Share

CHAPTER 2

Author: Azuus
last update Last Updated: 2024-03-04 00:44:42

HALOS takasan ng kulay ang mukha ng dalaga nang makita ang isang pamilyar na sasakyan ng Land Cruiser. Mayroon kasing palatandaan iyon ng sticker na ahas na nakapulupot sa isang arrow. Nakadikit mismo sa likod ng salamin ng sasakyan.

Kapag ka ganoon ay alam niyang pagmamay-ari iyon ni Don Alfonso. Napalunok ang dalaga at pinagpawisan siya ng malamig.

Alam niya kasing, sa mga oras na ito’y pinaghahanap na siya ng mga tauhan nito.

Nasa unahan pa naman iyo ng bus. Nagdasal siya habang nakayuko lang sa kaniyang kinauupuan. Matindi kasi ang tumatakbo sa kaniyang isip na titigil ang sasakyan na iyon upang puntahan siya sa bus na kaniyang sinasakyan. Na para bang, alam na nila kung nasaan siya. Ganoon kalabis ang takot niya.

Pero, sampong minuto ang lumilipas subalit tuloy tuloy pa rin ang takbo ng bus. Dahilan upang mag-angat siya ng ulo at silipin ang sasakyan.

At tama nga. Wala na nga ito.

Kaya naman napasandal siya at napahinga ng maayos.

"Ma'am saan po kayo bababa?"

Biglang napasinghap si Cassy at napahawak sa kaniyang dubdib dahil sa sobrang gulat.

"S-Sorry Ma’am! Nagulat ho ko ba kayo?” paumanhin ng kundoktor.

“Hindi naman siguro Manong. Halata sa face ni ate na very calm siya,” sabad ng bakla sa katapat na seat ni Cassy.

Napakamot tuloy sa batok ang kudoktor dahil sa hiya.

"Okay ka lang ba Sis? Kanina pa kita napapansing natatakot. May problema ka ba?" alalang tanong ng bakla.

Liningon siya ni Cassy at alanganing umiling, “Wala. Salamat sa concern.”

Pagkatapos ay dumukot siya ng pera sa kaniyang bulsa upang magbayad. Singkwenta lang iyon at iniabot niya sa kundoktor.

"Bulacan po Manong."

"Ai Ma’am. Kulang po ‘to. Kahit sumakay po kayo sa walang aircon, di po kakasya ang pamasahe niyo."

Napakagat labi si Cassy dahil doon.

"Here’s the payment ow. Ako na ang magbabayad para sa kaniya,” anang bakla na nagmagandang loob.

Di naman maiwasan mapayuko ni Cassy bilang pasasalamat sa bakla. Pagkatapos ay tumingin na ito sa bintana.

"Hmmmm hellow Sis. I’m Dino nga pala but also known as Diane," pagtawag nung bakla na tumayo pa at lumipat sa puwesto niya. Total, wala rin naman kasi siyang katabi.

Nakaramdam siya ng pagkailang sa nagpakilalang Diane. Alam niyang tinulungan siya nito pero, ayaw niyang makipag-usap basta basta. Mahirap kasing magtiwala.

Isa pa, baka mapahamak lang itong if in case na maging magkaibigan sila.

Mabilis na pumasok sa kaniyang ilong ang napakabangong pabango nung Diane. Para itong bulaklak na di niya matukoy kung anong uri. Wala rin naman siyang alam masyado tungkol sa mga bulaklak.

NAPILITAN siyang tumingin kay Diane, kaya mas lalong natitigan niya ang binabae. Maamo ang mukha nito at alaga rin ang skintone niya. Halata rin ang ilang ipinaayos na parte ng mukha niya kagaya ng ilong at labi.

Nakasout ito ng blouse at sa bottom naman ay trouser na navy blue. Matangkad at mahaba ang kulot at blonde niyang buhok. Halatang alagang-alaga.

Pero madali rin namang ma-distinguish na hindi ito tunay na babae.

"Cassy," maikli niyang sagot. Umaasa na titigilan na siya nitong intirugahin. Ngunit nagkamali siya.

"Saan ka nga pala sa Bulacan?"

Pero naisip niya na wala pa siyang patutunguhan doon. At isa pa, wala pa siyang sapat na pera para maka renta man lang o makaibili ng pagkain. I other words, di niya alam kung paano magsisimula.

"Wala pa," maikling niyang sagot.

Tumango naman si Diane,“Pakiramdam ko, may mabigat kang problema. Bakit di ka nalang muna magtrabaho sa akin? Total, naghahanap rin ako ng mga magiging tao ko sa bagong business na itinayo ko.”

Napaisip siya saka sandaling natahimik. Iniisip niya kung tatanggapin ba niya ang alok nito.

"Ano po ba ang trabaho?" paniniguro niya. Baka kasi mamaya niyan ay magaya doon sa una niyang napasukan — na isa palang drug field.

“Ano lang naman hija. Puwede kang maging waitress doon.”

Di siya nakasagot kaagad at pinroseso ang sinabi nito. Kung magiging waitress siya, mae-expose siya sa mga tao. At isa rin sa mga tambayan ng mga kagaya ni Don Alfonso ang mga pub.

Pero naisip din naman niyang, kapag may sapat na siyang pera ay puwede siyang umalis ano mang oras.

“S-Sige papayag ako. Pero, may pakiusap lang ako.”

Nagningning naman ang mata ng bakla sa sagot nito,“ Oo Oo, ano ‘yun?"

“Puwede bang, sa iyo muna ako tumuloy? Na-holdap kasi ako noong papunta ako dito kaya wala akong nadala ni isa. Naglayas kasi ako sa amin. Wala na akong balak bumalik dahil di ko makasundo ang bagong kinakasama ng Mama ko,” pagsisinungaling niya.

Ayaw niyang paghinalaan siya ni Diane. Kaya kailangan talaga niyang sabihin ang kaniyang sitwasyon.

“Naku! Mas mabuti nga ‘yun. Buti na lang at ako ang nakasama mo. Baka kung saan ka pa mapadpad at mapahamak ka,” ani Diane.

Alanganing ngumiti si Cassy,“Salamat.”

Muli niyang ibinalik ang tingin sa labas ng bintana at nagpatuloy sa pagmumuni muni.

Wala na siyang pakialam kung ano man ang kahihinatnan ng kaniyang buhay. Basta, hindi niya isusuko ang kaniyang sarili kay Don Alfonso at mamatay sa kamay nila.

Wala siyang kamalay malay sa ngisi ni Diane.

Unang tingin pa lang niya kay Cassy ay alam na niyang isa ito sa mga kabataang pasaway at rebelde. Mahilig maglayas at walang pakialam sa mga magulang.

Mabuti nalang at siya ang unang nakakita rito. Naisip niyang galing siguro ito sa mayamang pamilya dahil makinis at magandang bata ito.

Paniguradong, malaki ang magiging benta niya sa dalaga. Ang kailangan lang niya’y makuha niya ang loob at tiwala niya. Aalagaan niya rin ito upang pagdating ng pagbi-bidding ay malaki ang maibayad sa kaniya.

“Kumain ka na ba?” tanong pa nito na para bang napaka-concern.

“Hindi na kailangan.”

Pero iniabot pa rin niya rito ang dalang tinapay at juice, “Here ow. Pagkababa natin, kakain ulit tayo. Puwedeng itawag mo sa akin ay Ate Diane. Total may kapatid rin akong kagaya mo na nasa probinsiya. Nakikita ko siya sayo.”

“Ilang taon na po siya?”

“She’s 20 na. And you are?”

“21 ho,” pagsisinungaling pa rin niya.

Sa totoo lang ay nasa labing pitong taon pa lang siya. Menor de edad kung tutuusin. Ngunit, baka wala siyang makuhang trabaho o iatras ni Diane ang offer nito if in case na sabihin niya ang totoo.

—TO BE CONTINUE—

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 34

    "Ahhh ehhh, tungkol naman kay Kuya, actually may umampon sa kaniya. Sanggol pa lang siya, kinuha na siya ng ninang niya. Tapos ayon , mabuti nalang hindi nilihim ng umampon sa kaniya na may pamilya siya sa Tagum. Nang malaman niya na namatay ang magulang ko, hinanap niya ako. Kaso, ang tagal bago kami nagkatagpo. Pinasama na naman ako ng kapitbahay namin papunta sa Maynila para raw manilbihan sa simbahan. Naniwala ako kasi simbahan ang sinabi niya. Yun nga lang, binenta ako sa mga nagbebenta ng droga. At yun ang mga nagbabanta sa akin ngayon."Sinulyapan ni Cassy si Layla. Humahagulhol na pala ito at halos maubos na ang tissue na nasa tabi niya. "Hindi ako makapaniwala na na-survive mong lahat yun. Kung ako yun, baka matagal na akong namatay.""Kaya ikaw, huwag kang basta basta maniwala. Magpasalamat ka nalang kasi may protective kang Kuya.""Sige Ate Cassy, pakikinggan kita. Madali kasi akong magtiwala sa isang tao. Tingin ko kasi sa kanilang lahat, kahit may nakatagong masama sa k

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 33

    HABANG tinuturuan ni Cassy si Layla na lumangoy, palihim siyang sumusulyap kay Keizer na noo'y kausap si Ronald. Nakatayo lang sila sa glass wall at parehong seryuso g nag-uusap."Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" sa isip ni Cassy. "Ganito ba Ate Cassy?" tawag ni Layla. Kaya nawala ang pag-iisip ni Cassy tungkol kay Keizer. "Oo ganyan nga. Kapag kasi malalim, mas mabuti. Pagaanin mo ang sarili mo at dapat kalma ka lang. Kailangan makontrol mo ang balanse mo. Subukan mong magpalutang lutang at huwag kang matakot malunod. Nandito lang ako.""Oo nga, heto, medyo gumagaan ang katawan ko," natutuwang saasd ni Layla na para bang nae-enjoy na nito ang paglangoy."Good, good. Ayan nakukuha muna. Ngayon, kailangan mong makatawid sa kabilang side. Susundan kita.""Okey..." Nagsimula na ngang lumangoy si Layla sa kabilang side ng pool at di na nito gamit ang salbabeda. Nakatutok lang si Cassy upang si madisgraya si Layla nang walang anu-ano'y —"First time magpaturo ng kapatid ko. Thanks," an

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 32

    **KEIZER's POV** PINANOOD ko lang si Cassy at si Layla na noon ay nasa pool. Iba ang saya ng kapatid ko. Nagkukwento siya na para bang, matagal na silang magkakilala ni Cassy. Natural na siguro sa kapatid ko na magtalambuhay sa mga taong komportable siya. Si Cassy naman, nakangiti. Yung ngiti na kapag kinausap mo siya, gagaan ang pakiramdam. Isa pa, yun yung mga ngiti na gusto kong masulyapan sa kaniya. Hinigop ko ang kape ko habang nakatutok sa kanila. Katabi ko si Ronald na ginagaya rin ako. Nakahawak ng kape at pinapanood ang dalawa. Pero mas okey na yun kaysa makahalata pa siya. "Sir, simula nang dumating si Cassy, parang napapansin ko na ingat na ingat ka sa kaniya. Your risking your life just for her lalo na noong kidnappin siya ni Don Alfonso." Kamuntikan ko ng maibuga ang kape ko nang marinig ko iyon kay Arnold. Kakaisip ko lang na hindi siya mag-iisip ng kakaiba pero nakakapansin rin pala siya. "Hindi naman. Simula kasi ng dalhin ko siya sa bahay, naging masayahin ni

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 31

    HINDI gumising ng maaga si Cassy. Kasi hindi naman darating si Keizer. Nalungkot siya kahit papaano, kasi inaasahan pa naman niya na darating ito. Maging ang kaniyang mga trainor ay di rin matutuloy, ayun yun kay Ronald. Idagdag pa na, hindi pa ito tumawag sa kaniya noong isang gabe. Naiintidihan naman niya iyon, kasi baka may katransaction siya. Bilang isang Mafia Leader, kailangan naka secured lahat ng transaction niya upang di pumaltos. Para siyang na-drain na battery nang umagang iyon. Walang kagana-gana at walang kabuhay. Nakahilata lang siya sa kama habang nagmumuni-muni. May kumatok sa kaniyang pintuan. Alam niyang si Ronald iyon. Ipapaalam na naman sa kaniya na kakain na. "Lalabas din ako maya-maya," aniya sa kumakatok. "Ma'am, mainit pa po ang agahan kaya bumangon na po kayo." "Ayos lang. Iinitin ko nalang sa microwave." "Pero Ma'am, kailangan niyo na pong mag-agahan. Tumawag po kasi si Sir Keizer." "Tumawag siya?" tanong niya na para bang gusto niyang makasiguro kun

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 30

    **KEIZER's POV**Pinalagitik ko ang aking leeg, matapos manggulo ang babaeng yun. Hindi ko alam kung anak ba talaga yun ng mayaman dahil parang hindi nag-aral. Ilang beses ng napahiya pero patuloy pa rin siyang gumagawa ng kaniyang kahihiyan.Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Layla. Nakangiti ito at alam kong may hihingin na naman 'tong pabor. May pahalik at yakap pa sa akin. Ganito naman lagi e. Nagtatampo ng malala pero agad rin nakikipag-bati."May kailangan ka na naman nuh?" sabi ko sa kaniya. Malawak syang ngumiti sa akin dahil nahalata ko siya."Kuya,puwede bang dalhin ko dito si Agnes?"My brows frown when I heard that. Akala niya ata, wala akong alam sa pagkatao ng kaibigan niyang iyon. "Nope."Mabilis nag-iba ang kaniyang timpla. From sweet and clingy temper to pouty childish irap girl ang atake. Yung tipong gusto niya akong sumbatan at hindi nga ako nagkamali. "Eh bakit si Ate Cassy, puwede rito? Allergy ka ba Kuya kay Agnes?" "Hindi lang allergy, magkakabu

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 29

    HINDI maiwasan ma-excite ni Cassy sa tuwing tumatawag si Keizer. Halos araw-araw apat na beses itong tumawag. Daig pa ang mag-jowa na hindi matiis ang isa't isa. Pero sempre, ayaw magpahalata ng dalaga na hinihintay niya ang tawag mula sa telepono si Keizer. "Nakapagtanghalian ka na ba?" tanong ni Keizer sa telepono habang nakaharap sa kaniyang laptop. "Oo. Hinatiran nila ako kanina ng fastfood,. Baka nga tumaba na nga ako rito. Namimiss ko ng mag-training.," kaswal na sagot ni Cassy. "…is that so, magpapadala ako ng trainor dyan. You supposedly rest." "Pagod na pong mag-rest. Gusto ko pang matutong lumaban para maisalang na ako sa mga kombate." Nakagat ni Keizer ang labi. Kahit kagagaling lang kasi ni Cassy sa trauma, ang gusto pa rin nito ang iniisip. Tinatrato na nga siyang disney princess pero iba pa rin ang hanap. "Okey, maghintay ka lang dyan bukas. At mag-relax ka na rin." "Ahhh ano—" "What?" curious na tanong ni Keizer sa naputol sanang itatanong ng dalaga.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status