Share

Kabanata Anim

Author: Akosi_Rii
last update Last Updated: 2025-09-30 21:27:36

Ang mabigat na amoy ng alak ang siyang bumalot sa marangyang tahanan ng mga Vargas kumakapit ito sa hangin na para bang usok matapos ang isang sunog.  Tandang tanda niya ang tagpong ito sapagka’t ito ang unang gabi may nangyari sa kanila ni Lucas. Ngunit ngayon hindi niya hahayaang may mamagitan sa kanila hindi niya hahayaang mabuo muli ang supling na pinatay nito.

 

Hindi na maatim ng konsensya niya kung madadamay pa ang walang muwang na bata sa kaniyang sinapupunan sa kalupitan ng ama nito.

 

Buo na ang kaniyang pasya, kailangan niya pigilan si Lucas ngayong gabi.

 

 Matagal nang naglaho ang tawanan at kalansing ng mga baso mula sa piging kanina at ang natira na lamang ay katahimikang binasag ng mga pasuray-suray na yapak na papalapit sa kanyang pintuan.

 

Si Lucas iyon.

 

Labis ang kaba ni Amanda habang papalapit ang mga yapak ni Lucas. Hindi siya sanay na maki pag argumento hindi siya pinalaki ng mga Hale na ganun. Pero kailangan isa ito sa mga dapat niyang mapagtagumpayan ang pag kubli sa kaniyang kaba.

 

Pumasok si Lucas sa may silid na may namumungay ang mga mata sa kalasingan ngunit nag-aalab pa rin ng unos na hindi magawang salubungin ni Amanda.

 

Umaalingasaw ang alak at hinanakit mula sa kanya, bawat hakbang palapit ay mabigat na puno ng mga paratang na hindi kailanman binigkas.

 

"Ikaw" garalgal nitong sabi na siyang ikikaba lalo ni Amanda. Kung noon ay hindi niya kayang salubungin ang matalim at mapanganib ang tinig nito.  

 

Ngayon ay iba na taas noo siyang nakipagtapatan ng ng tingin kay Lucas.

 

"Ikaw ang pumalit sa kanya. Akala mo ba magugustuhan kita?" Sa kabila ng kaba ay nakuha parin niyang sumagot rito.

 

“At bakit akala mo din ba ginusto ko ito? Akala mor in ba gusto kita?, pwes nag kakamali ka ni minsan hindi pumasok sa isip ko na gustuhin ang isang katulad mo.” Sigaw niya dito hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang dagliang pagkagulat ni Lucas.

 

Pak!

 

Isang malakas na sampal ang kaniyang natamo mula rito. Ngunit imbes na umiyak ay nakuha niyang tumawa, tumawa ng malakas na nag mimistulan na siyang baliw sa paningin nito.

 

“hahahahaha akala mo ba Lucas Vargas madadala mo ako sa mga pananakit mo? Husto na ang pang uubosong natamo ko balewala lang saakin ang ganitong bagay.” Lalo naman kumulo ang dugo ni Lucas sa kaniya. Hinawakan siya nito sa buhok at muling sinampal.

 

Pak!

 

“Iyan lang ba ang kaya mo? Ba’t hind imo nalang ako patayin? Para magkasama na kayo ni Selene total pareho naman kayong anak ng demonyo.” Hindi na napigilan ni Amanda ang kanyang hinanakit. Dala pa rin niya ang masalimuot na nakaraan at kahit nabuhay siyang muli, naaalala pa rin niya ang kanyang anak na pinagkaitan ng pagkakataong mabuhay sa mundong ito.

 

Hindi naman nag salita si Lucas at halata sa mukha nito ang pag pipigil ng galit. Sa halip na saktan siyang muli ay umalis ito at walang pakundangang isinara ng malakas ang pintuan niya.

----------

Amanda’s POV

Nagising ako na may kirot ng mga pasa at naninigas ang katawan ngunit ngayon mas magaan ang aking pakiramdam.

 

Ilang taon din ako nag dusa sa puder ng mgga Hale. At sa ikalawang pag kakataon na ito hindi ko na hahayaan na muli nila akong masaktan.

 

Oo, hindi ko napigilan si Lucas sa kanyang pananakit ngunit napigilan ko naman ang kanyang tangkang panghahalay sa akin kagabi. Sapat na iyon  hindi ko hahayaan na mabuo muli ang aking anak. Hindi ko hahayaan na mawala siya sa mismong kamay ng kanyang ama at lalong hindi ko hahayaan na maranasan niya muli ang kalupitan at kataksilan ng kanyang ama.

 

Nakatingin ako sa salamin. Halos hindi ko makilala ang repleksyon na bumabalik sa akin. Mga pasa sa braso, sa balikat, sa tagiliran at ang mga bakas ng sakit na paulit-ulit niyang iniwan sa aking katawan. Hinaplos ko ang isa ramdam ko ang init at kirot ngunit higit pa roon ang apoy na patuloy na naglalagablab sa loob ko. Hindi lang ito hapdi.

 

Galit ito. Galit na ayaw maglaho. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata patuloy na sumasariwa sa aking alaala ang kalupitan nil ani Selene na parang hindi ako tao na kaya nila paslangin at saktan.

 

Huminga ako nang malalim at pinilit kong ngumiti kahit mapait at pilit na binubuo ang sarili kong lakas.

 

“Sisiguraduhin ko sa susunod kayo naman ang iiyak. Kayo naman ang maghihirap at mag dudusa.” mahina kong sambit na para bang nanunumpa sa sariling repleksyon.

 

Bumaba ako sa hagdan na may mabigat na bawat hakbang. Pagdating ko sa hapag-kainan ay nadatnan ko si Lucas na nakaupo abala ito sa pagkain na parang walang nangyari kagabi.

 

Kung noo’y tinatago ko sa ilalim ng balabal at mahahabang damit ang aking mga pasa ngayon naman sinadya kung mag suot ng sleeveless na damit at short.

 

Gusto ko ipakita sa mga narito na isang demonyo ang kanilang amo.

 

Ngunit parang walang tingin ni walang salita na nanggaling kay Lucas. Tanging tunog ng kubyertos laban sa plato ang umaalingawngaw sa katahimikan.

 

Pinagmasdan ko siya. Ang bawat subo niya at ang bawat kaswal na paggalaw ng kanyang kamay ns parang lason na dumadaloy sa akin. Para bang pinapakita niyang wala siyang pakialam na baliwala lang ang lahat ng ginawa niya kagabi. Sa kanya, ito’y isa na namang umaga. Para sa akin ito’y gabing hindi pa tapos.

 

Ramdam ko ang galit na kumakawala na para bang sinasakal ang dibdib ko. Ngunit hindi ako tatakbo. Hindi ako lalayo. Ang mga sugat na ito sa aking katawan hindi lamang bakas ng sakit kundi paalala kung bakit ako lalaban.

 

Habang patuloy siyang ngumunguya ay mas lalo kong naramdaman ang pagtitibay ng pasya ko. Hindi ko hahayaang manatili akong biktima. Hindi ko hahayaang mawala sa akin ang lahat tulad ng dati. Hindi ko hahayaang manatili siyang malaya.

 

----------

Third person’s POV

Lumipas ang ilang araw bagamat unti-unti ng nag lalaho ang mga pasa sa kaniyang katawan ngunit napapalitan naman ng bago. Ito na din ang nakasanayan ni Amanda pero iba na ngayon natoto na siyang lumaban at maki sagutan kay Lucas.

 

Ipinagpapasalamat din niya na tulad ng dati madalang lang itong umuwi. Sa ngayon hindi pa niya alam kung saan at paano mag uumpisa.

 

Ang tanging alam niya ngayon ay huwag hahayaan pag samantalahan siya ni Lucas ayaw niya mabuo uli ang kaniyang anak. Ayaw uli niya maranasan ang naranasan nito noon.

 

Kailangan niya ng mga bagong kakampi kailangan niya ng lakas ngayon. “Ngunit paanu? Saan ako mag sisimula? Gayong wala ako masyadong kakilala dal ana rin sa kahigpitan ng mga Hale noon saakin kaya pinipilit kung iwasan lahat.” Bulong niya sa kaniyang sarili habang nag mumuni muni sa maliit niyang silid.

 

Sakto naman tumunog ang kaniyang cellphone na pinag lumaan na ata ng panahon. May kunting ipon rin kasi siya mula sa allowance na binibigay ng mg Hale.

 

Hindi naman kasi siya magasto. Nakuha din niya mag part time noon naisip kasi niyang nakakahiya naman sa mga ito kung wala manlang siya iambag kahit pambili lang ng mga projects.

 

“Hello?” Tanging sagot niya sa tumawag sa kaniyang cellphone.

 

“Beshyyyy naku ba’t naman ngayon kalang sumagot?” Si Marnella Tuason ito matalik na kaibigan ni Amanda noong siya’y nasa ampunan pa. Ngnunit naampon ito ng mga Tuason. Hindi katulad ni Amanda sinuwerte ito sa mga umampon sa kaniya itinuring itong tunay na anak.

 

Pilit niya itong iniiwisan noon dahil ayaw ni Selene na nakadikit siya dito dahil hindi daw niya kalevel si Marnella kahit pa na pareho silang naampon mas mataas pa rin daw ang antas ni Marnella kay Amanda.

----------

Amanda’s POV

Naputol ang aming pag uusap ni Marnella nung may narinig akong paghinto ng kotse. Sumilip ako sa bintana at doon ko sila nakita. Ang babaeng tinatawag kong ina at ang kapatid na itinuring ko sila ay magkasama. Pero hindi ko kailanman nakilala ang yakap o lambing sa kanila ang iniwan nila sa akin ay puro kalupitan.

 

Habang bumababa sila dumidilim ang loob ko.

 

”Besh! Hello andiyan ka pa ba? Anu tatanggapin mo na ba ang offer ko?”

 

”Ah anu Besh tawag nalang ako uli may importante lang akong aasikasuhin.” Paalam ko rito saka ko na uli kakausapin si Marnella.

 

Kailangan ko muna pag tuunan ng pansin ang mga bisitang dumating. Na ni hindi ko nakikita ang pagiging ina kundi isang halimaw na nagturo sa akin kung paano maliitin ang sarili kong pagkatao.

 

Hindi ko nakikita ang kapatid kundi isang aninong laging nandiyan para ulitin ang parehong paglapastangan, parehong panlilibak, parehong pananakit.

 

Parang humahapdi muli ang mga sugat ko kahit hindi nila hawak ang aking balat. Kahit wala silang sinasabi naririnig ko ang mga boses nilang mapanlait, mapanakit at mistulang paulit-ulit. Ang mga alaala ng sigaw ng halakhak na para bang libing ang bawat tunog kusa itong bumabalik na parang sugat na binuksan muli.

Nanginginig ang dibdib ko hindi sa takot kundi sa galit. Ang bawat hakbang nila palapit ay parang hagupit. Pero hindi na ako ‘yung Amanda na tahimik na tinatanggap ang lahat.

 

Kung akala nila’y nanatili akong mahina pwes nagkakamali sila. Ang bawat salita nila sa aking alaala ay nag mimistulang bala sa umuusbong kong galit. Ang bawat alaala ng kanilang kalupitan lahat iyon ay pako na lalong nagpapatibay sa haligi ng aking paghihiganti.

 

Hindi ko pa sila kinakausap. Hindi ko pa sila hinaharap.

 

“Isinusumpa ko. . . darating ang araw na mararamdaman ninyo ang lahat ng sakit na iniwan ninyo sa akin. Babalik sa inyo ang bawat sugat, bawat pighati at higit pa. At kapag dumating na ang oras na iyon.” Mahinang bulong ko sa aking sarili.

 

Tumigil ako at pinipigilan ang sariling ngiti. Sa aking mga mata ay malinaw ang pangakong iyon isang pangako na hindi na nila matatakasan.

 

 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Limampu’t Pito

    Third Person’s POVSa sandaling tuluyang mahulog ang mask sa kanyang kamay ay nanatiling nakabukas ang mga bibig ng ilan sa mga naroon. Ang mga mata ng media na sanay sa eskandalo, sanay sa pagbubunyag ay tila hindi makapaniwala sa nakikita. Ang ilang camera ay bahagyang bumaba hindi dahil tapos na ang trabaho kundi dahil ang mga cameraman mismo ay napahint tinamaan ng bigat ng sandali.Walang nagsalita ni walang agad na tanong. Ang katahimikan ay hindi na tensyon kundi kolektibong pagkabigla.Si Amanda ay nakatayo pa rin sa gitna ng entablado habang hawak ang mask sa kanyang kamay na para bang isang relikya ng nakaraan. Ang kanyang mukha ay walang itinatago niwalang panangga ay diretso sa liwanag ng mga chandelier at lente. Hindi siya umiwas lalong hindi siya nagmamadaling magsalita. Hinayaan niyang ang katotohanan mismo ang mag-ingay.Ilang segundo ang lumipas bago marahang bumalik ang tunog ng camera shutters, parang ulan na muling bumagsak matapos ang matagal na tagtuyot. Ngunit

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Limampu’t Anim

    Third Person’s POVNaroon ang bigat ng katahimikan sa Grand Ballroom ng Equinox Tower isang katahimikangmas nag pakaba kay Amanda. Sa kisame ang mga crystal chandelier ay naglalabas ng malamig na liwanag na tumatama sa makintab na sahig habang ang mahabang entablado sa unahan ay balot ng puti at pilak na tela na may nakapaskil na minimalist ngunit eleganteng logo ng Equinox Global Corporation sa gitna. Sa likod ng entablado ay isang LED screen ang paulit-ulit na nagpapakita ng corporate visuals graphs, city skylines, at mga salitang Integrity. Stability. Vision.Ang press conference ay ilang minuto nang delayed at ramdam iyon ng lahat. Ang mga mamamahayag ay abalang nag-aayos ng cameras, microphones, at recorders ang mga cameraman ay nagbubulungan tungkol sa anggulo at ilaw ang mga reporter ay may hawak na cue cards na puno ng tanong ng mga tanong na matagal nang naghihintay ng sagot. Sa unang hanay ay naroon ang mga business analysts, investors, at ilang kilalang personalidad sa indu

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Limampu’t Lima

    Amanda’s POVBago pa man ako tawagin at bago pa man banggitin ang pangalan ko bilang CEO ng Equinox Global Corporation ay may sandaling ibinigay sa amin ang mundo para huminga. Para saakin malaking bagay ito para makatulong sa tensyon na nararamdaman ko.Nasa private lounge kami sa likod ng main hall kung saan ito’y isang tahimik ngunit malaki na espasyong puno ng salamin may warm amber lights, at ang tensyon ay halos ramdam sa bawat sulok nito.Magkakasama kami ngunit ramdam kong parang may iba iba kaming mundo. Para kaming mga taong magkakasama ngunit may sari sariling iniisip, at emosyon na hindi pa handang isiwalat. Habang pinagmamasdan ko sila ay ramdam ko ang bigat ng sandaling ito parang isang katahimikang mas maingay pa kaysa sa press conference na naghihintay sa labas.Una kong napansin sina Sophia at Dr. Adrian na magkatabing nakaupo sa couch habnag parehong may hawak na baso ngunit tila may invisible na pader sa pagitan nila. Hindi sila nagkikibuan ni hindi rin nagkakatingi

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Limampu’t Apat

    Third Person’s POV Kung may isang bagay na bihira sa mundo ni Dr. Adrian Lenon iyon ay ang katahimikang may halong anticipation. Sanay siya sa katahimikang sterile na ang tunog ng machines sa ospital at mahihinang yabag ng nurses, at mabibigat na desisyong kailangang gawin sa loob ng ilang segundo. Ngunit ang katahimikan ngayon sa monitoring lounge ng Equinox ay iba. Hindi ito tahimik dahil walang nangyayari kundi tahimik dahil lahat ay naghihintay.Nakatayo siya sa harap ng isang malapad na screen na nagpapakita ng real-time analytics: media sentiment graphs, live feed thumbnails, investor pulse reports. Ang mga kamay niya ay magkasalikop sa likod at tindig na tuwid habang ang ekspresyon na seryoso parang laging handang magbigay ng verdict.Sa tabi niya ay si Sophia Delgado.Kung si Adrian ay kontrol at disiplina si Sophia naman ay liwanag. Naka-tailored blazer siya na akmang-akma sa kaniya ngunit ang aura niya ay parang hindi kailanman mabibigat ang problema. May tablet din siya sa

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Limampu’t Tatlo

    Third Person’s POV Sa kabilang dulo ng communications floor malayo sa maingay na kumpulan ng PR team at technical staff ay may isang glass-walled conference room na pansamantalang ginawang command center para sa marketing at executive coordination. Tahimik dito hindi dahil walang ginagawa dahil bawat galaw ay planado at bawat segundo ay binibilang.Naroon si Dylan habang nakatayo sa harap ng malaking screen na nagpapakita ng live feed mula sa main hall. Naka-roll up ang manggas ng kanyang crisp white polo sa ilalim ng blazer at ang isang kamay ay nakasalpak sa bulsa habang ang isa’y hawak ang stylus na paminsan-minsang tumatama sa tablet na hawak niya. Kalma ang tindig nito pero ang mga mata ay alerto mabilis din itong magbasa ng detalye na parang laging may sinusundan na invisible checklist sa isip.Sa tabi niya ay si Faith.Nakaupo siya sa mahabang mesa at bahagyang nakayuko habang mabilis ang mga daliri sa tablet. May suot siyang simpleng blouse at slacks habang ang buhok ay maay

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Limampu’t Dalawa

    Third Person’s POV Abala ang buong communications floor ng Equinox Global Corporation ngayon para sa gaganaping pres conference makikita na abalang abala ang bawat tao. Pag katapos ng kaguluhan sa canteen ay wala na ni isang nangahas mag tanong o gumawa ng istorya dito animo’y namatay nalang bigla ang issue at wala ni isa ang nais pa itong pag chismisan. Bahagyang humupa din ang issue tungkol sa nag kalat na larawan at mg videos ni Damian at Amanda. Napalitan ito ng issue naman tungkol kay Lucas at Selene bagay na mas lalong lala kapag nalaman nila kung sino talaga si Amanda Hale sa EGC. Dahil mabibigyan tuldok nito ang issue sa palagiang mag kasama nila ni Damian at masesentro ang issue sa pag cheat ni Lucas kay Amanda.Ngayon naman ay tensyonado ang lahat para sa press conference pero ito iyong uri ng tensyon na lumilitaw lamang ilang oras bago ang isang malaking press conference.Makikitang kumukurap ang mga monitor na nagpapakita ng live feeds mula sa iba’t ibang anggulo ng pangu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status