Share

Rainbow Rings
Rainbow Rings
Author: Joe Ignacio

Chapter One

Donatella, you’re next.”

Agad na inayos ni Donatella ang kaniyang tindig nang magsalita si Madam Suzy, ang director na kasama nila sa backstage.  Kasalukuyang idinaraos ang fashion show para sa 58th anniversary ng Gutierrez Fashion Company. It was summer evening and the theme for the show was tropical.

Ngumiti si Dona sa kaniya at inayos ang tayo. Agad din namang lumapit sa kaniya ang kaibigang si Solene na siya ring stylist niya. Mabilis itong nag-retouch ng kaniyang make-up at sinigurong maayos ang suot niyang bikini.

“Do I have to say “good luck”?” Solene joked when she’s done. Umirap lang sa kaniya ang kaibigan at ibinalik ang tingin sa entrada patungo sa catwalk saka tumawa nang tipid.

“Of course not,” Dona replied in boast and ended up in sweet smile.

“Donatella, go,” saad ni Madam Suzy. Her smile immediately turned into poker face as she started to made her steps to the catwalk while maintaining her posture.

She slayed her black two-piece bikini that matched on her fair skin. Her blonde hair stands out and enhance the perfect look of her nude make-up.

All the people inside the venue focused on her while she was walking in the middle of three-meter catwalk.

At front, side, and back—around her, there are photographers taking photographs of her using their big DSLR and cinematic cameras that creates blinding flashes. Pero hindi iyon alintana ni Dona, tila nasanay na siya sa ganoong eksena.

She started modeling since five, her mother Patrizia taught her the fundamentals of modeling at her young age. Then when she turned six years old, the bigger modelling industry opened for her, she became a model of big children fashion companies and used as the face of the brands.

Hindi rin siya nakaranas ng  normal na edukasyon dahil itinutok siya nang husto ng ina sa pagmomodelo. At mas naging bihasa pa siya sa ganoong larangan noong nagdalaga siya at nagsimula nang kunin ng maraming kumpanya ngunit ni isa roon ay walang tinanggap ang ina, pinanatili siyang nagmomodelo sa sariling kumpanya ng kaniyang pamilya.

She was just nineteen years old but her mind was already opened in the industry of her career. Halos doon na niya ginugol ang bawat araw at nag-homeschool na rin siya dahil sa sobrang higpit ng kaniyang mga schedule.

May mga pagkakataon na nahihirapan siya sa sitwasyon, limitado siya sa napakaraming bagay. Para mapanatili ang kaniyang katawan at timbang, kontrolado ang lahat ng kaniyang kinakain at halos mabugbog siya sa workout. Minsan ay gusto niyang tumigil sa pagmomodelo at magtuon ng pansin sa kaniyang pag-aaral ng fashion designing.

Ngunit palagi niyang pinipiling manahimik na lamang dahil alam niyang walang ibang aasahan ang ina sa pagmomodelo dahil siya lamang ang nag-iisang babaeng anak ng kaniyang mga magulang. Iyon ang nagbigay sa kaniyang ng pressure bilang anak.

And one thing, she’s a queer and currently coonfused in her sexuality but she knew that she was sexually attracted to women, she didn’t know when that feelings start but she believed that, that feeling was normal. Actually, she currently has a girlfriend but their relationship is private, she didn’t even know when to tell that to her parents.

Marami siyang kinakatakutan ukol sa bagay na iyon, alam niyang madi-disappoint nang husto ang kaniyang mga magulang dahil sa kaniyang sekswalidad kaya habang kaya pa niya ay sinisikap niyang ilihim ang tunay na damdamin at maghihintay muna ng tiyempo kung saan sasabihin ang tunay na nararamdaman.

After her catwalk, she immediately went to her dressing room with Solene. Agad siyang nagbihis ng damit panlakad.

“Mukhang may date tayo?” saad ni Solene habang nililigpit ang makeup kit niya. Si Dona naman ay abala sa pag-aalis ng make-up sa mukha. Nakasuot na siya ng slip dress na kulay gold at stiletto heels ang pangyapak.

Sandali siyang tumigil sa ginagawa saka lumingon kay Solene. “Leila asked me for a date,” tugon niya sabay balik ng tingin sa salamin.

“Oww…” tanging tunog na lumabas kay Solene at kalaunan ay natawa nang maikli. “Kaya pala ang ganda ng lakad kanina… inspired,” kantyaw niya saka isinaka ang pouch na pinaglalagyan ng kaniyang makeup kits. Hinarap niya ang kinaroroonan ni Dona at sumandal sa may mesa.

“Not because of her,” pagtama ni Dona, “I mean—” tumunghay siya at tiningnan si Solene, “kinda… but she’s not the main point,” katuwiran niya.

“I know, I know. You’re doing it for Madame Patrizia, right?”  sabi ni Solene at agad na nagbitaw ng dalawang mabagal na tango si Dona.

“Because I hate to hear her on every single show saying…”

“You’re doing it for years, Donatella. Why can’t you make it perfect?” sabay nilang tugon magkaibigan at agad ding natawa.

“We both memorized Mama’s line,” saad ni Dona at kinuha ang telepono. Dumako siya sa messaging app para mag-iwan ng mensahe kay Leila tungkol sa date nila. Nagtipa siya roon ng mensahe at agad ding pinindot ang ‘send’ button upang maipadala ang mensahe.

“I am so tired of being thundered by her in every single after show. I’m tired of hearing how disappointed she was in my cat walks. I don’t know how or when I will make her proud. But I want it. I f*cking want to hear her say “I did great Donatella” that’s why I’m doing all of these.” Idinipa niya ang palad at huminga nang malalim.

“So lucky that she didn’t went to the show,” kalmadong saad ni Solene sabay kibit-balikat.

“Because she already expected that I can’t walk perfectly for the nth time,” tugon ni Dona saka umirap. Ibinalik niya ang telepono sa sling bag saka humalukipkip.

“You know what, Dona…” saad ni Solene, “you don’t have to pressure yourself just for what your mother wants. You matter to your life, not she.”

“ I tried to. I am always trying to think that I should be myself… but—”

“But?”

“I know to myself that I can’t live on my own. Sapat na `yong dahilan para hindi sumunod ako sa mga utos niya. And I’m pretty sure that she’s saying those thing to me for my own good—”

“Not all, Dona. I could see how pressure you are every single project you do. You set aside one of your passions as well. That’s not healthy, that’s not good, Dona,” sabi ni Solene. Sandaling hindi nakatugon si Dona at kalaunan ay ngumiti na lang nang tipid.

“Yeah, you’re right,” tugon niya sabay hinga nang malalim. “But for now, sisikapin kong magiging proud si Mama sa akin. Nang sa gayon ay kahit anong oras… maipapakilala ko na si Leila sa kanila,” sabi niya.

“As I always said, Dona…”

“Do not pressure yourself. Breathe sometimes,” sabay nilang sabi at natawa.

“Okay, una na ako. Baka nandoon na si Leila,” paalam ni Dona at lumakad na siya palabas ng dressing room at nilakad ang daan patungo sa may elevator upang makababa sa ground floor.

Pagdating niya sa lobby ng building, akmang pupunta na sana siya sa may parking lot kung nasaan nakaparada ang kaniyang kotse ngunit hinarang siya ng isa sa mga guwardiya ng Gutierrez.

“Yes?” takang tanong niya sa guwardiya.

“Miss Donatella, pinapasundo po kayo ni Madame Patrizia. May dinner daw pong inihanda sa mansyon at may bisita kayo,” saad ng guwardiya at agad na napaturo sa sarili si Dona.

“I-I already told Mama that I have an appointment after the show.” Bahagyang napataas ang boses ni Dona nang sabihin niya iyon. Sandali niyang hinugot mula sa kaniyang bulsa ang telepono upang tawagan ang ina. Hindi naman nagtagal ay sinagot siya ni Madame Patrizia. “Mama—”

“Can you just obey what I said, Donatella?” malamig na tanong ni Madame Patrizia mula sa kabilang linya na nagdala ng biglaang kaba kay Donatella. Hindi man siya nito bulyawan ay alam na niyang iritable na ang ina.

“But, Mama, I already told you this—”

“Donatella…”

“Mama, baka hindi naman ako kailangan d’yan. Importante kasi to—”

“Donatella…”

“M-Ma…” sinubukan niyang pilitin ang ina na payagan siya ngunit nauwi na lamang sa buntong-hininga ang lahat. Alam niyang hindi na niya iyon mapipilit pa tulad ng nais niya. “F-fine, I’m coming.”

Napapikit na lamang nang mariin si Dona nang babaan siya ng telepono ni Madame Patrizia. Nilingon niya ang gwardiya na walang reaksyon sa mukha. Maging iyon ay alam ang kinahinatnan ng usapan.

“I’ll drive myself, Manong. Sa mansyon din ako pupunta,” saad niya sa guwardiya at inilagay sa sling bag ang telepono bago tuluyang lumabas ng gusali.

Pagdating niya sa may parking lot, pagsakay niya sa kaniyang kotse ay hindi na muna niya iyon pinaandar. Sinubukan niyang tawagan si Leila nang ilang beses ngunit tila nakapatay ang telepono niyon kaya sa halip ay nag-iwan na lamang siya ng mensahe.

Dona: I’m so sorry, Lei. I can’t disobey Mama. I’m sorry.

Huminga siya nang malalim at itinuon ang  tingin sa kalsada. Pinakalma muna niya ang sarili nang sandali bago buhayin ang makina ng kotse at patakbuhin iyon.

It was already ten in the evening when she arrived at their mansion. Sa patio na lang niya ipinarada ang kotse at agad na lumakad papasok ng mansyon. Pagdating niya roon ay naabutan niya sa salas ang ama na kasalukuyang pinakain ng caregiver nito.

Don Martiano was stroked and only relied on support. Isa rin yon sa mga dahilan kung bakit pressured si Dona at natatakot na madisappoint ang kaniyang pamilya.

Nilapitan niya ang ama at h*****k sa pisngi.

“Nurse, where’s Mama?” tanong niya sa nurse na nagpapakain kay Don Martiano.

“Nasa kwarto po nila,” tugon ng nurse. Tumango lang nang isang beses si Dona at tumalikod. Lumakad siya patungo sa second flooor ng mansyon kung saan matatagpuan ang silid ng mga magulang.

Pagdating niya roon ay tumapat siya sa pinto ng kwarto. Akmang kakatok na sana siya ngunit napahinto siya nang marinig ang kausap ng ina.

“Before this year ends? That’s so sad,” tinig ni Madame Patrizia mula sa loob ng kwarto.

Nang mapansin niyang wala nang kausap ang ina ay kakatok sana siya ngunit bumukas na ang pintuan kaya napaatras na lamang siya.

“You’re here,” malamig na sabi ni Patrizia at tiningnan ang bihis ng anak mula ulo hanggang paa. “Seems prepared, huh?” tanong niya ngunit hindi umimik si Dona dahil nararamdaman niya ang iritasyon ng ina sa kaniya.

Nauna nang lumakad pababa sa salas ng mansyon si Madame Patrizia at sinundan naman siya ni Dona. Pagdating nila sa salas ay napatigil si Dona nang sumigaw ang ina.

“It’s so late! Hindi pa rin kayo tapos sa mga gawain ninyo?!” sigaw ni Madame Patrizia at agad na sinamaan ng tingin ang mga kasambahay na kasalukuyan pa ring pari’t parito ng kusina at nagkukumarat na matapos sa paghahanda ng hapunan. “And you!” Hindi rin nakatakas sa paningin ni Madame Patrizia ang caregiver na nagpapakain kay Don Matriano.

“Sa taas mo na ipagpatuloy pagpapakain kay Matriano,” sabi niya habang matalim na nakatingin sa nurse. “My god! Alangan namang makita tayo ng mga bisita na ganiyan ang hitsura n’yan,” inis na bulong niya at lumakad siya patungo sa kusina upang inspeksyunin ang mga kasambahay.

Napahinga na lamang nang malalim si Dona at tiningnan ang ama na nakaupo sa wheelchair na bubuhatin na ng dalawang gwardiya uoang iakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Agad siyang lumakad palapit kay Don Matriano at h*****k sa noo. “Good night, Papa,” ngiti niya sa ama bago tuluyang dalhin sa itaas.

“Madame Patrizia! Nandito na po si Mr. Iglesias!” nagmamadaling tawag ng isang guwardiya. Hindi pa tumatagal ng ilang segundo ay agad nang lumabas ng kusina si Madame Patrizia at inayos ang tindig.

“Donatella, fix yourself!” utos niya kay Dona kaya agad na inayos ni Dona ang kaniyang tindig at pinagpagan ang damit. “Estello, Alexandro, Jackson!” tawag pa ni Madame Patrizia sa tatlong nakatatandang kapatid na lalaki ni Dona.

Agad na bumaba ang tatlong binatang Gutierrez na nag-e-edad mula twenty-three hanggang twenty-six.

“Mama, may papakilala pala si Kuya sa inyo—” akmang kakantyaw si Estello pero agad siyang binatukan ni Jackson. Si Dona naman ay natawa sa tatlong kuya.

“Umayos kayo, may bisita,” sambit ni Madame Patrizia at umirap sa tatlong anak na lalaki.

Lumakad na silanng lima patungo sa may main door ng mansyon upang salubungin ang mga bisita. Agad na ngumiti si Madame Patrizia nang matanaw na bumababa sa isang kotse ang isang lalaking mukhang nasa edad limampu kasama ang anak nitong lalaki na nasa edad higit dalawampu.

“Good evening, Mr. & Mr. Iglesias,” bati ni Madame Patrizia bago pa man makalapit ang dalawang Iglesias.

“Good evening, Madame Patrizia and to your sons,” bati ni Mr. Iglesias saka tumingin kay Donatella. “Pietro…” tawag ni Mr. Iglesias sa anak at agad namang lumapit iyon kay Donatella at nag-abot ng isang bouquet ng rosas.

“Come in! They should get to know each other inside,” aya ni Madame Patrizia at nauna na siyang lumakad papasok at sumunod sa kaniya si Mr. Iglesias at ang anak nito. Habang si Dona naman ay hindi alam kung susunod ba.

“K-Kuya, anong meron?” tanong ni Dona kay Estello nang akmang papasok na ito ng mansyon.

“Don’t tell me that Mama didn’t tell you about the engagement?” takang tanong ni Estello at inayos ang salamin saka tuluyang pumasok ng mansyon at si Dona na lamang ang naiwang mag-isa sa veranda.

“E-engagement?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status