Share

CHAPTER 18

“Nadine! Aling Pacing!” boses iyon ni Jason.

Mabilis na umalis si Aling Pacing sa harap ko at kinuha ang walis tingting. Ako naman ay sandaling napatda doon. Nagsimula siyang magwalis sa silong ng malaking puno at hinarap ko naman si Jason.

“Anong ginagawa ninyo rito? Bakit nandito ka?” sunud-sunod na tanong niya sa akin habang pinagpalipat-lipat niya ang tingin niya sa amin.

“Wala. Pinuntahan ko lang si Aling Pacing dito para na samahan akong magmiryenda.” Kinakabahang sagot ko kay Jason ngunit kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ganoon ang nararamdaman ko. Ayaw kong may mahalata siyang kakaiba.

“Ako ba ang pinag-uusapan ninyo? Aling Pacing, ano ‘to?” tanong niya sa noon ay namumutla nang matanda kaya kailangan ako na ang sasagot.

“Hindi. Bakit ka naming pag-uusapan? Kadarating ko nga lang dito oh. Kakausapin ko pa lang sana siya at yayain. Ayaw ko kasing magmiryenda na ako lang.”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status