Share

Kabanata Dalawa

Auteur: Akosi_Rii
last update Dernière mise à jour: 2025-09-22 22:11:30

Dumating sa tahanan ng mga Vargas sina Donya Victoria Hale at Selene Hale. Labag man sa kalooban ni Amanda ngunit kailangan niya bumaba at salubungin ang mga bisita.

 

Si Donya Victoria ang unang pumasok at ang presensya nito na tila pag-aari ang bawat sulok ng bahay. Kasama niya si Selene maningning at composed naman ito, ang kagandahan nito ay tila hindi nagalaw ng aninong bumabalot kay Amanda.

 

Nakatayo si Lucas sa sulok hindi niya namalayan na dumating na pala ito. Parang inaasahan nito ang mga bisitang dumating.

 

Pinagmasdan ni Donya Victoria si Amanda napansin ang paninigas ng kilos nito at ang mga mahihinang pasa na hindi gaanong natakpan sa ilalim ng manggas. Sa halip na awa may mapang-aliw na ngisi sa kanyang mga mata.

 

“Ah” bungad ni Ginang Hale nang malamig habang pinipitik ang abaniko. “Mukhang natutunan na ng inampon naming anak ang kanyang lugar. Talaga namang bagay sayo ang pag-aasawa kay Lucas.” sabi naman nito na alam niyang sadyang pinaparinig kay Lucas.

 

Bumuka ang mga labi ni Amanda ngunit walang lumabas na salita. Nanginig ang kanyang tinig sa kaibuturan ng lalamunan tulad ng nilulunod ng hiya.

 

Lumapit si Selene nang bahagya matamis ngunit nakasusuklam ang pabango niya. Tiningnan niya si Amanda mula ulo hanggang paa at ngumiti nang matulis.

 

“Matagal mo nang ninanais maging bahagi ng mundong ito Amanda. Now that you’re here you should be grateful everything you thought you would ask for is already here, isn’t it? Tulad ng dati magaling pa rin ito mag paikot ng kwento.

 

Nagsilab ang mga mata ni Amanda. “Hindi ko kailanman ginusto na kunin kung ano ang sa’yo, Selene.”

 

Napapailing si Selene at bahagyang tumawa. “Sige na lang tiisin mo. Dahil pinalitan mo ako. Hindi ba iyon ang gusto mo?” Bahagya naman nitong linakasan ang tinig sapat lamang para margining ni Lucas.

 

Nanginig naman si Amanda ng mapansin niyang papalapit sa kanilang pwesto si Lucas.

 

Sumingit ang tinig ni Donya Victoria matindi at walang awa. “Tama na ang pag-arte bilang biktima Amanda. Dapat nga mag pasalamat ka pa dahil pinag bigyan namin ang pag mamakaawa mong maikasal kay Lucas. Kung hindi dahil naawa sa iyo si Selene di sana siya na ngayon ang Mrs. Vargas.” Sambit nito na sadya naman nilakasan upang marinig din ni Lucas.

 

Ngunit bumulong naman ito sa kaniya ng bahagya. “Tandaan mo nandito ka hindi dahil sa pag-ibig kundi dahil sa tungkulin. Huwag mong kalilimutan ang iyong lugar.”

 

Pinababa ni Amanda ang tingin kinakapan ng mga kuko ang kanyang mga palad sa ilalim ng tela ng shawl. Gusto niyang umiyak ngunit muling hinigpitan ang paglalabas ng luha.

 

Tahimik si Lucas na lumapit sa kanila. Pero mapapansin mo ang pag ning ning ng mga mata nito ng dumako ang paningin kay Selene.

 

“Tita how are you? And Se-selene long time no see. You look stunning as always” Kakaiba ang lambing na mahihimigan sa boses nito habang kausap si Selene. Kailan man ay hindi naranasan ni Amanda. Nanatiling tahimik naman si Amanda na nakikinig sa tatlo.

 

At sa katahimikang iyon muli niyang binitiwan sa sarili ang panata. Kailangan niya silang sundin para sa ikabubuti niya ito na lamang ang tainging paraan para mabuhay.

 

Iniwan siya ng mga ito na wari’y isa siyang tau-tauhan sa kwento. Maririnig sa mga ito ang galak ng pag uusap napansin din niya ang lambing ng bawat salita na nanggagaling kay Lucas tuwing kausap nito si Selene.

 

Ah! Oo nga pala siya pala ang kontrabida sa kwento ng dalawang ito. Umakyat nalamang siya sa kaniyang silid. “Marahil ay hindi naman na ako nila kailangan doon. Dito na muna ako para hindi na ako masaktang muli.”

Ang hapon ay dumaloy at ang malambot na sinag ng araw sa pagitan ng mga kurtina ng tahanan ng kwarto ni Amanda ang siyang bumalot sa kanyang silid.

 

Isa itong maliit na silid na sadyang pinagawa para lamang sa kaniya katabi nito ang silid ni Lucas. Para kay Amanda ay mas mainam na ito kumpara sa mansyon ng mga Hale na sa Bodega siya nakatira sa likod ng kusina. Mas komportable naman ang higaan niya rito kahit maliit ay masasabi niyang mas maayos naman ito kumpara sa naging silid niya dati.

 

Nang hapon din iyon ay kumatok ang isa sa mga katulong nila senyales na pinapatawag na siya sa hapag-kainan upang mag hapunan.

 

Nakaupo siya nang tuwid sa hapag-kainan nakababa ang mga mata at ang kaniyang mga kamay na maingat na magkakahawak na parang ang pinakamaliit na pagkakamali ay magtatawag ng kanyang poot.

 

Isa ito sa ipinagpapasalamat niya na kahit papanu ay maayos naman ang kaniyang kinakain at palagi rin naman niyang kasabay si Lucas kumain. Hindi ito nakakalimot sumabay sa kaniya kumain pag ka umuuwi ito sa mansion. Isang maliit na bagay na nag hahatid ng mainit na pakiramdam sa kaniyang puso.

 

Pagkatapos mag hapunan ay pinatawag naman siya nito sa silid. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib habang nakatapat sa kanya si Lucas. Kumakatok ang mga daliri nito sa makinis na kahoy bago ito may inabot mula sa amerikana.

 

“I had this made for you,” bungad nito sa malamig na tinig at itinulak ang isang velvet na kahon patungo sa kanya.

 

Nag-atubili si Amanda bago binuksan ang takip. Sa loob ay kumikinang ang marikit na pilak na kwintas at ang pendant ay kumukuha ng liwanag ng araw. Napakaganda nito, masyadong maganda para sa kaniya na ngayon lamang nakasilay ng ganoong bagay sa malapitan.

 

Nabigla siya. Bihira ang regalo mula kay Lucas. At bagaman hinahangad ng puso niyang paniwalaan na may ibig sabihin iyon marahil isang tanda ng kapayapaan humahawak pa rin ang takot sa kanyang mga tingin.

“Sa-salamat…” bulong niya na halos hindi marinig ang tinig.

 

Umurong si Lucas sa upuan nakatutok sa kanya ang madilim niyang mga mata. “Isuot mo. Para maalala mo kung kanino ka nabibilang.”

 

Inabot habang nangangatog nang bahagya ang kuwintas. Ngunit nangyari napaling ang kanyang siko at nasabog ang baso ng tubig sa tabi niya. Hindi niya napansin iyon.

 

Kling—bang!

Tumagilid ang baso kumalat ang tubig sa ibabaw ng mesa at nabasag sa sahig. Nagsimulang huminto ang mundo kay Amanda, kumakabog ang puso ng malakas.

 

Nagbago ang mukha ni Lucas agad humigpit ang panga. Nawala ang kalmadong awra nito kani-kanila lang at agad na napalitan ng unos na pinakinakakatakutan niya.

“Ta-tanga tanga ka talaga kahit kailan. Don’t you ever know how to be careful?” Singhal nito sa kaniya habang tumindig ito mula sa upuan.

 

Bakas ang takot sa mga mata ni Amanda. Wari’y isang dilubyo nanaman ang nag hihintay sa kaniya. “Ha—hindi ko sinasadya—”

 

Naputol ang kanyang salita nang dumapo sa kaniyang pisngi ang mga palad ni Lucas mabigat ito at mapag parusa. Naramdaman niya ang sakit sa kaniyang pisngi at umatras ang katawan sa lakas ng hampas.

 

“Idiot, kahit kailan ta-tanga tanga ka talaga. Ako na yata ang pinakamalas na lalaki sa mundo at ikaw pa ang napangasawa ko.” Singhal nito sa kaniya.

 

Nahulog ang kwintas mula sa mga daliri niya at tumilapon sa sahig na may mababang tunog.

 

Nakatindig si Lucas habang malamig ang tinig. “Kahit ilang regalo pa ang ibigay ko sa’yo, Amanda, hindi ka magiging karapat-dapat maliban kung matutunan mong sumunod.”

 

Namumuo ang mga luha ni Amanda ngunit hindi bumabagsak. Gusto niyang sumigaw at gusto niyang tumakbo  ngunit nanatili siyang nakapako tulad ng palagi niyang nagagawa.

 

At nang tuluyan siyang lisanin ni Lucas iniwan siyang nanginginig sa katahimikan. Doon niya napansin ang kwintas na bahagyang kumikislap sa sahig, tila nang-aakit na pulutan muli. Ngunit para kay Amanda iyon ay hindi hiyas kundi isang malupit na paalala na kahit ang kagandahan na mahahawakan niya ay isa lamang dagdag na tanikala.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Lima

    Pak! malakas na dumapo ang palad ni Lucas sa pisngi ni Amanda. Parang may pumutok sa kaniyang tenga at kasabay niyon ay nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Napatumba si Amanda sa sahig ramdam niya ang kirot na gumapang sa buong katawan.“Amanda!” singhal ni Lucas bago pa mailabas ang kaniyang boses sinakal na ito ni Lucas. Mariin at parang walang awa at para bang gusto nito pigain ang huling hininga kay Amanda. Pinilit niyang kumawala ngunit mabilis na dumapo ang mga tadyak nito sa kaniyang tagiliran sunod-sunod at walang patlang.“Wala kang silbi, you worthless whore!” sigaw nito sa kaniya bawat salita’y parang nawawala na ang kakarampot na pag asa na mayroon si Amanda kanina.“Ginawa kitang tao pinatira ka sa bahay na ito at ganyan ang isusukli mo? I even married you for you f*** s*** kahit hindi ikaw ang gusto ko. Anu pa bang gusto mo?”Napaluhod si Amanda at halos mawalan ng malay pinilit komagsalita. “Lucas m-may anak tayo buntis ako.”Saglit itong natigilan. Akala niya iyon

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Apat

    Makalipas ang ilang araw hito si Amanda nakayuko sa madilim niyang silid. Tinitiis ang sakit ng kaniyang katawan habang ang malabong mga halakhak ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang mga tenga. May bisita kasi si Lucas business partner daw nito. Kaya hito siya ngayon nakatago sa kaniyang silid at pinagbabawalan kasi siyang lumabas nito.Bawat pasa sa kanyang balat ay sumasakit dala nito ang alaala ng mga kamay ni Lucas at bawat hampas ay mas malalim kaysa sa nauna. Ang malupit na mga salita ng mga magulang nito ay tumatatak sa kaniyang isipan. Nalunod ang kanyang diwa sa kahihiyan.Pagkatapos kasi ng tagpong iyon makalipas ang ilang mga araw ay hindi pa rin naalis sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Pag ka alis kasi ng pamilya ni Lucas at ni Selene ay walang habas na pinag sasampal at tadyak siya ni Lucas dahil lamang sa maliit na sugat ni Selene. Sa kaniya isinisisi ang lahat.Flashback. . . . . .“Oh! Siya panu kami ay aalis na iho! Ihatid mo si Selene ha!.” Paalam naman ng ina

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Tatlo

    Buhay na buhay ang tahanan ng mga Vargas nang hapon na iyon. May bisita sila ang mag asawang sina Don Leonardo at Donya Cecilia at ang bunsong kapatid ni Lucas si Harley Vargas.Ito nanaman ang kaba, ang pakiramdam na hindi maalis kay Amanda sapagkat alam niyang maaring maging takaw atensyon naman siya sa mga ito. Simula kasi ng maikasal sila ni Lucas ni minsan ay hindi siya trinato ng tama ng mga ito. Tanging si Harley lamang na bunsong kapatid ni Lucas ang kahit papaano’y itinuturing siyang kapamilya.“Ate, kumusta? naku nangangayat kana. And, what are you wearing mukha kang muslim.” Masiglang bati ni Harley sa kanya. Tanging mapanuring tingin lamang ang iginawad sa kaniya ng mag-asawang Vargas na siyang huling pumasok sa pintuan.“Mama, Papa. What brought you here?” Masiglang bati ni Lucas sa kaniyang mga magulang.“Nothing iho! We heard that Selene is back. So, we are so excited to see here. Actually, tinawagan ko siya at pinapapunta rito nais ko siyang makita.” Wika naman ni Dony

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Dalawa

    Dumating sa tahanan ng mga Vargas sina Donya Victoria Hale at Selene Hale. Labag man sa kalooban ni Amanda ngunit kailangan niya bumaba at salubungin ang mga bisita.Si Donya Victoria ang unang pumasok at ang presensya nito na tila pag-aari ang bawat sulok ng bahay. Kasama niya si Selene maningning at composed naman ito, ang kagandahan nito ay tila hindi nagalaw ng aninong bumabalot kay Amanda.Nakatayo si Lucas sa sulok hindi niya namalayan na dumating na pala ito. Parang inaasahan nito ang mga bisitang dumating.Pinagmasdan ni Donya Victoria si Amanda napansin ang paninigas ng kilos nito at ang mga mahihinang pasa na hindi gaanong natakpan sa ilalim ng manggas. Sa halip na awa may mapang-aliw na ngisi sa kanyang mga mata.“Ah” bungad ni Ginang Hale nang malamig habang pinipitik ang abaniko. “Mukhang natutunan na ng inampon naming anak ang kanyang lugar. Talaga namang bagay sayo ang pag-aasawa kay Lucas.” sabi naman nito na alam niyang sadyang pinaparinig kay Lucas.Bumuka ang mga la

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Isa

    Tumunog ang malalaking kampana ng San Agustin, ito’y umaalingawngaw sa mga pader ng batong simbahan kung saan nagtipon ang mga pamilya Hale at Vargas. Dapat sana’y araw ng kasal ni Selene Hale ngayon, isang pag-iisa na dapat mag-uugnay sa dalawang pinakamakapangyarihang pamilya sa Velmoria City. Si Selene ang tunay na anak ng mga Hale at siya ang pinaka minamahal ng lahat, ang siya ding bumihag sa puso ni Lucas Vargas. Para kay Lucas si Selene ang tanging babaeng ihaharap niya sa altar.Ngunit hindi si Selene ang naglalakad sa pasilyo sa mga oras na ito.Kundi si Amanda Hale ang ulilang inampon ng pamilya Hale siya ang ngayo’y nakasuot ng kasuotan na dapat sana’y para sa kanyang kapatid. Hindi maipagkakaila ang bigat ng sutla sa kanyang balikat at wari’y dala nito hindi lamang ang samyo ni Selene kundi pati ang pasaning itinakda ng kapalaran na kailanman ay hindi niya ginusto. Siya ang pamalit na ikakasal isang aninong pumapasok sa liwanag na hindi kailanman kanya.Nakatayo si Lucas s

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status