Share

Kabanata 20 - Nagseselos ako

Eloise's Point of View

Dahil sa pangyayari kahapon ay hindi ko muna pinapasok si Avery. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nito at ayaw ko nang maulit pa iyon.

Abala ako sa aking trabaho nang dumating si Elijah. Kasama nito si Sofia at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan dahil hindi minlang nagawang tumingin sa akin ng lalaki.

Mapakla akong napangiti sa aking sarili.

Ano bang inaasahan ko sa kanya? Ama lamang siya ng aking anak at 'yon lamang ang nag-uugnay sa aming dalawa.

Bakit ba kasi siya ang nasa isip ko? Hayss..

Ipinilig ko ang aking ulo upang mawala sa aking isipan ang lalaki. Pinilit ko ang aking sarili na pagtuunan nang pansin ang aking trabaho ngunit kahit anong gawin ko ay walang pumapasok sa aking utak.

Dalawang oras ng nasa loob ang dalawa ngunit hindi pa rin lumalabas hanggang ngayon.

'Ano kayang ginagawa nila sa loob at saka bakit ang tagal naman nilang mag-usap?' Himutok ko sa aking sarili.

Ang sabi niya sa akin ay ngayon namin pag-uusapan ang tungkol kay Avery per
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status