로그인“BILISAN MO na, Ellie. Malalate ka na sa kasal mo,” naiinip na sabi ni Luna.Araw na ng kanyang kasal. Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang siya ay manganak. Hindi naging madali ang lahat. Ramdam niya ang pagod at puyat, ngunit sabik na rin siyang makita ang kanyang mapapangasawa sa altar.Agad ding lumipad pabalik ng Pilipinas si Caroline nang marinig ang balitang nanganak na si Ellie. Hindi nito pinalampas ang pagkakataong makita ang kambal.“Hindi ko kasalanan, sabihin mo kay Hope na bitiwan na ang mga dibdib ko,” pagmamaktol ni Ellie habang nakatingin sa cute na sanggol na sumususo sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siyang tantanan ng anak.“Ano?! Hindi ka pa rin bihis?!” gulat na tanong ni Caroline nang makapasok sa silid at makita si Ellie na hindi pa rin nakabihis. Napakunot-noo ito sa nakita. Karga nito sa mga bisig ang natutulog na si Honey. Walang Nanny ang kambal. Gusto ni Ellie na siya mismo ang mag-alaga sa mga anak. Ngunit nahihirapan siyang pagsab
KYO WAS pacing back and forth sa hallway, parang may mabigat na bato sa dibdib niya. His heart was pounding so hard, halos marinig na sa kanyang tainga mismo. Mula sa loob ng labor room, rinig niya ang malalakas na sigaw ni Ellie. Ang sigaw na tila pumupunit sa puso niya.“H-hindi ko kaya! Kailangan ko ang asawa ko...” Nang marinig ni Kyo iyon, parang may kumalabit sa kaluluwa niya. Hindi na siya mapakali. Gusto niyang pumasok pero natatakot din siya baka pagbawalan. Ilang sandali pa ng pag-aalangan, napagpasyahan niyang sumugod sa loob. At sa gulat niya, hindi siya pinigilan ng doktor at dahil iyon daw mismo ang kailangan ni Ellie ngayon.Binigyan siya ng hospital gown, halos hindi niya maikabit nang maayos sa sobrang pagmamadali. Paglapit niya kay Ellie, nakita ni Kyo ang pawis na dumadaloy sa noo nito. Ang mukha ay punô ng sakit at pagod.“Baby, I’m here… I’m here with you,” bulong niya sabay halik sa basang noo nito.“K-kyo… A-ang sakit, hindi ko kaya…” halos pabulong na sabi ni
ANIM NA buwan na ang nakalipas. Si Ellie ay nahihirapan ng kumilos sa laki ng kanyang tiyan. Isang linggo pagkatapos ng insidente, bumalik na sa normal ang lahat. Si Caroline ay bumalik na sa ibang bansa pagkatapos makalabas si Kyo sa ospital, para pamahalaan ang kumpanya ng yumaong asawa. Si Trixie ay kasal na sa isang businessman noong nakaraang buwan at bumalik na sa Italy upang mamuhay bilang mag-asawa. Ito ang tumulong kay Trixie para hindi makulong sa ginawang pagbaril kay Drillan. Si Raim naman ay nananatiling binata. Tumutulong ito sa pamamahala ng kumpanya ni Kyo dahil hindi pinapayagan ni Ellie si Kyo na mawala sa kanyang paningin. Bumalik naman ang dating sigla ni Saoirse. Si Luna muna ang nagbabantay dito. Hindi na sila basta-bastang nagtitiwala sa ibang tao pagdating kay Saoirse. "Ubos na," malungkot niyang sambit nang makitang wala ng laman ang bowl na hawak. Mag-isa siyang nakaupo sa sala, nakabukaka ang mga binti habang gutom na gutom na isinusubo ang ice c
HINDI MAPAKALI si Ellie. Pabalik-balik siya sa kahabaan ng waiting area, paulit-ulit na kinakagat ang kuko ng hintuturo. Magulo ang buhok at basa ang pisngi sa luha. Hindi niya iniinda kung mukha siyang gusgusin, wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay maging ligtas si Kyo.“Please… please be okay...” paulit-ulit niyang bulong.Parang walang katapusan ang mga oras. Hanggang sa bumukas ang pinto, at lumabas ang doktor.“Successful ang operasyon. Naalis na ang bala. Pero maraming dugo ang nawala. Mabuti na lamang nadala siya agad sa ospital. Sa ngayon, stable na ang lagay niya,” sabi ng doktor.Para siyang nanghina pero sa wakas ay nakahinga na rin. Nang mailipat sa private room si Kyo, hindi siya umalis sa tabi nito. Umupo siya at dahan-dahang sinusuklay ang buhok nito.“Gumising ka na, please. Namimiss na kita...” bulong niya, basag ang boses. Hinalikan ni Ellie nang marahan ang noo nito habang tumutulo ang mga luha. Umalis si Luna kanina para bumili ng pagkain
BIGLANG NAGLAHO ang antok sa mga mata ni Saoirse nang marinig ang gulat na sigaw sa paligid. “Daddy! Yaya Ellie!” tili nito, saka mabilis na bumaba mula sa pagkakabuhat ni Trixie at tumakbo diretso sa mga bisig ng ama.“B-but… how she’s… how is she here?” nauutal na tanong ni Kyo habang mahigpit na yakap ang bata.“Yaya Ellie!” masayang tawa nito at yumakap din sa kanya.“Sobrang saya ko dahil nakita kita ulit. Kung panaginip lang ito, sana hindi na ako magising,” bulong ni Ellie na nanginginig ang boses. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya.“I miss you, Yaya,” nakangiting sabi ni Saoirse, at pinupunasan ang luha niya gamit ang maliliit nitong kamay.“Same here, baby. I miss you so much…” halos mapugto ang boses niya sa sobrang emosyon.Biglang tumigas ang panga ni Kyo, nagdidilim ang mga mata. “Don’t tell me… you kidnapped her.” Buong galit ang tingin nito kay Trixie habang unti-unting lumalapit sa babae.“N-no! It’s not like that! I h-have an explanation!” nanginginig
LUMABAS MULA sa silid ni Saoirse si Ellie at Kyo, kapwa pagod at bahagyang gusot ang mga damit. Tapos na naman sila sa paglilinis doon kagaya ng nakaugalian. Ito na ang ginagawa nila linggo-linggo. Nagkatinginan sila at napatawa. "Seryoso? Bakit ka tumatawa?" tanong ni Ellie habang nakatitig sa magulong buhok ni Kyo. "Bakit ka rin tumatawa?" balik-tanong nito. "Ang buhok mo, ang dumi-dumi. Para kang payaso," natatawang sabi niya. "May mantsa rin ang mukha mo. Tara na, maghilamos na tayo," anito, sabay hila kay Ellie papunta sa kanilang silid. "Teka, Kyo," pigil niya, bahagyang nagulat sa biglaang paghila sa kanya. "Silence!" pabirong saway ni Kyo at binuhat siya na parang bagong kasal. Pagkatapos nilang maglinis ng katawan, sabay silang bumaba. Dumeritso si Ellie sa kusina at nadatnan niyang nagluluto si Caroline. "Ang galing-galing mo talagang magluto, Tita." Takam na takam siya sa niluluto nitong banana cue.Simula nang naging fianceé siya ni Kyo. Ti







