Sa sandaling titigan na iyon ay agad ring naputol dahil biglang bumungad si Mrs. Perez, i don't want to call her ‘mom’ dahil hindi naman siya nagpapakananay sakin all this time.
“Good afternoon Mr. Montlaire!” bati nito nakangiti kay Mr. Montlaire and she even add to glare at me na para bang inaagawan ko siya ng eksena. “G-good afternoon.” dinig kong sabi ni Mr. Montlaire, hindi na ako nakiisyoso pa o nagbigay ng kahit ilang segundo para tignan sila. Im a busy person, at wala akong oras para makialam sa mga negosasyon na hindi naman ako parte. Im just an ordinary employee here, kahit anak pa ako ng may-ari. “Tangina! grabe yung pag-ka-intimidating niya like, maiihi ka sa sobrang kaba, huminga ka ba habang naglalakad siya kanina padaan satin?” dinig kong sabi ni Drina on of my office mate sa katabi nitong si Elaine na parang sa bar ang trabaho dahil sa suot nito. “Oa mo, grabe ka sa ‘maiihi?’ ako maiihi lang ako pag naikama ko yang si Mr. Montlaire!” mayabang na sabi nito, at dahil ro’n ay nag angat ako ng tingin. Tinignan niya ako, tinaasan ng kilay na parang sinasabi niya na “May angal ka?” Ipinilig ko nalang ang ulo ko at ibinalik ang atensyonsl sa screen, masyado pa akong maraming kailangang tapusin, at wala na akong oras para makinig pa sa mga chismisan nila. Habang nag titipa, narinig namin ang pagbukas ng pinto ng board room, iniluwa noon si Mrs. Perez at masama ang tingin na lumapit sakin. “Come inside, now!” maotoridad nitong utos pero pabulong lang. Hindi na ako nag-alangan at agad na tumayo narinig ko pa ang sinabi ng isa sa office mate ko na “Hala? bakit siya pinatawag sa loob? diba exclusive matter ‘yon?” Hindi ko na iyon binigyan ng pansin at sumunod nalang kay Mrs. Perez. “You look messed! fix yourself, para kang galing sa palengke!” sermon nito. Inayos ko ng bahagya ang butones ng suot kong blouse at inayos ng bahagya ang bangs ko. “Pasensya na po Mrs. Perez.” bulong ko. Pagbukas ng pinto ay bumungad sakin si Papa, nakaupo sa kanang bahagi ni Mr. Montlaire, habang si Mr. Montlaire ay nasa center sa bandang dulo, kung umupo akala mo ay pag aari ang lahat ng bagay kaya di ko naiwasang taasan ito ng kilay. “Is she the one you referring to, Mr. Montlaire?” tanong ni Mrs. Perez bahagyang nakakurot sa braso ko. Naglandas ang tingin ni Montlaire sa kabuuhan ko, ang mga mata niya na tila hinuhubaran ako, napataas ulit ang kilay ko ng magtagpo ang mata naming dalawa, napansin ko ang bahagya niyang pag ngisi kasabay non ay umayos siya ng upo, at inilapag ang hawak nitong folder. “Elena Gayle.. Perez, is she your daugther?” napatingin siya kay Papa at Mama, Tapos nagtinginan ang dalawa at tinignan ako. “Yes Mr.Montlaire” sagot ni papa. Hearing his answer from a question if i’m his daugther, was so fulfilling, in the first time he admit that i am his daugther. Hindi ko napigilan ang bahagyang pag ngiti, ngunit agad rin iyon binawi ng Mama ko. “Yes, but can i ask you bakit ipinatawag mo siya?” tanong nito kay Montlaire. “Come here Elena, sit beside me.” nanayo bigla ang mga baahibo ko sa batok, hindi ko alam kung mali ba ako ng dinig o talagang sinabi niya iyon. Tinulak ako ni Mrs. Perez ng bahagya para lumapit kay Mr. Montlaire, and as what they want i always do whatever they want me to. Umupo ako sa tabi ni Mr. Montlaire kaharap ang Papa ko. “So... you want to save your company Mr. Perez, right?” tanong ni Mr. Montlaire kay Papa at hinarap ito. “Yes Mr. Montlaire, we will do everything you want, to save our company.” sagot naman ni Mrs. Perez. Napairap ako ng wala sa oras, they are totally obsessed to status and reputation of the company. “What are you glaring at Ms. Perez” halos mapaigtad ako sa tanong na iyon ni Mr. Montlaire. Nakita niya pa talaga yon? “Nothing Mr. Sebastia--” naputol ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Mr. Montlaire “Oh god, stop saying my name that way.” He said. I saw the veins in his temple bulge, the tension in his jaw, and then he suddenly looked at me, an expression I knew was filled with desire. “I-im sorry Mr. Montlaire ” sagot ko. Tumikhim siya at bahagyang inadjust ang neck tie niya, binuksan rin niya ang iilang botones ng polo niya. Naiinitan ba siya? lamig kaya! “Okay, let's close this deal.” saad nito, nakangiting pareho ang Parents ko, as if they already knew what's coming next. “But..” tikhim ni Mr. Montlaire. Nawala ang mga ngiti sa labi ni Mrs. Perez, “In one condition.” Tumingin sakin si Mr. Montlaire tapos bahagyang sinulyapan ang mag asawa. “I want her as exchange for this deal.” In those words, parang gumuho bigla ang mundo ko, tinignan ko ang Parents ko, naghihintay sa isasagot nila. Nagsalita ulit si Mr. Montlaire, saakin na siya humarap. “You either accept.. or there's no deal.” parang utos, utos na kailangan mong sundin at kapag hindi mo sinunod may mangyayaring hindi maganda. Nagpapalit-palit ang tingin ko kay Mama at Papa umaasang tututol sila pero mas gumuho ang mundo ko ng magsalita si Papa. “Our deal is close Mr. Montlaire, you can have her, do whatever you want.” Para lang akong gamit na ganoon lang kasimpleng ipamigay, and the way he said that Mr. Montlaire can do whatever he wants to do,to me? his daughter? like, I'm just a piece of shit to play with. “Are you out of your mind Dad?!” napatayo ako sa inis. “I am your daughter! Hindi ako bagay, hindi ako laruan na kapag may gustong bumili sakin e basta basta nyo nalang akong ibebenta?!” sigaw ko. Tumayo si Mama and in one snap, dinig sa buong boardroom ang echo ng lagapak ng pisngi ko dahil sa sampal niya. “This is for our sake Elena! for the company!” sigaw ni Mrs. Perez. “Our sake?! it's all about your fucking damn sake! bakit ako?! bakit hindi nalang yung paborito nyong anak na si Veronica?! pabor pa sainyo ‘yon!” sigaw ko. Natigilan sila Papa at tumingin kay Mr. Montlaire. “No, i want her.” malamig na sagot ng lalaki, tinignan ko ito ng masama pero tinaasan lang ako nito ng kilay at bahagyang ngumisi. “Can you tell us why you want Elena as the exchange? What she said is correct.. wouldn’t it be better if our daughter Veronica were the one? That would strengthen our partnership, Mr. Montlaire.” Biglang sabat ni Papa. Bahagya akong napahinga ng maluwag dahil sa sinabi niya. “Would your daughter Veronica be able to serve me? Do everything I want? Could she endure it if I were to make things difficult for her?” sagot ni Mr. Montlaire, tinignan ko si Papa, punong puno ng pag aalangan ang mga mata niya. “No, she's my precious daughter-- if you want a slave? a maid or what ever! Elena is suit to that role.” sabat ni Mrs. Perez. “It’s better not to call you a mom to the whole time, at least i know what a best thing to call you. Bitch!” singhal ko binawi ang kamay ko na hawak hawak niya. “If Elena didn't want this, then i think i need to leave. I don't want to waste nmy entire time here” tatayo na sana si Mr. Montlaire ng inunahan siya ni Papa. “You can have her, whether she like it or not.” Biglang sabi nito. “Dad!” singhal ko. Lumapit sakin si Papa mahigpit na hinawakan ang braso ko. “Kapag naginarte ka pa, tatanggalin kita sa kumpanya, wala ka naring karapatang tumira sa pamamahay ko, i will request to Mr. Montlaire na ilagay ka sa blacklist para di ka na makahanap pa ng ibang trabaho, pupulutin ka sa kalye! at sisiguraduhin kong magiging misirable ang buhay mo!” napalunok ako ng paulit-ulit ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng bumagsak. The hurtful and threat words coming from my own father. Hindi na ako nakapagsalita pa, pinunasan ko ang naglandas na luha sa pisngi ko ag hinarap ang lalaking sisira sa buhay ko. “I--I will accept the deal.. I.. will do everything you want.” And as those words i spoken, my heart slowly shattered, and I asked myself… Is this really the role I’m meant to play in this world? To be the price paid in exchange for someone whose intentions toward me I don’t even know?Mainit ang hapon sa Balabac. Yung tipong kahit anong gawin mo, ramdam mo ang lagkit ng hangin na humahaplos sa balat, pero kasabay noon ay andoon din yung presensya ng dagat na nagbibigay ng kakaibang gaan sa dibdib. Nasa balkonahe ako ng paupahan ni Aling Merly, nakaupo sa lumang kahoy na upuan, hawak ang isang baso ng malamig na buko juice na binili ko lang kanina. Habang nakatingin ako sa dagat na nasa di kalayuan, hindi ko mapigilang isipin kung paano na ba talaga ang magiging buhay ko dito. Lumipas na ang ilang araw mula nang dumating ako, at kahit papaano, nagsisimula na akong masanay sa bagong paligid. Ang mga tunog ng alon, ang sigaw ng mga batang naglalaro sa daan at tabing dagat, at ang tawanan ng mga kapitbahay tuwing hapon, parang unti-unti nang pumapasok sa sistema ko. Hindi na ako kasing kaba kagaya noong unang araw ko rito. Pero isang bagay ang malinaw sakin ngayon, hindi ako pwedeng manatili na ganito lang. May pera nga ako rito na nakakatulong para makadagdag sa pan
Elena’s POV Umaga pa lang, naririnig ko na ang mga tilaok ng manok at tawanan ng mga bata sa labas. Para akong nasa ibang mundo, malayo sa marangyang Casa Montlaire, at higit sa lahat, malayo kay Sebastian. Maaga pa lang nang bumangon ako sa maliit na kwarto sa paupahan ni Aling Merly. Bumukas ako ng bintana at ninamnam ang sariwang hangin at damang-dama ang kalayaan. Sa wakas, wala na si Sebastian. Walang nakatingin, walang nagbabantay. Malaya na ako, hawak ang sarili kong mundo, ang kapalaran ko at ng anak ko. “Elena, gising ka na ba, hija?” tawag ni Aling Merly mula sa labas ng kwarto. “Opo, Aling Merly, gising na po ako.” sagot ko. Paglabs ko ay sinalubong ako ng ngiti ni Aling Merly sa may munting sala. May dala siyang basket na puno ng sariwang gulay. “Halika, samahan mo ako sa daungan. Mamili tayo ng sariwang isda para sa tanghalian, at para makita mo rin ang daungan. Masaya dun, hija.” Nakangiting aya ito sakin. “Talaga po? saglit lang ho at kukunin ko lang ang wallet
ELENA’S POV. Pagkababa ko sa pier, ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang bawat hakbang, may sumusunod sakin, o ganito lang talaga ang pakiramdam kapag may tinatakasan, pag may tinataguan. Ilang beses kong kinapa yung maliit na bag na dala ko na binili ko malapit sa pier sa maynila, ito na lang ang meron ako, laman nito ang mga pera ko at tatlong pares ng damit na binili ko rin kasabay ng bag. Sumasabay lang ako sa mga taong kasabayan king maglakad, iniisip kung saang parte slng palawan ako magtatago. Alam kong ipapahanap ako ni Sebastian, at alam kong madali niya akong mahahanap kung hindi ko pag iisipan ng mabuti kung saan ako magtatago. Hindi ko kabisado ang lugar, pero kailangan kong maging matatag, kailangan kong makipagsalamuha, kailangan. Habang palinga linga ako, ay may narinig akong sumisigaw, pa Bataraza raw, bago lang sa pandinig ko, kaya naman lumapit ako roon at agad na nagtanong. “Kuya, saan ho ang Bataraza? malayo po ba sa mga bayan bayan ‘yo
Sebastian's POV Nawawalan na ako ng pag-asa, hindi ko na alam kung saan ko hahanapin si Elena. Walang makapagsabi kung nakasakay ba siya ng barko, o nililito niya lang ako, dahil alam niyang hahanapin ko siya. I know her, she's smart enough para gumawa ng mga bagay na talagang planado at pinagisipan ng mabuti. Hindi siya makakasurvive ng ilang buwan sa Casa kung hindi siya tuso. Naglakad ako palabas ng office, ninamnam ang lamig ng hangin mula sa port. Tumayo ako roon, nakapikit, at sa dibdib ko ay nag-igting ang isang bagay na hindi ko inaasahan, hindi lang ako basta galit, takot rin ako.. takot na baka hindi na siya bumalik.. “Get the private plane" utos ko sa isa sa tauhan ko, Pilit kong pinapakalma ang sarili, kalma na hindi mahahalata ng mga tao ko na.. na natatakot ako ngayon na baka hindi ko na makita si Elena. “Sa palawan tayo.. i want you all group by team, bawat team sa isang isla, lahat ng pwedeng daungan ng barko na iyon.. gusto ko bantayan nyo!” utos ko, puno ng o
Sebastian’s POV) Tahimik ang buong Casa nang makarating ako. Mukhang hindi pa nakakauwi sila Elena, kampante ako dahil alam ko namang kasama si Nay Anda at sila Sarmiento. Dumeretsyo agad ako sa study, agad akong nagbukas ng alak at nagsalin sa baso na naroon. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko, kanina pa may gumugulo sa isip ko... sa dibdib ko, parang may iba, parang may mangyayaring hindi maganda.. Nilapag ko ang baso ng alak ng marinig ko ang boses ni Nay Anda mula sa labas Madalas kong sukatin ang mga tao sa paligid ko, lalo na si Elena. Hindi siya madaling basahin, pero nitong mga nakaraang linggo, nag iba siya, ang laki ng naging pagbabago niya.. Sa una labis akong natutuwa, dahil napapaikot ko na siya sa kamay ko pero.. habang tumatagal nakakaramdam ako ng kaba.. I know... she's up to do something. Dali dali na akong lumabas, pero paglabas ko si Nay Anda lang ang nakita ko, kasama ang ibang maids. Pero balot na balot si nay Anda ng makapal na jacket. “Where
Nagising ako dahil sa katok mula sa pinto ng kuwarto ko, nang tumayo ako ay papungay pungay pa ako habang naglalakad at pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Nay Anda. “N-nay Anda? ang aga nyo po?” tanong ko. “Ngayon na ang tamang oras hija” bulong niya. Napakunot ako ng noo... anong ibig niyang sabih-- alam niya ang plano ko? “Wag ka na magtanong.. alam ko lahat.. Narinig ko na may out of town meeting si Sir Sebastian.. ngayon na ang pagkakataon mo para makatakas.. mamaya, pagtapos ng agahan, magpaalam ka kay Sebastian na may kailangan kang bilhin sa mall...” litanya niya. “P-pero Nay Anda ayaw ko kayong madamay” saad ko pa. “Wag kang mag alala hija.. may plano ako, sa ngayon gawin mo ang sinabi ko.” saad pa niya, hinawakan niya pa ang kamay ko at may pasimpleng pinasakmal sakin, tinapik niya pa ito ng ilang beses, tsaka na siya naglakad palayo. Naiwan akong tulala sa kuwarto, nag iisip, ki