Share

Chapter Two

“Engagement?”

Hindi maipinta ang hitsura ni Dona habang patuloy na umiikot ang salitang iyon sa kaniyang isipan. Para saan? Sino?

Napapait siya ng expresyon saka ibinaba ang tingin sa hawak na bouquet. Nagugukuhan siya sa sinabi ni Estello sa kaniya. Hindi niya matukoy kung pinagtitripan ba siya ng kuya o nagsasabi ng totoo. Pero kahit ganoon ay nabigla siya nang husto at tila ayaw matunaw ng salitang iyon sa kaniyang isipan.

Or maybe business engagement?

Because of the great confusion inside her mind, she would just chose to believe that, that was just a business. A BUSINESS.

That’s not even impossible though. Their father was disabled in five years, ang kaniyang ina na lamang ang nag-aasikaso nang husto sa kanilang negosyo lalo na’t ang panganay niyang kapatid na si Jackson ay walang hilig sa negosyo nila at mas nagtuon ng pansin sa hilig nito sa pagpipiloto. Habang si Alexandro naman ay hindi rin makatulong sa negosyo dahil  pagiging music producer naman ang karerang tinahak nito na napakalayo roon.

Si Estello naman ay graduating pa lamang at engineering ang kinuhang kurso na wala ring koneksyon sa fashion business. Siya lamang ang tanging makakatulong sa mga magulang lalo na’t pinagsasabay niya ang pagmomodelo at pag-aaral ng fashion designing.

Kaya nga minsan ay hindi niya maiwasang mangamba na baka anumang oras ay malugi ang kompanya nila dahil kung sa pamilya nila aasa ng magtataguyod niyon, mahihirapan siya nang mag-isa.

Iyon ang dahilang naisip ni Dona para sa bagay na narinig niya ukol sa salitang “engagement.” Wala nang iba pa.

And one more thing, she knew her clever mother that will do anything to thrive, maganda ngang ideya na kunan ng maraming investor ang kanilang kompanya para maraming magtutulungan na mapalago.

“Am I right?” bulong niya sa bouquet saka pasimpleng inamoy ang mga rosas ngunit napangiwi na lamang siya nang mapansin niyang artipisyal lamang ang mga iyon. “Kung kay Mama mo `to binigay, turned off na `yon for sure.” Hindi naman sa nag-iinarte siya, nasanay na lamang ang kaniyang pang-amoy sa amoy ng mga organiko at natural dahil sa mga pinipiling produkto sa kaniya ng kaniyang ina na pulos organic, mula sa skin care hanggang sa hair care at suppliments.

“Donatella? What are you doing?!” natauhan siya nang marinig ang boses ng ina. Nag-angat siya ng tingin kay Madame Patrizia na ngayon ay nakatayo sa tapat ng door frame at nakapamewang. Matalim din ang tingin nito sa kaniya kaya agad niyang nabasa na inis nga ito.

“Are joining us?” sarkastikong tanong ni Madame Patrizia. Napalunok na lamang nang mariin si Dona at lumakad patungo sa may pintuan upang pumasok. Ngunit nang makatapat siya kay Madame Patrizia ay agad na kinuha ng ina nag hawak niyang bouquet at inhampas sa balikat niya.

“Don’t embarass me in the dinner, Donatella. I’m full,” ismid ni Madame Patrizia at inayos ang strap ng slip dress ni Dona sa may balikat saka inabot ang bouquet. Hindi na siya nagsalita pa at lumakad na papasok ng mansyon habang si Dona naman ay sumunod sa kaniya hanggang sa dining.

In the dining room, the Gutierrezs ang Iglesiass are already on their seats. Nasa magkabilang kabisera ng mesa sina Madame Patrizia at Mr. Iglesias, nasa kaliwa niya si Pietro na tahimik lang sa upuan nito, nasa kabilang bahagi naman ang tatlong lalaking Gutierrez at ang kaliwang bahagi ni Madame Patrizia ay kasalukuyang bakante at nakalaan para kay Dona.

Nang makaupo na si Dona sa tabi ng ina ay nagsalita si Madame Patrizia, “I’m so sorry for making you wait, Mr. Iglesias and Mr. Pietro. Donatella enjoyed your flower and sniffed for long,” sabi niya dahilan para tahimik na mangantyaw ang tatlong kapatid ni Dona.

“You get kilig pala in those fake roses,” kinunutan ng noo ni Dona si Jackson.

“Of course not,” kunot-noo niyang bulong sa kuya at agad ding ibinalik ang tingin sa mesa nang may maaliwalas na ekspresyon sa mukha.

“Before we start what our meeting is about, let’s gave this dinner first,” saad ni Madame Patrizia at kinuha niya ang isang tinidor sa ibabaw ng mesa at isang kopita. Marahan niyang tinapik ng tinidok ang gilid ng kopita, kasunod niyon ang pagpasok ng tatlong kasambahay na may dala-dalang iba’t ibang handa. Sa una ay mayroong litsong manok, sa ikalawa naman ay mangkok na naglalaman ng pumpkin soup, at ang ikatlo ay may dalang beef steak.

Habang inihahain iyon ng mga kasambahay ay bumulong si Aexandro kay Dona, “Or sa engagement ka kinikilig?” Dahilan para agad na bumalik ang pinaghalong iritasyon sa hitsura at pagkagulo sa isipan ni Dona.

“What the f*ck you were saying?” inis na tanong ni Dona habang matalim na nakatingin sa kuya. “Ouch!” Napasinghap siya nang pasimple siyang kinurot ng ina sa kaniyang braso

“Watch your words, Donatella. Be prim and proper,” bulong ni Madame Patrizia sa kaniya saka ibinalik ang tingin sa hapag. “Shall we?” aya niya at nagsimula na ang lahat sa pagkain.

“Kuya, what’s the engagement they’re saying?” pabulong na tanong ni Dona kay Jackson ngunit hindi siya nito tinugunan. Patuloy lamang ito sa pagkain.

Huminga nang malalim si Dona at pasimpleng niligon si Pietro sa kabilang gawi. Tahimik lang itong kumakain at nakatutok nang husto ang atensyon sa kaniyang kinakain.

Sa puntong iyon ay nagkaroon ng masamang hinala si Dona ngunit mas pinili na lamang niyang hindi iyon pakaisipin.

Pagtapos kumain ng lahat ay inihain na ng mga kasambahay ang mga panghimagas tulad ng gelato, ice cream, at leche flan. “While we are having our dessert, I am now giving persmisson Mr. Iglesias to tell their purpose to this dinner,” malumanay na sabi ni Madame Patrizia  kay Mr. Iglesias.

Inayos ni Mr. Iglesias ang suot niyang polo at tumikhim nang dalawang beses bago magsalita, “Before we proceed to out proposal…”

“Proposal?!” pabulong na sambit ni Dona sa gulat sa sinabi ni Mr. Iglesias. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi nang maramdaman na inapakan ng kaniyang ina ang kaniyang paa sa ilalim ng mesa. Alam niya ang nais ipahiwatig ng ina kaya wala na siyang nagawa pa kundi manahimik na lamang habang patuloy sa pagsasalita si Mr. Iglesias.

“My eldest son Zeus Pietro is the current CEO of Iglesias Men Fashion in Sweden,” saad ni Mr. Iglesias kay Dona habang ipinapakilala si Pietro.

“Donatella, if you didn’t know, Iglesias Men Fashion is known in the entire Europe and exporting around the world,” pagsabat ni Madame Patrizia habang nakatingin kay Dona na walang imik at hindi alam kung paano tatanggapin ang lahat ng mga naririnig.

Engagement. Proposal, Pietro. Nalilito siya nang husto sa kung ano ba talaga ang tinutunton ng usapin nila. Kating-kati na siya na tanungin ang ina kung para saan ba talaga ang lahat ng iyon.

“Yes, if our families will be connected to each other, Iglesias and Gutierrez Fashion will definitely conquer the fashion industry,” patuloy pa ni Mr. Iglesias at sa puntong iyon ay hindi na nakapagpigil pa si Dona.

“W-what do you mean?!” gulat na tanong niya. Agad siyang kinapitan ni Jackson sa balikat upang pigilan. Habang si Mr. Iglesias naman ay gulat na napatingin sa kaniya.

“Donatella, let Mr. Iglesias finish,” kalmadong saad ni Madame Patrizia sabay ngiti kay Mr. Iglesias.

“As I said, if this will success, our companies will grow as well. And don’t worry, Donatella, Pietro is such a nice guy. Wala siyang inuwing sakit ng ulo sa mga babae,” ngiti ni Mr. Iglesias. Hindi pa man sabihin nang deretsahan ay naunawaan na agad ni Dona kung para saan ang hapunan.

Tumikhim siya, “Excuse me. I’ll be off for a minute,” paalam niya saka tumayo ng upuan. Agad naman siyang tiningnan nang matalim ng ina upang ipahiwatig na bumalik kaagad. Lumakad na siya palabas ng dining.

“I know that Pietro will be a good husband for our Donatella. He’s so handsome, looking gentleman…” Hindi na narinig pa ni Donatella ang sunod na mga sinabi ni Madame Patrizia nang dumeretso siya ng lakad sa may likurang bahagi ng mansyon.

Pagdating niya roon ay napasigaw na lamang siya sa labis na inis dahil hindi niya akalain na gano’n-gano’n na lamang siyang ipagkakasundo ng ina sa kung sino na kahit kailan ay hindi niya kilala.

“F*ck it!” inis na sigaw niya. Ramdan niya ang panginginig ng katawan habang pinipigilan ang sarili na mapamura uli nang isa pang beses.

“I have to leave now… I don’t wanna be engaged with that Pietro! I hate you Mama!” bulong niya sa sarili at mabilis na kinalas ang stiletto mula sa kaniyang mga paa.

She breathe deeply as she moved her look to the wall of their lot, “You can do it, Donatella,” she whispered.

Sinimulan na niyang lumakad patungo sa may pader na iyon upang akyatin. She was starting to sweat in nervous. Maybe whe would fall? Or be caught? But she has to do it! Gusto muna niyang lumayo at magpalipas ng gabi sa kung saan para maipakita sa ina na ayaw niya sa kagustuhan nitong mangyari!

Napatigil siya nang makarinig siya ng pagtikhim mula sa likuran niya. Pasimple niya iyong nilingon at agad na nagsalubong ang parehas niyang kilay nang makita kung sino ang taong iyon.

“How dare you!” sigaw niya kay Pietro. Dali-dali siyang tumalikod sa may pader at lumakad patungo sa kinaroroonan ni Pietro. Akmang sasampalin sana niya ito ngunit napatigil siya nang hindi ito tuminag at nakatingin lamang sa kaniya.

“I won’t tell ‘em. Don’ worry,” malamig na sabi ni Pietro sabay nguso sa pader na aakyatin sana ni Dona.

“F*ck your face!” she said angrily. Pietro simply look to her palms near his face.  She was shaking ang he knew why. “I’ll go straight!” sambit ni Dona, “I don’t want this engagement! I don’t want to marry you!”

“So do I,” malamig na tugon ni Pietro at kumibit-balikat.

“Then, why you’re not doing anything to stop this?!”  sambit ni Dona at nagtaas siya ng kilay upang hingin ang tugon ng Pietro.

“I did,” tugon ni Pietro.

“Did what?”

“This,” saad niya sabay dipa ng mga braso, “I’m helping you to escape… to stop this engagement.”

Pinaningkitan ni Dona ng mga mata si Pietro. “That’s all?!” singhal niya, “Do you think that could help?!”

“Uh-uhm.”

“Fool!” sigaw ni Dona. “If I escape from here! The engagement will just be postponed! And Mama would just bash me!”

“Then why are you doing that?” tanong ni Pietro. Wala man sa kaniyang paraan ng pagsasalita ang sarkasmo o pang-aasar ay nakaramdam pa rin ng labis na inis si Dona.

“AAARGH!” Tanging pagsigaw na lamang ang nagawa ni Dona upang alisin ang sobrang galit. “Why don’t you just tell me that, that is your choice too!”

Nagtaas ng isang kilay si Pietro. “The what?” takang tanong niya.

“The engagement!” inis na sigaw ni Dona. Napahawi siya sa noo, “So slow,” bulong niya.

“Oh… I didn’t want it too,” preskong sabi ni Pietro. Ipinamulsa niya ang magkabilang kamay.

“Then do something!”

“I can’t. My father would bash me as well if I do so.” Kumibit-balikat siya.

Sa puntong iyon ay napapadyak na lang sa inis si Dona. “So, gusto mo nga?!”

“No… and never. I don’t wanna marry you. I don’t like you,” bulong ni Pietro nang may pandidiri sa mukha. He ran his eyes from her head down to toe. Her hair is a bit messy as her slip dress. May putik na rin ang kaniyang paa dahil sa pagyayapak.

“Then do something! Ayaw naman pala natin sa isa’t isa!” sambit ni Dona at umirap kay Pietro.

“I won’t.”

“Why?!”

“If I was you, I’ll be back in the dinner,” saad ni Pietro at tumalikod na siya. Lumakad na siya pabalik ng mansyon habang si Dona naman ay naiwang mag-isa.

“I. DON’T. F*CKING. WANT. TO. MARRY. A. GUY. LIKE. YOU! A dumbmaniacboastfulhunk!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status