FAZER LOGIN"Yes, lahat ay gagawin ko para sa iyo." Seryusong sagot ni Liam sa dalaga at tuwid na sinalubong ang mga titig nito.Natigilan si Amelia nang marinig ang sinabi ng binata. Nakakatunaw pa ang mga titig nito sa kaniya na para bang siya lang ang babaing nakikita nito ngayon. Bigla rin siyang nagugulohan sa nararamdaman niya. At ngayon niya lang napansin ang mga mata ni Tristan. Parang nakita na niya iyon nang matagal pero hindi matandaan kung kailan iyon."I'm serious, Amelia. Bata ka pa at alam ko na malayo ang marating mo sa iyong nais gawin. I'm just here to support you." Marubdob na ani Tristan sa dalaga."Thank you!" Naluluha na ani Amelia sa binata at yumakap rito.Sa una ay parang takot si Tristan na hawaka ang dalagang nakayakap sa kaniya. Parang nanginig lang siya at nakayakap sa kaniya si Amelia. Dahan dahan at kusang gumalaw ang mga kamay niya upang ikulong sa yakap ang dalaga. Mabilis na pinunasan ni Amelia ang luha na hindi namalayang tumulo na sa pisngi. "Tears of joy." In
"Hey, I said smile." Tumingkayad si Amelia upang kahit papaano ay magpantay sila ng binata.Si Tristan na ang nag adjust at bahagyang umuklo ang katawan. Dahil sa ginawa niya ay nagdikit ang pisngi nila."Para ka namang batuklaw ng ahas." Reklamo ni Amelia nang makita ang kuha ng photo nila."Sorry." Napakamot sa batok si Tristan kahit hindi naman makati iyon."Ulit." Request ni Amelia at background ay ang sunset.Mabilis na sumunod si Tristan saka kusang napangiti nang makitang ngumiti ang dalaga sa camera. Nakaharap kasi sa kanila ang screen habang nagse selfie."Petfect!" Hindi pa rin nabura ang ngiti sa mga labi ni Amelia habang nakatingin sa photos nila ng binata."Miss, gusto mo bang kuhanan ko kayo ng picture?" Pagmagandang loob ng babaing nagsasalita kanina na maganda at pogi ang dalawa."Ok lang ba?" Mukhang excited na tanong ni Amelia. Nakangiting tumango ang babae at kinuha ang phone ni Amelia. "Get closer po."Si Amelia na ang dumikit kay Tristan at ramdam niyang awkward
"Sir, totoong may nag utos sa akin pero hindi ko kilala." Nagsabi na ng totoo ang lalaki.Nangunot ang noo ni Tristan at nang aarok ang tinging ipinukol sa lalaki."Kung ayaw mong maniwala ay ikaw ang bahala. Tumawag lamang sa akin ang unknown number at sinabi ang details about sa babaing kasama mo. Bukod sa akin na ang alahas na makuha ko ay babayaran pa nila ako ng half million." Pagkukuwento ng lalaki."Ano ang kapalit ng half million?" Matigas na tanong ni Tristan sa lalaki."Her life!"Nangalit ang bagang ni Tristan at naisuntok ang kamay sa bubong ng sasakyan."Hey, sasakyan ko ito!" Teklamo ng lalaki dahil tiyak na nagkaroon ng scratch ang bubong ng sasakyan."Tawagan mo iyang kausap mo ngayon din!" Galit na utos ni Tristan sa lalaki. "Sabihin mong nakuha mo na ang alahas pero hindi mo nagawang saktan ang babae dahil nanlaban at maraming tao nakakita.Tumango ang lalaki ar nabilis na sinunod ang utos ni Tristan.Naiinip na naghintay si Tristan habang na ring ang phone ng taong
"Huwag kumilos at gumawa ng ingay kung ayaw mong butasan ko ang tiyan mo!" Paunang banta ng lalaki. "Ibigay mo sa akin iyang hawak mo ngayon din!" Halos pabulong lang na ani ng lalaki."Pre, huwag ito ang pag interesan mo dahil hindi akin ito." Pakiusap ni Tristan sa lalaki sa mahinang tinig lamang upang hindi marinig ng dalaga na may tatlong dipa ang layo sa kaniya."Huwag nang maraming satsat kung ayaw mong idamay ko iyang babaing kasama mo!" Pananakot ng lalaki saka tumingin may Amelia.Iyon ang kinuhang pagkakataon ni Tristan. Mabilis niyang sinuntok sa mukha ang lalaki at nabitiwan nito ang hawak na baril. Bago pa nito madampot ang baril ay sinipa niya ito sa tiyak saka mabilis na dinampot ang baril."Boss—"Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng lalaki bago pa makalikha ng malakas na ingay at dito naman ngayon nakatutok ang baril nito. "Huwag maingay kung ayaw mong butasin ko ang tiyan mo gamit itong baril mo!" Bulong ni Tristan at mabuti na lang walang ibang tao nakakita sa ginaw
"What's wrong?" tanong ni Amelia sa kaibigan nang mapansin na panay ang tingin sa side at pinabagal ang takbo sa sasakyan."Nothing, bamalikmata lang ako." Ngumiti si Tristan sa dalaga. Ayaw niya itong matakot kaya hindi niya sinabi ang napansing sasakyan na kanina pang sumusunod sa kanila. "Saan mo gustong pumunta?" tanong niya rito."Gusto kong pumunta sa tahimik na lugar."Tiningnan ni Tristan kung saang location na sila upang makahanap ng tamang lugar para sa dalaga. "Thirty drive patungo sa isang beach, ok lang ba sa iyo?" Nakangiting tumango si Amelia. Ito ang gusto niya kay Tristan, kahit hindi niya direct sabihin ay alam nito kung ano ang gusto niya. Hapon na rin naman at gusto niyang panoorin ang sunset. "May magandang kainan din doon na tiyak na magustohan mo for dinner." Dugtong na ani Tristan.Nakangiting tumango si Amelia. "Let's go."Pagkatigil ng sasakyan sa parking lot ay inayos ni Amelia ang alahas na hinunad a inilagay pabalik sa ng mga ito. "I will carry it at
"Take care of my wife." May diin ang huling salita na ani Liam kay Tristan."I will, don't worry." Maiksing sagot ni Tristan. Hindi na niya idinugtong ang nais sabibin na hindi na nito kailangang sabibin dahil dpriority niya ang kaligtasan ni Amelia."Tristan, let's go!" Naiinip na tawag ni Amelia sa kaibigan.Nasaktan si Liam sa pambabaliwala sa kaniya ng asawa. Ni hindi ito nagpaalam na aalis na. Nakaalis na ang mga ito ay nanatili siya sa kinatayuan."Kuya, hindi pa ba tayo aalis?" Naiinis ma tawag ni Danica sa kapatid.Madilim ang anyo na naglakad si Liam at sumakay sa sasakyan. "Hindi pa tayo tapos sa ginawa mo kay Amelia."Sandaling natigila si Danica. Nang makabawi ay inis na sumimangot. "Kuya ayaw ko lamang na bumili siya ng mamahaling alahas dahil sayang ang pera!" Pangatwiran niya sa kapatid."Kahit ano gawin ko sa aking pera ay wala kang karapatang kuwestyunin ito." Malamig ba turan ni Liam.Nasaktan si Danica pero ayaw patalo sa kapatid. "Fine, alam ko na wala akong karapa







