Share

Chapter Eighteen

"Anong sabi ng Kuya mo, anak? Nasaan daw siya ngayon? Bakit daw hindi umuwi kagabi?" sunod-sunod na tanong ni Aling Tina sa anak ng nakitang ibinaba na ang cellphone. Tanda lamang na tapos na itong nakipag-usap sa amo nila.

"Humihingi ng pasesniya 'Nay. Pagpasensiyahan na raw natin dahil hindi nakatawag kagabi. Sabi niya rin po na pag-uwi na lamang daw niya rito saka niya ipapaliwanag ang nangyari," tugon naman nito.

"Ha? Nangyari? Ibig sabihin ay tama pala tayo sa iniisip natin simula kagabi? Kumusta na raw siya? Aba'y ikaw na bata, ayusin mo ang pananalita mo kung ayaw mong samain sa akin!" Napataas ang boses ng Ginang dulot ng pagkabigla sa ibinalita ng anak.

"Inay, huwag ka ng magalit. Kilala mo naman si Kuya. Laking siyudad iyon, kung sinabi niyang dito siya magpapaliwanag ay gagawin niya. Kapag tikom ang labi ay wala tayong magagawa. Sa tanong mo po, kung kumusta na siya ay halatang walang tulog. Subalit sabi niya po ay huwag na tayong mag-alala dahil nasa maayos siyang kalagaya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status