Kumunot ang noo ni Amos nang makita si Thea sa harap ng bahay niya. Ilang beses niya nang sinabi sa dalagang tigilan na siya pero patuloy pa rin ito sa pagpunta. Wala na itong maasahan sa kaniya. Ipapasok niya na sana sa gate ang kotse niya pero mabilis na humarang si Thea. Walang ibang nagawa si Amos kundi ang bumaba at kausapin ang dalaga. “What are you doing here again?” malamig na tanong ni Amos kay Thea. Matamis na ngumiti ang dalaga. “I made a dinner for us.” Bumuntong-hininga si Amos. “No, thank you. You should leave. Parating na mamaya ang anak ko. Ayaw kong makita ka niya.” Nawala ang ngiti ni Thea. “But we are… okay now! She calls me tita.” “Because I said so. Ayaw kong magtanim ng galit ang anak ko kahit kanino dahil masyado pa siyang bata. Napatawad na kita, Thea. Huwag mo akong sagarin.” “But Amos…” “Leave,” matigas niyang utos. Walang nagawa si Thea kundi ang magmaktol paalis sa harap ng sasakyan niya. “Bakit hindi mo makalimutan ang babaeng ’yon? She’s dead—”
Hindi makatulog si Zein sa banig na hinihigaan niya. Hindi kasi niya makalimutan ang binatang nakita niya sa beach resort. Hindi niya rin alam kung bakit parang ang sakit-sakit sa dibdib nang makita niyang lasing na lasing ang lalaki. Tumayo si Zein at dumungaw na lang sa bintana. Mula sa maliit na kubo, rinig na rinig niya ang alon ng dagat. Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang singsing na suot. “Wala ba akong pamilya?” mahinang tanong ni Zein sa sarili. Hindi niya na talaga alam ang gagawin niya. Kahit gusto niyang bumalik, hindi niya magawa dahil wala naman siyang maalala. Kahit buong pangalan niya, hindi niya alam. Kung hindi siya ang hahanapin ng hinihintay niya, siya na lang ang maghahanap pero saan siya magsisimula? Bukod doon, wala siyang pera. Nahihiya pa nga siya dahil malaki ang nagastos ng pamilyang kumupkop sa kaniya. Ang ibang pinangbayad sa pagpapagamot niya, nilakad pa ni Sammy sa munispyo sa bayan. Pumunta na lang siya sa likod-bahay para magsaing. Tutal, mada
Alam ni Amos na sa pagkakataong iyon, hindi na panaginip si Zein. Buhay ang dalaga. Nayayakap niya ito at nararamdaman. Maraming gumulo sa isipan niya. Akala niya, patay na ito pero hindi niya muna inisip iyon. Ang mahalaga, buhay ito at muli nilang makakasama ni Pita. “B-bitiwan mo ako. H-hindi kita kilala...” “Ayoko.” Mas lalong humigpit ang yakap ni Amos. Ayaw niyang pakawalan si Zein. Baka sa oras na niluwagan niya ang hawak, mawala na naman ito sa kaniya. Hindi niya na hahayaang magkalayo pa sila. Kung galit pa rin ito sa kaniya, tatanggapin niya. Kung nagpapanggap lang itong hindi siya kilala, ayos lang dahil ipapaalala niya sa dalaga kung gaano niya ito kamahal hanggang sa sumuko ito. Kung pagtataguan ulit siya nito, hahanapin niya na ito lalo pa at alam niyang buhay naman pala ito. “Zein, u-umuwi na tayo, hmm? Miss na miss ka na namin. You want to pretend that you didn't know me? Okay… I’ll take that p-pero uwi na, ah? Sasama ka sa akin.” “H-hindi ako nagpapanggap. Let
“Zein!” Dahan-dahang tumunghay si Zein nang marinig ang boses ni Sammy. Dala-dala nito ang mga gamit sa pangingisda. Magkasalubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kaniya. Binitiwan nito ang mga gamit na hawak at bahagya siyang tinulak para makaalis sa poso. Hindi na tuloy siya makapagtungga para lagyan ng tubig ang mga nilalabhan niya. Pinameywangan ni Zein si Sammy. “Umalis ka diyan. Naglalaba ako!” “Ilang beses ko na bang sinabi sa’yong magpahinga ka? Kagagaling mo lang sa ospital. Gusto mo bang mabinat kang babae ka?” Napairap si Zein at pilit na nakipag-agawan sa poso. “Sammy, dalawang araw na akong nagpapahinga. Hindi naman ako na-imbalido. Sumakit lang ang ulo ko.” Bumuntong-hininga si Sammy. “Ininom mo na ba ang gamot mo?” “Opo!” Pinagpatuloy niya ang paglalaba. “Sige na, kumain ka na roon sa loob. Saluhan mo na si Mang Domeng.” “Ako ang magbabanlaw at magsasampay, ah?!” pahabol pa ni Sammy. “Oo na!” Napangiti na lang si Zein habang nagkukusot ng mga damit. Magaling
Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw, agad nang bumangon si Amos mula sa higaan niya. Magaan ang pakiramdam niya habang nag-aayos ng sarili. Marahil dahil tinigilan niya na ang laging pag-inom ng alak. Walang hang over na palaging bungad sa kaniya. Isa pa, hindi na rin siya binabangungot katulad noon. Ang totoo pa nga niyan, hindi na gaanong mababaw ang tulog niya. Maingat na inahit ni Amos ang balbas at bigote niya sa harap ng salamin. Kailangan niyang maging presentable sa harap ni Zein. Kailangan niyang magpa-impress para magtiwala itong muli sa kaniya kahit wala pa itong naalala. Nang lumabas si Amos mula sa banyo, sakto namang tumawag sa cellphone niya ang doktor niya. “How are you? Balita ko, pina-extend mo raw ang vacation mo?” “Yeah…” Tinanaw ni Amos ang langit. Unti-unti nang sumisibol ang araw kaya napangiti siya. “Anyways, I need to tell you something pagbalik ko. I feel like… I don’t need your service anymore. I’m feeling better. Thank you for recommending your beach res
Ang lakas ng tibok ng puso ni Zein. Siya na ang sunod na kalahok. Noong una, wala naman siyang naramdamang kaba. Nang mga oras lang na iyon siya tinamaan ng ganoong damdamin dahil alam niyang isa sa mga nanonood si Amos. Hindi niya mapaliwanag pero kakaiba talaga ang epekto sa kaniya ng binata. “Para sa huling kalahok, narito na si Zein Reolonda!” Kinagat ni Zein ang pang-ibabang labi. Dapat hindi na siya manibago sa apelyido niya pero napapapitlag pa rin siya kapag naririnig ang apelyido ng asawa niya. Hindi siya sanay. Parang hindi niya iyon nakagawiang gamitin man lang. Umakyat si Zein sa entablado dala ang kaniyang gitara. Tiningnan niya ang mga manonood. Ang iba, galing pa sa ibang sitio. Tumingin siya sa mga hurado. May mga nakasimangot sa mga ito pero mayroon namang mga nakangiti. Napatingin si Zein kay Amos na nasa gitna ng mga tao. Titig na titig ito sa kaniya na para siyang tinutunaw. Hindi nakangiti ang binata pero kita niya sa mga mata nito ang saya na hindi niya alam k
Katatapos lang magluto ni Amos sa lower deck ng yate. Madali niyang tinapos ang pagluluto sa tanghalian nila ni Zein. Umalis kasi ang dalaga sa kitchen. Baka mainip ang dalaga at biglang magbago ang isip. Umakyat si Amos sa upper deck. Nakahinga nang maluwag si Amos nang madatnan si Zein malapit sa railing. Nakatanaw ito sa dagat at mukhang malalim ang iniisip. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga at niyakap ito mula sa likuran. Napapitlag ang babae. Alam niya namang naiilang pa sa kaniya ito pero gagawin niya ang lahat para maging muling komportable sa kaniya si Zein. “Are you hungry? Let’s eat,” paanyaya niya rito. Bumuntong-hininga si Zein. “Amos?” “Hmm?” Inilapat ni Amos ang pisngi sa buhok ng dalaga. “Can you tell me how did we meet?” Tipid na napangiti si Amos nang sabay niyang maramdaman ang saya at lungkot. Umusbong ang saya sa kaniya dahil sa wakas, unti-unting binuksan ni Zein ang sarili sa mayroon silang dalawa noon subalit may lungkot pa rin. Hindi niya maiwasang mal
Huminga nang malalim si Zein habang pinagmamasdan ang hitsura mula sa salamin. Nakataas ang mahaba niyang buhok at nasa ayos. Kitang-kita ang batok, leeg, collar bone at kaunting cleavage niya dahil tube type ang suot niya. Lumutang ang ganda niya dahil sa make-up na nilagay ng make up artist na kinuha ni Amos para sa kaniya. Kita ang hita niya dahil sa slit ng black and white evening dress niya. “Mommy!” Napangiti si Zein nang lumapit sa kaniya ang anak niya. Naka-ball gown ito na kulay puti at kinulot ang dulo ng buhok. May maliit na butterfly clip ito sa gilid ng ulo. “You look pretty, anak.” Bahagyang tumalon ang anak ni Zein at niyakap siya sa baywang niya. “You look pretty too, Mommy!” Hindi pa buo ang mga alaala ni Zein pero ang pag-aalaga at pagmamahal, walang pagdadalawang-isip na ibinigay niya kay Pita. Kahit kinalimutan ng isip niya ang anak niya, nagkusa naman ang instinct niya bilang ina. Isa pa, bago matulog palagi siyang kinukuwentuhan ni Amos tungkol kay Pita at