/ Romance / REMEMBER ME, NEVER / Chapter 4 "Our Room"

공유

Chapter 4 "Our Room"

last update 게시일: 2026-08-10 19:25:01

Elena's Pov

Hindi ko namalayang napahinto ako sa harap ng isang napakalaking pintuan sa ikalawang palapag ng mansion. Tahimik na tumayo si Alessandro sa tabi ko. Sa loob ng ilang segundo ay hindi siya nagsalita. Marahan lang niyang ipinatong ang kamay sa doorknob bago ito dahan-dahang pinihit.

Nagbukas ang pintuan, at halos mapasinghap ako sa bumungad sa akin. Napakalawak ng silid, ang unang sumalubong sa akin ay ang napakalaking king-size bed na nababalutan ng kulay puting kumot at malalambot na unan. Sa tapat nito ay isang floor-to-ceiling window na tanaw ang malawak na hardin ng mansion. Sa isang sulok naman ay may fireplace, habang ang kabilang bahagi ng kwarto ay may bookshelf at isang maliit na sitting area.

Dahan-dahan akong pumasok habang palinga-linga sa paligid, napakaganda.

Ngunit isang bagay ang agad na nakakuha ng atensyon ko.

Isa lang ang kama, huminto ako sa paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako bago dahan-dahang lumingon kay Alessandro.

"So... Ahmp... this..." Nauutal ako, hindi ko man lang maituloy-tuloy ang gusto kong itanong, bahagya akong natigilan. "...our room?" Tahimik siyang tumango.

"Yes." Isang salita lang, ngunit sapat na iyon upang lalo akong kabahan. Muli akong napatingin sa kama. Unti-unting nagsimulang maglaro ang iba't ibang tanong sa isip ko.

Kung mag-asawa nga kami... Ibig sabihin... magkasama kaming natutulog dito? Napapikit ako, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, sunod-sunod na kung anu-anong imahe ang pumasok sa isip ko.

Ako... si Alessandro, magkahawak ng kamay.

magkayakap... magkahalikan... At... Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kong iniling ang ulo ko.

"Hindi... Oh god..." Mahina kong bulong sa sarili.

"Bakit iyon ang iniisip mo, Elena?" Tanong ko sa sarili, Ramdam kong uminit ang magkabilang pisngi ko.

Gusto kong ibaon ang mukha ko sa sahig dahil sa hiya. Kung asawa ko nga siya... Normal lang naman sigurong mangyari ang mga bagay na iyon... Pero para sa akin... Isa pa rin siyang estranghero. Dahil ang tanging nalalaman ko sa sarili ko ay ang aking pangalan lamang, na ako si Elena Castillo Luca.

At nagyon ang isipin na baka mas malalim pa roon ang naging relasyon namin noon ay sapat nang magpatigil sa paghinga ko, napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, na para bang may humahabol rito. Parang gusto nang lumabas ng puso ko.

"You're blushing." Halos mapatalon ako sa gulat.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Alessandro. Nakatingin lang siya sa akin, Katulad ng dati, seryoso pa rin ang mukha niya. Laging nakakunot ang noo at walang anumang bakas ng ngiti.

Ngunit kakaiba ang mga mata niya ngayon,. Hindi malamig... kundi puno ng pag-aalala.

"I..." Mabilis akong umiwas ng tingin. "Wala."

Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang mga iniisip ko, Nakakahiya.

Napabuntong-hininga siya, pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilapit ang isang kamay sa mukha ko. Sandali akong natigilan, napakabagal ng bawat galaw niya. Para bang binibigyan niya ako ng pagkakataong umiwas kung gugustuhin ko.

Ngunit hindi ako gumalaw. Marahan niyang isinukbit sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa pisngi ko. Kasunod niyon ay marahan niyang hinaplos ang mukha ko gamit ang likod ng kanyang mga daliri.

Napapikit ako. Bakit ba ganito, bakit... bakit sa tuwing ang lapit niya, iba-ibang boltahe ang nadarama kong gumagapang sa sarili ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit.

Napakasimple lang ng ginawa niya.

Pero pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga tuhod ko.

"Relax." Mahina ngunit malalim ang boses niya.

"You don't have to remember everything today."

Hindi ako makatingin sa kanya.

Ramdam ko ang init ng palad niya sa pisngi ko.

Unti-unti ring bumibilis ang tibok ng puso ko. Heto na naman, lagi nalamang ganito. Siguro kailangan ko na ring magpatinging sa doktor, baka hindi na normal ang bawat reaksyon ng aking puso.

Napansin marahil niya ang pagkailang ko dahil marahan niyang ibinaba ang kamay niya.

"I'm sorry," mahinahon niyang sabi. "I forgot that everything feels unfamiliar to you now."

Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko ang paghingi niya ng tawad, ako ang nakaramdam ng konsensya.

"H-Hindi..." Mahina kong sabi. "Hindi ka naman... nakakatakot." Saglit siyang natahimik.

Pagkatapos ay marahan niyang inabot ang kamay ko.

Magaan lang ang pagkakahawak niya rito, na para bang natatakot siyang masaktan ako.

Nang mapansin niyang tila nawawala ako sa balanse, kusang gumalaw ang isa pa niyang kamay at marahang pumulupot sa bewang ko upang alalayan akong makaupo sa gilid ng kama.

Napasinghap ako, Mabilis kong naramdaman ang init ng palad niya sa manipis na tela ng damit ko. Hindi naman mahigpit ang hawak niya. Ngunit sapat iyon upang maramdaman ko ang kakaibang kilig na gumapang sa buong katawan ko.

Hindi ko magawang umiwas... Ang totoo... Ayaw ko ring umiwas.

Diretsyo siyang nakatingin sa akin habang nananatili ang kamay niya sa bewang ko. Bahagya niyang hinaplos iyon gamit ang hinlalaki niya, tila ba isang simpleng paraan ng pagpapakalma.

"You're safe," mahina niyang bulong. "As long as I'm here... no one will hurt you." Hindi ko alam kung bakit. Parang lahat na lang hindi ko maipaliwanag at nakakainis iyon sa pakiramdam.

Pero sa mga sandaling iyon... Mas pinili ng puso kong maniwala sa kanya kaysa sa alaalang wala naman akong mahanap.

Lumpias ang ilang minuto, tahimik parin akong nakatayo sa gitna ng kwarto habang pinagmamasdan ang bawat sulok nito. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko. Para bang may kung anong pamilyar sa lugar na iyon, ngunit kasabay no'n ang matinding pagkalito dahil wala akong maalala. Ang bawat larawan sa dingding, ang mga muwebles, at maging ang amoy ng silid ay tila ba nagsasabing minsan ko na itong tinawag na tahanan, ngunit para sa akin ay isa lamang itong magandang kuwartong ngayon ko pa lang nakita.

"Come." Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang malalim na boses ni Alessandro. Sinundan ko siya hanggang sa isang malaking puting p***o sa dulo ng silid. Nang buksan niya iyon, halos mapasinghap ako sa laki ng walk-in closet. Nakahanay roon ang iba't ibang klase ng mga damit, sapatos, bag, at alahas. Napakaayos ng lahat, na para bang may sariling boutique sa loob ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko habang dahan-dahan akong lumapit.

"Lahat... ito ay?" halos pabulong kong tanong.

"They're yours." Hindi ako agad nakapagsalita. Marahan kong hinaplos ang isang simpleng puting damit na nakasabit sa harapan ko. Maganda iyon. Pakiramdam ko ay minsan ko na itong nakita, ngunit hanggang doon lang. Wala pa ring bumalik na alaala.

"I don't remember any of these," mahina kong sabi.

"It's okay," kalmado niyang tugon. "You don't have to remember everything." Marahan siyang kumuha ng isang beige dress at iniabot iyon sa akin. "You'll be more comfortable wearing this."

Tinanggap ko ang damit at bahagyang ngumiti.

"Thank you." Tumango lamang siya bilang tugon.

Paglabas namin ng walk-in closet, muling napunta ang tingin ko sa malaking kama sa gitna ng silid. Mabilis na naman ang tibok ng puso ko. Kanina pa umiikot sa isip ko ang isang tanong, ngunit ngayon ko lang nagawang itanong.

"Alessandro..."nLumingon siya sa akin. "Where... are you going to sleep?" Sandali siyang natahimik bago diretso akong tiningnan.

"Here." Napakurap ako.

"Here?" Parang tangang tanong ko.

"This is our room." Parang biglang uminit ang buong mukha ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Napayuko ako habang pilit pinapakalma ang sarili. Kung mag-asawa nga kami... Natural lang na iisang kuwarto ang ginagamit namin. At habang mas iniisip ko iyon, mas lalo lang akong namumula. Napailing ako sa sarili.

"Ano ba'ng iniisip mo, Elena?" Hindi ko namalayang napalalim na pala ang iniisip ko hanggang sa may isang anino ang huminto sa harapan ko.

Dahan-dahan akong napatingala, napakalapit na pala ni Alessandro. Hindi ko namalayang napaatras ako ng isang hakbang, ngunit agad niyang hinawakan ang bewang ko upang hindi ako mawalan ng balanse.

Napasinghap na naman ako, dahil sa mainit niyang palad. Mahigpit ang hawak niya, ngunit napakaingat naman ito. Pakiramdam ko ay parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko dahil lamang sa simpleng paghawak niya. Lagi na lamang ganito.

Hindi ako makagalaw o makaiwas. Tinititigan niya lamang ako. Hinaplos niyang muli ang pisngi ko, saglit na dumampi ang mga daliri niya roon, dahilan upang lalo akong kabahan.

"Calm down," mahina niyang sabi. "I'm not going to force you into anything." Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig iyon. Malaking pasasalamat ko na hindi niya ako minamadali at pinipilit. Bagkus, para bang handa siyang hintayin akong maalala ang lahat, gaano man iyon katagal.

"I know this is difficult," dugtong niya habang marahan pa ring nakahawak sa bewang ko. "But I'll wait." Napatingin ako sa mga mata niya.

Sa unang pagkakataon, hindi ko nakita ang malamig niyang aura. Ang nakita ko ay isang lalaking tahimik na nagmamahal. Sa ilang araw namin magkasama parang alam ko na ang pagkatao niya, hindi siya palasalita.

Ngunit sa bawat maliit na kilos niya, simpleng salita, sa paraan ng paghawak niya sa akin, sa pag-aalalay, at sa pagiging maingat niya, ramdam na ramdam kong mahalaga ako sa kanya.

Hindi ko na namalayang muli akong napatingin sa labi niya. Mabilis na uminit ang magkabilang pisngi ko. Napailing ako at agad na umiwas ng tingin.

Napabuntong-hininga si Alessandro. Marahan niyang binitiwan ang bewang ko at umatras ng isang hakbang.

"I'll wait outside," mahinahon niyang sabi.

"Take your time."

Nang binitawan niya ako, ay parang bang may isang bagay na nawala sa akin. Lumayo na siya at iniwan ako, parang pinipiga ang puso ko. Pagkasara ng p***o ay napasandal ako rito at napahawak sa dibdib ko. Unti-unti kong nakikilala ang lalaking nasa harapan ko.

At ang mas kinatatakutan ko... Ay ang posibilidad na unti-unti na rin akong nahuhulog sa kanya.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 8

    A Feeling I Couldn't NameElena's POVMatapos ang nangyari sa tabing Lake Como noong araw na iyon, tila may kung anong nagbago sa pagitan naming dalawa ni Alessandro. Hindi ko man maalala ang nakaraan namin, mas naging magaan ang pakiramdam ko kapag kasama siya. Unti-unti akong nasasanay sa presensya niya, ang tahimik niyang pag-aalaga, ang paraan ng marahan niyang paghawak sa kamay ko tuwing naglalakad kami, at ang palagi niyang pagtiyak na ligtas ako bago niya unahin ang sarili niya. Hindi na rin siya gaanong mailap sa akin. Bagama't nananatili pa ring seryoso ang mukha niya at bihira siyang ngumiti, mas madalas ko na siyang mahuling nakatingin sa akin. Kapag nahuhuli ko siya, tahimik lang siyang umiiwas ng tingin na para bang walang nangyari. Ngunit sa tuwing ginagawa niya iyon, hindi ko mapigilang mapangiti.Halos araw-araw na rin kaming lumalabas ng mansion, ayaw niyang mabagot ako kaya naman sa tuwing tapos na ang online meetings niya, minsan ay naglalakad kami sa gilid ng lawa

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 7 "Long Before You Knew My Name"

    Alessandro's POVSome people believe love begins with a confession.Mine began with silence. I don't remember the exact date I first saw her.But I remember every detail of that afternoon.I had just left the university library, carrying several books for my next class. The campus was crowded, yet I paid no attention to anyone. I preferred silence over conversations. It had always been that way.Then suddenly...Someone bumped into me."Oh my gosh!" A soft voice echoed through the hallway as our books scattered across the floor."I'm so sorry!" she said, immediately kneeling to pick them up. "Hindi kita nakita."I remained silent for a moment before kneeling beside her."It's alright." Didn't mind anything, I picked up the last book and handed it to her. She looked up at me."Thank you." For a brief second... Our eyes met, then she smiled.Not because she knew me... Not because she wanted something from me... It was simply... a genuine smile. Something I had never received from a stra

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 6 "Only Mine"

    Elena's PovIsang linggo na ang lumipas mula nang dumating kami sa Italy. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong natututunang kilalanin ang buhay na sinasabing iniwan ko bago ang aksidente. Kahit wala pa ring bumabalik na alaala, nakasanayan ko na ang tahimik na mansion sa Lake Como, ang malamig na simoy ng hangin tuwing umaga, at higit sa lahat, ang presensya ni Alessandro na halos hindi na nawawala sa tabi ko.Tahimik siyang tao. Hindi siya palabiro at bihira ko siyang makitang ngumiti. Palagi ring seryoso ang ekspresyon ng mukha niya, na para bang walang anumang bagay ang kayang magpabago nito. Ngunit sa kabila ng malamig niyang aura, wala akong maipintas sa paraan ng pag-aalaga niya sa akin.Tuwing gigising ako ay siya na ang naghahanda ng almusal. Kapag malamig ang panahon ay siya mismo ang nagsusuot ng coat sa akin. Kapag napapagod akong maglakad ay marahan niyang hahawakan ang kamay ko o kaya'y ilalagay ang isang kamay sa aking bewang upang alalayan ako.Unti-unti kong nata

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 5 "A Familliar Stranger"

    Elena's PovPagsapit ng gabi ay muli na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Kanina ko pa pilit iniiwasang isipin iyon, ngunit ngayong nakatayo na ako sa loob ng kwartong sinasabi nilang aming dalawa, wala na akong matatakbuhan. Muli akong napatingin sa malaking king-size bed sa gitna ng silid. Isa lang iyon. Iisang kama para sa aming dalawa. Napalunok ako at napayuko habang pilit pinapakalma ang sarili. Kung mag-asawa nga kami, normal lang naman na magkatabi kaming matulog. Ngunit para sa akin, isa pa rin siyang lalaking hindi ko maalala.Tahimik kong pinaglaruan ang laylayan ng oversized shirt na ipinahiram niya sa akin, habang palihim ko siyang sinusulyapan. Feeling ko kasi dito ako komportable kesa sa mga damit na naroon sa walk in closet. Kagagaling lang niya sa shower. Nakasuot siya ng simpleng itim na t-shirt at kulay abong pajama. Bahagya pang basa ang buhok niya habang pinupunasan ito ng puting tuwalya. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko mapigilang mapatitig. Lalong t

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 4 "Our Room"

    Elena's PovHindi ko namalayang napahinto ako sa harap ng isang napakalaking pintuan sa ikalawang palapag ng mansion. Tahimik na tumayo si Alessandro sa tabi ko. Sa loob ng ilang segundo ay hindi siya nagsalita. Marahan lang niyang ipinatong ang kamay sa doorknob bago ito dahan-dahang pinihit.Nagbukas ang pintuan, at halos mapasinghap ako sa bumungad sa akin. Napakalawak ng silid, ang unang sumalubong sa akin ay ang napakalaking king-size bed na nababalutan ng kulay puting kumot at malalambot na unan. Sa tapat nito ay isang floor-to-ceiling window na tanaw ang malawak na hardin ng mansion. Sa isang sulok naman ay may fireplace, habang ang kabilang bahagi ng kwarto ay may bookshelf at isang maliit na sitting area.Dahan-dahan akong pumasok habang palinga-linga sa paligid, napakaganda.Ngunit isang bagay ang agad na nakakuha ng atensyon ko.Isa lang ang kama, huminto ako sa paglalakad.Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako bago dahan-dahang luming

  • REMEMBER ME, NEVER   Cahpter 3 "Home"

    Elena's PovTatlong araw matapos ang pagbisita ng pamilya ko, sinabi ng doktor na maaari na akong ma-discharge. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. jSa loob ng ilang araw na pananatili ko sa ospital, kahit paano ay nasanay na ako sa lugar. Nasanay na rin ako sa puting kisame, sa tunog ng mga makina, at sa mga nurse na araw-araw kong nakikita.Pero ang paglabas... Ibig sabihin, haharapin ko na ang buhay na hindi ko maalala. Habang inaayos ng nurse ang mga papeles ko, tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Alessandro na seryosong nakikipag-usap sa doktor. Katulad ng dati, wala pa ring emosyon ang mukha niya. Laging nakakunot ang noo at tila ba hindi marunong ngumiti.Ngunit sa kabila ng malamig niyang aura, hindi ko maikakailang panatag ang pakiramdam ko kapag naroon siya. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sa amin ang doktor."Ms. Castillo," nakangiti nitong sabi. "Pwede na kayong umuwi, pero kailangan ninyo pa ring magpahing

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status