ELENA’S POV
--- May kakaibang sigla sa opisina ngayong araw. Hindi ito yung tipong masayang energy, kundi yung uri ng kaba na halos kumakain ng buong floor. Kahit saan ako tumingin, lahat ng tao abala. Nag-aayos ng mesa, nagpipilit na maging presentable, at nagbubulungan na parang may paparating na hari. "Narinig mo ba? Si Mr. Montlaire daw, pupunta rito mismo," bulong ng isa kong officemate na babae, halos nanginginig ang boses habang kausap ang seatmate niya. Montlaire. Of course, narinig ko na ang pangalan na ‘yon. Sino ba namang hindi? Sebastian Montlaire, ang bilyonaryo na kilalang kilala sa mundo ng business. Hindi siya basta negosyante, isa siyang alamat. At hindi magandang alamat dahil sa galing nito sa lahat ng bagay, At sa edad na 34 ay successful na talaga ito kung maituturing. Pero sakin, mas bagay sa kanya ang bansag na halimaw, kasi halos lahat ng kumpanya na dumaaan sa kamay niya… nababago, natitibag, o kaya naman ay napapaluhod. Lahat nang gustuhin niya ay makukuha niya ng walang kahirap hirap. Kung gusto ka niyang pahirapan? paniguradong wala kang palag. “Oh God! paano kung mapansin niya tayo?” sagot naman ng seatmate niya, habol-habol ang hininga habang nag-aayos ng buhok. “Wag kang tatanga-tanga. Sabi nila, kahit maliit na pagkakamali, napapansin niya.” Napailing na lang ako. Ang dami nilang alam. Hindi ko naman sila masisisi. Para sa kanila, malaking bagay ang pagbisita ng Sebastian Montlaire dito sa Perez Innovations. Isa siyang banta at isang pangarap sa parehong oras. Kapag nakipag-deal siya, ibig sabihin may tsansang mabuhay ulit ang kumpanyang halos nalunod na sa utang. Pero para sa akin? Wala. Isa lang siyang pangalan. Isa lang siyang lalaking mataas ang tingin sa sarili, at siguradong hindi niya mapapansin ang mga bagay na alam niyang wala namang pakinabang. Nakanguso akong tumingin sa laptop screen sa harap ko. HR forms. Payroll lists. Mga numbers na wala nang katapusang kailangang i-input. Ganito na lang lagi ang araw ko. At sa totoo lang, mas gusto ko ng ganito. Tahimik. Walang istorbo.. Sa pamilya ko, para akong multo, hindi nakikita, walang may pake-alam pero sanay na rin naman ako. Kahit siguro saan ako mapadpad, mas okay na ako na walang pumapansin sakin dahil sanay namana ako. "Elena, narinig mo ba?!" biglang tanong ng isa kong officemate, halos mabali leeg sa paglingon sa akin. "Si Sebastian Montlaire! Pupunta rito! Ngayon!" Napakurap ako, nagulat dahil parang inaasahan niyang sasali ako sa kilig o kaba nila. “Uh… oo. Narinig ko," mahina kong sagot, saka muling bumalik sa pagta-type. “Grabe ka, parang wala lang sayo?” dagdag niya, halatang hindi makapaniwala. “Kung ako, baka mahimatay ako ‘pag dumating siya.” Ngumiti lang ako ng tipid. “Ikaw ‘yan e, ano naman kung dumating ang taong ‘yun dito? as if naman papansinin ka agad?” Tumawa sila, pero ramdam ko na peke ang mga tawang iyon, iniisip nila na hindi ko kayang makipagsabayan sa pagiging excited nila. Kahit naman sampung Sebastian Montlaire pa ang dumating dito, hindi pa rin magbabago ang katotohanan, lugmok na sa utang ang Perez Innovation at kaming pamilya lang ang nakakaalam, or should i say? pamilyang Perez lang pero hindi ako kasali, kasi hindi naman ako itinuturing na parte sa pamilya nila. Habang patuloy ang bulungan sa paligid, sumagi bigla sa isip ko si Veronica. Ang ate kong laging perpekto sa paningin ng lahat. Kung naririto siya ngayon, siguradong siya ang bida. Siya ang papakiligin ng mga empleyado, siya ang hihintayin ng mga tingin ng lahat, siya ang ipagmamalaki ng magulang ko. Ako? Ako ang tipo ng anak na hindi man lang pinakikilala bilang anak. Madalas kong tanungin ang sarili, may mali ba sakin? may talent naman ako? matalino at masasabi kong maganda ako, pero bakit.. Bakit parang basura lang ako? -- Lumipas ang ilang oras, Napansin ko ang pag-iingay ng mga kasamahan ko, ang iba naman ay nag-si-tayuan. “Siya na ba ‘yun?” may nagbulong sa likod ko. “Wala pa raw, pero andyan na ang mga tao niya, yung mga bodyguard. Grabe, ang titindi! Body guard palang ulam na, pano pa si Mr. Montlaire?!” tili ng kasama nito. Napabuntong-hininga ako. Ang OA. Para bang may paparating na hari ng bansa. Well, sa isang banda, mas malala pa siya sa hari. Ang mga hari, hindi mo naman makakasalamuha araw-araw. Pero si Sebastian Montlaire? Kapag nadale ka ng negosyo niya, parang wala ka nang ligtas kahit saan ka magtago. Ang dami ko nang nabasang articles tungkol sa kanya. Ruthless. Merciless. A predator hiding behind an elegant suit. Kung ibang tao, baka matakot. Pero ako, wala akong paki. Kasi hindi naman ako parte ng board, hindi ako shareholder, hindi ako lalapit sa kanya para makiusap o makipag-deal. Isa lang akong maliit na empleyado sa ilalim ng isang kumpanyang nalulunod. “Perez, ikaw na muna ang sumalo ng incoming calls.” nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Ma’am Reyes, isa sa supervisors namin. Halatang kinakabahan din siya habang bitbit ang isang makapal na folder. “Pupunta ako sa boardroom. Kailangan doon ang lahat ng managers.” Tumango lang ako at mabilis na kinuha ang headset. Hindi naman bago sa akin na ako ang nauutusan kapag may mas importanteng bagay. At least, sanay na ako. Habang nagta-type, naririnig ko pa rin ang masiglang usapan sa paligid. “Grabe, ang gwapo daw niya. Sa TV pa lang, para siyang Greek god.” “Eh sabi ng pinsan ko, na-meet niya once sa isang event, halos hindi daw makapagsalita sa harap niya.” “Pero delikado siya. Isang tingin pa lang, parang malalaman na niya kung anong klase kang tao.” Napangiti ako ng mapait. Seryoso ba sila? Nababaliw yata sila sa isang lalaki na kahit kailan, hinding-hindi titingin sa direksyon namin. Kung titignan man niya kami, baka para lang i-check kung may dumi sa sahig. --- Nang bumukas ang double doors sa dulo ng floor, halos mabingi ako sa sabay-sabay na pagbuntong-hininga ng mga tao. Parang bumagal ang oras. May dumaan na dalawang lalaking naka-itim na suit, mukhang bodyguards. Tahimik, pero intimidating. Sunod-sunod silang naglakad, parang nag-aalis ng hangin sa paligid. At sa likod nila… Ang lalaking kanina pang dahilan ng ingay ng mga kababaihan rito. Sebastian Montlaire. Unang beses ko siyang makita sa totoong buhay. Hindi ko alam kung dahil sa hype ng mga kasama ko, o talagang may kakaiba sa presensiya niya, pero ramdam ko agad ang bigat ng aura niya. Para siyang isang bagyong dahan-dahang lumalapit. Tahimik pero delikado. Matangkad. Malapad ang balikat. Nakasuot ng dark tailored suit na parang hinulma para lang sa kanya. Ang tingin niya? Diretso. Matalim. Walang kahit anong bakas ng pag-aalinlangan. Nakatingin siya sa unahan, hindi tumitingin sa kaliwa o kanan. At sa bawat hakbang niya, halos lahat ng tao’y humihinto sa ginagawa nila, para lang sundan siya ng tingin. Pero ako? Binalik ko ang tingin ko sa screen ng laptop. Wala akong balak makisama sa kanila. Hindi ako tulad nila na mahuhulog ang panga sa lupa. Sebastian Montlaire? Fine. Gwapo siya. Pero so what? wala akong pake. Habang nag titipa sa keyboard ay nakaramdam ako bigla na parang may presensyang huminto saglit sa likuran ko, pakiramdam na may nakatingin. Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung guni-guni lang ba. Baka kasi dala ng lahat ng hype at bulungan sa paligid. Pero ang bigat ng tingin na para bang tumagos sa batok ko. Mabagal kong iniangat ang ulo ko, lumingon at nagulat ako ng magtama ang mata naming dalawa. Sebastian Montlaire. Diretsyo at nagtagal ang tingin na iyi tila wala nang ibang tao sa paligid, at doon ko na realize sa loob ng isang segundo, nakalimutan kong huminga dahil sa tindi ng titig niya.Mainit ang hapon sa Balabac. Yung tipong kahit anong gawin mo, ramdam mo ang lagkit ng hangin na humahaplos sa balat, pero kasabay noon ay andoon din yung presensya ng dagat na nagbibigay ng kakaibang gaan sa dibdib. Nasa balkonahe ako ng paupahan ni Aling Merly, nakaupo sa lumang kahoy na upuan, hawak ang isang baso ng malamig na buko juice na binili ko lang kanina. Habang nakatingin ako sa dagat na nasa di kalayuan, hindi ko mapigilang isipin kung paano na ba talaga ang magiging buhay ko dito. Lumipas na ang ilang araw mula nang dumating ako, at kahit papaano, nagsisimula na akong masanay sa bagong paligid. Ang mga tunog ng alon, ang sigaw ng mga batang naglalaro sa daan at tabing dagat, at ang tawanan ng mga kapitbahay tuwing hapon, parang unti-unti nang pumapasok sa sistema ko. Hindi na ako kasing kaba kagaya noong unang araw ko rito. Pero isang bagay ang malinaw sakin ngayon, hindi ako pwedeng manatili na ganito lang. May pera nga ako rito na nakakatulong para makadagdag sa pan
Elena’s POV Umaga pa lang, naririnig ko na ang mga tilaok ng manok at tawanan ng mga bata sa labas. Para akong nasa ibang mundo, malayo sa marangyang Casa Montlaire, at higit sa lahat, malayo kay Sebastian. Maaga pa lang nang bumangon ako sa maliit na kwarto sa paupahan ni Aling Merly. Bumukas ako ng bintana at ninamnam ang sariwang hangin at damang-dama ang kalayaan. Sa wakas, wala na si Sebastian. Walang nakatingin, walang nagbabantay. Malaya na ako, hawak ang sarili kong mundo, ang kapalaran ko at ng anak ko. “Elena, gising ka na ba, hija?” tawag ni Aling Merly mula sa labas ng kwarto. “Opo, Aling Merly, gising na po ako.” sagot ko. Paglabs ko ay sinalubong ako ng ngiti ni Aling Merly sa may munting sala. May dala siyang basket na puno ng sariwang gulay. “Halika, samahan mo ako sa daungan. Mamili tayo ng sariwang isda para sa tanghalian, at para makita mo rin ang daungan. Masaya dun, hija.” Nakangiting aya ito sakin. “Talaga po? saglit lang ho at kukunin ko lang ang wallet
ELENA’S POV. Pagkababa ko sa pier, ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang bawat hakbang, may sumusunod sakin, o ganito lang talaga ang pakiramdam kapag may tinatakasan, pag may tinataguan. Ilang beses kong kinapa yung maliit na bag na dala ko na binili ko malapit sa pier sa maynila, ito na lang ang meron ako, laman nito ang mga pera ko at tatlong pares ng damit na binili ko rin kasabay ng bag. Sumasabay lang ako sa mga taong kasabayan king maglakad, iniisip kung saang parte slng palawan ako magtatago. Alam kong ipapahanap ako ni Sebastian, at alam kong madali niya akong mahahanap kung hindi ko pag iisipan ng mabuti kung saan ako magtatago. Hindi ko kabisado ang lugar, pero kailangan kong maging matatag, kailangan kong makipagsalamuha, kailangan. Habang palinga linga ako, ay may narinig akong sumisigaw, pa Bataraza raw, bago lang sa pandinig ko, kaya naman lumapit ako roon at agad na nagtanong. “Kuya, saan ho ang Bataraza? malayo po ba sa mga bayan bayan ‘yo
Sebastian's POV Nawawalan na ako ng pag-asa, hindi ko na alam kung saan ko hahanapin si Elena. Walang makapagsabi kung nakasakay ba siya ng barko, o nililito niya lang ako, dahil alam niyang hahanapin ko siya. I know her, she's smart enough para gumawa ng mga bagay na talagang planado at pinagisipan ng mabuti. Hindi siya makakasurvive ng ilang buwan sa Casa kung hindi siya tuso. Naglakad ako palabas ng office, ninamnam ang lamig ng hangin mula sa port. Tumayo ako roon, nakapikit, at sa dibdib ko ay nag-igting ang isang bagay na hindi ko inaasahan, hindi lang ako basta galit, takot rin ako.. takot na baka hindi na siya bumalik.. “Get the private plane" utos ko sa isa sa tauhan ko, Pilit kong pinapakalma ang sarili, kalma na hindi mahahalata ng mga tao ko na.. na natatakot ako ngayon na baka hindi ko na makita si Elena. “Sa palawan tayo.. i want you all group by team, bawat team sa isang isla, lahat ng pwedeng daungan ng barko na iyon.. gusto ko bantayan nyo!” utos ko, puno ng o
Sebastian’s POV) Tahimik ang buong Casa nang makarating ako. Mukhang hindi pa nakakauwi sila Elena, kampante ako dahil alam ko namang kasama si Nay Anda at sila Sarmiento. Dumeretsyo agad ako sa study, agad akong nagbukas ng alak at nagsalin sa baso na naroon. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko, kanina pa may gumugulo sa isip ko... sa dibdib ko, parang may iba, parang may mangyayaring hindi maganda.. Nilapag ko ang baso ng alak ng marinig ko ang boses ni Nay Anda mula sa labas Madalas kong sukatin ang mga tao sa paligid ko, lalo na si Elena. Hindi siya madaling basahin, pero nitong mga nakaraang linggo, nag iba siya, ang laki ng naging pagbabago niya.. Sa una labis akong natutuwa, dahil napapaikot ko na siya sa kamay ko pero.. habang tumatagal nakakaramdam ako ng kaba.. I know... she's up to do something. Dali dali na akong lumabas, pero paglabas ko si Nay Anda lang ang nakita ko, kasama ang ibang maids. Pero balot na balot si nay Anda ng makapal na jacket. “Where
Nagising ako dahil sa katok mula sa pinto ng kuwarto ko, nang tumayo ako ay papungay pungay pa ako habang naglalakad at pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Nay Anda. “N-nay Anda? ang aga nyo po?” tanong ko. “Ngayon na ang tamang oras hija” bulong niya. Napakunot ako ng noo... anong ibig niyang sabih-- alam niya ang plano ko? “Wag ka na magtanong.. alam ko lahat.. Narinig ko na may out of town meeting si Sir Sebastian.. ngayon na ang pagkakataon mo para makatakas.. mamaya, pagtapos ng agahan, magpaalam ka kay Sebastian na may kailangan kang bilhin sa mall...” litanya niya. “P-pero Nay Anda ayaw ko kayong madamay” saad ko pa. “Wag kang mag alala hija.. may plano ako, sa ngayon gawin mo ang sinabi ko.” saad pa niya, hinawakan niya pa ang kamay ko at may pasimpleng pinasakmal sakin, tinapik niya pa ito ng ilang beses, tsaka na siya naglakad palayo. Naiwan akong tulala sa kuwarto, nag iisip, ki