MABILIS na palingos si Justine sa para alamin ang kaluskos na narinig, nakita nya ang isang napaka cute at maliit na aso, nakasabid ang tali nito sa isang maliit na sanga, marahil ay nakaalpas eto. Dali dali nya etong pinuntahan.
"What are you doing here, nasan ang amo mo?" wika nya sabay tingin sa dog tag.
"Hercules! wow ha! ang lakas ng sense of humor ng amo mo at talagang Hercules pa ang ipinangalan sayo, eh halos kaseng laki ka lang ng kutsara ah!" natatawa nyang kausap dito.
Luminga-linga sya sa paligid dahil nagbabakasakali sya na nasa kalapit lang ang owner ng aso. Medyo dulong bahagi na kase ng resort kung saan sya naroon. Kinuha nya ang aso at itinali malapit sa kanya bago ipinagpatulog ang ginagawa, habang hinihintay ang pwedeng maghanap dito.
Halos dalwang oras din sya sa lugar at walang naghahanap dito. Nakita nya etong tila nauuhaw. Luminga linga sya sa paligid, nakita nya na merong malapit na kainan sa kintatayuan nya, iniwan nya ang ibang gamit at isang maliit na bag lang ang binitbit papunta sa naturang lugar upang bumili ng tubig, siniguro muna nya na hindi makakaalpas si Hercules.
Dumeretso agad sya sa counter bumili ng bottled water.
"By the way Miss, meron ako napulot na aso, baka meron sa mga guest or customer nyo na maghanap saan ko ba pwedeng iwan?" Magalang na tanung nya sa babae.
"Pwede nyo po sya iwan sa Lost and Found Station ng resort" suhestyon ng babae.
"Maari bang sakin muna sya, kawawa naman kase kapag iniwan ko dun si Hercules" napatingin sa kanya ang babae na tila nagtataka.
"Po?" tanung nito.
"Yung aso, Hercules kase ang nakalagay sa name tag nya" sagot nya habang sumesenyas pa. "pahamak ka talaga Hercules"
"I see, okay ma'am, kunin po namin yung contact number and room number nyo para just in case na meron maghanap mainform namin kayo agad" sabi ng babae habang kumukuha ng ballpen at papel.
"Great!"
Nagmamadali syang lumakad palabas ng lugar na iyon habang inilalagay sa bag ang wallet nya kaya hindi nya napansin ang bultong papalapit sa kanya.
"What the-" galit na boses ng lalaki.
Sapo ang noo na lumayo sya sa pagkakasubsob sa dibdib nito, "ang bango, when was the last time na napadikit ako sa katawan ng lalaki? that's three months ago" wika nya sa isip nya.
"Aray" daing ko. habang nakatingin sa mga gamit ko sa lapag na tumilapon dahil nakabukas ang aking maliit na bag.
Nakakunot na mukha ng lalaki ang sumalubong sa akin, Nakasuot eto ng facemask kaya hindi nya makita ang kabuan ngunit kahit yata tabunan nito ang mukha makikita pa rin ang gandang lalaki nito, may katangkaran eto kaya halos nakatingala na sya kahit sa taas nyang 5'8". Tila nabatubalani sya sa kaharap, habang ini-imagine ang kabuang mukha nito.
"Are you blind?"narinig nyang sigaw nito.
"Tsk!" inis na sambit nito.
"Gwapo nga masungit naman!" tila nainis na rin sya sa inasta ng lalaki, "hindi man lang mag sorry sya na nga ang nabukulan sa matigas nitong muscles!"“Abat-, Antipatiko! Gwapo ka sana kaso hindi kaseng gwapo ng mukha mo ang ugali mo hmp!" naiinis na isa-isa nyang pinulot ang nagkalat nyang gamit, wala syang pakialam kung makita ang kanyang singit "hmp maputi naman!"
"Here! sa susunod titingnan mo ang dinadaanan mo para hindi ka nadi-digrasya." wika nito na hindi nya namalayan na nakipulot na pala eto ng iba nyang gamit. "tingnan mo etong isang eto nanermon pa talaga!"
"Well, Thank you Lolo!" Padabog kong inabot sa kanya ang mga gamit ko ngunit bigla nitong pinigilan ang kamay ko na nakatingin sa aking daliri.
"Where did you get that?!" pabiglang tanung nito sa kanya.
"Bakit wala ba syang "K" na magsuot ng singsing? tsura nito!" protesta ng isip nya.
"Mind your own business!" pahiklas kong binawi ang kamay ko at mabilis na tinalikuran ang lalaki. Nanghahaba ang nguso nya habang naglalakad.
RICHEL POV
DAHIL sa pagpupumilit ng pinsan napahinuhod sya nito na mag-stay ng isang araw pa. Papasok sya ngayon sa restaurant ng resort ng di sinadyang may makabunguan sya. Nahulog ang mga dala-dala nito.
"What the-" gulat na sambit nya, nakasubsob ang babae sa dibdib nya. Naamoy nya ang mabango nitong buhok "vanilla?".
Napalunok sya sa antisipasyon na makita ang kabuuhan ng babae.
"Aray!" daing nito habang hawak hawak ang noo habang dahan dahang lumalayo sa kanya.
Napakunot nuo sya ng makita ang suot nito na halos wala ng itinago. Maganda ang babae, makinis ang maputing balat, Unat na unat ang buhok nito na parang commercial ng shampoo, maamo ang mukha nito ngunit nadismaya sya sa suot na halos ilantad ang katawan. Nakasuot eto ng maiksing bestidang puti na manipis. Uu nga at beach eto pero halos wala na etong itinago. Nakaramdam sya ng inis sa babae.
"Are you blind?" Inis na sigaw nya dito, nakatingin lang eto sa kanya na tila ba nakakita ng aparisyon, naka awang ang mga labi nito.
"Tsk!" naiinis na sambit ko, tatalikod na lang sya ng magsalita eto,
"Abat-, Antipatiko! Gwapo ka sana kaso hindi kaseng gwapo ng mukha mo ang ugali mo hmp!" nagdadabog na pinagpupulot nito ang mga gamit nya, nakita nya ang ibang guest na lalaki na napapatingin sa babae na di maiwasang makita ang mapuputing hita, nakaramdam sya ng pagkainis, parang gusto nyang sugurin at dukutin ang mga mata ng mga eto. Mabilis nyang pinulot ang ibang gamit nitong nahulog, "parang gamit sa pagpipinta" sa isip nya.
"Here! sa susunod titingnan mo ang dinadaanan mo para hindi ka na di-digrasya." may inis pa rin sabi nya habang iniaabot dito ang mga gamit.
"Well, Thank you Lolo!" padabog na kukunin sana nito sa kanya ang mga pinulot nya, ngunit dagli nyang pinigilan, napatingin sya sa kamay nito particular sa palasingsingan, sinundan nito kung saan sya nakatingin.
"Where did you get that?!" tanong nya dito, habang nakakunot ang noo.
"Mind your own business!" at hiniklas ang kamay nito kaya nabitawan nya ang babae. Nagmamadaling tinalikuran sya nito at mabibigat ang paa na lumakad palayo.
Pamilyar sa kanya ang singsing na yun, katulad eto ng bigay ng kanyang ina, iisa lang ang ganung singsing dahil pasadya lang eto ng kanilang ninuno, merong maliit na letrang "H" sa magkabilang gilid ng ring band at may dyamante sa gitna. Ibibigay nya sana eto sa kasintahang si Amie dahil balak nyang mag propose ng kasal sa mismong araw ng kaarawan nito, ngunit hindi na eto natuloy dahil nahuli nya ang pagtataksil nito.
———FLASHBACK ———
Bitbit ang mamahaling boquet at pagkain na pinaorder nya sa secretary nya, balak nyang supresahin ang kasintahan sa condo unit nito.
Kakagaling lang nya ng Cebu para sa isang conference. Binati sya ng guard pagpasok pa lang nya, magalang syang tinawag nito at merong sinabi sa kanya. Nagpasalamat sya dito, dumiresto sa unit ng kanyang kasintahan. Tahimik ang buong unit, inayos nya sa lamesa ang pagkain at boquet, nagsalin ng alak at hinintay dumating ang kasintahan. Maya-maya pa narinig nyang ang pagpihit ng seradura.
Mula sa sofa kung saan sya nakaupo sa isang corner ng sala nakita nya ang magkayakap na pagpasok ng dalawang anino.
"I'm gonna miss you, Babe," boses ng babae,
"Do you want me to stay?" balik tanong ng lalaki
"You know you can't, not now" nag-uusap ang dalawa sa pagitan ng pagsasanib ng kanilang mga labi, dinig na dinig nya ang paghahalikan nito. Napaungol ang babae sa kung ano mang ginagawa ng lalaki sa kanya. Hindi na sya nakatagal, binuksan nya ang ilaw at bumaha ang liwanag sa buong paligid, kitang kita nya ang gulat sa mga mata ni Amie.
"Richel!" gulat na tawag nito sa pangalan nya.
"Yes, it's me! I was planning to surprise you… but it seems I’m the one who ended up surprised."
"I-I can explain!" wika nito sa mahinang boses at nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng lalaki.
"You better be!" mariin nyang sigaw sa babae
"Don't yell at my Fiancee!!" sigaw sa kanya ng lalaki sabay tulak sa balikat nya. Sa asul na mata at may kaputiang balat mahihinuhang dayuhan eto.
"Fiancee?!" Tanong nya sabay ang nag uuring tingin sa kasintahan.
"Pu*sa!! What is this, Amie? Am I not enough? nagpipigil na galit nya sa kasintahan.
Napaiyak na eto, na ikinagalit ng lalaki kaya inundayan sya ng suntok na mabilis nyang nailagan. Malakas na suntok ang pinakawalan nya na tumama sa mukha nito kaya napahiga eto sa sahig.
"Stop it! Richel please!" Sigaw ni Amie, at mabilis na dinaluhan ang lalaki.
"I thought You were different!" magkahalong lungkot at sama ng loob na sabi nya dito.
"I am sorry, Rich!" nag iiyak na sabi nito na tangkang hawakan sya ngunit mabilis syang umilag.
"By the way, Happy Birthday!" sabi nya habang nakatingin sa lamesa, napatingin din ang babae sa tinitingnan nya.
"Rich! Rich!" tawag sa kanya ni Amie ngunit mabilis na syang nakatalikod.
Mula noon wala syang siniseryosong babae. Lagi syang laman ng bar at halos lunurin nya ang sarili sa kakainum, naalala pa nya ang sabi ng ina.
"I told you! She's not good for you! Look at yourself, God Richel!!"galit na sabi ng kanyang Mama isang gabing umuwi syang lasing dahilan para maaksidente sya, mabuti na lang hindi sya napuruan.
———FLASHBACK ENDS ———
Mula ng maaksidente iniwasan ko na ang kahit anong uri ng okasyon, lalo na ang maglasing except for that night. Masasabi ko na ang gabing yun ang hindi ko malilimutan. Kaya nga disappointed ako ng parang bigla na lang etong naglaho na parang bula. Noong una iniisip nya na nasisiraan na sya ng ulo or imahinasyon lang nya ang babae, ngunit nakita rin eto ng guard kaya kumbensido sya na may nakaniig sya ng gabing iyon. At parang pinaglalaruan sya ngayon ng makita nya ang singsing sa daliri ng babaeng kinainisan nya.
Bahagya syang natauhan sa pagbabalik tanaw ng hindi na nya makita ang babae, tsaka pa lang sya na tinag at nais nya sana etong habulin.
"Richel!" nahinto ang balak sanang paghabol nya sa babae ng marining nya ang pagtawag sa kanya ng pamilyar na boses.
Itutuloy…
=Justine=Ang araw ng binyag ni Emmanuel ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay namin —puno ng tuwa, halakhakan, at mga taong matagal ko nang hindi nakita. Simple lang ang handaan sa villa, pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat sulok—mula sa dekorasyong puti’t asul, hanggang sa mga upuang may palamuti ng baby’s breath at eucalyptus. Sa gitna ng kasiyahan, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang anak naming si Emmanuel, mahimbing sa bisig ng lola niyang si Donya Litecia, na para bang nabura na ang mga bakas ng nakaraan sa kanyang mukha. Ngayon, isa siyang lola na punung-puno ng pagmamahal.Nasa gitna ako ng pakikipagkuwentuhan sa isa sa mga kapitbahay namin nang mapansin kong may pamilyar na babaeng papalapit. Hawak nito ang maliit na bag, at may ngiti sa labi na parang walang panahon ang dumaan.“Ellie?” halos pabulong kong nasambit, habang bumilis ang tibok ng puso ko.“Justine!” sabay abot ng mahigpit na yakap. “Oh my God, ang tagal nating hindi nagkita! Last time? B
**Richel’s POV***Tahimik ang gabi sa villa. Sa labas, ang huni ng mga kuliglig at ang banayad na hampas ng alon ang tila musikang maririnig ng gabing yun. Pero sa loob ng aming kwarto, mas malakas pa sa hangin ang pintig ng aking puso. Hawak ko ang isang maliit na kahon– katulad ng kahon na nakita ko noon dati bago ang aking aksidente —ang pregnacy test. Nakita ko eto kanina sa banyo at halos mapaluha ako — dalawang linya.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, pinaghalong kaba, saya at excitement. Pero isa lang ang sigurado ko: ngayong binigyan ulit kami ng pagkakataon, hindi ko na hahayaang maulit ang nakaraan. Ngayon, kasama na ako sa bawat hakbang. Hindi na siya mag-isa.Lumapit ako sa aming kama kung saan natutulog si Justine, hinaplos ko ang buhok niya, at marahan hinalikan ang kanyang noo.“Thank you... for this chance... to show you how much I truly love you.”Dahan-dahan etong nagmulat ng mata na may ngiti sa kanyang mga labi. “Bakit gising ka pa?” tanong niya sa inaantok
Makalipas ang dalawang buwan.Matapos ang pagbagsak ng pasilidad ni Don Rafael dahan-dahan ng naghihilom ang mga sugat ng nakaraan—ngunit hindi ang sugat sa puso ni Justine, nanatili sa kanyang alala ang eksena ng mga pangyayari na tila paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang diwa, gising man o tulog. Sa isang secured medical facility na pag-aari ni Nathan na hindi matatagpuan sa mapa, muling dumilat ang mga mata ni Richel Hermano.Puting kisame ang sumalubong sa kanya, tanging tunog ng heart monitor ang kanyang naririnig, At isang pamilyar na kamay ang nakahawak sa kanya—si Justine.“Richel…Naririnig mo ako?” mahina ang boses nito, nasa mga nito ang galak ng makita ang kanyang pagmulat, mahigit dalawang buwang walang kasiguraduhan na magigising sya.Ngunit ngayon—Bahagyang gumalaw si Richel, tumulo ang luha sa kanyang pisngi— dahil sa katotohanang buhay pa siya. Hindi siya naiwan sa ilalim ng yelo. Sa kanyang kaliwang pulso, nakakabit ang isang prototype nano-regeneration cuff.“I tol
Ilang oras nang nakaposisyon sa paligid ang pwersa ni Richel na naghihintay sa hudyat kung kelan kikilos, ang ally na una ng nakapasok sa loob, ngunit walang sinuman ang nakahalata sa kanyang presensya. Kasama si Justine at Rafa at ilang nilang tauhan, maayos silang pinapasok sa malawak na pasilidad ni Don Rafael na tila isang panauhin.Lumapit sila sa gitna ng pasilidad, diretsong humarap kay Don Rafael. Ang matanda, nakatayo sa kanyang opisina, nakangisi at may malamig na titig. “So… you finally come face to face with me,” ani Don Rafael, boses puno ng panlilinlang at tagumpay.“Give me the antidote!” wika ni Richel.“Uh-uh! Not too fast!” nakangising wika ng Don. “You want the antidote? Fine! But give me your fortune! All of it!” sabi nito sa ganid na boses.“I won’t give you what you want. Not the Hermano fortune,” galit na sambit ni Richel.Napuno ng galit ang mga mata ni Don Rafael. “You disappoint me, Richel. I gave you a chance… And this is how you repay me?”“I will not gi
Greenland Facility, Arctic ZoneSa loob ng isang yelong facility with futuristic design and technology, si Don Rafael ay tahimik na nakatayo sa gitna ng isang command center na may 360-degree holographic view ng Arctic.“Status?” tanong niya sa operator.“Subjects in transit. ETA: 41 minutes. Perimeter defenses are online.”“Good!” maiksing sagot nya. Bago lumakad papasok sa kanyang private chamber kung saan tanaw pa rin ang kabuuhan ng artic view. Ilang taon nyang pinaghandaan ang pasilidad na eto, inubos nya ang buong yaman nyang nakuha sa pamamagitan ng maduming laro ng buhay— pero ang kapalit naman nito ay ang pagtayo ng kanyang bagong imperyo mula sa mga Hermano.Binalot ng katahimikan ang kanyang private chamber, lumapit sya sa maliit na bar counter sa loob nito at nagsalin ng alak bago naupo sa isang itim na leather chair, hawak ang basong may mamahaling alak, habang pinagmamasdan ang kumikislap na data sa harap niya.“I knew you would come because by this time the serum has fin
Ang liwanag ng umaga ay halos hindi makalusot sa makakapal na ulap na bumabalot sa bundok. Sa loob ng safehouse, tila naging kainip-inip ang bawat pag daan ng oras.Si Richel ay tahimik na nakaupo sa tabi ni Justine, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lizzy na nilalaro ang kanyang stuffed bear sa isang sulok ng command room. Sa kabila ng lahat, larawan ng kaenosentehan ang kanilang anak, na tila walang problemang kinakaharap ang kanilang pamilya—isang bagay na handa nilang ipaglaban upang manatili protektado ang puso at isip nito."Nick, any word from the extraction team sa New York?" tanong ni Justine, di mapalagay ang mukha.Tumango si Nick. “Gabriel is in transit. We’re using a stealth jet from our allies in China, and he’ll be here within the next two hours.”Napabuntong-hininga si Justine. “We’ll finally see them together…”Hinawakan ni Richel ang kamay ni Justine.“Gagawin ko ang lahat para mabuo ang pamilyang eto,” bulong nya dito.Makalipas ang ilang oras.“He’s alm