Share

Chapter 5

Good thing our pre-final was done. It is necessary for me to go to the campus but I didn't. I was absent in Thursday-Saturday classes, and I stayed with mama for almost a week until she was released from the hospital.

During those days, isinantabi ko ang pag-aaral ko para magfocus kay mama at sa kalagayan niya. She sometimes had a little tantrums, wanting to scratch her wounds at madalas panay ang kanta tsaka iiyak.

Palagi siyang kumakanta pagkagising niya, minsan naman ay bago matulog. Hindi ko siya iniiwan, at kung may gagawin naman ako ay nagtatawag ako ng Nurse para tingnan siya saglit.

Hindi siya pwedeng iwan dahil ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Minsan pa nga ay naabutan kong nakikipag-away siya sa Nurse, binabato niya ng mga gamit na nasa table sa gilid ng kama.

Ako naman, walang ibang magawa kung hindi ang umiyak....humikbi ng paulit-ulit. Sobrang sama ng loob ko. At natatakot ako para kay mama.

Looking at her, bumabalik siya sa dati. Pinipilit niya pa rin na dapat andito si papa, na hindi siya dapat iniwan ni papa. I can't believe that we'll be experiencing this again. I can't believe she hide her feelings from me!

"Ma....mama, tama na po, please."

"Ang Papa mo? Asan ang papa mo! Kailangan ko ang Papa mo! Ang Papa mo, Solemn! Nasaan siya? Solemn!"

"Mama....m-matagal na pong wala si papa, diba? Napag-usapan na po natin ito, diba? You're strong, Mama. Nandito pa po ako. Kasama nyo po ako."

"Hindi! Kailangan ko ang Papa mo! Ang Papa mo lang!"

Minsan, wala akong magawa kung hindi ang magsinungaling sa kaniya. Sinasabi kong naroon si Papa sa bahay, hinihintay siyang gumaling. Pinaniwalaan niya iyon pero sa tuwing nalalaman niyang nagsisinungaling ako para lang inumin niya ang gamot niya ay nagwawala siya sa akin.

Pagod na pagod ako araw-araw sa buong linggong iyon. Hindi ko na nga maasikaso ang bahay dahil hindi ako makaalis ng hospital lalo na kapag inaatake siya ng tantrums niya. Ako lang ang nakakapag-pakalma sa kaniya.

At kahit kaya naman siyang pakalmahin gamit ang pampatulog, ayokong tinuturukan si mama ng kung ano-ano. So I didn't leave her.

After her released, she became okay. Kapalit naman n'on ang pagiging tahimik niya at tulala. Nakakausap ko naman siya pero hindi siya umiimik pagkatapos n'on. Iniiyak ko na lang ang mga pangamba ko dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

The next day, Chie told me that we have seminar in ELP at hindi kami puwedeng umabsent. Hindi ko maiwan si mama. I've messaged our professors if it's fine to be absent, pero hindi nila ako pinayagan. They've asked kung anong dahilan pero hindi ko masabi. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol kay mama.

I don't want them to gossip about mama, that she's suicidal. I don't want people to know about that....because she's not. Namimiss niya lang si papa, hinahanap niya lang si papa. Kailangan niya lang si papa.

Si papa ang buhay niya....pero nandito pa ako. My job is to help her go on with her life na ako lang ang kasama niya, and that she need to move on. She need to accept that papa is no longer here....but I am here.

Chie: Papasok ka na? Bilis te, dito pa si Ma'am Abby.

Ako: Oo, pahintay ako.

It's Monday. I have no choice but to attend.

I put my phone on my back pocket atsaka pinuntahan sila mama sa kusina. Tita Sheryl, her friend and our neighbor, was here after I called her kanina para ibilin si mama. Hindi pa kaya ni mama na mag-asikaso sa bahay kaya I asked her to bring mama with them at susunduin ko na lang siya mamaya pag-uwi ko.

She agreed with me and when I asked if it's okay, she told me na wala naman raw problema. Sabihin ko lang raw kung ano ang mga kailangan.

Binilin ko sakaniya ang mga bilin rin sakin ng doctor. Iniwan ko rin ang mga gamot at marunong naman si mama ng tamang oras kung kelan niya iinumin. Medyo okay na siya ngayon compared the past week.

"Mama..." I kneeled down so that she can look at me dahil naka-wheelchair siya.

She answered me with a smile.

"Papasok po ako ng school. Uuwi po ako agad. Ibibilin muna kita kay Tita She, ha? Yung mga gamot mo po inumin mo para gumaling ka na, ha?"

Tumango siya at muling ngumiti. "Hintayin kita, nak."

Ngumiti ako. "Opo. Sunduin kita agad kina Tita She."

Tumango siya. I look up to Tita Sheryl who's behind her, she nodded at me.

"Sige na, Solemn. Ako na bahala sakaniya."

Tumayo ako, handa ng umalis.

"Salamat po." I said.

Pinauna ko na silang umalis at nasa likod lang ako.Tulak tulak ni Tita Sheryl ang wheelchair, nasa gilid niya lang ako. When we reached their home, sa katapat lang ay nagpaalam ulit ako kay mama bago ako bumalik ng bahay. Isinara ko iyon pagkakuha ko ng Zebra bago tuluyang umalis.

I parked on the same spot. Hindi tulad noong mga nakaraan, may naunang magpark sa pwesto ko kaya nagparking na lang ako sa katabi nito. Iniwan ko ang helmet ko doon bago nilakad ang distansya papasok ng SCCI.

May pila sa protocol kaya pumila na rin ako. I texted Chie na nasa campus ako, and she said dumeretso agad ako sa JPM Hall. Naroon na raw sila.

Binalik ko ang phone ko sa bulsa. Pag-angat ko ng tingin ay nahagip ko ang mata ni Madam Guard na nakatingin sa akin. I looked over the gate if may mga OJT doon bago ako nag-iwas ng tingin.

Walang mga OJT. Tanging si Madam lang. That's a good thing. Hindi ko ata masisikmurang magbigay respeto sa Ardent na 'yon matapos niyang nakawin ang helmet ko.

Bigla akong nilingon ng babaeng nasa unahan ko. She smiled at me before she talks.

"Ikaw si Solemn? Tawag ka ata ni Madam Guard." aniya.

Kunot ang noo ko. "Ha?"

Tumingin ako sa unahan. Madam Guard is still looking at me but this time, she called me by my name.

"Solemn!" aniya.

"Punta ka na. Hindi ka na ata magpoprotocol, okay 'yan." she chuckled.

I gave her a slight smile. Close ba kami?

Kahit ayaw kong makipag-usap sa kahit kanino ngayon, I have no choice but to. Baka magmase mase ako sa ganitong kaaga. Pagod na ako sa mga punishment nila, trip man o may dahilan.

I stopped in her front, stand in tune even if she didn't told me to. Umiling siya sa akin and told me to loosen up. I looked at her first bago ko alisin ang posisyon na 'yon.

"Magpoprotocol na po ako." I told her.

Umiling siya. "Hindi na, Solemn."

I sighed. "Sige po."

I was about to turn my back at her pero hindi nya ako pinaalis. My forehead wrinkled when I face her again.

"Bakit po ba?" may tono ng pagkainis ang boses ko noong sinabi ko iyon.

It's so hard that I have to remain respectful after what happened. Her, tolerating that OJT student just because they know each other or whatever it is, that's unethical. Hindi ko maisip talaga kung bakit, at kung bakit ako? I trusted her. Sakaniya ko iniwan ang importanteng bagay sa akin, tapos ganon pala ang gagawin niya?

"Si Ardent-"

I didn't let her finish. Tumango na lang ako agad at pinilit na ngumiti sa kaniya. She's looking at me intently, curious. Tumango ulit ako to tell her that yes, I know....I already know.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran dahil mas iniisip ko na lang ngayon ang seminar at si mama, para makauwi na agad ako pagkatapos. I don't want to waste time in here, to them, or other people. Sa ngayon, si mama ang iniisip ko. Siya lang ang gusto kong isipin.

"Tagal mo, te!" bungad niya sa akin at inalis ang bag niya sa katabing upuan, tila nireserba niya talaga sa akin. "Nandoon na naman ba 'yung mga OJT at busangot 'yang mukha mo?"

Umiling ako pagkaupo. "Wala."

"Oh? Eh ano?"

"Wala ka bang sariling buhay at usasera ka?" pagbibiro ko.

The side of her lips rosed. Sanay na kami sa gantong bardagulan kaya hindi naman kami naooffend sa isa't isa kahit ano man ang bitawan naming salita. Chie was a friend, my only friend ever since we're freshmen. Hindi kami madalas magkasama, kung iisipin mas nakakasama ko lang talaga siya sa room, pero pag nasa labas na ay mas madalas niyang kasama ang iba niyang kaibigan.

I have no problem with that. I'm very okay with that.

Hindi naman ako malungkot na mag-isa akong umuuwi o wala akong kasabay kumain....Nasanay na ako dahil puro si mama ang iniisip ko which is very okay to me. Masarap makasama ang kaibigan pero mas masarap mag-alaga ng Nanay.

"Bakit ka nga pala absent ng almost 2 weeks? Tagal no'n te, ah!"

She doesn't know about my Mama. Wala akong ibang pinagsabihan, even to her, even she's my friend. I trust her, yes....pero I don't want her to think wrong about my mother. Madalas iniisip nila na kapag nalaman nilang nag-suicide ang isang tao, they'll assume she's crazy or obsessed over something.

I don't want that.

Ayokong pag-isipan nila ng masama ang mama ko because I have no courage to inform people, one by one, that mama is just....missing Papa. Na nadala lang ng emosyon si mama.

I pouted while looking in front.  "Wala lang, nagbakasyon lang."

Her lips automatically formed an 'O'.

"Wow te! Tangina mo, lakas mo naman!"

Tumawa ako pagkatapos ay nilingon ko siya.

"Nagsarili ka ng bakasyon? Pota, lakas mo! Porket kakatapos lang ng exam, grabe ka madam!"

Humalakhak ako lalo. "Baliw. Hindi naman ako mada-drop sa 2 weeks no show. Alam mo namang pag 3 consecutive no show in subject ka, doon ka lang i-mamark as dropped out."

Hindi naman ako proud na absent ako ng 2 weeks. But it's true, dropped out ka kapag tatlong beses kang hindi nagpakita sa subs mo each day na may klase. They'll reach out to you for your reasons, if ever valid naman.

"Pinagcheck lang naman kayo ng papel, ah. Tapos hindi naman pumasok ang ibang sub, nabasa ko 'yun sa gc natin." dagdag ko.

"Lakas ng loob mo porket may gc! Kung wala, ako ang iistorbohin mo kakatanong, ano?"

Inirapan ko siya. "Luh?"

She raised her brows na tila naghahamon. Pinagsaklop niya pa ang braso niya sa dibdib nya.

"Ako lang kaibigan mo." aniya.

She's spitting facts! Siya lang naman kahumor ko dito sa SCCI, e. Halos puro seryoso dito ang estudyante. Ikaw ba naman mag-aral sa disiplinadong eskwelahan, 'di ka ba titino?

"Malas ko nga." umiling iling pa ako.

Pinalo niya ang balikat ko, hinila ko naman ang bun niya. Ang gulo namin sa upuan hanggang sa nagtawanan na lang kami.

Few minutes, nag-announce na si Ma'am Abby na magsisimula na ang Seminar. Dalawang speaker ang magbabahagi tungkol sa Chainsaw Act. Pinag-aralan na namin 'to at nakapag-exam na rin. Siguro karagdagang information na din dahil mismong DENR official ang magsasalita.

The seminar had pauses dahil hindi pa pumapasok ang speaker. Naroon pa daw sa labas, may kausap.

Nananahimik lang kami ni Chie, ang mga lalakeng katabi ko naman sa right side ay panay kwentuhan. Puro babae ang usapan.

"Single kaya si Ma'am Abby?" rinig kong tanong ng katabi ko doon sa dalawang katabi rin niya.

"Oo, buddy. Bakit na naman?"

"Maganda si Ma'am, ano? Masarap....ligawan."

Nagtawanan silang tatlo. Mga bastos naman. Hindi ba sila nahihiya sa pinagsasabi nila?

I saw in my peripheral that he looked at me kaya sinulyapan ko ito ng tingin bago ko binalik ang atensyon ko sa harap.

"Eh...eto kayang katabi ko?"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig.

"Maganda, ano? Maputi rin."

"Ngayon ko lang siya nakita. Maganda pala sa malapitan."

"Oo, ano? Rinig kong bukambibig 'yan ni Salazar, 'yung OJT."

I swallowed. They have the guts to talk like that knowing a woman is beside them? At ako pa talaga ang pinag-uusapan nila, ha?

"Subukan kong kausapin, teka. Wag kayong magulo diyan." I heard it atsaka ito mas lumapit sa akin, naghahanap ng tyempo.

Malalim akong nagbuntong hininga bago bumaling kay Chie. Iyon nga lang ay busy ito kausap ang katabi. I don't know what to do.

"Ahmm...Hi?" rinig ko sa gilid ko.

As if!

I don't want to talk to guys. And to them, na harap-harapan akong inilarawan in a way na nakakabastos sa pandinig ko? I can't.

Hindi ko ito pinansin. Kunware akong walang naririnig. I even use my phone as a props para hindi niya ako guluhin. Pero talagang mapilit siya. Kinalabit pa ako and worse, nahagip ng daliri niya ang boobs ko!

Halos manginig ako sa galit, sa takot. Hindi ako makagalaw. I can hear them laughing.

There's a swift flashbacks on my head while the feeling of being touched without consent lingered on my skin.

No...

Hindi ito 'yun, Solemn.

Hindi ito 'yun. Tapos na 'yun. Hindi na iyon mauulit pa. Nahagip niya lang pero hindi....nagtawanan sila. Nagtawanan sila!

I tried so hard to take away my thoughts. Pilit kong inalis sa isip ko ang ala-alang iyon.

Mali ka, Solemn...

Hindi niya sinasadya. Hindi niya intensyong mahawakan ka. Nahagip ka lang. Huwag mong isipin.

I can notice the shortness of my breathing. Pakiramdam ko ay nanlalamig ako. Hindi ko na kaya 'to.

Mabilis akong tumayo pero nagawa ko pang magpaalam kay Chie.

"M-Mag...mag-CR lang ako." then I ran towards the exit, neverminding what they told us na bawal ng lumabas.

Dali dali kong tinungo ang daan papuntang comfort room. Para akong nalulunod. Para akong hinahabol. This time that I needed so much to reach the destination ay saka naman ako may makakabangga.

Tiningnan ko siya, para akong hinahapo habang nakatingin sa mata niya. Ang kaninang walang emosyong tingin niya sa akin ay napalitan ng gulat at pagtataka.

"Vartivo..."

Para siyang nag-aalala sa akin at akma pa akong hahawakan sa braso pero umiwas agad ako para lagpasan siya.

"S-Sorry....sorry, Sir."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status