Share

Kabanata 22 - I don't care. Nobya Kita!

Eloise's Point of View

Pagkalabas ko ng opisina ni Elijah ay nakita ko si Mary na namumugto ang mga mata. Halatang galing ito sa pag-iyak. Kanina lang ay pinagalitan siya ni Elijah kahit hindi naman niya sinasadyang makita ang ginagawa namin ni Elijah.

Umangat ang tingin niya sa akin nang dumaan ako sa tapat niya. Nag-aalangan naman akong ngumiti dito.

Lalagpasan ko na lamang sana ito ngunit mabilis niya akong tinawag.

"Ms. Eloise, gusto ko lang ho sanang humingi ng pasensya sa nangyari kanina. W-wala naman ho akong nakita." Nakayukong usal ni Mary.

"Huwag mo nang alalahanin iyon. At saka, kung ano man ang nakita mo kalimutan mo na lang 'yon." Mahinahon kong usal dito. Isang malapad na ngiti ang binigay ko dito bago ako umalis.

Ilang sandali pa ang lumipas at hindi ko namalayan ang oras. Kailangan ko nang makauwi dahil tiyak na naghihintay na sa akin si Avery.

Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng aking opisina.

Nakita ko si Mary na nag-aayos na rin ng kanyang sarili. Nakang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cristine Abetacion
kailan po next update nito?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status