Home / Romance / RUTHLESS HUSBAND'S REGRET / Chapter 1-Pagbabago

Share

RUTHLESS HUSBAND'S REGRET
RUTHLESS HUSBAND'S REGRET
Author: Yeiron Jee

Chapter 1-Pagbabago

Author: Yeiron Jee
last update publish date: 2026-09-07 16:36:09

"Liam, breakfast is ready!" Masiglang tawag ni Amelia sa asawa. Ilang sandali pa ay bumaba na ito sa hagdan pero abala sa kausap nito sa phone.

"Sa bahay na ako kakain at naghihintay sina mommy." Mabilis na dinampot ni Liam ang coat na naka patong sa armchair na laging inihahanda ng asawa.

"Kahit tikman mo na lang ang luto ko at maaga akong gumising upang ipaghanda ka ng almusal." Pagpumilit niya sa asawa at gusto niya itong makasalo ngayong umaga.

Salubong ang nga kilay na tumingin si Liam sa asawa. "Kung nagsasawa ka nang gampanan ang pagiging asawa mo sa akin ay sabihin mo lang at kukuha ako ng katulong."

"No!" Mabilis niyang pigil sa asawa nang tumalikod na ito "Hindi iyan ang ibig kong sabihin, love. Gusto ko lang na maka salo ka sa pagkain dahil—"

"Enough, Amelia! Alam mong nagmamadali ako at hindi maaring paghintayin si Leslie dahil kailangan pa niyang uminum ng gamot." Naiiritang angil ni Liam.

Parang may tumusok sa puso ni Amelia dahil sa mga narinig. Puro na lang si Leslie ang inaalala ng asawa at hindi iniisip ang kaniyang damdamin. Puro na lang si Leslie na ang alam niya ay hindi naman malala ang kalagayan. Naiisip ng asawa ang pagkain ni Leslie at pag inum ng gamot pero siya ay hindi na. Ni hindi na nito naisip na kumusta ang pakiramdam niya o kung ok lang ba sila ng anak niyang nasa tiyan pa niya.

Napabuntong hininga si Liam nang biglang natahimik ang asawa. Nilapitan niya ito at niyakap. "Babawi ako sa iyo kapag gumaling na si Leslie. Tandaan mo, ginagawa ko ito para rin sa iyo, okay?"

Muling sumigla ang pakiramdam ni Amelia at nakangiting tumango sa asawa. Ayun sa asawa ay ayaw nitong isipin ng ina nito na pinipigilan niya ito. Gusto ni Liam na maging maganda ang tingin sa kaniya ang ina nito upang matanggap na siya nang buo. Nawala na yata sa isip nito nang sabihin sa kaniya noon na walang ibang mahalaga sa buhay nito kundi siya. Na wala itong pakialam kung itakwil ng sariling pamilya dahil siya na umano ang mundo nito.

"I have to go at baka late na akong maka uwi mamaya." Pagkasabi niyon ay nagmamadali nang umalis si Liam.

Malungkot na sinundan ng tingin ni Amelia ang asawa na lalabas na sa p***o. Ni hindi na nito nagawang tingnan siya at halikan dahil nagmamadaling umalis. Hindi ito ang unang pagkakataon na umalis ito ng bahay at naaksaya ang effort niya sa kusina.

Mag dalawang buwan na rin mula noong bumalik mula sa ibang bansa ang best friend nito. Ngunit sa kasamaang palad ay naaksidente ang mga ito at nagkaroon ng injury sa paa ang babae. Noong una ay naiintindihan niya kung bakit kailangan ng asawa na alagaan ang babae. Kasalanan umano kasi nito kaya naaksidente ang mga ito. Pero parang kalabisan na ngayon ang gusto ni Leslie at kinukuha ang lahat ng free time ni Liam.

Napabuntong hininga si Amelia at napa upo sa harap ng hapag kainan saka hinaplos ang maumbok na tiyan. May isang taon na silang kasal ng binata at naging masaya naman sila kahit hindi siya tanggap ng pamilya nito. Langit kasi si Liam at lupa siya. Gayon pa man ay alam niyang tunay siyang mahal ng asawa. Hindi siya nito pinilit na tumira sa mansion ng mga ito dahil natatakot din itong apihin ng ina nito saka kapatid.

"Baby, huwag kang malungkot at mahal pa rin tayo ng daddy!" kausap ni Ameila sa anak na nasa sinapupunan pa habang hinahaplos ang tiyan.

Walong buwan na siyang buntis at excited nang masilayan ang anak pag labas nito. Pero natigilan siya at naitanong sa sarili kung excited pa rin ba si Liam na makita ang anak nila? Maging ang pagbubuntis niya kasi ay hindi na rin naaalala ng asawa. Minsan ay hindi pa ito umuuwi at doon sa bahay ng mga ito natutulog umamo. Alam niyang sa bahay ng mga ito naka stay si Leslie kaya hindi niya maiwasang mag selos.

"Sure ka na magkaibigan lang sila? Alalahanin mo na sila ang itinatakdang ikasal ng kanilang parents noon." Bulong ng kontrabidang isipan ni Amelia sa sarili.

Malungkot na napabuntong hininga si Amelia. Hindi niya alam kung dapat pa rin ba niyang intindihin ang asawa at paniwalaan ang mga dahilan nito kung bakit kailangan nitong alagaan si Leslie.

"Mahal ako ni Liam at hindi niya ako pakakasalan kung may iba siyang mahal." Kausap pa rin niya sa sarili at pilit na itinatanim sa isipan na walang mali sa pagsasama nila ngayon ng asawa. Naniniwala siya na trial lamang ito sa pagsasam nila bilang mag asawa.

Pinilit niyang kumain kahit walang gana dahil kailangan ng anak niya ng tamang nutrisyon. Tama lang na tapos na siyang maglinis sa kusina nang makatanggap siya ng message mula kay Danica, ang kapatid ni Liam.

"Did you see this photos? She is my brother's true love and not you."

Naluluha na pinakatitigan ni Amelia ang larawan na pinadala sa kaniya ni Danica. Ang larawan ay kuha sa hapag kanina. Sinusubuan ni Liam si Leslie. Ang ikalawang video ay buhat ni Liam ang babae at isinakay sa wheelchair.

"No, hindi totoo ang sinabi niya. Binubuhat ni Liam si Leslie dahil may injury ang isang paa." Kausap ni Amelia sa sarili at ayaw paniwalaan ang sinabi ni Danica.

"May injury din ba ang kamay niya kaya sinusubuan ng asawa mo?" tanong ng kontrabidang isipan ni Amelia sa sarili.

Pakiramdam ni Amelia ay biglang pumait ang panlasa niya. Ang bitter ng pakiramdam niya dahil sa selos. Nakakaselos naman talaga dahil never siya nasubuan ni Liam kahit noong may sakit siya.

Kinastigo ni Amelia ang sarili at hindi na niya alam kung ano ba talaga ang dapat isipin sa asawa at kaibigan nito. Ilang sandali pa ay namalayan na lang niyang tumutulo na ang luha niya. Mabilis niyang pinunasan ang pisnging nabasa ng luha saka ibinaba na ang phone.

"Hindi mo dapat pinapansin ang message ni Danica. Alalahanin mo na ayaw niya sa iyo kaya lahat ay gagawin niya upang magkasira kayo ni Liam." Pang aalo ni Amelia sa sariling isipan.

Tumayo siya ng tuwid at ngumiti. Hindi siya dapat magpaka stress dahil makakaapikto sa anak niya. Tinawagan niya di Liam at bigla niya itong na miss. Ang saya niya at ang bilis nitong nasagot iyon kahit na kasama nito si Leslie. Nitong mga nakaraan kasi ay hindi sinasagot ang tawag niya kapag kasama nito si Leslie. "Babe—" hindi niya natapos ang nais sabihin at biglang nag salita ang binata.

"E ready mo ang isang silid diyan dahil pansamantala na diyan sa atin titira si Leslie." Utos ni Liam sa asawa.

Hindi agad nakasagot si Amelia sa asawa at parang may bumara sa lalamunan niya at sumakit din ang dibdib niya. Ito na ba ang sign na si Leslie na ang mahal ng asawa at hindi siya?

"Within one hour ay nariyan na kami. Ihatid ko siya bago pumasok sa opisina." Dugtong pa ni Liam bago pinutol ang tawag.

Pakiramdam ni Amelia ay tau-tauhan siya sa pamamahay ng asawa. Hindi manlang siya tinanong muna kung ok lang ba sa kaniya. Hindi rin hinintay ang sagot niya bago ibinaba ang tawag.

"Ano ang nangyari? Bakit dito titira ang babaing iyon?" naitanong niya sa sarili pero kusa rin humakbang ang mga paa paakyat sa hagdan.

"No, hindi ako dapat mag isip ng hindi maganda. Tiyak na may dahilan ang asawa ko at nagpapaliwanag siya mamaya." Pilit siyang ngumiti sa sarili saka nag pasyang ayusin ang guest room. Tatlo ang silid sa bahay nila at ang pinaka malaki ay room nilang mag asawa.

Nagmamadaling pinalitan niya ang cover ng kama saka unan. Pinunasan niya rin ang ilan sa gamit na naroon lalo na ang salamin. Hindi naman ganoon kalaki ang room saka walang gaanong gamit kaya madaling linisin. Pero napagod pa rin siya dahil buntis. Binuksan na rin niya ang aircon saka nag spray ng para sa room na pabango upang walang masabi ang bisita nila. Hindi pa siya nakapag bihis o linis ng katawan ay dumating na sina Liam. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan upang salubungin ang asawa na tulak ang wheelchair kung saan naka upo si Leslie.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 7-Their memories

    "Mukhang nauhaw ang mahal niya kaya kumuha ng tubig." Naipilig ni Amelia ang ulo upang iwaksi ang laman ng isipan. Bubuka na sana ang bibig niya upang sagutin ang asawa pero naudlot nang mag salita ito."Itimpla mo na rin ng gatas si Leslie at ihatid ko lang itong tubig sa kaniya.Parang nalaglag ang panga ni Amelia at napasunod na lang ang tingin sa tumalikod ng asawa. Ang akala pala nito ay iinum siya ng gatas kaya nag iinit ng tubig. Parang gusto niyang maiyak dahil sa sama ng loob. Hindi man lang siya kinamusta ng asawa kung ano na ang pakiramdam niya, lalo na kung kumain na ba siya. Nagawa pa siyang utusan para sa kaibigan nito na para bang karulong siya sa bahay. Ano ba ang tingin sa kaniya ni Liam? Bato na walang pakiramdam? Natigil lang siya sa pagmamaktol sa sarili nang marinig ang tunog ng heater hudyat na kumulo na ang tubig.Matapos lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ay naipahid ni Amelia ang likod ng palad sa mga mata. Lumuluha na pala siya kaya parang nanlabo ang

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 6: Pagkadismaya

    "Mabuti naman at alam mo." Mataray na ani Danica.Lalong napangiti si Amelia dahil hindi naintindihan ni Danica ang ibang pakahulugan sa kaniyang sinabi. Pag tingin niya kay Danica ay malapit nang mapigtal ang pisi ng kabaitan nito kuno."Aalis na kami. Kapag may kailangan ka ay tumawag ka lang." Paalam ni Liam saka hinalikan sa noo ang asawa.Hindi na siya sumagot kay Liam at nahiga patalikod sa mga ito. Ayaw niyang makita ang pag buhat nito kay Leslie upang ibaba sa hagdan na para bang paralisado na. Nang marinig ang pag sara nang pinto ay saka lang siya tumihaya ng higa."Tatawagan pero hindi sasagutin agad or magagalit dahil naisturbo!" bulong ni Amelia na para bang kausap ang asawa. Napabuntong hininga si Amelia bago nagpasyang bumangon upang magpahid ng cream sa kaniyang braso at pisngi. Ngayon niya ramdam ang sakit niyon at nawala na ang pamamanhid niyon na siya rin ang may gawa. Kailangan niyang saktan ang sarili kanina para hindi ma frame up ng dalawa at magalit na naman sa

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 5-Insulto

    Ngumiti si Amelia at lumapit sa asawa. "Isuot mo na ito at baka magalit si Leslie dahil malamigan ang likod mo."Namula ang pisngi ni Leslie dahil sa galit at nainsulto sa sinabi ng babae. Ngumiti pa ito sa kaniya kaya alam niyang sinasadya nito iyon upang ipamukha sa kaniya na lumampas na siya sa boundary ng relasyon nila ni Liam. "Amelia, alam ko na ayaw mo sa akin pero concern lamang ako kay Liam at ganoon din siya sa akin. Huwag mo sanang bigyan nang ibang pakahulugan ang relasyon naming dalawa dahil hindi ako ganoong babae."Umawang ang mga labi ni Amelia at namangha sa acting ni Leslie. Umiyak pa ito na para bang sinaktan niya. "Ouch!" Napadaing siya at bigla siyang hinawakan ng asawa sa braso niya na may pasa."What's wrong with you? I told you, don't talk nonsense in front of Leslie!" Angil ni Liam sa asawa.Hindi niya binawi ang braso na hawak ng asawa kahit masakit. "Ahhhh let me go!"Gulat na nabitawan ni Liam ang braso ng asawa at ang lakas ng sigaw nito. Napalitan ng pag

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 4-Desperate

    Umubo si Amelia upang kunin ang atensyon ni Liam. Alam niyang siya na ang mahal ng asawa at nabubulag lamang ito o namaling pagmamahal ang nararamdaman nito sa kaibigan sa halip na guilt.Mabilis na binawi ni Liam ang kamay na naka lapat sa pisngi ni Leslie at nilingon ang asawa."Liam, biglang sumakit ang binti ko!" Agaw muli ni Leslie sa attention ng binata."Kuya, dalhin mo muna si Leslie sa silid niya at lagyan ng cream ang paa them massage, ako na ang bahala kay Amelia." Payo ni Danica sa kapatid."Babe, I'm scared!" Pigil ni Amelia sa asawa nang buhatin nito si Leslie. "Amelia, I need to take care of her. Hindi na kayo mga bata ni Danica kaya mag usap kayong dalawa at magka ayos." Pagkasabi niyon ay nagmamadali nang lumabas ng silid si Liam habang buhat si Leslie.Gustong maiyak ni Amelia dail sa inis at selos. Pero itinago niya ang tunay na nadarama dahil nasa harapan niya si Danica. Hindi niya hayaang magbunyi ito sa tuwa dahil mukha siyang kawawa.Biglang dumilim ang anyo

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 3-Drama

    Malungkot na umupo si Amelia sa gilid ng kama at hinaplos ang tiyan habang kinakausap ang anak. "Baby, please kumapit ka lang sa mommy. Huwag mo sanang manahin ang sama ng loob na nadarama ko ngayon.""Bitch, humanda ka sa pagbalik ni kuya!" Banta ni Danica at sinipa ang pinto.Napaigtad sa kinaupuan si Amelia at nagulat sa ginawa ng hipag. Alam niyang natawagan na ni Leslie si Liam at hindi pa ito nakalayo. Mabilis siyang humiga sa kama at nagkunwaring tulog. Pero biglang nagbago ang isip niya at mabilis na bumamgon. Ginawa ang naisip dahil nahulaan na niya ang gagawing kuwento nila Danica upang magalit sa kaniya si Liam. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na nga ang asawa niya."What happened?"Dinig ni Amelia na tanong ng asawa kaya lalo niyang inihanda ang sarili."Kuya. Mabuti at dumating ka na. Gutom na si Leslie pero ayaw siyang ipaghanda ni Amelia ng pagkain!" Sumbong ni Danica sa kapatid.Napatingin si Liam kay Leslie na naka upo sa wheelchair at hawak nito ang sikmura.

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 2-Friend or mistress

    Nagtakip ng ilong si Leslie bago pa maka lapit si Amelia. "Anong amoy iyon? Ang baho!"Napatigil sa pag hakbang si Amelia nang marinig ang sinabi ni Leslie. Alam niyang siya ang tinutukoy ng babae, mukha lang naman siyang madumi at pawisan pero alam niyang wala siyang hindi kaaya ayang amoy. Nakita niyang nangunot ang noo ni Liam, ngumiti siya at alam niyang ipag tanggol siya nito sa kaartihan ni Leslie. "Kuya, mabuti na lang talaga at hindi mo itinira sa bahay ang babaing iyan at baka doon pa nagkalat ng dumi!" Mukhang nagusot din ang ilong ni Danica habang nakatitig kay Amelia.Nakagat ni Amelia ang ibabang labi at nainsulto sa sinabi ng hipag. Pero mabilis niyang pinaalala sa sarili na hindi siya dapat paapikto dahil nariyan ang asawa na magtatanggol sa kaniya."Amelia, what kind of looks is that? Gusto mo ba talaga akong ipahiya sa bisita at sinadya mong ganiyang ang ayos mo?"Bumagsak ang mga balikat ni Amelia at hindi makapaniwalang nakatitig sa asawa. Noon kapag nilait o inins

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status