Home / Romance / REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE / Kabanata 3 - Stay away from my girlfriend

Share

Kabanata 3 - Stay away from my girlfriend

Author: Maryahuwana
last update Last Updated: 2023-09-28 12:26:47

Eloise's Point of View

"Matagal ko nang sinasabi sayo di ba? Iwanan mo na ang lalaking iyon at umuwi ka na dito sa Pilipinas, pero hindi ka nakinig sa akin." Si Brynne iyon na nasa kabilang linya. "Mas pinili mo pang manatili diyan, lolokohin ka lang pala."

Mariin akong pumikit. Hawak-hawak ko ang aking sintido habang dahan-dahan kong minamasahe iyon. Tinawagan ko ito para kahit paano ay gumaan ang aking pakiramdam. Ngunit parang mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

Kaibigan ko ba talaga ang babaeng ito?

Matagal ko ng kaibigan si Brynne. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Minsan iniisip ko kung paano kami naging magkaibigan nito gayong magkaiba naman kami ng mga gusto.

Sa tuwing may problema kami ni Atticus ay sa kanya ako nagkukwento. Katulad na lang ngayon, nang malaman kong niloloko ako ni Atticus. Pero minsan, sesermonan ka lang niya sa halip na damayan ka.

Wala naman akong problema sa ugali ng kaibigan ko, kahit minsan ay may pagkamaldita ito.

Palagi niya akong pinipilit na umuwi ng Pilipinas ngunit lagi kong sinasabi sa kanya na hindi ko kayang iwanan dito sa Canada ang aking nobyo.

Pero ngayon, wala na akong maidadahilan sa kanya. Maaring tama ang kaibigan ko, kailangan ko na sigurong umuwi ng Pilipinas.

"Simula noong naging kami ni Atticus, wala naman kaming naging problema. Mahal na mahal niya ako, Brynne. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagbago. Ano bang ginawa ng babaeng 'yon para maagaw sa akin ang nobyo ko!"

Mahal na mahal ako ni Atticus, hindi siya nagkulang na iparamdam iyon sa akin. Kaya ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa niya akong lokohin.

"Hayaan mo na si Atticus sa bruhang iyon. Ang mahalaga hindi pa kayo kasal bago mo malaman ang tungkol sa babae niya."

Malungkot akong sumang-ayon sa aking kaibigan. Tama nga ito, mas mahirap kung kailan na kami kasal saka siya magloloko.

"At huwag mong iiyakan ang lalaking iyon. Ipakita mong hindi siya kawalan."

Malalim akong napabuntong hininga. Masakit pa rin sa akin ang pagtaksilan ni Atticus. Limang taon na halos sa kanya lang umikot ang mundo ko.

Matapos kong makausap si Brynne ay napagpasiyahan kong magtungo sa bar.

Isang miniskirt ang aking napiling isuot na aabot lang ang laylayan nito sa kalagitnaan ng aking mga hita. Pinaresan ko ito ng isang crop top.

Sa Guilt & CO ako dinala ng aking mga paa. Isa itong maliit na bar sa underground ng Gaston.

Pagkapasok ko sa loob ay isang maingay, mausok at halos marami ng mga lasing ang bumungad sa akin.

May mga live music din sila dito. Kunti lang ang tao ngayon dahil weekdays, kadalasan maraming tao dito kapag Sunday.

Naupo ako sa isang lamesa kung saan naghihintay sa akin si Aurora.

Tinawagan ako nito kanina at niyaya na mag bar kami. Hindi na ako nagdalawang isip na sumama.

Tinawag ko ang waiter. Lumapit naman agad ito at magalang na itinanong ang aming order.

"Give me two glasess of Sultry Holy Smoke cocktail." Saad ko sa waiter.

Pagkaalis ng waiter ay binalingan ko si Aurora. Kanina pa ito naghihitay sa akin. Iisang kumpanya lang ang aming pinagtatrabahuhan. Isa din siyang pinoy na katulad kong nagtatrabaho dito sa Canada. Madalas niya akong yayain na mag bar pero lagi ko iyong tinatanggihan.

Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakapasok na ganitong klaseng lugar. Nasanay akong puro tarabaho at bahay lamang. Hindi ko inaasahan na masaya palang pumunta sa ganitong lugar.

"Tinawagan ka na ba ng magaling mong boyfriend?" Pagkaraa'y tanong sa akin ni Aurora.

Nasabi ko sa kanya na naghiwalay na kami ng boyfriend kaya gusto kong maglasing ngayon.

"Ex-boyfriend, rather!" Pagtatama ko dito. "And please, don't mention again that fvcking bastard!"

Nakangiting itinaas ni Aurora ang kanyang mga kamay ng bigyan ko ito ng masamang tingin. "Maghanap na lang tayo dito ng lalaki! Look, ang daming mga gwapo!!" Pasimpleng itinuro sa kanya ni Aurora ang mga lalaki sa kabilang table. Nakita kong kumayaw pa ito sa amin. Hindi makakailang mga gwapo nga ang mga Canadian ngunit hindi ko type ang mga ito.

"Sakit lang sila sa ulo!" Walang ganang saad ko.

"Paano mo makakalimutan ang ex-boyfriend mo kung hindi ka hahanap ng papalit sa kanya? Siya lang ba ang may karapatan humanap ng iba?"

Inirapan ko lang si Aurura. Ngunit tama nga naman ang sinabi nito. Kailangan kong makanahap ng iba para makalimutan ko ang walang hiya kong ex.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang drinks na aking inorder. Agad kong sinimsim ang alak habang abala sa panunuod sa mga masasayang nagsasayaw doon.

Nangangalhati pa lang ang alak sa aking baso ngunit nag-order ulit si Aurora. Naubos na pala ang alak nito.

'Mukhang hindi lang ako ang may problema dito' sa isip-isip ko. Hindi mo mahahalata sa babae na may problema ito dahil masayahin at palaban ito.

"Friend, sayaw tayo!" Saad ni Aurora.

Wala akong nagawa nang hilahin niya ako sa gitna ng dancefloor.

Maraming naghihiyawan habang sumasayaw. Sumasabay sila sa bawat beat ng tugtog. Nakita kong masayang nagsasayaw si Aurora kaya naman ay nakisali na rin ako. May mga lalaking lumapit sa amin upang makipagsayaw. Masaya pero mas gusto kong maupo na lang at uminom.

"Friend, upo na muna tayo! Pagod na ako eh!" Reklamo ko kay Aurora. Pasigaw ko iyong sinabi sa kanya dahil halos hindi na kami magkarinigan dahil sa malakas na tugtog. Ngunit halatang nag-eenjoy pa ito kaya naman iniwanan ko muna siya.

Bumalik na ako sa aming lamesa at muli akong nag-order ng alak.

Nakakailang baso na ako ngunit hindi pa rin bumabalik si Aurora. Hindi na rin niya ito makita dahil maraming tao na ang nagsasayaw doon.

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng bar, baka napunta na sa ibang table si Aurora.

Paglingon ko sa isang sulok ay namataan ko ang isang tila pamilyar na lalaki. Madilim sa gawing iyon ng lalaki ngunit may iilang liwanag ang tumatama sa mukha nito. Sumasakit na ang aking ulo kakaisip kung saan ko ba nakita ang lalaking iyon.

Mag-isa lang ito at mukhang marami na din ang nainom. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dito nang lumingon siya sa akin.

'OhmiiGod!' Ito 'yong lalaking nakabungguan ko kanina. Nakilala kaya niya ako?

Nagulat ako sa pagyakap niya sa akin kanina, pero hinayaan ko lamang iyon dahil gumaan ang pakiramdam ko. Isang mahigpit na yakap lang ang ibinigay sa akin ng lalaki pero naramdaman kong nawala lahat ng sakit nararamdaman ko noong mga oras na iyon.

Pasimple ko ulit tiningnan ang lalaki ngunit hindi na siya nakatingin sa akin. 'Hmmm.. mukhang hindi naman niya ako natandaan.'

May isang matandang lasing na lalaki ang biglang lumapit sa akin. Nakakatakot ang hitsura nito.

"Hi Miss beautiful..Are you alone? Can I join you?" Nakangising wika nito.

Matamang pinagmamasdan nito ang aking katawan. Nakaramdam ako ng kaba dahil mukhang manyak ang matandang iyon.

"A-ahmm.. I'm sorry sir but.. I was with my boyfriend, he just went to the comfort room." Kalmadong saad ko dito. Hindi ako nagpahalatang kinakabahan ako.

'Fvck!' Isang malutong na mura ang pinakawalan ko sa aking isip. Napansin kong tila hindi ito naniniwala sa sinabi ko.

"Looks like your boyfriend left you miss, I've been seeing you alone for a while!" Nakangisi pa rin nitong usal. Sinisipat nitong mabuti ang ang katawan. "You're hot, little girl."

Unti-unting nanginig ang buo kong katawan ng tila walang balak umalis ang lalaking iyon. Napansin ko din na may iba pa itong mga kasama.

Asan na ba kasi si Aurora? Kailangan na namin makaalis dito.

Lasing na ako at wala na akong lakas para lumaban pa sa mga lalaking ito.

Tumayo na ako at aakmang aalis na ngunit pinigilan ako ng lalaki. Marahas niyang hinawakan ang braso ko. Napansin ko din sa dulo ng aking mga mata na naglapitan na ang iba pa niyang mga kasama.

'Oh my God! Ano ba itong napasok ko.'

"Where are you going, little girl? I'm still talking to you."

****

Sa kabilang banda, tahimik na nag-iinom si Elijah sa isang sulok. Napansin niya pagpasok ng isang babae sa bar na iyon. Hindi inaasahan ni Elijah na muli niyang makikita ang babaeng nakabungguan niya kanina.

Hindi muna siya lumapit dito, hinayaan muna niya itong mag-enjoy. Pinagmamasdan lang niya ito mula sa malayo.

Medyo lasing na ang babae kaya naman napagpasiyahan niyang lapitan na ito. Bago pa man siya makalapit ay may isang lalaking nauna nang nakalapit sa babae. May mga kasamahan pa ito sakabilang table. Mukhang may hindi magandang gagawin ang mga ito.

Bigla niyang niyukom ang kanyang mga kamay, pinipigilan niya ang kanyang sarili na lumikha ng gulo.

"Let her go and stay away from my girlfriend!!" Isang malamig na boses ang pinakawalan ni Elijah.

Napalingon sa kanya ang lalaki. Binitawan naman nito ang babae ng makita madilim ang awra ng binata.

Tiningnan niya ang babae. Bakas pa rin sa mukha nito ang takot. "Are you okay, honey?" Tanong ni Elijah dito. Marahang tumango naman ito sa kanya.

"I'm sory! I thought she was alone." Dismayado namang saad ng lalaki kay Elijah. Mukhang nanghinayang ito ng malaman na may boyfriend na ang babae. Umalis na lang ito at bumalik sa table kung saan nandoon ang mga kasama nito.

Naramdaman na lang ni Elijah na yumakap sa kanya ang dalaga.

Lihim siyang napangiti dahil dito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 27 - "Kailangan Mong Parusahan"

    Eloise's Point of View Magkahalong kaba at pag-aalala ang aking nararamdaman ngayon. Katatapos lamang nang aming pag-uusap ni Brynne sa telepono. Umiiyak ito dahil sa kanyang natuklasan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa aking anak. Paano kung malaman niyang ako ang ina ni Avery? Tiyak na malaking gulo ito. "Oh ate, okay ka lang? Bakit tila namumutla ka diyan?" May pag-aalalang tanong sa akin ni Nicole. "O-okay lang ako, Nicole." Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Mabilis akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo at tinungo ang aking kwarto. Nagtataka namang sumunod sa akin si Nicole. "Saan ka pupunta, ate?" Usisa nito nang maabutan niya akong nagbibihis. "May pupuntahan lang ako, Nicole. Pakisabi na rin kay Elijah na wag na nila akong intaying umuwi mamaya." Usal ko dito habang ina-ayos ko ang suot kong damit. Simpleng bestida lamang ang sinuot ko dahil doon ako mas kumportable. "Pero ate, alam ba ni sir Elijah kung saan ka pupunta?" Isang b

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 26 - She is my daughter

    Third Person's Point of View"I love you too, Elijah." Ani ni Eloise sa kabilang linya.Malapad naman na napangiti si Elijah sa naging tugon ni Eloise. Tila isang musika iyon sa kanyang pandinig. Nararamdaman niyang unti-unti na rin nahuhulog sa kanya ang dalaga kaya naman hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na iyon upang mabuo ang kanilang pamilya."Good morning, sir Elijah. Remind ko lang po ang appointment ninyo kay Mr. Sandoval mamayang Ala una." Ani ni Mary na bahagya lamang nakasilip ang kanyang ulo sa pintuan. Hindi siya nag-atubiling pumasok sa opisina dahil tila malalim ang iniisip ng kanyang boss kaya hindi nito narinig ang kanyang pagkatok. "Cancel mo na lahat ng meeting ko ngayon, Mary. Susunduin ko ang aking anak sa school niya mamaya." Walang ka emo-emosyong usal ni Elijah sa kanyang secretary.Bahagya namang nagtaka si Mary dahil sa kanyang narinig. 'Anak? May anak na pala si sir Elijah?' Usal ni Mary sa kanyang isipan.Hindi na nagtanong pa si Mary dahil natatako

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 25 - Miss me?

    Eloise's Point of ViewNaramdaman ko ang kanyang dila na pilit pinaghihiwalay ang aking mga labi kaya naman inawang ko iyon ng bahagya.At tuluyan na nga niyang naangkin ang aking mga labi. Ang mga dila nito ay unti-unti nang nilalaro ang aking dila sa loob. Tila nawalan na ako nang lakas na pigilan siya dahil trinaydor na ako ng sarili kong katawan. Kusa na akong tumugon sa maiinit niyang mga halik. Mahigpit akong napayakap sa lalaki ng mas lumalim pa ang mga bawat halik nito. Kakaibang kiliti ang dulot ng mga halik niya na tila ba mawawala na ako sa aking sarili."Ahhmm.. t-teka lang." Pigil ko kay Elijah nang ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking damit. Sandaling bumalik ang aking katinuan dahil doon.Hindi dapat ako magpadala sa bugso ng aking damdamin.Kunot-noo naman na napatingin ang lalaki sa akin ngunit maya-maya ay napabuntong hininga na lamang ito."I'm sorry, Sweetheart. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Hinging paumanhin nito. "Matulog na tayo."Nakaramdam

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 24 - Can I Kiss You?

    Eloise's Point of ViewAwang ang aking mga labing napatitig na lamang sa kanya. God! Seryoso ba siya? At sa harap pa ng aming anak sinabi."N-nagbibiro ka ba? Hindi mo naman kailangan sabihin iyon dahil gusto ng anak-" Napatigil ako sa aking sasabihin nang ilapat niya ang kanyang daliri sa aking bibig."Shhh.. I love you, baby." Mahinang bulong ni Elijah sa akin. "Mahal ko kayo ng anak natin." "Pero Mr. Montereal-" Hindi ako nakagalaw nang bigla niyang idampi ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Mabilis lamang ang pangyayaring iyon ngunit nag-iwan iyon sa aking katawan ng libo-libong kiliti."Yey! Love nila mommy at daddy ang isa't isa." Kinikilig na usal ni Avery nang makita niyang hinalikan ako ni Elijah.Hindi ko naman mapigilan ang pamulahan ng pisngi dahil sa nakaramdam ako nang kaunting hiya."Love na love ka namin ng mommy mo, My Princess." Nakangiting usal naman ni Elijah saka mahigpit na niyakap si Avery. "Gusto mo bang makiyakap sa amin?" Baling naman nito sa akin.Wala

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 23 - I Love You

    Eloise's Point of View Ilang mga hakbang ang aking ginawa papunta sa aking kwarto upang magpalit ng damit. Naiwan naman sa sala ang aking anak at si Elijah. "Dito na po kayo matulog, daddy." Narinig kong usal ni Avery kay Elijah bago pa man ako tuluyang makapasok sa aking kwarto. Saglit akong natigilan at bahagyang napalingon sa gawi ng aking mag-ama.Hindi ko naman nagustuhan ang sinabing iyon ni Avery. Dalawa lamang ang aming kwarto at walang matutulugan ang lalaki. Hindi naman pwedeng sa kwarto ng aking anak ito matulog dahil doon rin natutulog si Nicole.Sinamaan ko nang tingin ang aking anak. Agad naman itong nag-iwas nang tingin sa akin at saka sumiksik sa kanyang daddy. Alam niyang galit ako pero patay-malisya lamang ito dahil naroroon ang kanyang ama. Pilit ko naman pinakalma ang aking sarili at humiling na sana'y hindi pumayag ang lalaki. Napansin ko na natigilan din si Elijah ngunit agad din naman itong nakabawi. Kunwa'y nag-isip muna ito bago malapad na ngumisi sa ak

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 22 - I don't care. Nobya Kita!

    Eloise's Point of ViewPagkalabas ko ng opisina ni Elijah ay nakita ko si Mary na namumugto ang mga mata. Halatang galing ito sa pag-iyak. Kanina lang ay pinagalitan siya ni Elijah kahit hindi naman niya sinasadyang makita ang ginagawa namin ni Elijah.Umangat ang tingin niya sa akin nang dumaan ako sa tapat niya. Nag-aalangan naman akong ngumiti dito.Lalagpasan ko na lamang sana ito ngunit mabilis niya akong tinawag."Ms. Eloise, gusto ko lang ho sanang humingi ng pasensya sa nangyari kanina. W-wala naman ho akong nakita." Nakayukong usal ni Mary."Huwag mo nang alalahanin iyon. At saka, kung ano man ang nakita mo kalimutan mo na lang 'yon." Mahinahon kong usal dito. Isang malapad na ngiti ang binigay ko dito bago ako umalis.Ilang sandali pa ang lumipas at hindi ko namalayan ang oras. Kailangan ko nang makauwi dahil tiyak na naghihintay na sa akin si Avery.Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng aking opisina.Nakita ko si Mary na nag-aayos na rin ng kanyang sarili. Nakang

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 21 - Alam ko na ang lahat

    Eloise's Point of View"Nagseselos ka ba kay Sofia?" Napapaos na tanong ni Elijah sa akin. Nakakulong pa rin ako sa kanyang mga bisig at halos magkapalitan na kami ng hininga. "Hindi 'no! At saka bakit naman ako magseselos sa kanya?" Nakairap kong usal dito.Bahagya ko siyang itinulak. Pakiramdam ko'y hindi ako makahinga dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.Subalit mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin at halos isang hibla na lamang ng buhok ang aming pagitan. Amoy na amoy ko na rin ang mabango nitong hininga."Hmm.. Wala akong ginawa kay Sofia na ikaseselos, honey." Malamig ang boses na usal ni Elijah. Halos kapusin ako nang hininga nang unti-unti niyang inilapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi.Wala sa sariling nagpaubaya ako sa matamis nitong mga halik. Mariin akong napapikit at ninamnam ko ang malalambot niyang mga labi."Uhm.." Mahihinang ungol ang lumabas sa aking bibig. Mahigpit akong napayakap sa lalaki habang tinutugunan ko ang kanyang mapupusok na halik.

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 20 - Nagseselos ako

    Eloise's Point of ViewDahil sa pangyayari kahapon ay hindi ko muna pinapasok si Avery. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nito at ayaw ko nang maulit pa iyon.Abala ako sa aking trabaho nang dumating si Elijah. Kasama nito si Sofia at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan dahil hindi minlang nagawang tumingin sa akin ng lalaki.Mapakla akong napangiti sa aking sarili.Ano bang inaasahan ko sa kanya? Ama lamang siya ng aking anak at 'yon lamang ang nag-uugnay sa aming dalawa. Bakit ba kasi siya ang nasa isip ko? Hayss.. Ipinilig ko ang aking ulo upang mawala sa aking isipan ang lalaki. Pinilit ko ang aking sarili na pagtuunan nang pansin ang aking trabaho ngunit kahit anong gawin ko ay walang pumapasok sa aking utak.Dalawang oras ng nasa loob ang dalawa ngunit hindi pa rin lumalabas hanggang ngayon.'Ano kayang ginagawa nila sa loob at saka bakit ang tagal naman nilang mag-usap?' Himutok ko sa aking sarili.Ang sabi niya sa akin ay ngayon namin pag-uusapan ang tungkol kay Avery per

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 19 - She is my daughter

    Eloise's Point of View"Daddy!" Sigaw ni Amelia at Avery nang makita nila si Elijah.Napansin kong nangunot naman ang noo ni Elijah nang makita niya si Avery. Hindi siguro niya inaasahan na makikita niyang muli ang aking anak. Mas lalo pang bumakas ang pagtataka nito nang lumapit sa akin si Avery.Parang napako si Elijah sa kanyang kinatatayuan. Kunot-noong nakatitig lamang ito sa aming dalawa ni Avery."Anak mo ba siya, Eloise?" Malamig ang boses na tanong ni Elijah. Madilim ang awra nito at halatang pinipigilan ang sariling hindi magalit."O-oo, a-anak ko siya, Mr. Montereal." Nauutal kong tugon dito.Napatango-tango naman si Elijah. At tila may malalim na iniisip."Daddy Elijah, mabuti po at dumating kayo." Saad ni Amelia kay Elijah subalit wala ang atensyon ng lalaki sa bata. Napansin ni Amelia na nakatitig ang kanyang daddy Elijah kay Avery. Nanlaki naman ang mga mata nito nang mapansin na magkamukha ang dalawa.Nag-iwas naman ako nang tingin sa nakatutunaw na tingin ni Elijah. Al

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status