Share

Kabanata Lima

Auteur: Akosi_Rii
last update Dernière mise à jour: 2025-09-22 22:15:20

Pak! malakas na dumapo ang palad ni Lucas sa pisngi ni Amanda. Parang may pumutok sa kaniyang tenga at kasabay niyon ay nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Napatumba si Amanda sa sahig ramdam niya ang kirot na gumapang sa buong katawan.

 

“Amanda!” singhal ni Lucas bago pa mailabas ang kaniyang boses sinakal na ito ni Lucas. Mariin at parang walang awa at para bang gusto nito pigain ang huling hininga kay Amanda. Pinilit niyang kumawala ngunit mabilis na dumapo ang mga tadyak nito sa kaniyang tagiliran sunod-sunod at walang patlang.

 

“Wala kang silbi, you worthless whore!” sigaw nito sa kaniya bawat salita’y parang nawawala na ang kakarampot na pag asa na mayroon si Amanda kanina.

“Ginawa kitang tao pinatira ka sa bahay na ito at ganyan ang isusukli mo? I even married you for you f*** s*** kahit hindi ikaw ang gusto ko. Anu pa bang gusto mo?”

 

Napaluhod si Amanda at halos mawalan ng malay pinilit komagsalita. “Lucas m-may anak tayo buntis ako.”

 

Saglit itong natigilan. Akala niya iyon ang magpapahinto sa rito na marahil kahit papaano’y may awa pa itong natitira. Ngunit imbes na huminto lalo pang nag-apoy ang mga mata nito.

 

“Buntis?” ngumisi ito ng malamig. “At gusto mong paniwalaan ko? Hindi kita minahal, Amanda! At kung may batang nabuo sa sinapupunan mo.” Yumuko ito at inilapit ang bibig sa tainga ni Amanda ang boses nito’y parang kutsilyong tumatarak.

 

“. . .  mas mabuti pang hindi na siya lumabas sa mundong ito.”

 

Muli nitong ibinagsak ang kamao nito kay Amanda.

---------

Amanda’s POV

Sa gilid ng aking paningin nakita ko si Selene na nagmamadaling nagbibihis ngunit hindi para tulungan ako.

 

Paglapit niya’y bigla niyang hinablot ang buhok ko at marahas na inangat ang aking mukha. Napatili ako sa sakit halos mapunit ang anit ko sa lakas ng pagkakahila niya.

 

“Wag ka ngang mag-inarte Amanda” mariin nitong sabi saakin. Ang mga mata’y nagliliyab sa galit. “Kahit kailan hinding-hindi ka magugustuhan ni Lucas. Don't be pathetic b****, even though you're pregnant you’re still worthless.”

 

Narinig kong humalakhak si Lucas sa tabi namin ng malamig. “Tama si Selene” dagdag pa niya muling dumapo ang tadyak niya sa tagiliran ko. “You have no right here. You're nothing but a shadow, worthless, unwanted and no place among us."

 

At habang nakalugmok ako hawak-hawak ni Selene ang buhok ko nakatanim ang mga kuko niya sa aking anit at ramdam kong dahan-dahan na ring pinupunit ng mga salita nila ang natitirang lakas na meron ako.

 

At sa loob ko’y nag-uumalpas ang isang tanong “Hanggang saan pa nila kayang wasakin ang pagkatao ko?”

 

Nararamdaman kong nanginginig ang buo kong katawan habang pinipilit kong tumayo pero sa bawat hakbang ay may dumudurog sa loob ko. Hindi lamang ang sakit mula sa mga sampal, sabunot at tadyak ni Lucas ang pumipinsala sa akin kundi ang matinding kirot na bigla na lang bumalot sa aking sinapupunan. “Ang anak ko . Hi-hindi.” Mahinang bulong ko.

 

Napahawak ako sa aking tiyan ramdam ko ang bigat at pagkirot na para bang may hinahatak palabas mula sa aking loob. “Diyos ko, hi-hindi pwede” bulong ko habang unti-unting nanlalabo ang paningin.

 

Bumagsak ako sa sahig halos madurog ang tuhod ko sa lakas ng pagkakabagsak pero wala na akong pakialam. Ang daming dugo at mabilis itong dumaloy sa pagitan ng aking mga hita ito’y mistulang dumidikit sa malamig na sahig at dumadaloy kasabay ng luha na pilit kong pinipigil.

 

“Lucas a-ang anak natin ma-a-awa ka naman” nagmamakaawa kong usal habang pilit inaabot ang kamay niya. Ngunit wala, ni wala siyang ginawa kundi ang tumingin na para bang wala akong halaga at parang hindi ko dala sa loob ko ang pinakamahalagang parte niya.

 

“Ang arte-arte mo” singhal ni Selene habang nakatawa at naka sabunot pa rin sa aking buhok. “Kahit kailan hindi ka gugustuhin ni Lucas. Kahit buntis ka pa. Kahit ano pa ang sabihin mo.”

 

Para akong binuhusan ng yelo. Pinilit kong ipaglaban ang huling lakas ko sumisigaw ang isip ko na protektahan ang munting buhay sa aking sinapupunan. Pero habang lumalalim ang kirot at patuloy ang pag-agos ng dugo ay unti-unti kong naramdaman ang pagkawala nito. Ang mga pag-asa, ang mga pangarap at ang maliit na tibok na kanina pa nagbibigay lakas sa akin ay unti-unti itong nagiging katahimikan.

 

Biglang umangat ang pagkilos ni Selene. Hinila niya pa ako nang mas marahas at ang mga kuko niya’y nakasakal sa aking anit. Nang tumanggi akong sumunod sa kaniya ay itinulak niya ako. Parang nahila ang mundo ko sa isang iglap. Nabutas ang ulo ko sa kanto ng kama may malupit na tunog na sumirit sa tainga ko at agad na lumabo ang lahat.

 

Nalalasahan ko ang lasa ng bakal sa aking bibig at ang init ng dugo sa pagitan ng mga daliri ko. Nais kong sumigaw ngunit ang boses ko’y parang sumama na sa hangin. Ramdam ko pa ang pagdampi ng paa ni Lucas isang huling sipa bago ako tuluyang bumagsak.

 

Habang nawawalan ako ng malay ay malinaw ang aking hiling, hindi ito para sa kapatawaran kundi ang makabalik at baguhin ang lahat. “Bigyan Mo ako ng pangalawang pagkakataon upang makapaghiganti.” Isang hiling na alam kung imposible pero kung ako’y pag bibigyan sisiguraduhin kung mag babayad ang lahat ng nag pahirap saakin.

 

At sa huling hibla ng kamalayan ko paulit ulit kung binibigkas ang aking huling hiling ang mag karoon ng pangalawang pag kakataon para pag bayarin lahat ng nag kasala saakin saamin ng anak ko. Dahan dahan kung ipinikit ang aking mga mata at tinangay ng walang hanggang katahimikan.

----------

Third Person’s POV

 

Tumunog ang malalaking kampana ng San Agustin at ito’y umaalingawngaw sa mga pader ng batong simbahan kung saan nagtipon ang mga pamilya Hale at Vargas.

 

Mahigpit ang pagkakahawak ni Amanda sa kaniyang bouquet habang dahan-dahang bumubukas ang mga pinto.

 

Kumakailan lang muli siyang nagising sa pag tigil ng Bridal car. Ngunit hindi ito ordinaryong gising lang sapagkat siya’y muling nag balik sa oras ng kasal nila ni Lucas. Naguguluhan man sa mga pangyayari ngunit napagtanto niyang tinupad ang kaniyang huling kahilingan.

 

Muli siyang nabuhay. . .

 

Isang mahabang himig mula sa orkestra ang bumungad sa kanya ito ang hudyat ng kanyang paglakad sa gitna ng aisle.

 

Ang sahig ay natatakpan ng pulang tela at sa magkabilang gilid naman ay nakatayo ang mga panauhin na nakangiti at pumapalakpak. Para sa kanila isa itong engrandeng kasal sa pagitan ng dalawang makapangyarihang pamilya. Para kay Amanda ito ang sandaling ipinagkaloob sa kanya ng kapalaran ang pagkakataong bumangon mula sa kamatayan upang maghiganti. Upang bigyang hustisya ang pagkamatay ng kaniyang supling na pinagkaitan masilayan manlang ang mundo.

 

Bawat hakbang ng kanyang mga paa ay tila umaalingawngaw sa buong bulwagan. Sa ilalim ng kanyang belo naman ay mahigpit niyang pinipigilan ang nginig ng galit na gustong kumawala.

 

Naalala niya ang huling gabi ng kanyang unang buhay ang mapait na tawa ni Selene at ang mabigat at mapagparusang mga kamay ni Lucas na siya mismong dahilan ng pag kawala ng kaniyang anak. Ang pagtulak ni Selene ang naghatid sa kanya sa bingit ng kanyang wakas at ang kirot ng pagbagsak ay parang matalim na paalala bago siya tuluyang lamunin ng dilim. Ang lahat ng iyon ay nagtapos sa isang dasal at sa isang hiling na halos hindi marinig.“Bigyan Mo ako ng pangalawang pagkakataon upang makapaghiganti.”

 

At ngayon dininig siya ng kapalaran narito siya. Buhay. Humahakbang. At nakasuot ng puting kasuotan ng isang ikakasal. Sa araw mismo kung saan nag simula ang lahat.

 

Sa paglilibot ng kaniyang paningin dagliang namangha naman siya pagiging accurate ng mga bagay kung saan nakaupo ang mga magulang ni Lucas at ang mga Hale. At ang eksaktong kasuotan nito. Ito rin ang huli niyang alala mula sa nakaraan.

 

Dumako ang kaniyang paningin sa unahan ng altar nakatayo roon si Lucas Vargas ito’y matikas, seryoso at tila walang bakas ng pagkukunwari. Sa mga mata nito naman ay nag-aalab at madilim na para bang may pinipigilang galit. Naalala naman niya ang nakaraan parehong pareho ang reaksyon nito.

 

Pinikit sandali ni Amanda ang kanyang mga mata. “Hindi ngayon Amanda. Hindi pa ngayon. Pero darating din ang oras.” Bulong niya sa kaniyang sarili upang pakalmahin ito.

 

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. At doon sinalubong siya ng malamig na titig ni Lucas. Ngunit isang mapanganib na ngisi naman ang kaniyang tugon rito.

 

Hindi naka takas sa kaniya ang dagliang pag kabigla nito ng masilayan ang kaniyang reaksyon. Nakatitig ito sa kanya na para bang nag tataka.

 

 “Ito ang simula Lucas Vargas, ito ang simula ng aking pag hihiganti at sisiguraduhin kung mag babayad kayong lahat.” Saad niya sa kaniyang isipan bago binitawan ang katagang

 

“I do.”

 

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Lima

    Pak! malakas na dumapo ang palad ni Lucas sa pisngi ni Amanda. Parang may pumutok sa kaniyang tenga at kasabay niyon ay nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Napatumba si Amanda sa sahig ramdam niya ang kirot na gumapang sa buong katawan.“Amanda!” singhal ni Lucas bago pa mailabas ang kaniyang boses sinakal na ito ni Lucas. Mariin at parang walang awa at para bang gusto nito pigain ang huling hininga kay Amanda. Pinilit niyang kumawala ngunit mabilis na dumapo ang mga tadyak nito sa kaniyang tagiliran sunod-sunod at walang patlang.“Wala kang silbi, you worthless whore!” sigaw nito sa kaniya bawat salita’y parang nawawala na ang kakarampot na pag asa na mayroon si Amanda kanina.“Ginawa kitang tao pinatira ka sa bahay na ito at ganyan ang isusukli mo? I even married you for you f*** s*** kahit hindi ikaw ang gusto ko. Anu pa bang gusto mo?”Napaluhod si Amanda at halos mawalan ng malay pinilit komagsalita. “Lucas m-may anak tayo buntis ako.”Saglit itong natigilan. Akala niya iyon

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Apat

    Makalipas ang ilang araw hito si Amanda nakayuko sa madilim niyang silid. Tinitiis ang sakit ng kaniyang katawan habang ang malabong mga halakhak ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang mga tenga. May bisita kasi si Lucas business partner daw nito. Kaya hito siya ngayon nakatago sa kaniyang silid at pinagbabawalan kasi siyang lumabas nito.Bawat pasa sa kanyang balat ay sumasakit dala nito ang alaala ng mga kamay ni Lucas at bawat hampas ay mas malalim kaysa sa nauna. Ang malupit na mga salita ng mga magulang nito ay tumatatak sa kaniyang isipan. Nalunod ang kanyang diwa sa kahihiyan.Pagkatapos kasi ng tagpong iyon makalipas ang ilang mga araw ay hindi pa rin naalis sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Pag ka alis kasi ng pamilya ni Lucas at ni Selene ay walang habas na pinag sasampal at tadyak siya ni Lucas dahil lamang sa maliit na sugat ni Selene. Sa kaniya isinisisi ang lahat.Flashback. . . . . .“Oh! Siya panu kami ay aalis na iho! Ihatid mo si Selene ha!.” Paalam naman ng ina

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Tatlo

    Buhay na buhay ang tahanan ng mga Vargas nang hapon na iyon. May bisita sila ang mag asawang sina Don Leonardo at Donya Cecilia at ang bunsong kapatid ni Lucas si Harley Vargas.Ito nanaman ang kaba, ang pakiramdam na hindi maalis kay Amanda sapagkat alam niyang maaring maging takaw atensyon naman siya sa mga ito. Simula kasi ng maikasal sila ni Lucas ni minsan ay hindi siya trinato ng tama ng mga ito. Tanging si Harley lamang na bunsong kapatid ni Lucas ang kahit papaano’y itinuturing siyang kapamilya.“Ate, kumusta? naku nangangayat kana. And, what are you wearing mukha kang muslim.” Masiglang bati ni Harley sa kanya. Tanging mapanuring tingin lamang ang iginawad sa kaniya ng mag-asawang Vargas na siyang huling pumasok sa pintuan.“Mama, Papa. What brought you here?” Masiglang bati ni Lucas sa kaniyang mga magulang.“Nothing iho! We heard that Selene is back. So, we are so excited to see here. Actually, tinawagan ko siya at pinapapunta rito nais ko siyang makita.” Wika naman ni Dony

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Dalawa

    Dumating sa tahanan ng mga Vargas sina Donya Victoria Hale at Selene Hale. Labag man sa kalooban ni Amanda ngunit kailangan niya bumaba at salubungin ang mga bisita.Si Donya Victoria ang unang pumasok at ang presensya nito na tila pag-aari ang bawat sulok ng bahay. Kasama niya si Selene maningning at composed naman ito, ang kagandahan nito ay tila hindi nagalaw ng aninong bumabalot kay Amanda.Nakatayo si Lucas sa sulok hindi niya namalayan na dumating na pala ito. Parang inaasahan nito ang mga bisitang dumating.Pinagmasdan ni Donya Victoria si Amanda napansin ang paninigas ng kilos nito at ang mga mahihinang pasa na hindi gaanong natakpan sa ilalim ng manggas. Sa halip na awa may mapang-aliw na ngisi sa kanyang mga mata.“Ah” bungad ni Ginang Hale nang malamig habang pinipitik ang abaniko. “Mukhang natutunan na ng inampon naming anak ang kanyang lugar. Talaga namang bagay sayo ang pag-aasawa kay Lucas.” sabi naman nito na alam niyang sadyang pinaparinig kay Lucas.Bumuka ang mga la

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Isa

    Tumunog ang malalaking kampana ng San Agustin, ito’y umaalingawngaw sa mga pader ng batong simbahan kung saan nagtipon ang mga pamilya Hale at Vargas. Dapat sana’y araw ng kasal ni Selene Hale ngayon, isang pag-iisa na dapat mag-uugnay sa dalawang pinakamakapangyarihang pamilya sa Velmoria City. Si Selene ang tunay na anak ng mga Hale at siya ang pinaka minamahal ng lahat, ang siya ding bumihag sa puso ni Lucas Vargas. Para kay Lucas si Selene ang tanging babaeng ihaharap niya sa altar.Ngunit hindi si Selene ang naglalakad sa pasilyo sa mga oras na ito.Kundi si Amanda Hale ang ulilang inampon ng pamilya Hale siya ang ngayo’y nakasuot ng kasuotan na dapat sana’y para sa kanyang kapatid. Hindi maipagkakaila ang bigat ng sutla sa kanyang balikat at wari’y dala nito hindi lamang ang samyo ni Selene kundi pati ang pasaning itinakda ng kapalaran na kailanman ay hindi niya ginusto. Siya ang pamalit na ikakasal isang aninong pumapasok sa liwanag na hindi kailanman kanya.Nakatayo si Lucas s

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status