Share

Rain on Your Parade
Rain on Your Parade
Author: Penmary

Chapter 1: Bitter Amos

Kalansing na nagmula sa pinagdikit na mga baso at mga kubyertos ang pumuno ng ingay sa buong event hall kung saan ginanap ang reception ng kasal ni Zelda. Ilang sandali pa, naglapat ang mga labi ng bride at ng asawa nito.

Matabang ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Amos sa tagpong iyon. Diretso niyang ininom ang red wine at pabalang na ipinatong ang wine glass sa lamesa.

That should be me...

Matalim ang tingin ng binata sa asawa ni Zelda. Dapat siya ang nasa posisyon ng mang-aagaw na si Race. Masyado siyang naging kampante sa relasyon ng babae noon kaya hindi niya namalayang naibaling na pala nito ang pagmamahal kay Race. Mahal niya ang babae. Alam ni Amos na nasaktan siya pero hindi siya umiyak. Marahil, ang ego niya lang bilang lalaki ang nasaktan. Bakit ba siya bitter ngayon at plastic sa mismong kasal ng ex-girlfriend niya? Iyon ay dahil hindi niya matanggap ang katotohanang ang babaeng minsan niyang naisipang alukin ng kasal ay nagpakasal na sa ibang lalaki.

“Amos, let’s go,” paanyaya sa kaniya ng kaibigan niyang si Barney.

“Look at yourself. Pulang-pula na ang mukha mo. Alam kong may tama ka na sa iniinom mo.”

“Just wait, Barney. Wala pa ang cake na ako mismo ang nag-bake.” 

Napailing na lang si Barney sa sinabi ni Amos. Paano ba namang hindi madismaya ang kaibigan? Ampalaya flavor lang naman ang nilagay ni Amos sa cake sa halip na vanilla flavor. Bitter na kung bitter pero gusto lang ni Amos iparating na hindi niya gusto ang nangyaring kasalan.

Napukaw ang atensiyon ng binata nang pumasok ang isang babae sa entrance ng event hall. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito sa suot nitong light pink dress na off-shoulder ang style. Nakaladlad ang tuwid na tuwid nitong buhok na kulay ash gray. Matangkad ito at kasingputi ng nyebe ang kutis nito. Maliit ang mukha at talagang maganda ang babae ngunit nakasira lang sa hitsura nito ang kulay itim nitong mga labi. Parang sadyang pinudpod ang lipstick para paitimin iyon. Nagmukha tuloy itong magandang mangkukulam. 

Hindi alam ni Amos kung bakit hindi niya natanggal ang tingin sa dalaga. Bahagya siyang napatalon sa kaniyang kinauupuan nang makita itong papunta sa gawi niya. Hindi alam ng binata kung bakit ganoon na lang ang epekto sa kaniya ng dalaga. Natulala na lang siya nang huminto ito sa harapan niya.

“May nakaupo ba sa tabi mo? Can I sit beside you?” ang tanong ng babae habang tamad na tamad sa pagnguya ng chewing gum. 

Alam ni Amos sa kaniyang sarili na hindi pa siya lasing pero para na siyang nalasing sa presensiya nito. Nasasamyo niya ang pangbabaeng pabango ng dalaga at talagang ayaw niya na iyong umalis sa pang-amoy niya.

So addicting...

“Boy, tinatanong kita,” inis na pahayag ng babae kay Amos pero ang binata, hindi man lang natinag. Patuloy pa rin siyang nakatitig.

“You can… sit there. Wala namang nakaupo.” Si Barney na lang ang kumausap sa dalaga dahil parang namaligno si Amos ng mga sandaling iyon.

“Thank you,” matabang na sagot nito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo ito. Ilang sandali pa ay nabalik na sa huwisyo si Amos.

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. Nakataas ang isang kilay na humarap sa kaniya ang babae. “Amostacio Reolonda but you can call me Amos.” Inilahad niya ang kamay niya pero hindi nito tinanggap kaya binaba niya na lang. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti subalit umasim ang mukha nito.

“Zein,” tipid nitong sagot.

Tumaas ang sulok ng labi ni Amos. “So, kamag-anak ka ba ng newlyweds? I assumed sa part ka ng groom. Ngayon lang kasi kita nakita.”

Umirap ang dalaga sa kaniya. “The bride is my older sister.” Nabigla si Amos sa sinabi ng babae. Hindi niya inaakala na ang Zein na kaharap niya ngayon ay siya palang Zeinab na nakababatang kapatid ni Zelda.

Noong sila pa ng ex-girlfriend niya, palagi nitong ikinuwento sa kaniya ang bunsong kapatid na nasa Japan. Ngayon niya lang ito nakaharap kaya marahil ay hindi kilala ni Zein si Amos bilang dating nobyo ng Ate Zelda nito.

“So, your Zeinab Agiw?” gulat na gulat na tanong ng binata.

“Puwede ba? Huwag mo akong tawaging Zeinab. Are we close? How did you know my whole name?”

“I am your sister’s boyfriend.”

Pinalobo ni Zein ang chewing gum at nang pumutok ay ipinasok nito ulit sa bibig gamit ang mga labi nito. “Boy, ako ba, niloloko mo? Sira yata ang ulo mo. Are you the groom of my Ate Zelda?”

Kinamot ni Amos ang kaniyang isang kilay. “Okay, I am sorry. What I mean is... your sister’s ex-boyfriend.”

Mahinang natawa ang babae. “Boy, linawin mo kasi.”

Nagpanting ang mga tainga ng binata sa paulit-ulit nitong pagtawag ng “Boy” sa kaniya gayong sinabi niya naman ang kaniyang pangalan. Umusbong ang iritasiyon sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang komprontahin ito. “Don’t call me that kind of endearment. I already told my name.”

Ngumisi nang mapang-asar si Zein. “Sige po, Mang Tasyo.”

Ang kaninang iritasiyon ay napalitan ng inis dahil sa sinabi ni Zein sa kaniya. Ang pangalan niya ay mula pa sa kaniyang mga lolo at pinag-isipan nang mabuti para sa guwapo niyang mukha pagkatapos ay tinawag lang siya ng isang Agiw na Mang Tasyo?

How dare her to call me Mang Tasyo? 

Sasagutin niya pa sana ang babae subalit napatigil siya nang marinig ang palakpakan ng mga tao. Nawala ang atensiyon niya kay Zein at sinundan ng tingin ang four layers wedding cake na hiniwa ng newlyweds. Ngiting-tagumpay ang sumilay sa mga labi ni Amos.

“Finally!” ang naibulalas niya. Umalpas ang mahinang tawa mula sa kaniyang bibig nang tikman ng mga ito ang wedding cake. Kitang-kita sa hitsura ng mga itong hindi nagustuhan ang lasa ng cake. Parang gusto na lang iluwa ni Race ang cake ngunit hindi nito magawa dahil may nakatutok na camera. Pigil na pigil naman sa pagtawa si Amos nang humarap ang dalawa sa camera at parehong nakangiwi.

“I think this is a bad idea. Umalis na tayo, Amos,” bulong sa kaniya ni Barney.

“I am not yet done, Barney.” Tumayo si Amos at pumunta sa sound system kung saan tumutugtog ang banda para sa kasal. Lumikha ng nakabibinging ingay ang microphone nang marahas niyang kinuha iyon. Napatingin sa kaniya ang lahat, maging ang bagong kasal.

Tumingin siya kay Zelda at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Congratulations, newlyweds. Did you like the wedding cake that I baked?” Tumalim ang tingin sa kaniya ni Race pero matunog lang na tumawa si Amos. “Oh, come on! I know that’s tastes really... really good.

“Before this day ends, I would like to give my present to this couple. If they did not hurt me, there’s no wedding between Zelda and Race.” Si Amos lang ang tumawa sa birong iyon. Gusto na siyang sugudin ni Race pero pinigilan lang ito ng asawa nito.

Bumulong si Amos sa babaeng nasa tapat ng keyboard. Umiling ito nang marinig ang gustong tugtog ng binata pero wala rin itong nagawa nang samaan niya ito ng tingin. Marunong siyang mag-piano subalit hindi niya sasayangin ang talento niya para sa isang pagdiriwang na hindi niya gusto.

Biruin mo na ang bagong gising, huwag lang ang malapit nang malasing. Pagdating kay Amos, baliktad ang kasabihang iyon. Sino ba naman kasing matinong aawit ng kantang pangpatay sa isang kasal? Si Amos lang iyon.

Pumailanlang ang intro ng kanta. Narinig niya ang singhap ng mga bisita pero wala siyang pakialam. Gusto niyang iparating na nasaktan siya ng dalawang taong bida sa araw na iyon. Pumikit na lang siya. Aawitin niya na sana ang unang verse nang may mala-anghel na boses ang sumira sa kaniyang plano.

“I keep staring at my silent phone…”

Kasabay ng lirikong iyon ang magaan na pag-strum sa strings ng gitara. Dumilat siya at natagpuan niya ang sarili niyang nakatingin kay Zein na nasa tabi niya na pala. Kung gaano ka-sweet ang boses nito, ganoon naman katalim ang mga tingin nito sa kaniya ngunit wala siyang pakialam. Katulad kanina, para na naman siyang namaligno.

Now, I guess this is the sign of my love…”

Hanggang sa natapos na ang kanta, hindi pa rin tinigilan ni Amos ang pagtitig sa mukha ni Zein. Ang mga kilay nitong medyo makakapal ay parang nanghalina sa kaniyang padaanin ang kaniyang daliri roon. Ang mga mata nitong malalamlam na puno ng emosyon ay tila hinukay ang damdaming hindi niya pa naramdaman. Ang pisngi nitong umangat nang ngumiti ito ay hinikayat siyang pisilin iyon.

So beautiful…

“I composed that song. Congratulations, Ate Zelda. Be happy with Kuya Race.”

Kaya nang hilahin siya ni Zein palabas, nagpatianod lang siya. “You went to my sister’s wedding just to ruin it? Hindi ka na lang sana pumunta kung bitter ka pa pala.” 

Saka lang nabalik sa katinuan si Amos. Maloko siyang ngumisi. “Masisisi mo ba ako? Sinaktan nila ako.”

Humalukipkip ang dalaga at umirap. “Do you think I care?”

“You know…” Dinuro ni Amos ang dalaga pero mahina itong tumawa.

“You know what?”

“Such a bad woman!” pigil ang hiningang singhal niya kay Zein.

“Excuse me?” Itinuro ng dalaga ang sarili nito. “Sino ba sa atin ang muntik nang kumanta ng pangburol na song sa isang kasal?”

“You called me Mang Tasyo!”

“Mang Tasyo ka naman talaga, Mr. Amostacio Reolonda,” nang-iinis na sabi nito.

“Bakit ka ba nangingialam?”

Inilagay nito ang dulo ng dila sa loob ng pisngi at naiiritang tumingin kay Amos. “What do you want? Nasira mo na nga ang reception ni Ate Zelda.”

“Yes and you ruined my plan!”

“Because you ruined my sister’s wedding! I couldn’t help but to be angry with you now that you’re a hindrance to my sister’s happiness.” Kumuha ito ng barya sa purse nito at inabot sa binata.

“Two pesos! Para saan ito?” Nanlaki ang mga matang tanong ni Amos.

“Buy sugar. Kasya na ’yan basta tingi-tingi lang ang bilhin mo. You’re such a bitter man.” Nakuha pang ngumiti ng dalaga. 

Napaawang na lang ang bibig ni Amos. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Zein. “Marami akong asukal. Sako-sako pa!” sigaw ng binata kahit imposible na iyong marinig ni Zein dahil naglakad na ito pabalik sa reception.

Nakusot na lang ni Amos ang kaniyang ilong. Hindi niya akalain na ganoon ang ugali ng dalaga. Hindi yata alam ng bunsong kapatid ni Zelda na isa siyang kilalang pastry chef sa bansa. Siya lang naman ang natatanging tagapagmana ng Reolonda’s Group of Companies. 

Ang Reo’s Bakeshop ay gumagawa ng masasarap na pastries na nagmula pa sa kanilang mga ninuno ang recipes. May iba’t-ibang branches hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa labas ng bansa kaya siguradong sikat siya sa industriya ng business. Hindi lang siya basta isang pastry chef. Isa rin siyang successful entrepreneur sa edad na dalawampu’t walo.

Napatingin na lang si Amos sa dalawang piso na nasa kaniyang palad. Matabang siyang tumawa. Nang mga oras lang na iyon siya nakakilala ng babaeng binigyan siya ng barya para bumili ng asukal dahil lang sa bitter siya. Hindi niya kailangan pang bumili dahil maraming supplies ang bakeshops. Masyado siyang nainsulto sa ginawa ng babae.

“Dude, nakakahiya ka!” Lumabas na pala ng event hall ang kaibigan niyang si Barney.

Nagsalubong ang mga kilay ni Amos. “Hindi nga natuloy. She rain on my parade.” 

“Just be thankful, Amos. Niligtas ka niya sa kahihiyan.”

“No!” asik niya. “Hindi ako magiging thankful sa ginawa niya. She’s a witch.”

Mahinang natawa si Barney sa reaksiyon niya. “A beautiful witch.” Tama naman ang sinabi ng kaibigan. Maganda talaga si Zein pero natabunan ng inis ang lahat ng mga papuri niya para sa dalaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status