Share

Kabanata Tatlo

Auteur: Akosi_Rii
last update Dernière mise à jour: 2025-09-22 22:12:55

Buhay na buhay ang tahanan ng mga Vargas nang hapon na iyon. May bisita sila ang mag asawang sina Don Leonardo at Donya Cecilia at ang bunsong kapatid ni Lucas si Harley Vargas.

 

Ito nanaman ang kaba, ang pakiramdam na hindi maalis kay Amanda sapagkat alam niyang maaring maging takaw atensyon naman siya sa mga ito. Simula kasi ng maikasal sila ni Lucas ni minsan ay hindi siya trinato ng tama ng mga ito. Tanging si Harley lamang na bunsong kapatid ni Lucas ang kahit papaano’y itinuturing siyang kapamilya.

 

“Ate, kumusta? naku nangangayat kana. And, what are you wearing mukha kang muslim.” Masiglang bati ni Harley sa kanya. Tanging mapanuring tingin lamang ang iginawad sa kaniya ng mag-asawang Vargas na siyang huling pumasok sa pintuan.

 

“Mama, Papa. What brought you here?” Masiglang bati ni Lucas sa kaniyang mga magulang.

 

“Nothing iho! We heard that Selene is back. So, we are so excited to see here. Actually, tinawagan ko siya at pinapapunta rito nais ko siyang makita.” Wika naman ni Donya Cecilia na para bang wala siya sa rito at hindi siya asawa ni Lucas.

 

“What that Bitch is here? Ba’t niyo naman pinapunta dito yun eh hindi naman siya  ang asawa ni--” Hindi na naituloy ni Harley ang kaniyang sasabihin ng biglang putulin ito ng mama ni Lucas.

 

“Watch your mouth Harley hindi kita pinalaking bastos.” Kahit kailan hindi maipagkakaila ang pag pabor ng magulang ni Lucas kay Selene.

 

“And as for you. Where is your manner bisita mo kami you should serve as something.” Baling naman ni Donya Cecilia kay Amanda. “O-opo” agad naman itong nagkukumahog papuntang kusina.

 

Umaalingawngaw ang halakhakan sa maluwang na bulwagan habang nakaupo nang komportable sina Don Leonardo at Donya Cecilea sa sopa habang masiglang nakikipag-usap kay Selene.  Nakaupo si Lucas sa tabi nito nakapatong ang braso nang kampante sa sandalan at para bang si Amanda ay wala roon at kailanman ay hindi naging bahagi ng kanilang pamilya.

 

Tahimik na pumasok si Amanda mula sa gilid na pinto tangan ang pilak na bandehang may tsaa at mga tinapay. Maingat ang bawat hakbang at kalkulado batid niyang kahit ang pinakamaliit na pagkakamali ay maaaring maghatid ng poot na hindi niya nais.

 

Saglit niyang tinapunan ng tingin si Lucas. Ni minsan ay hindi siya nito tinitigan. Nakatutok ang lahat ng atensyon nito kay Selene na lalo pang kumikinang sa paghanga ng mga magulang ni Lucas.

 

At sa pagtapat niya sa mesa biglang umusli ang paa ni Selene.

 

Nabulabog si Amanda nang masanggi ang kanyang bukong-bukong at nawalan ng balanse. Kumalas mula sa kanyang mga kamay ang bandeha at natapon ang mga tasa nagkalat ang tinapay sa marangyang carpet. Kumalat ang mainit na tsaa at bubog sa sahig dala ng pagkabasag ng mga tasa.

 

Bumagsak ang katahimikan sa buong silid.

 

Si Donya Cecilia ang unang umalma. Mabilis siyang tumayo nagliliyab ang mga mata sa pagkamuhi. “Nakakahiya!, kahit kailan ay wala kanang Magandang ginawa” singhal nito kay Amanda. “Hindi mo man lang ba kayang maghain nang maayos? Anong klase kang asawa kung hindi mo kayang pag silbihan ang iyong mga bisita.”

 

Sumimangot si Don Leonardo puno ng pagkadismaya. “Hindi nakapagtataka kung bakit itinulak ka ng pamilyang Hale sa kasalang ito. Kahihiyan ka sa aming pangalan.”

 

Agad na lumuhod si Amanda nanginginig ang mga kamay sa pagkolekta ng nadurog na porselana. Nag-alab ang kanyang pisngi sa kahihiyan lumabo ang paningin sa luha na pilit niyang pinipigilan.

 

“Patawad po” bulong niya nanginginig ang tinig. “Hindi ko sinasadya…”

 

Maamo ang tawa ni Selene at tinakpan ang bibig ng isang kamay ngunit kumikislap ang kanyang mga mata sa galak.

 

“Palagi naman siyang ganyan lampa,” wika nito na parang matamis ngunit puno ng pang-uuyam. “You don’t have to worry about it tita and tito, palagi naman siyang ganiyan lampa. I’m sure hindi niya yan sinasadya ako nalamang ang humihingi ng paumanhin para sa kaniya.”

 

“Naku iha! ano ka ba hindi mo naman iyan kasalanan. Napakabait mo talaga.” Bahagyang nahihiyang sagot ni Donya Cecilia kay Selene.

 

“Don’t’ worry ma! I’ll teach her next time.” Saad naman ni Lucas.

 

Habang sumasandal sa upuan may mapait na ngiting gumuhit sa mga labi nito. Wala itong ginawa upang tulungan si Amanda at wala ring pagtatanggol na inialok. Sa halip pinanood lamang nitong nag pupulot ng mga bubog habang nasusugatan si Amanda at para bang tila isang mabagsik na hayop na naaaliw sa paghihirap ng biktima.

 

Umalingawngaw ang tawa ni Selene at ang pangungutya ng mga magulang nito sa silid nilalamon si Amanda nang buo.

 

-----

Amanda’s POV

Maingat kung pinupulot ang bubog sa carpet habang naririnig ko naman ang kanilang tawanan na para bang wala ako sa kanilang harapan.

 

“Ate Amanda, Oh my gosh what are you doing? You’re bleeding. Your hands are bleeding.” Narinig ko ang himig ng pag aalala sa boses nito. Nababatid kong ito si Harley ang nakababatang kapatid ni Lucas ito lamang ang mabait sa akin simula ng maging asawa ko si Lucas.

 

“You guys are so cruel, how could you do this to ate.” Kung may ipagpapasalamat man ako ito yun si Harley ni minsan hindi ako nito tinuring na iba.

 

“I-I’m so-sorry Harley I should help her.” Narinig ko naman na wika ni Selene napaka plastic talaga nito. Kung may isang taong hindi naniniwala kay Selene si Harley yun.

 

“Shut up if you wanted to help her kanina pa sana. And, mama and papa why are you still laughing and mocking ate hindi naman niya kasalanan ito. And you brother of mine why are you doing this to your wife?”  Tela walang makakapigil rito sa pag sasalita. Maging ako ay nagulat sa sinabi ni Harley napaka tapang talaga nito. Hinahangaan ko ang katapangan nito.

 

“Iha it’s your ate’s job to serve us, we’re their visitor after all.” ´Wika naman ni Don Leonardo.

 

“And, she insisted to serve as meryenda honey. At saka tingnan mo naman ang kuya mo hindi manlang tinulungan ang asawa niya ibig sabihin nararapat lamang na pag silbihan niya tayo bilang tayo ay bisita nila dito. Kaya’t huwag ka nalamang makialam.” Mahabang paliwanag naman ni Donya Cecilia.

 

“O-ok lang naman ako Harley wala lang ito.” Sabi ko naman para hindi na niya sagot-sagutin ang kaniyang magulang.

 

“Arrrgggh! I can’t stand looking at ate’s condition. Once you’re done, we’re going to treat your wounds ate.” Agad naman itong umalis habang nag dadabog.

 

“Pasensya na Harley tutulungan ko nalang ang aking kapatid.” Narinig niyang pahabol na wika ni Selene. At ito na nga nag simula na itong kunyare mag pulot ng bubog.

 

”A-ouch” daing naman nito agad naman dinaluhan ni Lucas na animoy mamatay na sa liit ng sugat.  Binuhat din ito na para bang bagong kasal at dinala sa kusina upang lapatan ng paunang lunas. Agad namang sumunod sina Don Leonardo at Donya Cecilia na may pag aalala sa mga mukha nito.

 

Idiniin ko ang aking mga palad sa carpet habang kumakabog ang dibdib. Gaano man ako magsikap hinding-hindi ako magkakaroon ng lugar dito. Para sa kanila hindi ako magiging anak. Hindi rin kapatid. At lalong hindi magiging asawa.  Isa lamang akong anino na katuwa-tuwang alipustain. At utusan na pwede nilang saktan kahit sa maliit na pagkakamali lamang.

 

Habang pinapanood ko silang nag-aalaga sa sugat niya alam kong ang pag mamahal at pag tanggap na inaasam ko ay hindi para sa akin. At sa gitna ng mga ngiti ni Lucas ramdam ko na lamang ang malamig na katotohanang paulit-ulit nilang ipinapatotoo hindi ako kabilang sa kanilang mundo.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Lima

    Pak! malakas na dumapo ang palad ni Lucas sa pisngi ni Amanda. Parang may pumutok sa kaniyang tenga at kasabay niyon ay nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Napatumba si Amanda sa sahig ramdam niya ang kirot na gumapang sa buong katawan.“Amanda!” singhal ni Lucas bago pa mailabas ang kaniyang boses sinakal na ito ni Lucas. Mariin at parang walang awa at para bang gusto nito pigain ang huling hininga kay Amanda. Pinilit niyang kumawala ngunit mabilis na dumapo ang mga tadyak nito sa kaniyang tagiliran sunod-sunod at walang patlang.“Wala kang silbi, you worthless whore!” sigaw nito sa kaniya bawat salita’y parang nawawala na ang kakarampot na pag asa na mayroon si Amanda kanina.“Ginawa kitang tao pinatira ka sa bahay na ito at ganyan ang isusukli mo? I even married you for you f*** s*** kahit hindi ikaw ang gusto ko. Anu pa bang gusto mo?”Napaluhod si Amanda at halos mawalan ng malay pinilit komagsalita. “Lucas m-may anak tayo buntis ako.”Saglit itong natigilan. Akala niya iyon

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Apat

    Makalipas ang ilang araw hito si Amanda nakayuko sa madilim niyang silid. Tinitiis ang sakit ng kaniyang katawan habang ang malabong mga halakhak ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang mga tenga. May bisita kasi si Lucas business partner daw nito. Kaya hito siya ngayon nakatago sa kaniyang silid at pinagbabawalan kasi siyang lumabas nito.Bawat pasa sa kanyang balat ay sumasakit dala nito ang alaala ng mga kamay ni Lucas at bawat hampas ay mas malalim kaysa sa nauna. Ang malupit na mga salita ng mga magulang nito ay tumatatak sa kaniyang isipan. Nalunod ang kanyang diwa sa kahihiyan.Pagkatapos kasi ng tagpong iyon makalipas ang ilang mga araw ay hindi pa rin naalis sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Pag ka alis kasi ng pamilya ni Lucas at ni Selene ay walang habas na pinag sasampal at tadyak siya ni Lucas dahil lamang sa maliit na sugat ni Selene. Sa kaniya isinisisi ang lahat.Flashback. . . . . .“Oh! Siya panu kami ay aalis na iho! Ihatid mo si Selene ha!.” Paalam naman ng ina

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Tatlo

    Buhay na buhay ang tahanan ng mga Vargas nang hapon na iyon. May bisita sila ang mag asawang sina Don Leonardo at Donya Cecilia at ang bunsong kapatid ni Lucas si Harley Vargas.Ito nanaman ang kaba, ang pakiramdam na hindi maalis kay Amanda sapagkat alam niyang maaring maging takaw atensyon naman siya sa mga ito. Simula kasi ng maikasal sila ni Lucas ni minsan ay hindi siya trinato ng tama ng mga ito. Tanging si Harley lamang na bunsong kapatid ni Lucas ang kahit papaano’y itinuturing siyang kapamilya.“Ate, kumusta? naku nangangayat kana. And, what are you wearing mukha kang muslim.” Masiglang bati ni Harley sa kanya. Tanging mapanuring tingin lamang ang iginawad sa kaniya ng mag-asawang Vargas na siyang huling pumasok sa pintuan.“Mama, Papa. What brought you here?” Masiglang bati ni Lucas sa kaniyang mga magulang.“Nothing iho! We heard that Selene is back. So, we are so excited to see here. Actually, tinawagan ko siya at pinapapunta rito nais ko siyang makita.” Wika naman ni Dony

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Dalawa

    Dumating sa tahanan ng mga Vargas sina Donya Victoria Hale at Selene Hale. Labag man sa kalooban ni Amanda ngunit kailangan niya bumaba at salubungin ang mga bisita.Si Donya Victoria ang unang pumasok at ang presensya nito na tila pag-aari ang bawat sulok ng bahay. Kasama niya si Selene maningning at composed naman ito, ang kagandahan nito ay tila hindi nagalaw ng aninong bumabalot kay Amanda.Nakatayo si Lucas sa sulok hindi niya namalayan na dumating na pala ito. Parang inaasahan nito ang mga bisitang dumating.Pinagmasdan ni Donya Victoria si Amanda napansin ang paninigas ng kilos nito at ang mga mahihinang pasa na hindi gaanong natakpan sa ilalim ng manggas. Sa halip na awa may mapang-aliw na ngisi sa kanyang mga mata.“Ah” bungad ni Ginang Hale nang malamig habang pinipitik ang abaniko. “Mukhang natutunan na ng inampon naming anak ang kanyang lugar. Talaga namang bagay sayo ang pag-aasawa kay Lucas.” sabi naman nito na alam niyang sadyang pinaparinig kay Lucas.Bumuka ang mga la

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Isa

    Tumunog ang malalaking kampana ng San Agustin, ito’y umaalingawngaw sa mga pader ng batong simbahan kung saan nagtipon ang mga pamilya Hale at Vargas. Dapat sana’y araw ng kasal ni Selene Hale ngayon, isang pag-iisa na dapat mag-uugnay sa dalawang pinakamakapangyarihang pamilya sa Velmoria City. Si Selene ang tunay na anak ng mga Hale at siya ang pinaka minamahal ng lahat, ang siya ding bumihag sa puso ni Lucas Vargas. Para kay Lucas si Selene ang tanging babaeng ihaharap niya sa altar.Ngunit hindi si Selene ang naglalakad sa pasilyo sa mga oras na ito.Kundi si Amanda Hale ang ulilang inampon ng pamilya Hale siya ang ngayo’y nakasuot ng kasuotan na dapat sana’y para sa kanyang kapatid. Hindi maipagkakaila ang bigat ng sutla sa kanyang balikat at wari’y dala nito hindi lamang ang samyo ni Selene kundi pati ang pasaning itinakda ng kapalaran na kailanman ay hindi niya ginusto. Siya ang pamalit na ikakasal isang aninong pumapasok sa liwanag na hindi kailanman kanya.Nakatayo si Lucas s

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status