Share

CHAPTER 3

Author: Azuus
last update Last Updated: 2024-03-04 03:50:50

NAGPALIT ng damit si Kaizer at mag-isang umalis patungo sa Payatas kung nasaan ang kaniyang kapatid. Walang guards at walang mga tauhan ang pinabuntot niya.

“Kapag naiuwi kita, matatamaan ka talaga sa akin bata ka,” aniya sa kaniyang sarili habang nagmamaneho.

Dumagdag pa sa inis niya ang trapikong hindi niya kontrolado. Ngunit kahit na ganoon ay nanatili siyang kalmado. Hanggang sa may ma-receive siya notification sa Mafia Lord Site.

“Tsk! What the heck is the problem of this old man!” anas niya habang binabasa ang abiso.

Napapailing nalang siya habang binabasa iyon. Manghihiram ng sattelite si Don Alfonso to search a woman?

Si Kaizer lang ang may malawak na sattelite kaya alam niyang sa kaniya nakikiusap ang matanda. Dinaan pa talaga sa Group Site ng mga Local Mafia Lord ang pagpaparinig nito.

Tuluyan niyang inihagis ang phone niya sa kabilang seat.

“No the hell! For sure na para lang iyan sa kaniyang kalib*gan. Di na bago ‘to,” napangisi siya sa isipin na paniguradong manggagalaiti na naman iyon sa pang-iignora niya.

He’s not interested who’s the woman he’s searching for. Unang pagkakataon ito na nagpahanap siya ng babae. Sa dami ng babae sa mundo, may nakapagpabaliw sa baliwng si Don Alfonso.

Pagak siyang napatawa sa pangmamaliit nito sa astang asong ugale ni Don Alfonso. Ang kung sino man na makibagay rito’y kagaya niya ring, asal aso. Kaya nga umiiwas siya rito.

Nang malapit na siya sa patutunguhan ay nakita niya ang ilang sasakyan na may palatandaang ahas na nakapulupot sa arrow.

Napangisi siya.

“Ano ba ang tinira nun at tuluyang nabangag ang matanda na ‘yun?” anito sa sarili.

How come’s na nagpakalat kalat ang mga tauhan niya. Dahil pa rin ba sa babaeng hinahanap niya?

Gayunpaman ay nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Wala siyang pake sa pinagagawa ng kapwa Mafia Lord niya.

****

“Naku Miss Layla, hiyang hiya na talaga ako sa iyo. Ang dami mo ng binibigay na tulong sa akin. At di lang ‘yun, dinamay mo pa ang mga kapitbahay ko,” wika ni Agnes. Kaibigan niyang tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan.

Inakbayan ni Layla ang kaibigan na para bang, ipinaparamdam nitong hindi siya nagmamataas.

“Alam mo naman na bestfriend tayo. Isa pa, wala lang itong mga naitulong ko. Maliit na bagay lang ito. Hayaan mo, kakausapin ko si Kuya para makabalik ka sa school.”

“Talaga! Naku h’wag na. Nakakahiya na masyado. Sobra sobra na ang mga naitulong mo,” nahihiyang tanggi ni Agnes.

"Tsk. If I said, I will do. So please, huwag ka ng komontra. Gusto ko rin makatapos ka,” aniya pagkatapos ay niyakap niya ang kaibigan.

Mangiyak ngiyak naman si Agnes na tinugunan ang yakap nito.

Nang biglang —

“LAYLA!” tawag ng baritonong boses. Kilalang kilala ng dalaga iyon kaya naman, mabilis siyang ginapangan ng kaba.

Nang tingnan niya ang lalaking pinanggalingan ng boses ay napakagat labi siya.

“K-Kuya, p-paanong —”

Hindi pa siya natatapos magsalita ay hinigit na siya ng matangkad at gwapong lalaki. Malaki ang pagkakahawig ni Layla at base na rin sa pagtawag ni Kaizer sa dalaga ay alam na ng mga tao doon kapatid niya ito.

Kaya naman ng kaladkarin niya ang dalaga at nagpupumiglas sa mahigpit niyang pagkakahawak, ay walang nakialam.

Liban kay Agnes.

“S-Sir! Huwag po! Wala pong ginagawang masama si Layla,” paghila ni Agnes sa kaibigan.

Dahil dito’y tumalim ang tingin ni Kaizer kay Agnes.

“And who the hell are you!?”

Biglang kinilabutan ang kaibigan ni Agnes at nabitawan ang kaibigan.

“Kuya naman! Natakot tuloy sayo ang kaibigan ko!” sigaw ni Layla na halos maiyak na dahil sa eksenang ginagawa ng kaniyang kuya.

“At mas lalo siyang matatakot kung patuloy mong susuwayin ang mga sinasabi ko sayo. Ang tigas talaga ng ulo mo!”

Dahil sa pagpupumilit makawala ng kaniyang kapatid ay binuhat nalang niya ito sa kaniyang balikat. Wala ng nagawa ang dalaga kung hindi magpatianod nalang habang naiyak na.

Sinundan lang siya ng tingin ng mga tao roon.

Nang tuluyang maisakay ni Kaizer ang kapatid ay saka pa lang linapitan ng lalaking may mga tattoo si Agnes.

“Yun ba ang tinutukoy mong kaibigan?”

“Opo Tito.”

“Alam mo na ang gagawin. Mukhang tiba tiba tayo sa isang ‘yan,” anito saka ngumisi.

Napailing naman si Agnes. Alam nito ang binabalak ng kaniyang Tito Alfred. Kagaya ng dating gawi, makikipagkaibigan siya sa mayaman at kukuhanin ang loob.

Target nila ay ang may malalambot na puso kagaya ni Layla. Pero si Layla pa lang ang pinakamayamang kaibigang nakilala niya.

Kaya naman, excited na siya na makimkim kung anong meron sa kaniya. Gusto niya ang buhay nito, kaya nanaisin niyang gayahin ang pamumuhay nito, kapag nakulimbat ng kaniyang tiyuhin ang pera nila.

Pumasok na siya sa kanilang barong barong na bahay at itinago ang ibinigay sa kaniya ng kaibigan. Wala siyang paki kung saktan o pagalitan siya ng kuya niya.

Alam rin kasi niya na pupuntahan pa rin siya nito. Nakabisado na niya kasi ang ugale ni Layla. Masyadong malambot ang puso nito.

At dahil napagalitan siya ng kuya niya kanina, for sure hindi na naman iyon makakatulog sa guilt. Iisipin nun na dahil sa kaniya, kaya natatakot siya ngayon. Ibibig-deal na naman nun ang maliit na bagay.

Napairap nalang si Agnes sa taas.

“Ang OA. Feeling santa. Sarap tirisin. Akala mo kung sinong anghel,” anas pa nito sa sarili na tila ba, naiirita siya sa sobrang kabaitang ipinapakita ng kabigan.

“Ang t*nga t*nga,” dugtong pa nito.

Sa totoo lang ay naiinis siya kay Layla. Kung bakit kasi, siya pa ang naging anak mayaman. Isang uto-u***g babae na madaling malansi.

“Kalma Agnes. Magiging mayaman ka rin. Ipakita mo kay Layla na di siya worth it sa yamang tinatamasa niya. Puro pasikat sa mahihirap na kunwari tumutulong para mas umangat ang tingin sa kaniya. Bwesit na babae yan!” panggagalaiti pa niya sa dalaga.

***

Samantala, nang makarating sa Bulacan sina Cassy ay dumeretso na sila sa bar na tinutukoy ni Diane. May kalakihan din iyon at halatang di bababa sa 10 million ang nagastos doon.

Kaya napagtanto ni Cassy na sobra naman talagang mayaman si Diane. Kaya nagtaka siya kung bakit nakasakay ito sa bus kanina kung puwede naman siyang magsasakyan. For sure naman siguro, may sarili itong sasakyan.

Imposible naman down to earth or humble lang ito. Lalo pa at galing siya sa mga gahamang tao. Madaming makapangyarihan at halos lahat ay mapagpanggap para sa sariling kapakanan.

Tinatandaan niya ang bawat red flag ng tao. Ayaw niyang mag invest ng trust sa kasama niya ngayon. Natuto na siya sa kaniyang pinagdaanan.

— TO BE CONTINUE —

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 34

    "Ahhh ehhh, tungkol naman kay Kuya, actually may umampon sa kaniya. Sanggol pa lang siya, kinuha na siya ng ninang niya. Tapos ayon , mabuti nalang hindi nilihim ng umampon sa kaniya na may pamilya siya sa Tagum. Nang malaman niya na namatay ang magulang ko, hinanap niya ako. Kaso, ang tagal bago kami nagkatagpo. Pinasama na naman ako ng kapitbahay namin papunta sa Maynila para raw manilbihan sa simbahan. Naniwala ako kasi simbahan ang sinabi niya. Yun nga lang, binenta ako sa mga nagbebenta ng droga. At yun ang mga nagbabanta sa akin ngayon."Sinulyapan ni Cassy si Layla. Humahagulhol na pala ito at halos maubos na ang tissue na nasa tabi niya. "Hindi ako makapaniwala na na-survive mong lahat yun. Kung ako yun, baka matagal na akong namatay.""Kaya ikaw, huwag kang basta basta maniwala. Magpasalamat ka nalang kasi may protective kang Kuya.""Sige Ate Cassy, pakikinggan kita. Madali kasi akong magtiwala sa isang tao. Tingin ko kasi sa kanilang lahat, kahit may nakatagong masama sa k

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 33

    HABANG tinuturuan ni Cassy si Layla na lumangoy, palihim siyang sumusulyap kay Keizer na noo'y kausap si Ronald. Nakatayo lang sila sa glass wall at parehong seryuso g nag-uusap."Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" sa isip ni Cassy. "Ganito ba Ate Cassy?" tawag ni Layla. Kaya nawala ang pag-iisip ni Cassy tungkol kay Keizer. "Oo ganyan nga. Kapag kasi malalim, mas mabuti. Pagaanin mo ang sarili mo at dapat kalma ka lang. Kailangan makontrol mo ang balanse mo. Subukan mong magpalutang lutang at huwag kang matakot malunod. Nandito lang ako.""Oo nga, heto, medyo gumagaan ang katawan ko," natutuwang saasd ni Layla na para bang nae-enjoy na nito ang paglangoy."Good, good. Ayan nakukuha muna. Ngayon, kailangan mong makatawid sa kabilang side. Susundan kita.""Okey..." Nagsimula na ngang lumangoy si Layla sa kabilang side ng pool at di na nito gamit ang salbabeda. Nakatutok lang si Cassy upang si madisgraya si Layla nang walang anu-ano'y —"First time magpaturo ng kapatid ko. Thanks," an

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 32

    **KEIZER's POV** PINANOOD ko lang si Cassy at si Layla na noon ay nasa pool. Iba ang saya ng kapatid ko. Nagkukwento siya na para bang, matagal na silang magkakilala ni Cassy. Natural na siguro sa kapatid ko na magtalambuhay sa mga taong komportable siya. Si Cassy naman, nakangiti. Yung ngiti na kapag kinausap mo siya, gagaan ang pakiramdam. Isa pa, yun yung mga ngiti na gusto kong masulyapan sa kaniya. Hinigop ko ang kape ko habang nakatutok sa kanila. Katabi ko si Ronald na ginagaya rin ako. Nakahawak ng kape at pinapanood ang dalawa. Pero mas okey na yun kaysa makahalata pa siya. "Sir, simula nang dumating si Cassy, parang napapansin ko na ingat na ingat ka sa kaniya. Your risking your life just for her lalo na noong kidnappin siya ni Don Alfonso." Kamuntikan ko ng maibuga ang kape ko nang marinig ko iyon kay Arnold. Kakaisip ko lang na hindi siya mag-iisip ng kakaiba pero nakakapansin rin pala siya. "Hindi naman. Simula kasi ng dalhin ko siya sa bahay, naging masayahin ni

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 31

    HINDI gumising ng maaga si Cassy. Kasi hindi naman darating si Keizer. Nalungkot siya kahit papaano, kasi inaasahan pa naman niya na darating ito. Maging ang kaniyang mga trainor ay di rin matutuloy, ayun yun kay Ronald. Idagdag pa na, hindi pa ito tumawag sa kaniya noong isang gabe. Naiintidihan naman niya iyon, kasi baka may katransaction siya. Bilang isang Mafia Leader, kailangan naka secured lahat ng transaction niya upang di pumaltos. Para siyang na-drain na battery nang umagang iyon. Walang kagana-gana at walang kabuhay. Nakahilata lang siya sa kama habang nagmumuni-muni. May kumatok sa kaniyang pintuan. Alam niyang si Ronald iyon. Ipapaalam na naman sa kaniya na kakain na. "Lalabas din ako maya-maya," aniya sa kumakatok. "Ma'am, mainit pa po ang agahan kaya bumangon na po kayo." "Ayos lang. Iinitin ko nalang sa microwave." "Pero Ma'am, kailangan niyo na pong mag-agahan. Tumawag po kasi si Sir Keizer." "Tumawag siya?" tanong niya na para bang gusto niyang makasiguro kun

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 30

    **KEIZER's POV**Pinalagitik ko ang aking leeg, matapos manggulo ang babaeng yun. Hindi ko alam kung anak ba talaga yun ng mayaman dahil parang hindi nag-aral. Ilang beses ng napahiya pero patuloy pa rin siyang gumagawa ng kaniyang kahihiyan.Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Layla. Nakangiti ito at alam kong may hihingin na naman 'tong pabor. May pahalik at yakap pa sa akin. Ganito naman lagi e. Nagtatampo ng malala pero agad rin nakikipag-bati."May kailangan ka na naman nuh?" sabi ko sa kaniya. Malawak syang ngumiti sa akin dahil nahalata ko siya."Kuya,puwede bang dalhin ko dito si Agnes?"My brows frown when I heard that. Akala niya ata, wala akong alam sa pagkatao ng kaibigan niyang iyon. "Nope."Mabilis nag-iba ang kaniyang timpla. From sweet and clingy temper to pouty childish irap girl ang atake. Yung tipong gusto niya akong sumbatan at hindi nga ako nagkamali. "Eh bakit si Ate Cassy, puwede rito? Allergy ka ba Kuya kay Agnes?" "Hindi lang allergy, magkakabu

  • RESCUED BY A MAFIA LEADER   Chapter 29

    HINDI maiwasan ma-excite ni Cassy sa tuwing tumatawag si Keizer. Halos araw-araw apat na beses itong tumawag. Daig pa ang mag-jowa na hindi matiis ang isa't isa. Pero sempre, ayaw magpahalata ng dalaga na hinihintay niya ang tawag mula sa telepono si Keizer. "Nakapagtanghalian ka na ba?" tanong ni Keizer sa telepono habang nakaharap sa kaniyang laptop. "Oo. Hinatiran nila ako kanina ng fastfood,. Baka nga tumaba na nga ako rito. Namimiss ko ng mag-training.," kaswal na sagot ni Cassy. "…is that so, magpapadala ako ng trainor dyan. You supposedly rest." "Pagod na pong mag-rest. Gusto ko pang matutong lumaban para maisalang na ako sa mga kombate." Nakagat ni Keizer ang labi. Kahit kagagaling lang kasi ni Cassy sa trauma, ang gusto pa rin nito ang iniisip. Tinatrato na nga siyang disney princess pero iba pa rin ang hanap. "Okey, maghintay ka lang dyan bukas. At mag-relax ka na rin." "Ahhh ano—" "What?" curious na tanong ni Keizer sa naputol sanang itatanong ng dalaga.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status