ANMELDENElena's Pov
Tatlong araw matapos ang pagbisita ng pamilya ko, sinabi ng doktor na maaari na akong ma-discharge. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. jSa loob ng ilang araw na pananatili ko sa ospital, kahit paano ay nasanay na ako sa lugar. Nasanay na rin ako sa puting kisame, sa tunog ng mga makina, at sa mga nurse na araw-araw kong nakikita. Pero ang paglabas... Ibig sabihin, haharapin ko na ang buhay na hindi ko maalala. Habang inaayos ng nurse ang mga papeles ko, tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Alessandro na seryosong nakikipag-usap sa doktor. Katulad ng dati, wala pa ring emosyon ang mukha niya. Laging nakakunot ang noo at tila ba hindi marunong ngumiti. Ngunit sa kabila ng malamig niyang aura, hindi ko maikakailang panatag ang pakiramdam ko kapag naroon siya. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sa amin ang doktor. "Ms. Castillo," nakangiti nitong sabi. "Pwede na kayong umuwi, pero kailangan ninyo pa ring magpahinga. Huwag ninyong piliting alalahanin ang lahat. Ang retrograde amnesia ay hindi pare-pareho ang epekto sa bawat pasyente. May mga taong bumabalik agad ang alaala, habang ang iba naman ay inaabot ng ilang buwan o taon." Napayuko ako, na para bang napapagod nang marinig ito ng pa ulit-ulit. "What if... they never come back?" Tahimik ang doktor bago siya bahagyang ngumiti. "Then don't spend your life waiting for yesterday. Live today. Sometimes, new memories help heal the old ones." Hindi ako nakasagot. Tama nga naman siya, madali lang naman kasi itong sabihin, ngunit napaka hirap nitong gawin. Tahimik na lamang akong tumango. Paglabas namin ng ospital, agad kong napansin ang isang mahabang itim na sasakyang nakaparada sa harap ng gusali. May driver na agad na bumaba upang pagbuksan kami ng p***o, habang dalawang lalaking nakasuot ng itim na suit ang magalang na yumuko kay Alessandro. "Good afternoon, Sir." Napakurap ako,napatingin ako kay Alessandro. Hindi ko alam kung gaano siya kayaman, pero halatang hindi ordinaryo ang buhay na meron siya. Tahimik siyang lumingon sa akin. "Let's go." Tumango ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan, hindi parin humuhupa ang pagkabigla. Hindi ko maiwasang mapatingin sa malambot na leather seat at sa elegante nitong interior. Kahit wala akong maalala, pakiramdam ko ay hindi ako sanay sa ganitong klase ng sasakyan. Tahimik ang buong biyahe. Tanging ang mahinang tugtog ng classical music ang maririnig. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako kay Alessandro, ngunit nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Hanggang hindi ko na napigilang magsalita. "Can I ask you something?" Lumingon siya sa akin. "You can ask me anything." Huminga ako nang malalim. "Did we..." Napahinto ako. Kinakabahan sa sariling itatanong. "...love each other?" Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik. Akala ko ay hindi na niya ako sasagutin. Hanggang sa marahan siyang bumaling sa akin. May kung anong lungkot sa mga mata niya. "More than you'll ever know, Baby." Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit, dahil ba sa itinawag niya sa akin, o dahil sa paraan nang pagtitig niya ngayon sa akin. Hindi ko parin siya maalala, pero sa paraan ng mga titig niya sa akin, pakiramdam ko ay may isang kwentong hindi ko na mababasa kailanman. Nabigla ako ng marating namin ang airport, at doon na niya sinabi sa akin ni Alessandro na hindi muna kami mananatili sa Pilipinas. Ayon sa kanya, mas ligtas ako sa Italy habang nagpapagaling at unti-unting binubuo ang mga alaalang nawala sa akin. Hindi na ako tumutol. Wala rin naman akong ibang mapanghahawakan kundi ang mga salitang sinasabi niya at ang mga taong nagpapatunay na siya ang asawa ko. Kaya ilang oras lamang matapos akong ma-discharge, sumakay kami ng pribadong eroplano patungong Italy. Mahaba ang naging biyahe, at halos buong oras ay hindi binitiwan ni Alessandro ang kamay ko. Tahimik lang siya, ngunit sapat na ang bawat marahan niyang haplos upang kahit paano ay gumaan ang loob ko. At wala akong ibang ginawa kundi ang matulog, dahil sa tagal ng byahe. Nagtataka man ay wala talaga akong magagawa. Pagdating namin sa Lake Como, Italy, hindi ko napigilang mapahinto. Sa harapan ko ay nakatayo ang isang napakalawak at napakagandang mansion na napapalibutan ng matatayog na puno at makukulay na hardin. Sa di-kalayuan ay kumikislap ang asul na tubig ng lawa, habang ang malamig na simoy ng hangin ay marahang humahaplos sa aking balat. Hindi ko maalis ang tingin sa tanawin. "This... is beautiful," mahina kong bulong. Tahimik na tumayo si Alessandro sa tabi ko. "Welcome home, Elena." Napanganga ako, Oo alam kong mayaman siya dahil sa kotse palang at ang private plane nito ay mapapahanga kana, Pero ito may napakalawak ng hardin. May lake at magkabilang hanay ng mga puting rosas na nakapaligid sa hardin. Para akong nasa isang lugar na dati ay sa pelikula mo lang nakikita. "Is this..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Sobrang pagkamangha ko. "Our home, Baby." maikli niyang sagot. Napalunok ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko, mukhang dapat na akong masanay. Ito na ata ang itatawag niya sa akin. Nahihiya akong yumuko, ayaw kong mapansin niya ang namumula kong mga pisngi. Tahimik niya akong inalalayan habang naglalakad kami papasok. Pagkabukas pa lang ng p***o ay halos sabay-sabay na yumuko ang tatlong kasambahay. "Welcome home, Sir." Pagkatapos ay bumaling silang lahat sa akin. "Welcome home, Ma'am Elena." Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Tinawag nila akong... Ma'am? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Parang unti-unti kong tinatanggap na ito nga marahil ang buhay ko bago ang aksidente. Marahang hinawakan ni Alessandro ang kamay ko. "Come." Tahimik akong sumunod sa kanya. Habang iniikot niya ako sa loob ng bahay, napapatingin ako sa bawat larawan na nakasabit sa dingding. May mga litrato naming dalawa, mga kuhang magkahawak kami ng kamay, may larawan akong nakasuot ng puting damit habang nakangiti sa camera. Hindi ko namalayang napahinto ako sa gitna ng sala. Agad na nahatak ang atensyon ko ng isang napakalaking larawan na nakasabit sa dingding. Marahan akong napalapit dito, tila ba may kung anong humihila sa akin. Nasa larawan kaming dalawa ni Alessandro. Nakasuot ako ng isang puting wedding gown, habang siya naman ay nasa isang eleganteng itim na tuxedo. Magkahawak ang mga kamay namin at pareho kaming nakangiti. Hindi ko alam kung bakit, pero habang nakatitig ako roon, pakiramdam ko ay may kung anong nawawala sa akin. May kung anong dapat kong maalala... ngunit hindi ko maabot. Napangiti ako nang bahagya habang marahang iniaabot ang kamay ko sa frame. "Beautiful..." halos pabulong kong sabi. Hindi ko alam kung ang tinutukoy ko ba ay ang litrato, ang araw na iyon, o ang lalaking nasa tabi ko. Tahimik ang buong sala. Tanging ang mahinang tibok ng puso ko ang tila naririnig ko. Pilit kong isinara ang mga mata ko, umaasang may babalik na alaala. Isang simbahan. Isang singsing, pangako o kahit ano. Ngunit sa halip na alaala, matinding kirot ang biglang dumapo sa ulo ko. "Aah..." Napahawak ako sa sentido ko at bahagyang napayuko. Hindi pa man ako tuluyang mawalan ng balanse ay mabilis akong naalalayan ni Alessandro. Mahigpit ngunit maingat niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. "Elena." Malalim ang boses niya. "Don't force yourself." Huminga ako nang malalim at marahang iminulat ang mga mata ko. "I'm trying..." mahina kong sagot. "Gusto ko lang maalala. Gusto kong maalala ang buhay ko... at tayo." Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Doon ko napansin ang bahagyang pag-igting ng panga niya. Mas lalo pang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa wedding portrait. Parang may emosyon siyang pilit ikinukubli. Ngunit isang iglap lang iyon. Mabilis ding bumalik ang dati niyang malamig at seryosong ekspresyon, na para bang walang nangyari. Muli akong tumingin sa larawan. "Masaya ba tayo noon?" mahina kong tanong. Tahimik siyang tumingin sa akin bago marahang tumango. "Very." Napangiti ako nang mapait. "I look happy." Naluluha kong sabi. "You were, Baby." Simple lang ang sagot niya, ngunit may kakaibang bigat sa paraan ng pagkakabigkas niya. Para bang bawat salita ay maingat niyang pinipili. Napakagat ako sa labi ko bago muli siyang hinarap. "Can you tell me about our wedding?" Muling nanaig ang katahimikan. Akala ko ay hindi na niya sasagutin ang tanong ko. Ilang segundo siyang nakatingin lamang sa larawan bago dahan-dahang huminga. "It was..." saglit siyang natigilan. "...the happiest day of my life." Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kumirot sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang mga mata niya. Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya ngumingiti. Ngunit may lungkot akong nabasa roon, isang lungkot na tila matagal na niyang pasan-pasan. "I'm sorry," mahina kong sabi. Gusto ko siyang yakapin ngunit wala pa akong lakas ng loob. "For what?" Napakunot noo siya. "Dahil kailangan mo pang ikuwento sa akin ang mga alaalang ako mismo ang nakalimot." Tahimik lang siyang tumitig sa akin. Pagkatapos ay marahan niyang inilapit ang isang kamay at inayos ang ilang hibla ng buhok kong tumatakip sa mukha ko. Napakaingat ng bawat galaw niya, na para bang natatakot siyang masaktan ako kahit sa pinakamaliit na paraan. Labis naman ang paninindig ng aking mga balahibo sa haplos niya, hindi ko mapigilang mahiya. "You don't have to apologize," mahina niyang sabi. "If you can't remember... then we'll make new memories together." Hindi ko namalayang napangiti ako. Hindi ko pa rin siya maalala, hindi ko pa rin alam kung paano kami nagkakilala, kung paano kami umabot sa kasalan, o kung ano ang naging buhay namin noon. Ngunit habang nakatingin ako sa seryoso niyang mukha at nararamdaman ang init ng palad niyang marahang nakahawak sa kamay ko, unti-unti kong naramdaman ang isang bagay na matagal nang nawawala sa akin. Kapanatagan. At sa unang pagkakataon, naisip ko... marahil ay hindi ganoon kasama ang magsimulang muli, basta kasama ko ang lalaking ito. Sa likod ng tahimik kong ngiti, Napansing kong muli napahigpit ang pagkakakuyom ni Alessandro sa kanyang kamao habang nakatitig sa wedding portrait. Saglit niyang ipinikit ang mga mata bago marahang ibinuga ang isang malalim na buntong-hininga. Na para bang may mga katotohanang handa niyang dalhin habang buhay... Basta't hindi ako mawawala sa kanya.A Feeling I Couldn't NameElena's POVMatapos ang nangyari sa tabing Lake Como noong araw na iyon, tila may kung anong nagbago sa pagitan naming dalawa ni Alessandro. Hindi ko man maalala ang nakaraan namin, mas naging magaan ang pakiramdam ko kapag kasama siya. Unti-unti akong nasasanay sa presensya niya, ang tahimik niyang pag-aalaga, ang paraan ng marahan niyang paghawak sa kamay ko tuwing naglalakad kami, at ang palagi niyang pagtiyak na ligtas ako bago niya unahin ang sarili niya. Hindi na rin siya gaanong mailap sa akin. Bagama't nananatili pa ring seryoso ang mukha niya at bihira siyang ngumiti, mas madalas ko na siyang mahuling nakatingin sa akin. Kapag nahuhuli ko siya, tahimik lang siyang umiiwas ng tingin na para bang walang nangyari. Ngunit sa tuwing ginagawa niya iyon, hindi ko mapigilang mapangiti.Halos araw-araw na rin kaming lumalabas ng mansion, ayaw niyang mabagot ako kaya naman sa tuwing tapos na ang online meetings niya, minsan ay naglalakad kami sa gilid ng lawa
Alessandro's POVSome people believe love begins with a confession.Mine began with silence. I don't remember the exact date I first saw her.But I remember every detail of that afternoon.I had just left the university library, carrying several books for my next class. The campus was crowded, yet I paid no attention to anyone. I preferred silence over conversations. It had always been that way.Then suddenly...Someone bumped into me."Oh my gosh!" A soft voice echoed through the hallway as our books scattered across the floor."I'm so sorry!" she said, immediately kneeling to pick them up. "Hindi kita nakita."I remained silent for a moment before kneeling beside her."It's alright." Didn't mind anything, I picked up the last book and handed it to her. She looked up at me."Thank you." For a brief second... Our eyes met, then she smiled.Not because she knew me... Not because she wanted something from me... It was simply... a genuine smile. Something I had never received from a stra
Elena's PovIsang linggo na ang lumipas mula nang dumating kami sa Italy. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong natututunang kilalanin ang buhay na sinasabing iniwan ko bago ang aksidente. Kahit wala pa ring bumabalik na alaala, nakasanayan ko na ang tahimik na mansion sa Lake Como, ang malamig na simoy ng hangin tuwing umaga, at higit sa lahat, ang presensya ni Alessandro na halos hindi na nawawala sa tabi ko.Tahimik siyang tao. Hindi siya palabiro at bihira ko siyang makitang ngumiti. Palagi ring seryoso ang ekspresyon ng mukha niya, na para bang walang anumang bagay ang kayang magpabago nito. Ngunit sa kabila ng malamig niyang aura, wala akong maipintas sa paraan ng pag-aalaga niya sa akin.Tuwing gigising ako ay siya na ang naghahanda ng almusal. Kapag malamig ang panahon ay siya mismo ang nagsusuot ng coat sa akin. Kapag napapagod akong maglakad ay marahan niyang hahawakan ang kamay ko o kaya'y ilalagay ang isang kamay sa aking bewang upang alalayan ako.Unti-unti kong nata
Elena's PovPagsapit ng gabi ay muli na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Kanina ko pa pilit iniiwasang isipin iyon, ngunit ngayong nakatayo na ako sa loob ng kwartong sinasabi nilang aming dalawa, wala na akong matatakbuhan. Muli akong napatingin sa malaking king-size bed sa gitna ng silid. Isa lang iyon. Iisang kama para sa aming dalawa. Napalunok ako at napayuko habang pilit pinapakalma ang sarili. Kung mag-asawa nga kami, normal lang naman na magkatabi kaming matulog. Ngunit para sa akin, isa pa rin siyang lalaking hindi ko maalala.Tahimik kong pinaglaruan ang laylayan ng oversized shirt na ipinahiram niya sa akin, habang palihim ko siyang sinusulyapan. Feeling ko kasi dito ako komportable kesa sa mga damit na naroon sa walk in closet. Kagagaling lang niya sa shower. Nakasuot siya ng simpleng itim na t-shirt at kulay abong pajama. Bahagya pang basa ang buhok niya habang pinupunasan ito ng puting tuwalya. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko mapigilang mapatitig. Lalong t
Elena's PovHindi ko namalayang napahinto ako sa harap ng isang napakalaking pintuan sa ikalawang palapag ng mansion. Tahimik na tumayo si Alessandro sa tabi ko. Sa loob ng ilang segundo ay hindi siya nagsalita. Marahan lang niyang ipinatong ang kamay sa doorknob bago ito dahan-dahang pinihit.Nagbukas ang pintuan, at halos mapasinghap ako sa bumungad sa akin. Napakalawak ng silid, ang unang sumalubong sa akin ay ang napakalaking king-size bed na nababalutan ng kulay puting kumot at malalambot na unan. Sa tapat nito ay isang floor-to-ceiling window na tanaw ang malawak na hardin ng mansion. Sa isang sulok naman ay may fireplace, habang ang kabilang bahagi ng kwarto ay may bookshelf at isang maliit na sitting area.Dahan-dahan akong pumasok habang palinga-linga sa paligid, napakaganda.Ngunit isang bagay ang agad na nakakuha ng atensyon ko.Isa lang ang kama, huminto ako sa paglalakad.Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako bago dahan-dahang luming
Elena's PovTatlong araw matapos ang pagbisita ng pamilya ko, sinabi ng doktor na maaari na akong ma-discharge. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. jSa loob ng ilang araw na pananatili ko sa ospital, kahit paano ay nasanay na ako sa lugar. Nasanay na rin ako sa puting kisame, sa tunog ng mga makina, at sa mga nurse na araw-araw kong nakikita.Pero ang paglabas... Ibig sabihin, haharapin ko na ang buhay na hindi ko maalala. Habang inaayos ng nurse ang mga papeles ko, tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Alessandro na seryosong nakikipag-usap sa doktor. Katulad ng dati, wala pa ring emosyon ang mukha niya. Laging nakakunot ang noo at tila ba hindi marunong ngumiti.Ngunit sa kabila ng malamig niyang aura, hindi ko maikakailang panatag ang pakiramdam ko kapag naroon siya. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sa amin ang doktor."Ms. Castillo," nakangiti nitong sabi. "Pwede na kayong umuwi, pero kailangan ninyo pa ring magpahing







