Share

Reborn for Vengeance
Reborn for Vengeance
Author: Akosi_Rii

Kabanata Isa

Author: Akosi_Rii
last update Huling Na-update: 2025-09-22 22:09:49

Tumunog ang malalaking kampana ng San Agustin, ito’y umaalingawngaw sa mga pader ng batong simbahan kung saan nagtipon ang mga pamilya Hale at Vargas. Dapat sana’y araw ng kasal ni Selene Hale ngayon, isang pag-iisa na dapat mag-uugnay sa dalawang pinakamakapangyarihang pamilya sa Velmoria City. Si Selene ang tunay na anak ng mga Hale at siya ang pinaka minamahal ng lahat, ang siya ding bumihag sa puso ni Lucas Vargas. Para kay Lucas si Selene ang tanging babaeng ihaharap niya sa altar.

 

Ngunit hindi si Selene ang naglalakad sa pasilyo sa mga oras na ito.

 

Kundi si Amanda Hale ang ulilang inampon ng pamilya Hale siya ang ngayo’y nakasuot ng kasuotan na dapat sana’y para sa kanyang kapatid. Hindi maipagkakaila ang bigat ng sutla sa kanyang balikat at wari’y dala nito hindi lamang ang samyo ni Selene kundi pati ang pasaning itinakda ng kapalaran na kailanman ay hindi niya ginusto. Siya ang pamalit na ikakasal isang aninong pumapasok sa liwanag na hindi kailanman kanya.

 

Nakatayo si Lucas sa altar makikita rito ang nag-aalab at madidilim nitong mata sa pinipigilang galit. Si Selene ang inaasahan niya, ang kanyang Selene. Ngunit naroon si Amanda ito’y tahimik at matatag. Hindi umiwas ng tingin kahit pa umalingawngaw ang mga bulungan ng mga panauhin.

 

 Hindi ito isang kwento ng pag-ibig. Ito ay tungkulin at isang sakripisyong hinihingi alang-alang sa pagkakaisa ng dalawang makapangyarihang pamilya.

 

Kapag nagpalitan na ng panata at singsing paniniwalaan ng lahat na ito’y itinadhana. Ngunit sa ilalim ng kanyang ngiti ay nanginginig ang puso ni Amanda. Dahil sa bawat titig niya kay Lucas malinaw niyang nakikita ang apoy ng pagtataksil at ang sakit at isang lihim na pananabik na kahit siya’y hindi mawari.

 

At nang sandaling inabot ni Lucas ang kanyang kamay para isuot ang singsing bahagyang lumapit ito ang mga labi’y gumuhit ng malamig na bulong isang salitang tanging siya lang ang nakarinig.

 

At doon natigilan si Amanda.

Nanlamig ang kanyang mga daliri.

At bago pa man niya maunawaan alam niyang ang lahat ay hindi na magiging madali para sa kaniya.

Third Person’s POV

Ang mabigat na amoy ng alak ang siyang bumalot sa marangyang tahanan ng mga Vargas kumakapit ito sa hangin na para bang usok matapos ang isang sunog. Nakaupo si Amanda sa gilid ng kama kinakabahang naglalaro ang kanyang mga kamay sa kandungan. Matagal nang naglaho ang tawanan at kalansing ng mga baso mula sa piging kanina at ang natira na lamang ay katahimikang binasag ng mga pasuray-suray na yapak na papalapit sa kanyang pintuan.

Si Lucas iyon.

Nababatid ni Amanda na lango sa alak nanaman ang kaniyang asawa. Pumasok si Lucas sa may silid na may namumungay ang mga mata sa kalasingan ngunit nag-aalab pa rin ng unos na hindi magawang salubungin ni Amanda. Umaalingasaw ang alak at hinanakit mula sa kanya, bawat hakbang palapit ay mabigat na puno ng mga paratang na hindi kailanman binigkas.

"Ikaw" garalgal nitong sabi na siyang ikikaba lalo ni Amanda. Hindi niya kayang salubungin ang matalim at mapanganib ang tinig nito.

"Ikaw ang pumalit sa kanya. Akala mo ba magugustuhan kita?"

Mas lalong kumalabog ang dibdib ni Amanda. Gusto niyang magpaliwanag magmakaawa na huwag siyang kamuhian sa pasyang kailanman ay hindi niya pinili. Sapagka’t biktima din siya ng kasakiman ng pamilyang kumupkop sa kaniya. Ngunit bago pa man siya makapagsalita mariin nang humigpit ang kamay ni Lucas sa kanyang braso ito’y magaspang at walang awang pagkakahawak.

"Si Selene ang nararapat nandito. Hindi ikaw." singhal nito sa kaniya isang malutong na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi. Agad naman nag babadya ang mga luha sa mata ni Amanda.

Sa tindi ng galit nito napaatras siya at tumama sa paanan ng kama. Ngunit parang wala lang ito kay Lucas halos mawalan din ng hininga si Amanda sa pagitan ng takot at matinding tibok ng kaniyang dibdib.

“Wala kang Karapatan, you worthless slut. What made you think na magugustuhan kita? Isa ka lamang basura, panakip butas, pampalit naiintindihan mo ba?”Mahigpit na hinawakan nito ang kaniyang mga panga.

“Ta-aamaa na please.”Nangingilid ang mga luhang sambit niya. Mas masakit pa kaysa sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaniya ang mga salitang ibinato nito bawat pantig ay paalala na siya ay pamalit, isang aninong pinilit isuksok sa papel na hindi kailanman kanya.

Nag simula na itong punitin ang kaniyang damit. At ginawa ang mga bagay na kailan man ay hindi niya ninanais at ginusto.

Nagmistulang malabo ang gabing iyon para kay Amanda. Ang kanyang poot, ang pait at ang bigat ng dalamhati ay bumalot sa kanya hanggang ang tanging nagawa niya ay ipikit ang mga mata at tiisin.

At nang muling bumalik ang katahimikan nakahiga si Amanda sa dilim nanginginig ang buong katawan. Tahimik na dumaloy ang mga luha sa mga kumot durog ang puso sa mapait na katotohanan anuman ang tali na nag-ugnay sa kanya kay Lucas Vargas ito’y ipinanganak hindi mula sa pag-ibig kundi sa poot at sakit.

At nang sumilip ang unang liwanag ng umaga sa mga kurtina batid ni Amanda na kailanman ay hindi na muling magiging pareho ang kanyang buhay.

-------------

Amanda’s POV

Nagising ako na may kirot ng mga pasa at naninigas ang katawan at higit sa lahat mas mabigat pa ang aking kalooban. Dumaloy ang sikat ng araw sa pagitan ng kurtina mainit at parang gintong kumikislap ngunit para saakin tila isang kalupitan ang masilayan muli ang araw. Ninanais ko ng mamatay upang wakasan na ang aking pag hihirap. Ano’t nakalaya nga ako sa poder ng mga Hale ngunit ito rin ang aking sasapitin.

Ilang taon ako nag dusa sa mga pang aapi nila ngunit may mas hihigit pa pala kaysa dito. Ang apakan ang aking dangal, dangal, iyon nalamang sana ang natitira para saakin. Inaalipusta ako ni Lucas pero pakiramdam ko parang baliwala lang para dito ang nangyari kagabi. Kayang magningning ng kaniyang mundo sa pag sapit ng umaga subalit ako nama’y gumuho sa loob.

Hinaplos ng aking mga daliri ang braso kung saan naiwan ang bakas ng pagkakahawak niya kagabi nag iwan ito ng marka. Isang paalala. Isang tanikala.

Dahan-dahan akong bumangon, pinipigilan ang buhol na bumabara sa aking lalamunan. Nais kong maligo o kaya kuskusin lahat kung pwede lang mabura ng sabon at tubig lahat ng sakit na ginawa niya saakin. Kung sanay madali lang maalis ang bakas ng bawat kalupitan niya saakin sana’y naging masaya din ang bawat salubong ko sa araw.

Gusto kong umiyak, sumigaw pa nga, ngunit ang mga pader ng mansyon ng Vargas ay kailanman ay hindi makikinig. Marupok ang lugar ko dito at alam ko yun. Wala akong Karapatan mag reklamo tinanggal nila ang karapatan na iyon saakin. Hindi ako si Selene. Kailanman ay hindi ako magiging si Selene.

Pinilit ko ang aking sarili na tumindig. Hinugasan ko ang aking mukha at sinuklay ang aking buhok at isinukob ang isang shawl sa balikat upang ikubli ang mga bakas ng nagdaang gabi. Sa salamin hinanap ko ang bakas ng dating ako bago ako ampunin ng mga Hale. Ang tahimik na nangangarap na inampon ng pamilya Hale. Ang batang naniwala na marahil ay maaari rin akong makatagpo ng lugar na nababagay sa saakin. Ngunit ang nakita ko lamang ay isang aninong nakasuot ng hiniram na karangyaan.

Mamahalin man ang aking mga kagamitan ngunit hindi ko nakikita ang aking sarili na nababagay rito. “Kailan man ay hindi ako sasapat sa kanila lalo na sa kaniya dahil hindi ako si Selene. Alam ko ang aking lugar dito. At sisiguraduhin kung hanggang dito lang ako. Hindi ako makikialam. Iyon lamang ang nakikita kung paraan upang mabuhay at baka sakali, baka sakaling balang araw matutunan din ako itrato ni Lucas ng tama. Kahit iyon lamang magiging masaya na ako.” Bulong ko sa aking sarili.

Sa ibaba abala ang buong bahay sa karaniwang ritmo wari’y walang nangyari kagabi. Magalang na yumukod ang mga katulong habang ako’y dumadaan maingat na iniiwas ang tingin. Alam ba nila? Naghihinala ba sila? Kumirot ang dibdib ko sa isiping iyon at ang hiya ay parang bakal na bumibiyak sa aking tadyang.

Sa hapag-kainan naroon na si Lucas walang mababasa sa kanyang mukha. Saglit itong tumingin saakin bago muling ibinaling ang mga mata parang hindi ako nakita. Walang paghingi ng tawad at ni walang salita. Tanging katahimikan at kalansing ng kubyertos ang namamagitan sa aming dalawa. Ang ipinag papasalamat ko nalang ay kahit papanu pinapasabay ako nito sa hapag hindi kagaya ng mga Hale na kailangan muna nila matapos kumain bago ako makakain.

Dahan-dahang naupo ako bawat naging kilos ko ay maingat habang ang puso ko’y kumakabog. Sinubukan kung kumain ngunit bawat subo’y nagiging abo sa aking bibig. Ibinaba ko ang aking ulo at ikinandado ang aking tinig.

Umuugong nanaman ang mga salitang paulit ulit niyang sinasabi saakin. “Wala akong karapatan dahil hindi ako si Selene.”

At sa katahimikang iyon binitiwan ko ang isang panata sa aking sarili. Na mananatili lamang akong tahimik at susundin lahat ng gusto nito. Baka sakali, baka sakaling balang araw matoto na itong itrato ako bilang tao kahit iyon nalamang magiging masaya na ako.

Alam kung karuwagan ito pero wala akong magagawa kasi ito na lamang ang nakikita kung paraan para mabuhay. Wala naman akong mapupuntahan hindi ako nakapag tapos ng kolehiyo hanggang high school lamang ako dahil iyon ang gusto ng mga Hale. Mag sasayang lang daw sila ng pera saakin pero sa totoo lang naging valedictorian naman ako nung high school. Kaso hindi naman sila umattend nung graduation ko katwiran nila busy daw sila sa trabaho ng mga oras na iyon.

----------

Third person’s POV

Lumipas ang ilang araw bagamat unti-unti ng nag lalaho ang mga pasa sa kaniyang katawan ngunit napapalitan naman ng bago. Si Lucas? parang wala lang sa kaniya ang kalapastanganang ginagawa nito kay Amanda.

Madalang din itong umuwi at pag ka umuwi naman ay palagi siyang sinasaktan sa kunting pag kakamali lamang niya. Ni minsan ay hindi rin siya nito tinaponan ng kahit kunting pag kaawa wari’y isa lamang siyang anino na hindi na dapat pag tuunan ng pansin.

Kakaiba ang katahimikan sa tahanan ng mga Vargas sapagka’t siya lamang at mga katulong ang naroon. Hindi niya alam kung takot rin ba ito kay Lucas pero parang mga bulag at bingi ito lagi sa tuwing nakikita siyang nasasaktan.

Nakaupo si Amanda sa tabi ng bintana ng bago niyang kwarto mahigpit na hinahawakan ang shawl sa kanyang mga balikat, kailangan niya mag suot nito palagi para matabunan ang mga pasa sa kaniyang katawan.

Sakit ang bumabalot sa buong katawan niya pero ang mabigat na damdamin sa dibdib ang pinakamalupit sa lahat.

Napatingala siya nang may umingay ng may sasakyan na dumating sa labas. Makalipas ang ilang sandali bumukas ang pintuan at umaalingawngaw sa pasilyo ang pamilyar na mga tinig.

Lumuha ang dibdib ni Amanda.

“Ba-bakit sila narito? Ano pa ba ang gusto nila sinunod ko naman ang kanilang gusto?”.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Reborn for Vengeance   KABANATA LABING SIYAM

    Amanda's POVNaging mas matunog ang pangalan ng EGC nitong mga nag daang araw. Kaya palagi nalang akong nag pupuyat sa mga papeles na kinakailangan ko ireview. Mabagal kong iminulat ang aking mga mata. Ang liwanag ng umagang sumisilip sa malalaking bintana ay banayad na humahaplos sa aking mukha. Agad akong nag ayos ng aking sarili at bumaba ng hagdan. Anong oras din ako nakauwi simula kagabi.Agad namang napukaw ang aking ulirat nang maulinagan ko ang pigura ni Lucas sa kusina. “Teka, hindi ba’t nasa Pampanga siya ngayon?” mahina kong bulong sa aking sarili.Agad naman akong tumungo sa kusina upang kompirmahin kung siya nga iyon.Napakunot ang noo ko. Wait si Lucas nga at aba parang nagluluto ito.Nakita ko itong nakatayo sa harap ng stove naka-white shirt lang at gray pajama pants. Medyo gusot pa ang buhok pero nakangiti isang ngiti na bihira kong makita sa kaniya. Nangunot naman ang aking noo sa inakto nito.Walang bakas ng lamig o galit sa mga mata niya kundi tila katahimikan.“Goo

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Labing Walo

    Amanda’s POVMaagang nagliwanag ang buong Velmoria City. Ang unang sinag ng araw ay tumama sa salaming gusali ng Equinox Global Tower na nagkikislapan na parang pilak sa gitna ng lungsod. Habang nakatayo ako sa harap nito ay napangiti ako. Ang dating pangarap lamang noon, ngayon ay isa nang simbolo ng bagong simula ng lakas, determinasyon, at tagumpay.Pagpasok ko sa lobby ay ramdam ko ang buhay na buhay na enerhiya ng mga empleyado. Ang bawat isa’y abala sa kani-kanilang gawain may mga digital screen sa paligid ay nagpapakita ng mga proyektong pinangungunahan ng Equinox. Naroon ang headline na nagpapataas ng kaba at saya sa dibdib ko. Though hindi pa ako pormal na naipapakilala bilang CEO ng Equinox sa mga empleyado dito, alinsunod narin sa plano namin ni Damian ay malaya naman akong nakakalabas masok dito sa companya.“Equinox Global: The Emerging Powerhouse of Velmoria.”Hindi ko pa rin maiwasang hindi maniwala minsan. Pero ngayon ay panahon na para patunayan kong nararapat akong

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Labing Pito

    Amanda’s POVPagpasok pa lang ng sasakyan sa arko ng Lancaster Private Resort ay ramdam ko na agad ang kakaibang katahimikan hindi ordinaryong resort ito, ito ay paraiso. Sa magkabilang gilid ng daan ay nakahanay ang matatangkad na palm trees na tila sumasayaw sa ihip ng hangin at sa dulo naman ay tanaw na tanaw ang dagat na kumikislap sa ilalim ng papalubog na araw. Para sa akin ang karagatan ang isa sa pinaka Magandang tanawin ang tunog ng mga alon ang siyang nag papakalma sa aking isipan. Nakakalungkot lang na malayo ang Bahay ni Lucas sa mga beach resorts.Narito kami ngayon sa Lancaster Private Resort kasama ng ibang pang tinitiwalaang board members ng Equinox Global Corporation (EGC) para pag usapan ang mga susunod naming hakbang.Bagama’t naging mahirap ang pag papaalam ko kay Lucas para payagang mag bakasyon kunyare kasama si Marnella ay sinuwerte naman ako sa biglaang pag sulpot ni Selene ng araw na iyon.Flashback. . . Naabutan ko si Lucas sa may sala nag babasa ng mga doku

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Labing Anim

    Tahimik si Amanda habang bumababa mula sa taxi na huminto sa harap ng Lancaster Tower. Ang makintab na salamin ng tore ay nagbabalik ng kanyang repleksyon. Ngayon mas nakikita na niya ang sarili niya na malayo sa dating siya.Matapos ang pag uusap nila ni Lucas ilang buwan na rin ang nakalipas ay medyo gumaan ang kanilang pag sasama. Madalas parin itong umalis para sa business venture kuno nito at least hindi na siya nito sinasaktan o pinag sasalitaan ng masasakit na salita.Noong una ay medyo naiilang pa siya sa ipinakita nitong pag babago gaya ng pagbati nito ng Magandang umaga tuwing mag kakasalubong sila sa umaga. At noon na ni minsan ay hindi sila nag papansinan sa hapag kainan ay medyo nag iba na rin dahil nakakapag usap na sila kahit papaanu. Pinagtataka rin niya ang biglaang pag laylow ni Selene hindi kasi niya ito nakita o kahit mag punta sa bahay nila ay wala pag tumatawag naman ito kay Lucas ay agad na umaalis si Lucas.Mula sa labas ang Lancaster Tower ay nanatiling kaman

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Labing Lima

    Tahimik ang umagang bumabalot sa loob ng mansion. Ang mga sinag ng araw ay dahan-dahang sumasayad sa marmol na sahig sa sala nito ito’y nagbibigay ng mainit na kulay sa malamig na espasyo.Sa ibabaw ng mesa ay nakalatag ang sangkatutak na dokumento, laptop at ilang tasa ng tsaa na matagal nang lumamig. Andito ngayon si Amanda sa bahay nil ani Lucas. Kakauwi lang niya. Ang ipinagtataka niya ni wala hindi manlang nag tanong si Lucas kung saan at ano ang ginawa niya kala Marnella. Sabagay kailan ba ito nag ka interes sa kaniya.Abala si Amanda sa pagbabasa ng mga file tungkol sa Equinox Global Corporation. Hanggang sa ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa mga plano ni Damian.Isa sa mga plano nito ay ang nalalapit na Equinox Tribute Ball, kung saan pipili sila ng orphanage na magiging opisyal na sponsor ng kumpanya para sa outreach program. At kung saan ipappakilala siya bilang CEO nito.Nakasuot siya ng puting blouse at slacks, bahagyang nakasungkit ang buhok at nakasalamin. Sa tab

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Labing Apat

    Third Person’s POVNakatitig si Amanda sa bintana ng taxi at habang dahan-dahang dumaraan ang sasakyan sa masikip ngunit maaliwalas na kalsada ng Central District ng Velmoria City.Sa bawat liko ay mas lalo niyang nararamdaman ang kabog ng dibdib niya halo ng kaba at pananabik.Mula sa kinauupuan niya ay kitang-kita ang mga nagtatayugang mga gusali na tila gustong sumayad sa kalangitan. Ang mga salamin nitong kumikislap sa ilalim ng araw ay parang repleksyon ng mga pangarap niyang unti-unting nabubuo. Napangiti siya nang bahagya. “So, this is the Central of Velmoria,” mahina niyang bulong na halos pabulong lang sa sarili.“First time mo rito ma’am?” tanong ng drayber habang nakatingin sa kanya sa rearview mirror.Ngumiti si Amanda at tumango. “Oo po. Galing pa akong North District.” Tugon niya na may kasamang piling ngiti.“Ah di ba po sa North District nakatira halos ang mga mayayaman dito sa atin?” sagot ng drayber na may bahid ng paghanga sa tono.“Ay naku manong hindi naman po ako

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status