로그인Elena's Pov
Pagsapit ng gabi ay muli na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Kanina ko pa pilit iniiwasang isipin iyon, ngunit ngayong nakatayo na ako sa loob ng kwartong sinasabi nilang aming dalawa, wala na akong matatakbuhan. Muli akong napatingin sa malaking king-size bed sa gitna ng silid. Isa lang iyon. Iisang kama para sa aming dalawa. Napalunok ako at napayuko habang pilit pinapakalma ang sarili. Kung mag-asawa nga kami, normal lang naman na magkatabi kaming matulog. Ngunit para sa akin, isa pa rin siyang lalaking hindi ko maalala. Tahimik kong pinaglaruan ang laylayan ng oversized shirt na ipinahiram niya sa akin, habang palihim ko siyang sinusulyapan. Feeling ko kasi dito ako komportable kesa sa mga damit na naroon sa walk in closet. Kagagaling lang niya sa shower. Nakasuot siya ng simpleng itim na t-shirt at kulay abong pajama. Bahagya pang basa ang buhok niya habang pinupunasan ito ng puting tuwalya. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko mapigilang mapatitig. Lalong tumingkad ang matangos niyang ilong, ang matigas na panga, at ang seryoso niyang ekspresyon. Kahit hindi siya ngumingiti, hindi maikakailang napakagwapo niya, sobra. Mabilis kong iniiwas ang tingin nang mapagtantong matagal ko na pala siyang tinititigan. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Elena?" saway ko sa sarili. "Bakit parang..." Hindi ko na itinuloy ang naisip ko. Sa halip ay napakagat na lamang ako sa ibabang labi. Naramdaman kong lumapit siya sa kama at maingat na ibinaba ang librong hawak niya sa bedside table. Pagkatapos ay napatingin siya sa akin. "Sleep," maikli niyang sabi, napalunok ako. "U-Um..." Hindi ko alam kung paano sisimulan ang tanong na kanina pa umiikot sa isip ko. Ilang beses akong napatingin sa kama bago muling tumingin sa kanya. "Are we... really sleeping together?" Hindi siya agad sumagot. Marahan lang niya akong tinitigan bago siya tumango. "We always did, Baby." Parang mas lalo pang uminit ang buong mukha ko. Hindi ko na alam kung saan ako titingin. Dahan-dahan akong humiga sa pinakadulong bahagi ng kama, halos wala nang matirang espasyo sa gilid. Humarap ako sa kabilang direksyon at mahigpit na niyakap ang unan, pilit pinapakalma ang puso kong tila gustong kumawala sa sobrang bilis ng tibok. Ilang sandali ang lumipas bago ko naramdaman ang kabilang bahagi ng kama na bahagyang lumubog. Humiga na rin siya. Tahimik lang. Walang nagsasalita. Tanging ang mahinang tunog ng air conditioner at ang sabay naming paghinga ang pumupuno sa katahimikan ng gabi. Akala ko ay matatapos na roon ang lahat. Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas ay marahan kong naramdaman ang isang matibay na braso na dahan-dahang pumulupot sa aking bewang, napasinghap ako. Nanigas ang buong katawan ko. Napakabagal ng kilos niya, na para bang binibigyan niya ako ng pagkakataong umiwas ulit kung gugustuhin ko. Ngunit hindi ko alam kung bakit... hindi ko nagawang kumilos. Sa halip, tahimik lang akong nanatili sa kinahihigaan ko habang unti-unti kong nararamdaman ang init ng katawan niya sa likuran ko. Mabilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Unti-unti kong naramdaman ang banayad niyang paghinga na dumadampi sa aking batok. Napapikit ako, kasunod no'n ay isang napakalambing at napakagaan na halik ang marahan niyang idinikit sa balat ko. Parang huminto ang mundo ko. Hindi iyon matagal, hindi rin mapusok, Isang simpleng halik lamang. Ngunit sapat na iyon upang magdulot ng kakaibang init na gumapang sa buo kong katawan. Hindi ko namalayang napakagat ako sa ibabang labi upang pigilan ang sariling gumawa ng kung anong tunog. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nahihiya ako. Kinakabahan, ngunit kasabay no'n ay may kung anong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag... at hindi ko rin magawang tanggihan. Mahina siyang bumuntong-hininga sa likuran ko. "I missed you..." Halos pabulong niyang sabi. Hindi ko alam kung narinig ko ba talaga iyon o baka guni-guni ko lamang. Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin. Tahimik lamang akong nanatili sa kanyang mga bisig habang unti-unting humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Makalipas ang ilang minuto ay napansin kong bumigat ang braso niyang nakayakap sa akin. Naging mas mabagal at mas banayad ang paghinga niya. Bahagya akong lumingon at doon ko napagtantong nakapikit na siya. Nakatulog na si Alessandro. Mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin, na para bang natatakot siyang mawala ako sa kanyang tabi. Tahimik akong napatingin sa kisame. Sa gabing iyon, habang yakap ako ng lalaking nagsasabing asawa ko siya, may isang bagay akong unti-unting napagtanto. Hindi ko pa man naaalala ang nakaraan... Unti-unti namang natututo ang puso kong makaramdam. At ngayon, mula nang magising ako sa ospital... Pakiramdam ko... Ligtas ako sa kanyang mga bisig. Sa lalim nang mga iniisip ko, hindi ko na namalayan na nahila na ako ng antok at nakatulog narin tulad ni Alessandro. Nagising ako sa banayad na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Ilang beses akong napakurap bago unti-unting iminulat ang mga mata ko. Sandali akong natulala sa kisame, saka ko lamang naalala kung nasaan ako. Nasa mansion ako. Nasa kwarto naming mag-asawa. At... magkatabi kaming natulog ni Alessandro. Bahagya akong gumalaw, ngunit agad akong nanigas nang maramdaman kong may isang matibay na braso pa ring nakayakap sa aking bewang. Mabilis na bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan akong napalingon sa likuran at doon ko nakita ang mahimbing na mukha ni Alessandro. Ngayon ko lang siya napatitigan nang ganito kalapit. Wala ang seryoso niyang titig. Wala ang nakakunot niyang noo. Sa unang pagkakataon, mukha lamang siyang isang lalaking payapang natutulog. Bahagyang nakalugmok ang mukha niya sa unan habang magulo ang ilang hibla ng buhok niyang bumabagsak sa noo. Hindi ko namalayang napangiti na ako. "Mukhang mas mabait siyang tingnan kapag natutulog." Bulong ko. Marahan kong sinubukang alisin ang braso niyang nakayakap sa akin upang hindi siya magising. Ngunit sa halip na bumitaw, lalo lamang niya akong hinila palapit sa kanya. Napasinghap ako, halos magdikit na ang mga katawan namin. Tulog naman pa naman siya diba? "Alessandro..." Mahina kong tawag, walang tugon . Mahimbing pa rin ang tulog niya. Napakagat ako sa labi habang pilit na kumakawala, ngunit lalo lamang humigpit ang yakap niya, na para bang natatakot siyang maagaw sa kanya ang taong nasa mga bisig niya. Napalunok ako, hindi ko alam kung matatawa ba ako o mas kakabahan. Maya-maya pa'y bahagyang gumalaw ang ulo niya at marahang idinikit ang noo sa aking balikat. Napapikit ako, diyos ko tulungan mo ako. Masyado kasi siyang malapit, at sa tuwing ganito hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko, may kakaibang init na unti-unting bumabalot sa puso ko. Ilang sandali pa ang lumipas bago dahan-dahang namulat ang kanyang mga mata. Nagtagpo ang aming mga tingin. Ako naman ay hindi alam kung saan titingin. "Good morning," mahina niyang bati sa paos na boses. Hindi ko namalayang napangiti rin ako. "G-Good morning." Hindi niya agad binitiwan ang bewang ko. Sa halip ay tila ba sinisigurado muna niyang nasa tabi niya pa rin ako bago siya tuluyang bumitaw at umupo sa kama. "I'm sorry," kalmado niyang sabi. "I didn't realize I was still holding you." "It's... okay." Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya, na dapat ay nasasanay na ako sa ganito, tumayo siya at inayos ang manggas ng suot niyang itim na t-shirt. "I'll prepare breakfast." Napatingin ako sa kanya. "You'll cook?" Bigla kong tanong, bahagya siyang tumango. "I always do." Nanlaki ang mga mata ko. "A billionaire... cooking?" Sa unang pagkakataon ay tila bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. "A husband, Baby." Parang huminto ang oras. Sa simpleng sagot niyang iyon... Biglang uminit ang buong mukha ko. Pinanood ko na lamang siya habang lumalabas ng kwarto. Pagkasara ng p***o ay napahawak ako sa dibdib ko. "Ano ba'ng ginagawa mo sa puso ko, Alessandro?" Oo, hindi ko pa rin siya maalala... ngunit sa bawat araw na lumilipas... mas lalo kong gustong maniwalang minahal ko rin siya noon, na isa nga siyang parte sa buhay ko na kailanman ay hindi mawawala. Napagpasyahan kong sumunod at bumababa na matapos kung maligo at mag-ayos. Napatigil ako nang tuluyang tumambad sa harapan ko ang napakalawak na mansyon. Moderno ang disenyo nito, habang ang kombinasyon ng soft cream at gray na kulay ay lalo lamang nagbigay rito ng elegante at mamahaling dating. Ang malalawak na salaming bintana, matataas na kisame, at bawat detalyeng bumubuo rito ay tila nagsasabing hindi ito bahay ng isang ordinaryong tao. Hindi ko mapigilang mapalunok. Parang bawat sulok ng mansyon ay sumisigaw ng karangyaan at kapangyarihan. Hindi ko man alam ang tunay na halaga nito, sigurado akong aabot iyon sa daan-daang milyon o baka mas higit pa. Isa pa lang itong tingin, ngunit ramdam kong para akong napadpad sa mundong hindi ko kailanman inakalang maaabot. Napahinga ako ng malalim at patuloy na bumaba. Nakita ko agad si Alessandro ngunit di niya ako napansin, at habang naghahanda si Alessandro ng almusal nami,. mariin niyang pinisil ang cellphone sa kanyang kaliwang kamay. Paulit-ulit na umiilaw ang screen, naka vibrate din ito. Pero hindi niya parin ito sinagot. Mariin lang siyang tumitig sa display bago tuluyang pinatay ang telepono. Pagkatapos ay mahina niyang ibinulong sa sarili, "Not yet." At muli niyang itinago ang lahat ng emosyon sa likod ng malamig niyang mukha. Nagtataka man ay hindi ako nagtanong, dahil alam ko kung sakali man ay importante iyo ay darating din ang araw na magsasabi siya sa akin.A Feeling I Couldn't NameElena's POVMatapos ang nangyari sa tabing Lake Como noong araw na iyon, tila may kung anong nagbago sa pagitan naming dalawa ni Alessandro. Hindi ko man maalala ang nakaraan namin, mas naging magaan ang pakiramdam ko kapag kasama siya. Unti-unti akong nasasanay sa presensya niya, ang tahimik niyang pag-aalaga, ang paraan ng marahan niyang paghawak sa kamay ko tuwing naglalakad kami, at ang palagi niyang pagtiyak na ligtas ako bago niya unahin ang sarili niya. Hindi na rin siya gaanong mailap sa akin. Bagama't nananatili pa ring seryoso ang mukha niya at bihira siyang ngumiti, mas madalas ko na siyang mahuling nakatingin sa akin. Kapag nahuhuli ko siya, tahimik lang siyang umiiwas ng tingin na para bang walang nangyari. Ngunit sa tuwing ginagawa niya iyon, hindi ko mapigilang mapangiti.Halos araw-araw na rin kaming lumalabas ng mansion, ayaw niyang mabagot ako kaya naman sa tuwing tapos na ang online meetings niya, minsan ay naglalakad kami sa gilid ng lawa
Alessandro's POVSome people believe love begins with a confession.Mine began with silence. I don't remember the exact date I first saw her.But I remember every detail of that afternoon.I had just left the university library, carrying several books for my next class. The campus was crowded, yet I paid no attention to anyone. I preferred silence over conversations. It had always been that way.Then suddenly...Someone bumped into me."Oh my gosh!" A soft voice echoed through the hallway as our books scattered across the floor."I'm so sorry!" she said, immediately kneeling to pick them up. "Hindi kita nakita."I remained silent for a moment before kneeling beside her."It's alright." Didn't mind anything, I picked up the last book and handed it to her. She looked up at me."Thank you." For a brief second... Our eyes met, then she smiled.Not because she knew me... Not because she wanted something from me... It was simply... a genuine smile. Something I had never received from a stra
Elena's PovIsang linggo na ang lumipas mula nang dumating kami sa Italy. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong natututunang kilalanin ang buhay na sinasabing iniwan ko bago ang aksidente. Kahit wala pa ring bumabalik na alaala, nakasanayan ko na ang tahimik na mansion sa Lake Como, ang malamig na simoy ng hangin tuwing umaga, at higit sa lahat, ang presensya ni Alessandro na halos hindi na nawawala sa tabi ko.Tahimik siyang tao. Hindi siya palabiro at bihira ko siyang makitang ngumiti. Palagi ring seryoso ang ekspresyon ng mukha niya, na para bang walang anumang bagay ang kayang magpabago nito. Ngunit sa kabila ng malamig niyang aura, wala akong maipintas sa paraan ng pag-aalaga niya sa akin.Tuwing gigising ako ay siya na ang naghahanda ng almusal. Kapag malamig ang panahon ay siya mismo ang nagsusuot ng coat sa akin. Kapag napapagod akong maglakad ay marahan niyang hahawakan ang kamay ko o kaya'y ilalagay ang isang kamay sa aking bewang upang alalayan ako.Unti-unti kong nata
Elena's PovPagsapit ng gabi ay muli na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Kanina ko pa pilit iniiwasang isipin iyon, ngunit ngayong nakatayo na ako sa loob ng kwartong sinasabi nilang aming dalawa, wala na akong matatakbuhan. Muli akong napatingin sa malaking king-size bed sa gitna ng silid. Isa lang iyon. Iisang kama para sa aming dalawa. Napalunok ako at napayuko habang pilit pinapakalma ang sarili. Kung mag-asawa nga kami, normal lang naman na magkatabi kaming matulog. Ngunit para sa akin, isa pa rin siyang lalaking hindi ko maalala.Tahimik kong pinaglaruan ang laylayan ng oversized shirt na ipinahiram niya sa akin, habang palihim ko siyang sinusulyapan. Feeling ko kasi dito ako komportable kesa sa mga damit na naroon sa walk in closet. Kagagaling lang niya sa shower. Nakasuot siya ng simpleng itim na t-shirt at kulay abong pajama. Bahagya pang basa ang buhok niya habang pinupunasan ito ng puting tuwalya. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko mapigilang mapatitig. Lalong t
Elena's PovHindi ko namalayang napahinto ako sa harap ng isang napakalaking pintuan sa ikalawang palapag ng mansion. Tahimik na tumayo si Alessandro sa tabi ko. Sa loob ng ilang segundo ay hindi siya nagsalita. Marahan lang niyang ipinatong ang kamay sa doorknob bago ito dahan-dahang pinihit.Nagbukas ang pintuan, at halos mapasinghap ako sa bumungad sa akin. Napakalawak ng silid, ang unang sumalubong sa akin ay ang napakalaking king-size bed na nababalutan ng kulay puting kumot at malalambot na unan. Sa tapat nito ay isang floor-to-ceiling window na tanaw ang malawak na hardin ng mansion. Sa isang sulok naman ay may fireplace, habang ang kabilang bahagi ng kwarto ay may bookshelf at isang maliit na sitting area.Dahan-dahan akong pumasok habang palinga-linga sa paligid, napakaganda.Ngunit isang bagay ang agad na nakakuha ng atensyon ko.Isa lang ang kama, huminto ako sa paglalakad.Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako bago dahan-dahang luming
Elena's PovTatlong araw matapos ang pagbisita ng pamilya ko, sinabi ng doktor na maaari na akong ma-discharge. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. jSa loob ng ilang araw na pananatili ko sa ospital, kahit paano ay nasanay na ako sa lugar. Nasanay na rin ako sa puting kisame, sa tunog ng mga makina, at sa mga nurse na araw-araw kong nakikita.Pero ang paglabas... Ibig sabihin, haharapin ko na ang buhay na hindi ko maalala. Habang inaayos ng nurse ang mga papeles ko, tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Alessandro na seryosong nakikipag-usap sa doktor. Katulad ng dati, wala pa ring emosyon ang mukha niya. Laging nakakunot ang noo at tila ba hindi marunong ngumiti.Ngunit sa kabila ng malamig niyang aura, hindi ko maikakailang panatag ang pakiramdam ko kapag naroon siya. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sa amin ang doktor."Ms. Castillo," nakangiti nitong sabi. "Pwede na kayong umuwi, pero kailangan ninyo pa ring magpahing







