Share

Chapter Seven

JENNA

MIDNIGHT.

“It’s Christmas Eve!” sambit ni Topher nang marinig namin kapwa ang tunog ng grandfather clock habang sine-set up niya ang pose ko sa tabi ng armchair na hinila niya sa work room. 

At yes, may grandfather clock si Topher sa library ng bahay niya. And I really liked that clock. 

In fact, I like how he designed his place. Masculine, traditional, and yet may mga shades ng black and chrome na masculine na masculine. Kasing authentic nang pagkakakilala ko sa kanya.

I was back in the room where I woke up so I could get naked of the clothes I borrowed from him that night. Saka ko sinuot ang panlalaking robe na sabi niya ay itakip ko muna sa katawan ko at props sa pose ko. 

And now, it’s Christmas. 

Napabuntunghininga ako nang malalim. 

“Akala ko talaga darating ang Christmas Eve na wala akong pakialam sa season, or probably passed out. Mali ako. But I like the change. I like this.”

Ngumiti siya. “Merry Christmas, Jenna,” sabi ni Topher habang bahagyang lumalayo. “Sorry, wala akong gift.”

“Anong gift? Ang dami mo na ngang gift na bigay sa ‘kin. You were there when I passed out after getting stupidly drunk. You took me home and cleaned me up. who even does that nang walang kalokohang naiisip?”

I heard a snort from him. “Paano ka naman nakasiguro na wala akong naiisip na kalokohan?”

Ikiniling ko ang ulo ko. “Meron ba?”

Umikot ang kanyang mga mata at tumawa siya. “Bakit naman ako aamin kung meron nga?”

“Topher!” Pinalo ko siya sa braso. Tumatawa siyang umiwas, saka nakangisi pero nakakunot-noong tumitig sa akin.

“I’ve gone through that question enough times to know na delikadong tanong ‘yan. So, kung sasabihin kong meron, magagalit ka ba? Kung sasabihin ko namang wala, maiinsulto ka ba?”

Napatawa ako. “Meron pa. Kung sasabihin mong wala, bakla ka ba?” 

“See, ‘di ba? Dehado? Kaya hindi na lang ako sasagot.”

“Honestly. Hindi ako magagalit.”

At nakita ko noong namula ang buong mukha niya habang nag-iisip siya kung anong mga salita ang gagamitin niya para sumagot sa tanong ko. 

“Hmm… oh well. That’s fine, huwag ka nang sumagot. So pasado ako sa panlasa mo. Maganda ang taste mo, kung gano’n,” sambit ko habang pinapaypayan ang mukha ko nang pabiro na parang nahihiya rin ako. Saka ako natatawang umiwas noong kunwari gagamitin niya ang isa niyang paintbrush sa mukha ko.

Wew. Awkward moment done.  

“Saka you cheered me up when I woke up miserable and you’ve fed me with the wonderful cooking of your mother. You’ve made my Christmas Eve into something good when it could have been meaningless and painful. Ako ang wala pang gift sa ‘yo. But… Merry Christmas to you, too.”

“Meron kang gift. Binigyan mo ako ng solusyon sa problema ko. I finally found the model. Imagine? You landed onto my lap as if pinadala ka ng mga anghel sa langit, drunk and all pliant to help me out?”

Nagtawanan na naman kaming dalawa. Effort na effort talaga kami para maiwasan ang sobrang awkward sanang sandaling iyon na babae ako at sure akong hindi siya bakla, tapos wala akong saplot kahit ano sa ilalim ng robe niya.  

Hindi pa iyon ang moment. 

Tumatawa pa rin ako, pero nasa pwesto na siya na dapat niyang kapwestuhan, at nilagay na niya ako sa pose na sabi niya’y kailangan kong gawin. 

The next thing to do was… 

“Okay. Here is your Christmas gift unwrapped… your model,” sabi ko sa pinasigla at pinakaswal na tinig kahit nagdarambol ang dibdib ko sa gagawin ko. 

Bago pa ako umurong sa hiya, hinawakan ko ang dalawang lapel ng robe na suot ko, at ibinaba ko ang robe sa hubad kong mga balikat hanggang sa bumagsak iyon sa halos kalahati ng aking katawan, sa bandang pinakamaliit na bahagi ng aking beywang.

I did it for effect, for the moment, because it just was timely and spontaneous. 

Hindi ko inasahan na matutulala siya.

1… 

2… 

3 seconds…

“Topher?” I resist the urge to snap my fingers in front of his face.

Kumurap siya. 

Tapos, unti-unting namula ang buo niyang mukha bago siya nagbaba ng tingin. 

“I’m sorry. You caught me by surprise.”

Napangiwi ako. Pero ang totoo, gusto kong ngumiti nang ngiting ngiti. 

‘Cause it was flattering as hell. 

“Ooops. Sorry.”

“No, it’s okay.” Saka siya sa wakas tumingin sa mukha ko. “It’s just... you got a beautiful body, Jenna. That’s it.”

Mukha ko naman ang unti-unting nag-init. 

As if possible pa ba iyon gayong mainit na ang mga pisngi ko noong hinuhubad ko pa lang ang roba? 

“Thank you,” sabi ko sa marahang tinig, nahihiya pero busog na busog naman ang pride sa kanyang obvious na paghanga. “Take that, Keith. Ito ang nawala sa ‘yo, katawang pang-obra maestra,” sabi ko pa. Biro sana iyon. Pero iyong sarcasm… totoo.”

He was trying not to smile, I could see that. “He’s gonna eat his tongue kapag nakita niya ang obra ko,” sabi niya pa.

Namilog ang mga mata ko. Pero tinatagan ko ang loob ko sa posibilidad na makikita nga ni Keith ang painting. “O-Oo.”

“Don’t you dare change your mind.”

“Hindi,” sagot ko, and that sounded decisive enough that he nodded. 

Tapos, nakatingin siya muli sa akin… kritikal ang mga mata, at nag-relax ako sa pose ko, nadamay sa halatang pagbabago niya ng mood… trabaho na.

Lumapit siya uli mula sa canvas. 

“Okay, so… ganito. Itaas mo ito nang konti. Let’s ease this a little bit further to tease the eyes. And slouch a little, para mas natural. Then look back there, put a little smile on your lips. Lower your eyes a little, Jenna. There. You look flushed and satisfied and happy. Perfect!”

Umurong siya. Naurungan niya ang stool sa harap ng easel at natumba iyon tuloy. Nagmamadali niya iyong itinayo, saka niya tinungo ang work table kung saan nakahilera ang mga paints at mga bote ng brushes. 

May kinuha siyang kung ano, saka siya muling bumaling sa akin.

Natumba na naman ang stool. Nasanggi na naman kasi niya iyon.

“Is there something wrong?” nangingiti kong tudyo.

“I’m fine!”

Napahagikhik na ako. I didn’t think he’s fine. 

“I’m sorry, Jenna,” sabi na naman niya sa hiyang hiyang tinig. “I’ll be okay.”

“Okay.”

Nagsimula siyang mag-sketch sa ibabaw ng canvas. 

I could only see him in the periphery of my vision because of the way my head was turned. I could see him when he’s taking too long to look at me. I could see it when his hand would just stop in mid-air as he just watched me, forgetting what he’s supposed to be doing. 

So, I started conversation because he was nervous. 

“So, wala ang family mo. Wala rin ang girlfriend mo. Or… meron ba? I didn’t think I’d heard sa work kung married ka na.”

“No, I’m not married. At walang girlfriend.”

“Wala?” ulit ko, habang nararamdaman ang paglukso ng puso ko sa loob ng dibdib ko. I shouldn’t be feeling this, but I was! Gah!

“None.”

“Busy masyado sa work?” Saglit ko siyang sinulyapan. Focused na focused ang mga mata niya sa canvas this time.

“We broke up pretty recently so hindi pa ako ready for another one.”

“Oh,” disappointed kong sabi. So, he was as heartbroken as me. Drat. “What happened?”

“She… ran into a previous boyfriend and she realized she never stopped loving him and wanted to be back with him.”

“And…?”

“I let her go. She’s a cancer survivor. She’s been through enough. She has to be with someone who can make her really happy.”

Napatingin ako uli sa kanya, sandaling natutulala. 

Nakikita ko sa mukha niya ang sakit na dinanas niya sa pagpapalaya sa ex-girlfriend niya. 

Nakikita ko roon na mahal na mahal niya talaga ang babae.

I wish I can be as lucky as your ex, naisip ko na lang. At natilihan ako kasi ayokong malaman niyang ni naisip ko iyon. 

I knew that we’d flirted a little bit kanina para matulungan ang isa’t isa na mag-relax. But this little envious thought of mine was too much.

“I am so sorry,” nasambit ko sa mahinang tinig.

Ngumiti siya. Iyong klase ng ngiti na mabilis at pilit. 

But it did not last that long before he’s really smiling, albeit sadly. 

“Thank you but I really am okay. I mean, it still hurts kapag naiisip ko. It’s just been three months. I still miss her sometimes.” Sandali siyang yumuko. “But… alam kong masaya siya so I couldn’t… it takes the edge off the pain. Minsan kapag maganda ang meaning behind sa sacrifice, I guess matamis pa rin ang sakit.” Tapos, tinawanan niya ang sarili. “God, what’s wrong with me? Kanina pa ako baduy.”

Napangiti rin ako. Nilagyan ko pa ng tunog ang tawa ko para hindi niya maramdamang nag-iisa siya. 

Nagdaan ang ilang sandali ng katahimikan habang binabalik ko muli ang sarili ko sa pose. But something else was going on. 

He was not sketching anymore.

Bahagya kong binaling ang tingin ko para makita ko siya nang diretso. Inangat ko ang mga kilay ko, nagtatanong nang tahimik.

“I’m sorry, Jenna. I just can’t concentrate enough.”

“Why?”

Ibinaba niya ang charcoal niyang hawak sa work desk, then he fletched his fingers. 

Kamao, bukas-palad, kamao uli, then bukas uli. 

“I… I don’t know. Too emotional and on edge. I’d calm down in a bit.”

Ilang sandali ko siyang pinanood. I could feel the sexual tension in the air. I knew it’s the reason he couldn’t focus. 

He couldn’t even look at me anymore. 

“Topher?”

Reluctant siyang tumingin sa tawag ko. “Yes, Jenna?” sagot niya sa tinig na bahagyang paos.

Fingers strumming on my heartstrings.

It felt good.

Tuluyan ko nang binagsak ang roba mula sa katawan ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status