Share

Chapter 2

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-01-14 23:13:52

Luna’s POV

Nanatili lang ako sa labas ng silid ni Mama. Nawalan ako ng lakas magpakita nang makita ko siyang kumakain habang masayang kinakausap ng pinsan kong si Nadine.

Nag-text si Cara sa akin kanina habang pabalik ako sa ospital. May date daw siya at dumating na si Nadine, na papalit muna sa kaniya.

Tumayo ako nang mapansin ang pagbukas ng pinto. Nakita kong lumabas si Nadine.

“Nandito ka na pala. Kumusta ang practice ninyo?” tanong niya sa akin. “Katatapos lang kumain ni Tita Yassi ng hapunan. Hinahanap ka niya at si Tito James.”

Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa sahig. Masyadong magulo ang isipan ko ngayon.

Buntis ako at hindi ko alam kung paano aaminin kay Mama.

Napatay ni Papa ang ama ni Alexus at nagnakaw siya sa bangko.

“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Nadine sa akin. Hinawakan niya ang aking noo. “Magbihis ka muna dahil basang-basa ka sa ulan. Dinalhan kita ng ekstrang damit.”

Tumango ako. Ngayon ko lang napansin na basang-basa pala ako sa ulan kanina. Bigla na lang akong nawala sa sarili sa kaiisip ng mga sinabi nina Papa at Alexus.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at niyakap si Mama ng mahigpit. Pilit kong tinatago ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

“Hinayaan mo na naman ang sarili mong mabasa sa ulan,” saad ni Mama at kumalas siya sa yakap ko. “Saan na ba ang papa mo? Kanina ko pa siya hinihintay.”

Hindi ako saumagot, tinitigan ko lang si Mama.

Namumutla siya. Limang buwan na siya rito sa ospital. May sakit siya sa puso at kailangan niyang maoperahan, pero wala kaming perang pangpaoepera sa kaniya.

Baon sa utang ang pamilya namin. Si Papa ay isang construction worker at ako naman ay isang call center agent.

Kulang pa rin ang mga sahod namin ni Papa upang matustusan ang pangunahing pangangailangan ni Mama sa ospital. Halos wala na rin akong pahinga kasi lahat ng oras ko ay ginugugol ko sa trabaho.

Pagkatapos kong magbihis ng damit, nakipagkwentuhan ako kay Mama, na parang walang nangyari at mabigat na problema akong dinadala. Ayaw kong sabihin sa kaniya ang mga nangyayari dahil natatakot ako na baka mas lalo lang lumala ang kalagayan niya.

Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Nadine.

“Luna, si –” Hindi natapos ang sasabihin ni Nadine dahil nakita kong sumunod si Alexus sa kaniya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at napahawak sa tiyan ko. Sinulyapan ko si Mama, nakapikit na ang kaniyang mga mata.

“Luna…” sambit ni Alexus.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko at binalot na naman ako ng takot.

Namumula ang mga mata ni Alexus na nakatingin sa akin. Basang-basa rin ang suot niyang damit.

Bumaling ako kay Nadine. “Bantayan mo muna si Mama. May pag-uusapan lang kami ni Alexus.”

“Luna, ang Papa mo –”

“Alam ko na, Nads. Mamaya na lang natin ‘yan pag-uusapan. May important e kaming pag-uusapak ni Alexus,” putol ko sa kaniyang sasabihin at naglakad palabas ng kwarto.

Napansin ko kaagad ang pagsunod ni Alexus sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso nang makalabas na kaming dalawa sa kwarto ni Mama.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinigilan ang pagbagsak ng aking mga luha bago siya hinarap.

“Maghiwalay na tayo, Alexus. Hindi na kita mahal at hindi ikaw ang ama ng batang dinadala ko,” diretsong sabi ko sa kaniya. “I cheated on you, Alexus. I’m so sorry.”

Mas lalong humigpit ang pagkahawak niya sa braso ko.

Pinigilan ko ang pagbagsak ng aking mga luha dahil gusto kong paniwalaan niya ang mga sasabihin ko ngayon.

“Wala ng dahilan pa para ipagpatuloy ang relasyon natin. Ayaw kong saktan ka kaya mas mabuting malaman mo ng ganito kaaga ang lahat  Nagkasala ako sa iyo. May nakilala akong lalaki habang nasa London ka at may nangyari sa amin. Hindi ikaw ang ama ng batang nasa sinapupunan ko.”

Umupo ako sa isang malamig na silya, habang si Alexus ay nasa harap ko, ang mga mata niyang puno ng sakit, ng galit, ng tanong—ng mga tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin.

“Paano mo magagawa ‘yun, Luna?” tanong ni Alexus, ang kanyang tinig ay puno ng pagkabigo, tila sinusubukang magsanib ang mga piraso ng kanyang mundo na nagbagsakan sa harap niya. “Bakit mo ako niloko?”

Wala akong masabi. Ang mga salitang tumama sa akin ay tila nagputol sa aking dila. Ang totoo, hindi ko rin kayang tanggapin ang katotohanan.

Wala akong balak na magsinungaling sa kaniya, pero ito lang ang paraan para tuluyan niya akong kamuhian.

Ang aking ama—siya ang pumatay sa ama ni Alexus. Siya ang dahilan kung bakit ang isang buhay na puno ng pangarap at pag-asa ay naputol ng walang kalaban-laban.

Hindi ko pa alam kung ano ang totoong nangyari at kung bakit humantong ang buhay ng ama ni Alexus, pero binalot na ako ng takot.

Tinutukso ako ng mga alaala ng mga sandali ng kaligayahan na magkasama kaming dalawa—ang mga pagngiti, ang mga tawa, ang mga pangako. Lahat ng iyon, parang mga bula na mabilis na pumutok.

Hindi ko kayang ipaliwanag sa kanya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na ang ama ko, na aking iniidolo at inaalagaan, ay siya palang may kagagawan ng lahat ng ito. Paano ko ipaliwanag na ang isang taong akala ko’y magmamahal sa akin ng walang kapantay ay nagdala ng hindi maipaliwanag na sakit kay Alexus?

Tumayo si Alexus at lumuhod sa harapan ko.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

“Luna, please tell me – that you’re lying. Hindi ka nagloko sa akin. Ako ang ama ng batang nasa sinapupunan mo,” pagmamakaawa ni Alexus.

Umiling-iling ako. “Hindi ako nagsisinungaling, Alexus. Totoo lahat ng mga sinabi ko. I cheated on you and got pregnant with the stranger…”

Sinuntok ni Alexus ang sahig. “That’s not true, Luna,” matigas niyang sabi.

Ang mga mata ni Alexus ay puno ng galit—at may dahilan siya. Dapat lang. Nagsisimula nang mangilid ang kaniyang luha sa mga mata niya.

“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko,” sabi ko nang mahina, ang tinig ko ay basag na parang isang pira-pirasong salamin. “Hindi ko kayang tanggapin ang nangyari, Alexus. Hindi ko kayang tanggapin… ang lahat ng ito – na nabuntis ako ng ibang lalaki.”

Ang huling titig ni Alexus sa akin ay matalim, puno ng hindi pagkakaunawaan at galit. “Hindi ko alam kung ano pa ang kulang sa akin. Binigay ko sa iyo ang lahat. Minahal kita ng sobra. Mas mahal pa kita kaysa sa sarili ko. Binago ko ang sarili ko simula nang makilala kita. Lahat ng mga pangarap ko ay kasama ka, pero bakit mo ito nagawa sa akin, Luna? Bakit mo ako niloko?”

Ngumisi ako at inalis ang kaniyang kamay na nakahawak sa kamay ko. “Ginamit lang kita, Alexus. Hindi kita minahal. It’s just a dare with my friends. Hindi ako magpapagalaw sa ibang lalaki kung minahal din kita ng totoo.”

Nilakasan ko ang aking loob na masabi sa kaniya lahat-lahat ng mga masasakit na salita upang tuluyan niya na akong layuan.

“Kahit anong gawin mo, hindi kita kayang mahalin, Alexus . Kahit magmakaawa ka pa sa harapan ko, hinding-hindi na ako babalik sa ‘yo. Kalimutan mo na lang ako. Diring-diri na ako sa sarili ko kaya naisip ko na sabihin sa ‘yo ang totoo.” Napasinghap ako. “Hindi kita minahal at ibang lalaki ang ng batang dinadala ko. Kalimutan mo na lang ako, Alexus. Hindi ako ang babaeng para sa iyo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 57

    Belle's POV Maingay pa ring humahagibis ang ulan sa bintana, pero sa loob ng bahay ay parang lumilipas ang oras sa mabagal, marangyang tik-tak — tila sariling sinasanto ng silid ang pinaghalong init at amoy ng kape, balat, at bagong-lutong pancakes. Ilang minuto na ang nakalipas buhat nang tinangka kong “asarin” si Brent sa kusina: unang hakbang, hawakan; pangalawa, lumuhod; pangatlo, pasukin ang isang teritoryong akala ko ay nakalaan lang sa kanya. Ang resulta — kami ngayon ay magkayakap sa ibabaw ng malamig na granite island, waring walang halaga kung basa pa ng katas ang mga daliri ko at kung magulo ang buhok niya. Humihinga kami nang malalim, sinasaliksik ang katahimikan na ninakaw namin mula sa mapusok na umaga. Ang mga palad niya ay nakasilid sa tagiliran ko, gumuguhit ng banayad na kurba na para bang koreograpya ng isang klasikong ballet. Sa bawat paghinga, bumabangga ang dibdib niya sa dibdib ko, at nakararamdam ako ng kuryenteng hindi ko pa rin matukoy kung saan nanggagaling

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 56

    Belle's POVMainit ang ihip ng hangin mula sa bukas na bintana ng kusina, pero mas mainit ang dila ni Brent sa pagitan ng mga hita ko.Napaliyad ako, napakapit ang dalawang kamay ko sa buhok niya habang ang bawat galaw ng dila niya ay tila nagpapadala ng alon ng kiliti't kilabot sa buong katawan ko. Napapasinghap ako sa sarap, habang paulit-ulit siyang humahagod sa kaselanan kong tila ba gutom na gutom siya sa akin."Brent..." I could barely say his name. Parang mawawala ako sa ulirat sa bawat hagod ng dila niya.Hindi siya huminto. Tila ba sinasaulo niya ang bawat himaymay ng pagkatao ko. Lunod na ako sa sarap at init, at sa isang iglap, huminto siya—bitin pero puno ng pangako.“I like licking and sucking your pussy,” bulong niya, puno ng mapang-akit na paglalandi. May halong pagmamayabang sa tinig niya, parang alam niyang naabot ko ang langit at binalik niya ako sa lupa.Napatingin ako sa kanya habang namumula ang pisngi. Para akong tinubuan ng hiya kahit kami lang dalawa. Hinampas

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 55

    Belle's POV Napakapit ako sa balikat ni Brent habang marahan siyang pumasok sa akin, pulgada-pulgadang pinupunit ang hininga ko. Hindi ko mapigilan ang pagtirik ng mata habang ang katawan ko'y sinasanay pa lang sa bago, mainit at mapusok na pakiramdam. Isang pag-angkin na tila isinulat na ng tadhana pero hindi kailanman ipinangakong magiging madali.“Brent…” Napasinghap ako, halos mapaiyak sa sakit at sobrang sensasyon na sabay-sabay bumalot sa akin.He kissed me gently, as if trying to soothe the tremble in my body.“Tell me to stop,” bulong niya habang nakadikit ang mga labi niya sa pisngi ko. “Hindi kita pipilitin, Belle. I’ll wait if you want me to.”Ang mga mata niya’y puno ng pag-aalala, kahit ramdam kong halos pumutok na ang pagpipigil niya. Nakapikit siya nang sandaling iyon, parang kinakalaban ang sariling pagnanasa.Tiningnan ko siya, ang lalaking pinakasalan ko nang biglaan, ang lalaking minahal ko nang buong puso. Kahit nasasaktan ako, mas nangingibabaw ang tiwala ko sa k

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 54

    Belle's POV Tahimik ang loob ng bridal car habang binabaybay namin ang daan papuntang simbahan. Malamig ang hangin mula sa aircon, pero mas malamig ang pakiramdam sa loob ng dibdib ko. Parang may unos na hindi ko maipaliwanag—halo ng kaba, tuwa, at excitement.Kumakabog ang puso ko. Hindi na ako makapagsalita. Tinitigan ko ang sarili ko sa maliit na salamin sa loob ng sasakyan. Ito na talaga ‘to. Hindi na ito rehearsal. Hindi ito panaginip. Today, I’m marrying Brent.“Ready ka na ba, hija?” tanong ni Mommy mula sa tabi ko. Hawak niya ang kamay ko, pinipisil niya iyon na parang sinasalo ang buong emosyon ko.Huminga ako nang malalim. “I think so… No, wait—yes. Yes, I am.”Ngumiti siya at pinunasan ng tissue ang gilid ng mata ko. “You look so beautiful. Brent’s lucky to have you.”“No, Mom,” bulong ko, nanginginig ang boses, “I’m the lucky one.”Pagbaba namin ng sasakyan, sinalubong agad ako ng malamig na ihip ng hangin. Nakatayo sa harap ko ang isang magandang tanawin ng simbahan, pun

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 53

    Nagising ako dahil sa isang napakalakas na tawanan mula sa ibaba. Napaigtad ako sa kama, gulat na gulat. Saglit akong napahawak sa dibdib ko dahil sa biglaan kong pagkagising. Mabilis kong kinapa ang phone ko pero wala roon. Kahit wall clock, wala akong makita. Anong oras na ba ‘to?Bumangon ako at inayos ang sarili, ramdam pa rin ang kaunting hilo dahil sa kalasingan kagabi. Napainom ako ng alak kagabi kasi birthday ng kasama ko sa trabaho. Hindi ko nga maalala kung paano ako nakarating sa kama ni Brent. Ang huling naaalala ko lang ay ang paulit-ulit na pag-amin ko kay Brent.Napapikit ako sa kahihiyan.“Diyos ko, sana nalunod na lang ako sa alak,” mahina kong bulong.Nang bumaba ako mula sa hagdan, bumungad agad sa akin ang isang napakaingay at punung-punong bahay. Para akong napadpad sa isang family reunion na hindi ko naman alam na may ganoon.Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga taong nagsisiksikan sa sala ni Brent.Wait... Kilala ko ‘tong mga ‘to. Si Mommy. Si Daddy

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 52

    Brent's POV Katatapos ko pa lang ihatid si Claudia pauwi nang tumunog ang phone ko. Pagod na ako, mentally drained, and honestly, a bit confused pa rin sa naging biglaang kiss niya sa labas ng ospital. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ng kotse ko, agad ko nang binasa ang text na dumating.From: EsnyrBrent! Punta ka dito sa Tipsy Bar. Bella’s drunk and crying. Hinahanap ka, gaga siya.Nanlaki ang mga mata ko.Bella's drunk and she's crying?Hindi na ako nagdalawang-isip. Agad akong sumakay ng kotse at pinaharurot iyon patungonsa bar kung saan madalas nagha-hangout sina Esnyr at Bella. Bago pa ako makaliko sa intersection, tumawag si Esnyr.“Brent, ano ka ba?! Kanina ka pa hinahanap ni Bella! She’s crying like someone left her sa altar. Ang sakit-sakit sa puso, ‘teh! You better show up now or I’m dragging your straight ass here myself!”“I’m on my way,” mabilis kong sagot.Ilang minuto lang, nandoon na ako sa bar. Matao, maingay, at punong-puno ng mga taong wala nang pake kung mas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status