sa suot niyang kulay pulang backless dress na hanggang hita lang ang haba.

Kinakabahan akong lumapit sa dalaga.

"S-Sofia?" Halos mautal ako.

"Elijah?.. W-what are you doing here?" Gulat na tanong ni Sofia. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang lalaki dito.

"I miss you, Sofia!" Mahigpit ko itong niyakap. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na muli siyang makita at mayakap. At sa pagkakataong ito ay hindi ko na hahayaang mawala ulit siya sa akin. "Ang tagal kitang hinanap, dito lang pala kita makikita."

"Elijah, please bitawan mo ako!" Nahihirapang saad ni Sofia. Halos mamutla na ang dalaga.

"Are you okay, honey? Bakit parang nagmumutla ka?"

Nag-aalala kong tanong dito. Parang hindi ito mapakali.

"Umalis kana, Elijah. Please! Sa ibang araw na lang tayo mag-usap."

"No!" Matigas kong tutol sa sinabi nito. "Ang tagal kong hinintay na makita ka, Sofia. Huwag mo naman gawin sa 'kin ito. Alam mong mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa akin. Bumalik ka na sa 'kin. Umuwi na tayo ng Pilipinas."

Mariin itong umiling.

Pakiramdam ko'y ibang Sofia ang aking kaharap. Hindi na siya ang Sofia nakilala ko limang taon na ang nakalilipas.

"Hindi ako sasama sa'yo! Hindi na ako babalik ng Pilipinas, Elijah. Kaya ako umalis doon ay dahil ayaw na kitang makita at makasama pa!"

Halos madurog ang puso ko sa sinabing iyon ni Sofia. Lumuhod ako sa kanyang harapan. Umaasang babalik ito sa akin. Babalik ang dating Sofia na kilala ko.

"Nagmamakaawa ako sa'yo, sumama ka na sa akin. Itutuloy pa rin natin ang kasal."

Nakita kong tumulo ang mga luha ng dalaga. Umiiyak ang babaeng pinakamamahal ko. "I'm sorry, Elijah but I'm married." Ipinakita niya ang kanyang singsing. "Isang taon na, simula ng akoy ikinasal."

Awang ang mga labi kong napatingala sa kanya. Hindi ako makapaniwalang ikinasal na ito habang ako'y halos masiraan ng ulo kakahanap sa kanya.

"Paano mo nagawa sa akin ito, Sofia? Isang taon ka ng kasal?" Hindi ko napigilan ang magalit. Kailan pa ako nito niloloko? "Bullsh*t! Isang linggo na lang bago ang kasal natin saka ka umalis. Tapos ngayon sasabihin mong isang taon ka ng kasal? Matagal mo na ba akong niloloko?"

"I'm sorry, Elijha. Natakot akong umamin sayo noon dahil ayaw kong masaktan ka. Pero 'yong pagmamahal ko sayo unti-unti nang nawala. Hindi ko alam kong bakit. Gumising na lang ako isang umaga na hindi na kita mahal, hindi na ikaw ang gusto ko." Umiiyak na saad ni Sofia.

"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan? Pinagmukha mo akong tanga. Sana ipinaliwanag mo sa akin ng maayos para hindi ako mukhang tangang umaasa sayo!"

Hindi makaimik si Sofia. Tahimik lang itong umiiyak.

"Huwag kang umiyak, Sofia. Alam mong ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak!" Tiim-baga kong naiyukom ang aking mga kamay.

"Sino? Sino ang lalaking pinakasalan mo?" Malamig ang boses kong tanong sa kanya.

Halos manginig naman ang dalaga. Tila nag-aalangan ito kung sasabihin o hindi.

Bago pa man makapagsalita si Sofia ay may narinig akong boses na pamilyar sa akin.

"Ako ang lalaking pinakasalan niya."

Sabay kaming napalingon ni Sofia sa lalaking nagsalita mula sa aming likuran.

"Ikaw?!"

Hindi ko na napagilan ang aking sariling sugurin ang lalaki. Isang malakas na suntok ang nagpatumba sa lalaki.

"Elijah, please stop! Huwag mo siyang sasaktan." Pagmamakaawa sa akin ni Sofia.

Agad nitong nilapitan ang lalaki. "Hayaan mo na lang kami, Elijah. Hindi na kita mahal. Si Luke ang mahal ko!"

Tinulungan ni Sofia na makatayo si Luke.

Si Luke. Si Luke ang lalaking pinakasalan ni Sofia? Naging magkaibigan kami ni Luke noong college. Nagalit ito sa akin dahil iniwan siya ng girlfriend nito at ako ang tinuturong dahilan. Simula noon ay hindi na ito naglalapit sa akin at naging magkalaban na kami nito lalo na sa negosyo.

Gumaganti ba ito? At si Sofia ang nakita niyang paraan upang makaganti siya sa akin?

"Masakit ba, Elijah? Huwag kang mag-alala, ganyan din ang naramdaman ko nang iniwan ako ng girlfriend ko dahil sa'yo." Nakangising usal sa kanya ni Luke. Marahas niyang pinunasan ang ang kanyang labi na dumudugo. "Pero ngayon? Ako na ang mahal ni Sofia, asawa ko na siya ngayon, at kahit lumuha ka pa ng dugo, hindi na siya babalik sayo."

"Hayop ka! Isa kang traydor." Nilapitan ko siya. Hindi ako magsasawang durigin ang pagmumukha nito. Ngunit mabilis na hinarang ni Sofia ang katawan niya para hindi ko masakatan si Luke.

Isang matalim na tingin ang binigay ko sa dalaga. Ganun ba talaga niya kamahal ang lalaking iyon?

"Ako na lang ang saktan mo, Elijah. Walang kinalaman dito si Luke. Sa akin ka na lang magalit."

"Sa kabila ng lahat na ginawa ko para sa'yo, ito lang pala ang isusukli mo sa akin." Bigo akong sumuko. Wala ng dahilan upang ipaglaban pa ang pagmamahal ko sa isang babaeng dumurog ng pagkatao ko. "Pinagsisisihan ko nang minahal kita."

Isang malungkot ang sumilay sa mga mata ng dalaga, hindi ko alam kung para saan iyon. Pero para sa akin, wala ng halaga ang nararamdaman nito.

Bigong tumalikod na ako sa kanila.

"Mag-iingat ka, Elijah!"

Iyon ang huling mga salita ang narinig ko sa babaeng pinakamamahal ko bago ako tuluyang umalis. Kinapa ko ang isang maliit na kahon sa aking bulsa at marahas na itinapon iyon sa basurahan.

Dumeretso ako sa aking sasakyan kung saan ito nakaparada. Ilang oras na ako sa aking sasakyan ngunit hindi pa rin ako umaalis.

Halos mamaga na ang aking mga kamay kasusuntok ko sa manibela ng aking sasakyan. Kulang pa ang sakit ng aking kamay kumpara sa sakit na nararamdan ng puso ko.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko pinaandar ang aking sasakyan. Dumaan ako sa pinakamalapit na bar.

'Kailangan kong makalimot.'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status