Samantala, sa galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng kaniyang puso ay sa paborito niyang tambayan siya dumiretso instead of his room. Hindi niya akalaing sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit anim na taon na muli nilang pagkikita ng mga kapatid niya'y gano'n pa ang madadatnan niya, o ang mangyayari. Hindi naman siya super hero o Gumiho at mas lalong hindi siya multo na nakakapasok kahit anong oras niya gusto.Subalit sa lahat ng maaring pasukan sa malaking bahay o mas tamang sabihin na mansion ay siya ang nakakaalam, ang mga secret passages sa kabuuan ng mansion ay kabisadong-kabisado niya. Maybe, by chance or one way another but now he can understand why his parents as well as his siblings hates him to death."Alam kong dito kita matatagpuan, anak. Hindi ako nagkamali ng sapantaha dahil wala ka naman sa silid mo. Kumusta ka na, anak? Mahigit anim na taon kang nawala, saan ka napadpad sa mga taong nakalipas?" tinig ng kaniyang Yaya. Kaya naman ay agad niya itong nilingon."Ikaw pala,
Couple of weeks later..."Bilisan mo, kambal. Nandiyan na ang sundo mo!" malakas na sabi ni Mariz Kaye sa kambal. Hindi naman niya kailangang gawin iyon kaso naaawa naman kasi siya sa nobyo nito na ilang minuto ng naghihintay."Haist! Saglit lang, bakit ka ba nagmamadali kambal?" tugon ni Cassandra sa kambal niya.Kung tutuusin ay siya sana ang excited dahil siya ang may date. Sila ng nobyo niya, ngunit mas excited pa yata ang kambal niya. Kung ilang beses siya nitong tinawag ay hindi niya mabilang. Kaso ang akala niyang nanahimik na ay nasa tabi na pala niya."Kambal, hindi mo na kailangan ang magpaganda ng todo-todo. Dahil kung talagang mahal ka niya ay kahit kamukha mo ang ugly duckling ay hindi ka niya oobligahing magpaganda. Tama na iyan, aba'y hindi ka na naawa sa tao, kanina pa siya naghihintay sa iyo." Nakapamaywang ito sa tabi niya."Oo na, kambal. Tapos na ako, kaya't tara na sa baba baka itanan pa siya ni muning," tugon na lamang niya na ang tinutukoy niya ay ang pusa nila
"Sorry, Sweetheart, kung nauwi sa entrapment ang dinner date natin. Hindi ko namang akalaing dito pala ang sinasabi ng mga tauhan ko. I'm sorry, Sweetheart," hinging paumanhin ni Rodney ng nasa harapan na sila ng bahay ng mga Herrera/Mondragon."Okay lang, 'Ney. May ibang pagkakataon pa naman tayo upang magkaroon ng ibang date. Tawag ng tungkulin naman iyan kaya't hindi maaring mas uunahin ang personal na buhay. Basta mag-ingat ka lagi, Ney. Hindi natin alam kung ano ang magagawa ng mga kriminal." Ngumiti ang dalaga sa kasintahan. May nararamdaman siyang inis dahil kung kailan nasa date sila ay saka pa sila tumawag upang sabihing may entrapment. Ganoon pa man ay ginawa niya ang lahat upang ikubli ang iritasyon niya. Dragona siya, sharp mouth literary. Pero may dignidad siya, at ayaw din niyang maging katawa-tawa dahil sa pagkamakasarili. Kasintahan niya ito kaya kailangan niya itong suportahan sa lahat ng bagay."Yes, Sweetheart. Don't worry basta, makakuha ako ng magandang pagkakat
Sa kabilang banda, hindi mapakali ang binata dahil hindi pa rin makapaniwalang nasa loob na naman siya seldang kinaiinisan niya. Nasa teenage life pa siya ng ilang beses siyang ipinakulong ng sarili niyang ina sa seldang iyon. Wala naman siyang kasalanan ngunit naulit na naman ang bakas ng kahapon niya. Ang muli siyang bumalik sa kulungang nararapat sana sa mga taong nagkasala hindi ang kagaya niyang walang kaalam-alam sa bagay na ibinabato sa kaniya. Sa lahat ng kinaiinisan niya ay ang maalala ang darkest moment ng buhay niya. Ang pagpapakulong sa kaniya ng sariling ina para lang mapasunod siya sa ninanais."Damm them all! Those filthy jerks! That wretched woman who insulted me without knowing the truth! That poncios pilate too! Wait, until I'll step out of this bullsh*t place and I'll give all the dosage of their medicine!" Palakad-lakad siya habang nakakuyom ang palad.Sino ba ang hindi mapapamura sa kasalukuyan niyang kalagayan? Masaya silang nagkukuwentuhan ng mga kaibigan niyan
"Anong sabi ng Kuya mo, anak? Nasaan daw siya ngayon? Bakit daw hindi umuwi kagabi?" sunod-sunod na tanong ni Aling Tina sa anak ng nakitang ibinaba na ang cellphone. Tanda lamang na tapos na itong nakipag-usap sa amo nila."Humihingi ng pasesniya 'Nay. Pagpasensiyahan na raw natin dahil hindi nakatawag kagabi. Sabi niya rin po na pag-uwi na lamang daw niya rito saka niya ipapaliwanag ang nangyari," tugon naman nito."Ha? Nangyari? Ibig sabihin ay tama pala tayo sa iniisip natin simula kagabi? Kumusta na raw siya? Aba'y ikaw na bata, ayusin mo ang pananalita mo kung ayaw mong samain sa akin!" Napataas ang boses ng Ginang dulot ng pagkabigla sa ibinalita ng anak."Inay, huwag ka ng magalit. Kilala mo naman si Kuya. Laking siyudad iyon, kung sinabi niyang dito siya magpapaliwanag ay gagawin niya. Kapag tikom ang labi ay wala tayong magagawa. Sa tanong mo po, kung kumusta na siya ay halatang walang tulog. Subalit sabi niya po ay huwag na tayong mag-alala dahil nasa maayos siyang kalagaya
"Sa tingin ko ay hindi ko na kailangang magbalita, Sweetheart. Mukhang si Saavedra iyon," ani Roodney sa kasintahan.Nasa garden naman kasi sila kaya't kitang-kita nila ang paglabas ng binata mula ss kabahayan. Hindi nga lang nila makita ang mukha nito dahil patagilid lang nila itong nakita."Yes, 'Ney. Actually magkasunod lamang kayong dalawa," tugon ng dalaga.Humingi na ang Kuya niya ng paumanhin, ganoon din siya. Nagkapatawaran silang lahat kaso parang umaalingawngaw pa rin sa pandinig niya ang malakulog nitong boses. Dragona siya oo, madalas nilang lambingin ng kambal niya ang kanilang Kuya. Kaso hanggang sa sandaling iyon ay parang galit nitong mukha ang nakikita."Are you okay, Sweetheart?" tanong ng binata dahil napansing napatulala ang kasintahan. Halatang may iniisip ito."Of course, 'Ney. By the way, are you not coming inside? Nandiyan ang magulang at Kuya ko," nakangiti namang sagot ng dalaga."Some other time, Sweetheart. Napadaan lang ako upang ibalita sana ang tungkol s
"Kasasabi ko lang, kung kailan darating ang karma niya ngunit ibinigay agad ng langit. BOSSING alam mo po ang nasa utak ko. Kailanman ay hindi ko idinalangin ang pangyayaring ito. Wala akong kasalanan sa nangyari, BOSSING," bulong niya. Papaikutin na sana niya ang sasakyan upang lumapit sa kinaroroonan nito baka sakaling mailigtas niya kaso dumating ang mga police na maaaring papunta rin sa mansion nila kaya't bumalik siya sa pangalawang option. Tumuloy siya sa kanilang mansion."Good morning, Sir Tommy. Pasok ka," sabi ng guwardiya ng napansin niya."Salamat. Pero may aksidenting nangyari sa may kanto. Kung hindi ako nagkakamali ay dito siya galing dahil nakasalubong ko pa siya bago sumalpok sa poste. Halos magkabanggaan nga kami dahil kulang na lamang ay paliparin niya ang sasakyan." Lumingon pa siya sa kabilang bahagi ng kalsada. Kahit hindi na ito abot sa paningin niya. Pinili niyang huwag sabihin dito na alam niyang ang panganay niyang kapatid ang naaksidente. Kaso ito rin ang k
"Pasok maupo kayong tatlo," wika ni MA sa mga tauhan ng kumpanya.Wala naman siyang kaalam-alam kung ano ang dahilan kung bakit nakiusap sa kaniya ang bayaw na ipatawag niya ang magkakaibigan. Ganoon pa man ay sinunod niya. Maaring may sasabihin ito sa tatlo ngunit hindi maaring ipagsabi sa labas kaya't sa kaniya ito dumaan."Salamat, Boss. Subalit maari ba naming malaman kung bakit mo kami ipinatawag?" tanong ni Samson na agad sinundan ni Anjo."Tama si Engineer Reyes, Boss. May nilabag ba kami sa patakaran dito?" anito."Hindi ko alam, Boss, pero pakiramdam ko ay may importante kang sasabihin. Maari mo naman po kaming kausapin in public pero pinagreport mo pa kami rito," wika naman ni Romy.Wala siyang masabi sa mga ito. Dahil simula tinanggap niya ang tatlo anim na taon na ang nakakaraan ay wala pa silang nagagawang mali. Kaya naman ay wala rin siyang maisagot sa mga tanong nila. Dahil kahit siya ay nagtataka, napapaisip kung bakit ipinatawag ng bayaw niya ang magkakaibigan."Ang B