Share

Kabanata Apat

Author: Akosi_Rii
last update Last Updated: 2025-09-22 22:14:06

Makalipas ang ilang araw hito si Amanda nakayuko sa madilim niyang silid. Tinitiis ang sakit ng kaniyang katawan habang ang malabong mga halakhak ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang mga tenga. May bisita kasi si Lucas business partner daw nito. Kaya hito siya ngayon nakatago sa kaniyang silid at pinagbabawalan kasi siyang lumabas nito.

 

Bawat pasa sa kanyang balat ay sumasakit dala nito ang alaala ng mga kamay ni Lucas at bawat hampas ay mas malalim kaysa sa nauna. Ang malupit na mga salita ng mga magulang nito ay tumatatak sa kaniyang isipan. Nalunod ang kanyang diwa sa kahihiyan.

 

Pagkatapos kasi ng tagpong iyon makalipas ang ilang mga araw ay hindi pa rin naalis sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Pag ka alis kasi ng pamilya ni Lucas at ni Selene ay walang habas na pinag sasampal at tadyak siya ni Lucas dahil lamang sa maliit na sugat ni Selene. Sa kaniya isinisisi ang lahat.

 

Flashback. . . . . .

 

“Oh! Siya panu kami ay aalis na iho! Ihatid mo si Selene ha!.” Paalam naman ng ina ni Lucas ni hindi manlang siya tinapunan ng tingin ng mga ito. Tanging si Harley lang na kumakaway ang nag bigay ng pansin sa kaniya.

 

“Naku nakakahiya naman po tita.” Kunwari’y nahihiyang wika naman ni Selene.

 

“No worries just wait here kukunin ko lang ang susi ko.” Nag mamadaling wika naman ni Lucas. Agad naman umalis ang mga ito.

 

Akala niya tapos na ang gabing iyon akala niya makakapag pahinga na siya ng maayos. Hindi pala. Bago pa man siya makapag pahinga ay narinig niya ang malalakas na katok sa kaniyang kwarto. Pinag buksan niya ito at nakitang si Lucas pala.

 

“You bitch! Wala ka talagang ginawang tama ano?” Sabi nito habang hawak hawak ang kaniyang buhok. “A-aray ko Lu-lucass.” Agad naman siyang itinapon nito sa kaniyang maliit na kama.

 

“Wala kang karapatang saktan si Selene,” sabi nito habang dumapo sa kanyang pisngi ang isang malakas na sampal kasabay nito ang isang tadyak na kanyang natamo mula rito. At na sundan pa ito ng isa pang tadyak na ikina gulong niya sa sahig.

 

Pagkatapos nito ay marahas siyang ibinuwal sa higaan halos mabingi siya sa bigat ng kaniyang pagkakabagsak. Nanlilisik ang mga mata nito habang mabagal nitong inaalis ang sariling pantalon tila ba sinasadya ang bawat segundo upang pahirapan siya sa kaba.

 

Isa-isa nitong binuksan ang mga butones ng suot na polo at sa bawat kaluskos ng tela ay parang unti-unting lumulubog ang dibdib niya sa takot. Walang masabi ang kanyang mga labi at nanlalamig ang katawan habang nakapako naman ang kanyang mga mata sa unti-unting paghubad na nagbabadya ng panganib.

 

End of Flashback. . .

 

Parang isang bangungot ang tagpong iyon para kay Amanda. Ang dati’y pinapangarap niyang maging romantikong sandali kasama ang lalaking mamahalin ay naging isang masalimuot na bangungot. Iyon na ang ikalawang beses na ginalaw siya ni Lucas nang walang pasintabi at ni walang konsiderasyon sa kaniyang damdamin.

 

Umiikot sa isip niya ang mga tagpong iyon na parang malupit na awit na hindi niya mapatigil. At higit sa lahat ng iyon muling sumilip sa kanya ang mapanuyang ngiti sa mga labi ni Lucas.

 

Muling nanumbalik din sa kanya ang kislap ng aliw sa mga mata ni Selene habang nakikita siyang nahihirapan at ang tahimik na kasiyahan na nakaukit sa mukha ni Donya Cecilia na para bang kontento ito sa kaniyang nakikita.

 

Halos parang mabaliw siya sa sakit hindi lamang ng kaniyang katawan maging ng kaniyang puso.

 

Ang pamilyang umampon sa kanya na siyang nagbigay ng tahanan ay sila ring natutuwa sa kanyang pagbagsak. Naalala niya ang pang-aasar na tawa ni Selene at ang malamig na tingin ng pagkamuhi mula sa kanyang ina. Ni minsan hindi nila iniabot ang kanilang kamay upang tulungan siya. Ni minsan hindi nila siya tiningnan bilang higit pa sa isang aninong dapat lang tapakan.

 

Pumuno ng mainit na luha ang kanyang mga mata ngunit kumagat siya sa labi hanggang sa malasahan ang dugo. Sobra na ang kanyang pag-iyak. At gayon pa man hindi sumusuko ang kirot.

 

Hinaplos ni Amanda ang kanyang dibdib palalim at mababaw ang paghinga na parang ang bigat ng pagdurusa ay sumisiksik sa hangin sa kanyang mga baga. Sana raw nga’y magwakas na ang pahirap na ito mahinang sambit niya sa desperasyon. Sana magising na lang siya mula sa bangungot na ito.

 

Ngunit ang bangungot ang kanyang realidad. Bawat araw ay nagsisimula sa takot sa kay Lucas at bawat gabi ay nagtatapos sa pag-uugoy ng sariling mga tahimik na hikbi. At palagi, palagi nalang naroon ang mapanuyang mga mata ng mga taong dapat sana’y nagligtas sa kanya ngunit natutuwa sa kanyang paghihirap.

 

Nanginginig ang kanyang katawan na dulot ng mga bakas ng pasa at sugat. Ngunit higit na mas malalim ang mga sugat na hindi nakikita mga sugat ng damdamin at kalooban. Siya’y ikinulong pinatahimik ang kanyang tinig, tinanggalan ng karapatan at halaga ang kanyang pagkatao.

 

 

Humihingal siya sapagkat hindi dahil sa pagod kundi dahil sa tanong na paulit-ulit sa kanyang dibdib.  “Hanggang kailan?” Nais niyang sumigaw na ang tinig niya’y umalingawngaw at makarating sa lahat parang isang pag-iyak na kayang magtaboy ng lahat ng anino.

 

Ngunit natigilan siya.

 

Lumapit siya sa bintana at pinisil nang mahigpit ang sariling palad hanggang mamula ang kaniyang mga daliri umaasang kahit papaano’y gumaan ang kanyang pakiramdam. Ngunit bigla niyang naramdaman ang pag-ikot ng tiyan. Mabilis siyang tumakbo sa maliit na banyo at sumuka sa bowl.

 

“Hi-hindi kaya buntis ako?”

 

-------

Amanda’s POV

Narito ako ngayon sa ospital nais makumpirma kung tama ang aking hinala na buntis ako sapagkat hindi ako dinatnan nitong nakaraan. Hawak-hawak ko ang maliit na pregnancy test habang sabik na naghihintay ng resulta. Labis ang galak na nadama ko nang makita kong positibo ito at agad ding kinumpirma ng doktor ang magandang balita.

 

Kanina lang ay para akong lumulutang sa ulap. Hawak-hawak ko ang papel mula sa doctor at halos hindi ako makapaniwala sa nakasulat doon positive. Nang ngumiti siya at kumpirmahin ang resulta para akong binigyan ng bagong buhay.

 

“Maraming salamat po, Dok,” halos nangingilid ang luha kong sabi. “Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag, pero napakalaki po nito para sa akin.”

 

Pagkalabas ko ng ospital dama ko pa rin ang init ng pasasalamat. Mahigpit kong pinisil ang envelope at sumakay ng taxi. Habang tumatakbo ang sasakyan hindi ko mapigil ang sariling mangarap.

 

Nakatingin ako sa bintana hawak ang tiyan at para bang naririnig ko na ang maliit na tibok ng pusong nabuo sa akin. Kapag nalaman ni Lucas baka magbago siya. Baka sa wakas magiging mabait na siya. Baka tuluyan na akong makaramdam na  mahalaga rin pala ako sa kaniya.

 

Ngunit lahat ng iyon ay unti-unting naglahong parang bula nang makarating ako sa bahay. Binuksan ko ang pinto nang may ngiti pa sa labi sabik na ibahagi ang balita.

 

Nag tataka naman ako sa mga tinging may pag alala na iginawad saakin ng mga katulong dito sa aming tahanan. Ni wala ako sa kanila makausap ng maayos sapagkat iyon ang ipinag utos ni Lucas. Pero ramdam ko ang mga pag aalala nila tuwing sinasaktan ako ni Lucas. Pero alam ko din wala din katulad ko wala din silang magagawa kundi ang sumunod.

 

 Ipinagsawalang bahala ko ito at nag mamadaling umakyat ako sa hagdan patungo sa ikalawang palapag kung nasaan ang mag katabing kwarto namin ni Lucas nagbabaka sakali baka maaubutan ko siya roon.

 

Pero biglang natigilan ang aking mga paa.

 

Kinabahan ako ng mapansin bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Lucas at nag mumula roon ang mga halinghing at nakakasuyang ingay.

 

Dahan dahan akong lumapit sa pintuan at doon sa harap mismo ng aking mga mata ang kapatid ko hubot-hubad nasa ibabaw ni Lucas. At si Lucas nakahiga sa ilalim niya walang bakas ng pagtutol. Sa halip parang aliw na aliw para bang wala siyang pakialam kung sino ang makakita.

 

Nanginig ang buong katawan ko. Para akong natanggalan ng hininga. Ang envelope na kanina’y mahigpit kong hinahawakan ay dahan-dahang dumulas mula sa aking kamay at bumagsak sa sahig. Ang papel ang pruweba ng pag-asa ko ay gumulong sa sahig na para bang wala nang halaga.

 

“Paano?” ang tanging nausal ko sa isip. “Bakit?”

 

Lahat ng pangarap kong binuo sa loob ng taxi ay gumuho sa isang iglap. At habang nakatayo ako roon pinagmamasdan ang pagkakanulo sa harap ng aking mga mata unti-unti kong naramdaman ang malamig na pagkibot ng aking mga daliri at ang hindi ko maipaliwanag na tanong kung ano ang gagawin ko sa susunod.

 

“Ano bang ginagawa mo, Selene?!” sigaw ko halos mabingi ako sa sarili kong boses. Sa tindi ng galit na bumalot sa akin walang alinlangan kong hinablot ang buhok niya at marahas na hinila.

 

“Araaay! Amanda.” sigaw niya ngunit hindi ko na siya pinakawalan.

 

“Mga hayop kayo!” ang sigaw ko nanginginig ang buong katawan. “Wala na kayong itinira sa akin! Lahat kinuha n’yo!”

 

Nagtama ang mata namin ni Selene ang kanya’y puno ng gulat at samantalang akin ay nag-aalab pinupunit ng kirot at pagtataksil. Sa pagitan ng bawat hingal at pighati naramdaman kong sa wakas nabasag ang katahimikang matagal ko nang pinipilit lunukin.

 

Ngunit bago ko pa tuluyang mabitawan ang lahat ng salita isang malamig na tinig ang umalingawngaw sa likuran ko boses na kinikilabutan akong marinig.

 

“Bitawan mo siya, Amanda o sisiguraduhin kong huling beses mo nang magagawa ‘yan.”

 

At doon nanlamig ang aking mga kamay hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot ang galit na nararamdaman ko o ang boses na dumadagundong sa likuran ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Reborn for Vengeance   KABANATA LABING SIYAM

    Amanda's POVNaging mas matunog ang pangalan ng EGC nitong mga nag daang araw. Kaya palagi nalang akong nag pupuyat sa mga papeles na kinakailangan ko ireview. Mabagal kong iminulat ang aking mga mata. Ang liwanag ng umagang sumisilip sa malalaking bintana ay banayad na humahaplos sa aking mukha. Agad akong nag ayos ng aking sarili at bumaba ng hagdan. Anong oras din ako nakauwi simula kagabi.Agad namang napukaw ang aking ulirat nang maulinagan ko ang pigura ni Lucas sa kusina. “Teka, hindi ba’t nasa Pampanga siya ngayon?” mahina kong bulong sa aking sarili.Agad naman akong tumungo sa kusina upang kompirmahin kung siya nga iyon.Napakunot ang noo ko. Wait si Lucas nga at aba parang nagluluto ito.Nakita ko itong nakatayo sa harap ng stove naka-white shirt lang at gray pajama pants. Medyo gusot pa ang buhok pero nakangiti isang ngiti na bihira kong makita sa kaniya. Nangunot naman ang aking noo sa inakto nito.Walang bakas ng lamig o galit sa mga mata niya kundi tila katahimikan.“Goo

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Labing Walo

    Amanda’s POVMaagang nagliwanag ang buong Velmoria City. Ang unang sinag ng araw ay tumama sa salaming gusali ng Equinox Global Tower na nagkikislapan na parang pilak sa gitna ng lungsod. Habang nakatayo ako sa harap nito ay napangiti ako. Ang dating pangarap lamang noon, ngayon ay isa nang simbolo ng bagong simula ng lakas, determinasyon, at tagumpay.Pagpasok ko sa lobby ay ramdam ko ang buhay na buhay na enerhiya ng mga empleyado. Ang bawat isa’y abala sa kani-kanilang gawain may mga digital screen sa paligid ay nagpapakita ng mga proyektong pinangungunahan ng Equinox. Naroon ang headline na nagpapataas ng kaba at saya sa dibdib ko. Though hindi pa ako pormal na naipapakilala bilang CEO ng Equinox sa mga empleyado dito, alinsunod narin sa plano namin ni Damian ay malaya naman akong nakakalabas masok dito sa companya.“Equinox Global: The Emerging Powerhouse of Velmoria.”Hindi ko pa rin maiwasang hindi maniwala minsan. Pero ngayon ay panahon na para patunayan kong nararapat akong

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Labing Pito

    Amanda’s POVPagpasok pa lang ng sasakyan sa arko ng Lancaster Private Resort ay ramdam ko na agad ang kakaibang katahimikan hindi ordinaryong resort ito, ito ay paraiso. Sa magkabilang gilid ng daan ay nakahanay ang matatangkad na palm trees na tila sumasayaw sa ihip ng hangin at sa dulo naman ay tanaw na tanaw ang dagat na kumikislap sa ilalim ng papalubog na araw. Para sa akin ang karagatan ang isa sa pinaka Magandang tanawin ang tunog ng mga alon ang siyang nag papakalma sa aking isipan. Nakakalungkot lang na malayo ang Bahay ni Lucas sa mga beach resorts.Narito kami ngayon sa Lancaster Private Resort kasama ng ibang pang tinitiwalaang board members ng Equinox Global Corporation (EGC) para pag usapan ang mga susunod naming hakbang.Bagama’t naging mahirap ang pag papaalam ko kay Lucas para payagang mag bakasyon kunyare kasama si Marnella ay sinuwerte naman ako sa biglaang pag sulpot ni Selene ng araw na iyon.Flashback. . . Naabutan ko si Lucas sa may sala nag babasa ng mga doku

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Labing Anim

    Tahimik si Amanda habang bumababa mula sa taxi na huminto sa harap ng Lancaster Tower. Ang makintab na salamin ng tore ay nagbabalik ng kanyang repleksyon. Ngayon mas nakikita na niya ang sarili niya na malayo sa dating siya.Matapos ang pag uusap nila ni Lucas ilang buwan na rin ang nakalipas ay medyo gumaan ang kanilang pag sasama. Madalas parin itong umalis para sa business venture kuno nito at least hindi na siya nito sinasaktan o pinag sasalitaan ng masasakit na salita.Noong una ay medyo naiilang pa siya sa ipinakita nitong pag babago gaya ng pagbati nito ng Magandang umaga tuwing mag kakasalubong sila sa umaga. At noon na ni minsan ay hindi sila nag papansinan sa hapag kainan ay medyo nag iba na rin dahil nakakapag usap na sila kahit papaanu. Pinagtataka rin niya ang biglaang pag laylow ni Selene hindi kasi niya ito nakita o kahit mag punta sa bahay nila ay wala pag tumatawag naman ito kay Lucas ay agad na umaalis si Lucas.Mula sa labas ang Lancaster Tower ay nanatiling kaman

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Labing Lima

    Tahimik ang umagang bumabalot sa loob ng mansion. Ang mga sinag ng araw ay dahan-dahang sumasayad sa marmol na sahig sa sala nito ito’y nagbibigay ng mainit na kulay sa malamig na espasyo.Sa ibabaw ng mesa ay nakalatag ang sangkatutak na dokumento, laptop at ilang tasa ng tsaa na matagal nang lumamig. Andito ngayon si Amanda sa bahay nil ani Lucas. Kakauwi lang niya. Ang ipinagtataka niya ni wala hindi manlang nag tanong si Lucas kung saan at ano ang ginawa niya kala Marnella. Sabagay kailan ba ito nag ka interes sa kaniya.Abala si Amanda sa pagbabasa ng mga file tungkol sa Equinox Global Corporation. Hanggang sa ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa mga plano ni Damian.Isa sa mga plano nito ay ang nalalapit na Equinox Tribute Ball, kung saan pipili sila ng orphanage na magiging opisyal na sponsor ng kumpanya para sa outreach program. At kung saan ipappakilala siya bilang CEO nito.Nakasuot siya ng puting blouse at slacks, bahagyang nakasungkit ang buhok at nakasalamin. Sa tab

  • Reborn for Vengeance   Kabanata Labing Apat

    Third Person’s POVNakatitig si Amanda sa bintana ng taxi at habang dahan-dahang dumaraan ang sasakyan sa masikip ngunit maaliwalas na kalsada ng Central District ng Velmoria City.Sa bawat liko ay mas lalo niyang nararamdaman ang kabog ng dibdib niya halo ng kaba at pananabik.Mula sa kinauupuan niya ay kitang-kita ang mga nagtatayugang mga gusali na tila gustong sumayad sa kalangitan. Ang mga salamin nitong kumikislap sa ilalim ng araw ay parang repleksyon ng mga pangarap niyang unti-unting nabubuo. Napangiti siya nang bahagya. “So, this is the Central of Velmoria,” mahina niyang bulong na halos pabulong lang sa sarili.“First time mo rito ma’am?” tanong ng drayber habang nakatingin sa kanya sa rearview mirror.Ngumiti si Amanda at tumango. “Oo po. Galing pa akong North District.” Tugon niya na may kasamang piling ngiti.“Ah di ba po sa North District nakatira halos ang mga mayayaman dito sa atin?” sagot ng drayber na may bahid ng paghanga sa tono.“Ay naku manong hindi naman po ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status