PINASADAHAN ko ng tingin ang mga naroroon at nagulat nang makita si Sheena sa bulwagan ng covered court. Nanlalaki ang mga mata nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"OMG! WHAT HAPPENED TO YOU?!" humahangos na tanong sa akin ni Sheena. "Okay ka lang, sister girl?"
Dahan-dahan akong tumango saka pinagpag ang mga harina sa blouse ko. Ikinagulat ko naman nang hilahin bigla ni Sheena ang braso ko. Wala akong nagawa kundi magpahila sa kaniya palabas ng covered court.
Nang tuluyan na kaming makalabas ay saka ko hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak ng kapatid ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mahaba niyang pagkakanguso. Animo'y isa itong batang nagmamaktol.
"Anong problema mo riyan? Kung makasimangot ka naman parang ikaw pa ang nabuhusan ng harina." Pinagpag ko ang buhok kong panay harina pa rin. Bwisit talaga si Onyx! Makakatikim talaga sa akin 'yung lalaking 'yun!
"Hindi mo ba napapansin?!" Pinagkrus ni Sheena ang mga braso saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Ang alin?"
"Si Angelo! Ganun ba ang manliligaw? Una sa lahat, hindi man lang siya ngumiti sa akin kanina tulad ng lagi niyang ginagawa! Tapos hindi man lang siya nag-alok ng paghahatid sa atin!"
Napakunot ang noo ko. "May ginagawa rin naman kasi 'yung tao. Busy siya ngayon dahil sa SSG."
"Basta! You don't understand me! Pakiramdam ko anytime soon hindi na niya itutuloy ang panliligaw sa akin!" Nagpunas ng mga mata ang loka na akala mo ay may mga luha roon.
"Huwag ka ngang maarte riyan. Kung anu-anong pinag-iiisip mo."
Hindi na lamang umimik pa si Sheena at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Ganoon na lamang din ang ginawa ko. Bahagya pa akong natigilan nang makita sa gate si Onyx. Prente itong nakasandal sa gilid ng guard house.
"Ang tagal niyo naman." Lumapit ito sa akin saka pinunasan ang mukha ko gamit ang hawak niyang panyo. "Kung alam ko lang na may gan'tong gimmick sa acceptance rites edi sana ay hindi na lang kita pinilit na pumunta roon."
Tinapik ko ang kamay niya dahilan para tigilan niya ang pagpupunas. "Huwag mo 'kong simulan ngayon, Onyx. Kanina pa ako nabi-bwisit sa'yo."
"Ang sungit naman nito. Ikaw na nga ang tinutulungan ko." Pumasok siya sa guard house at saka may dinala palabas na helmet. Inabot niya iyon sa akin.
"Anong gagawin ko riyan?" salubong ang kilay kong tanong.
"Ipukpok mo sa ulo mo," nakangising sagot ng kumag.
Nang akma ko naman siyang hahampasin ay saka siya tatawa-tawang umilag. "Biro lang! Suotin mo na para maihatid na kita. Dala ko 'yung motor ko, nandiyan sa labas."
"T-Teka! Paano naman ako?!" tanong ni Sheena.
"Bakit? Sino ka ba?" taas-noong tanong naman ni Onyx.
"Ako lang naman ang ate ng babaeng ihahatid mo. Eh, ikaw, sino ka?"
Ngumisi si Onyx. "Ate pala kita eh," tumawa ito, "ako lang naman ang boyfriend ng kapatid mo."
"Boyfriend? May boyfriend ka?!" gulat na tanong sa akin ni Sheena. Hinawakan pa niya ang dalawang balikat ko saka ako inalog-alog.
"Bitawan mo nga 'ko." Inalis ko ang mga kamay niya sa akin saka ko kinuha ang helmet kay Onyx. Bukod sa tinatamad akong magpaliwanag ngayon ay totoong gusto ko nang umuwi kanina pa. Sinuot ko ang helmet saka na ako lumabas ng gate.
NASA kalagitnaan na kami ng biyahe ng biglang bilisan ni Onyx ang pagmamaneho ng motor naming sinasakyan. Napayakap naman ako sa kaniya dahil doon. Ikinabigla ko iyon dahilan para bumitaw ako at humawak na lamang sa bakal sa likod ng motor.
"Hindi mo ba na-miss 'yung mga ganitong paghahatid ko sa'yo?"
"Hindi," agad kong pagsagot.
"Hindi mo na ba talaga ako bibigyan ng pagkakataon para patunayang mali ang sinasabi nila?"
Napahigpit ang kapit ko sa bakal sa likod ng motor. "Ngayon pa talaga natin pag-uusapan iyan?"
"Kailan ba dapat? Kailan ba kita makakausap ng maayos?"
"Ihatid mo na lang ako sa amin, Onyx." Hindi na nagsalita pa ang nasa harapan ko. Nagpatuloy na lamang siya sa pagmamaneho ng motor. Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa bahay.
"Salamat." Matapos iyong sabihin ay pumasok ako ng gate. Walang lingunan akong naglakad. Hindi ko na rin narinig magsalita pa si Onyx, mabuti naman.
Nang buksan ko ang pinto ng bahay ay ikinagulat ko nang makita si Tita Divine. "Oh, kumusta ang araw mo sa school?"
Tipid ko itong nginitian. "Okay lang naman po."
"Si Sheena, bakit hindi mo kasabay?"
Ibubuka ko na sana ang bibig ko ngunit alinsabay noon ay ang pagbukas din ng pinto. Iniluwa nito si Sheena na mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang hitsura.
"Bago ka pumanhik sa kwarto mo, pwede bang pakiayos ng mga nakatambak mong damit sa CR? May laundry basket naman kung bakit diyan mo sa CR isinisiksik!"
Busangot na sumunod si Sheena sa sinabi ng kaniyang nanay. Ako naman ay gusto nang magpahinga kaya umakyat na ako ng hagdan.
"Teka, Rose! May binili akong cake kay Mareng Marites baka gusto mong kumain muna?! Dali, mag-meryenda muna tayo tutal ay di pa luto ang hapunan."
Hindi na ako nakatanggi dahil sa pinapakitang kasigasigan ni Tita. Sumubo ako ng cake at saka napangiti. "Ang sarap po nito."
"Buti naman at nagustuhan mo. Siya sige, pumanhik ka na ng kwarto mo at baka gusto mo nang magpahinga."
Tumango ako saka itinapak ang mga paa sa yari sa kahoy na hagdan. Nakasabay ko pang umakyat si Sheena na binundol pa ako. Mukhang nagmamadali siya pag-akyat kaya hindi ko na lang pinansin kahit pa muntikan na akong mawala sa balanse. Napailing na lamang ako.
Nang aktong bubuksan ni Sheena ang pinto ng kwarto niya ay tumingin muna siya sa akin saka umirap. Teka, anong problema ng babaeng 'to?
Sinundan ko si Sheena sa loob ng kwarto niya. "Anong nangyayari sa'yo? May problema ka ba?"
"Huwag mo ako kausapin." Humiga ito sa kama at saka nagtalukbong ng kumot.
"Baka naman sa akin ka may problema? Sabihin mo na lang kesa magmukmok ka riyan."
"Iwan mo ako!"
"Pag-usapan natin Sheena para maayos natin kung meron man akong ginawa sa'yo."
"Pwede ba umalis ka na lang? Gan'to mo 'ko tratuhin kahapon pero may narinig ka ba sa akin? Wala, 'di ba?"
Hindi ako nakaimik. May punto siya. Wala akong nagawa kundi iwan na lamang siya sa kwarto niya. Pumasok ako ng kwarto ko at doon ay tulalang umupo sa kama. Ano bang problema ni Sheena? Para siyang bata. Akala mo ay junior high school pa rin kung umasta, tss.
Binuksan ko ang cellphone at saka nakita ang missed call ng nanay ko. Sinubukan ko siyang tawagan pabalik pero hindi siya sumasagot. Nagising na siguro ang alaga niya.
Nang buksan kong muli ang cellphone ay saka bumungad sa aking call history ang number ni Angelo. Napabuntong-hininga ako habang nagdedesisyon kung tatawagan ito o hindi. May gusto akong itanong sa kaniya patungkol sa kapatid ko.
Hindi kaya magandang sa personal ko na lamang itanong sa kaniya?
Napailing ako at saka pinindot ang cellphone at inilagay sa kanang tainga. Ilang beses nag-ring iyon bago sagutin ng kabilang linya.
"Hello." Napakalalim ng boses ng sumagot.
"Didiretsuhin na kita. Anong ginawa mo sa kapatid ko?" Pinilit kong gawing kalmado ang tono ng pananalita pero ang totoo ay nanginginig na ang mga daliri ko.
"Hindi pa pala niya sinasabi sa'yo?"
"Ang alin?" mariin kong pananalita.
"Meet me."
"A-Ano?" Nagkunwari akong natatawa. "Gusto mo talagang mabangasan, eh 'no?"
"I'll text you the address."
"No. Hindi ako pupunta. Ngayong gabi pa talaga, ah. Sa tingin mo ay papayagan pa akong lumabas?"
"Susunduin kita."
"Lalong ayoko—" Hindi ko na naituloy ang pananalita dahil naibaba na ang kabilang linya.
Napamura na lamang ako sa isip saka tumingin sa bintana. Ikinagulat ko nang makita ang paparating na itim na kotse na siguradong-sigurado akong kay Angelo. Matalas ang memorya ko at sigurado akong sa kaniya ang kotseng iyon.
Agad akong bumaba ng hagdan. Tumingin pa ako sa kaliwa't kanan kung naroon si Tita Divine pero mukhang tulad ng nakasanayan ay nasa mga kumare niya ito para mag-mahjong.
Dali-dali akong lumabas ng bahay at binuksan ang gate. Hindi nga ako nagkamali dahil naroon si Angelo at prenteng nakasandal sa kotse niyang itim.
"Anong ginagawa mo rito?" salubong ang mga kilay kong tanong. Pinagkrus ko pa ang mga braso ko. Ginawa ko iyon para pigilan ang sarili sa pagtitimpi sa pagsuntok sa kaniya.
"I told you, susunduin kita." Blangko ang eskpresyon nito. Napatingin ako sa kasuotan niya. Sweater na itim at pantalon na ganoon din ang kulay. Simple lamang kung tutuusin pero dahil sa angkin niyang natural na kakisigan ay nagmumukha siyang modelo.
Napatingin ako sa kasuotan ko. Uniporme pa rin pala ang suot ko. "Nakikita mo ang suot ko, hindi ako pwedeng umalis ngayon. Tatawagin ko na lang si Sheena para mag-usap kayong dalawa."
Tatalikod na sana ako at papasok ng gate pero pinigilan niya ang braso ko dahilan para tingnan ko siya. Napatingin ako sa kamay niya sa braso ko.
"Ikaw ang gusto kong makausap." Hindi pa rin binibitawan ni Angelo ang braso ko kaya't ako na ang humila nito.
"Sige, pag-usapan na natin."
"Let's go somewhere else."
"Ang arte mo rin, eh 'no? Bakit ba hindi pwedeng dito natin pag-usapan?"
"Please, mabilis lang 'to. Ihahatid ulit kita rito, safe and sound."
Dahil sa nakikita kong sinseridad ay hindi ko na nagawa pang tumanggi. Ang hitsura ng hunghang ay parang isang tutang humihingi ng atensyon.
ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek
"SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri
"A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib
NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin
NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala
NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin