Hindi ko maintindihan kung bakit napakabilis lang ng oras sa lugar na ito, dapat nga ay nababagalan ako dahil hindi man lang ako makalabas sa gate, hanggang dito lang ako sa loob. Tulala lang akong nakatingin sa Kisame, naghihintay na dalawin ng antok. Kinuha lahat sakin ni Sebastian, phone, laptop, everything! ang tanging pinagkakaabalahan ko lang, mga libro, tv at pagtulala sa kawalan. Naramdaman ko ang bahagyang pagbigat ng talukap ng mata ko, napahinga ako ng maluwag, finally dinalaw rin na ako ng antok.Pagpikit ng mata ko, may narinig akong kung anong maliit na ingay... Mula sa pinto, tila sinusubukan itong buksan. Kampante ako na nailock ko iyon, at sigurado naman ako doon. Bumalik ako sa pagpikit, hindi ko hahayaang hindi mahabol ang antok na kanina ko pa hinihintay. Nagulat ako ng maramdaman ko ang paglubog mula sa paahan ng kama, napapitlag ako, pagmulat ng mata ko ay tumambad sakin si Sebastian.Paan
Last Updated : 2025-09-02 Read more