Luna’s POV
Five years later… Ang lambot ng upuan sa crew station ay halos hindi ko na maramdaman. Sa kabila ng pagod mula sa biyahe, ang puso ko ay puno ng pananabik. Sa bawat segundo ng pagbaba ng eroplano, parang mas umiikli ang distansya ko sa anak ko. “Cabin crew, prepare for landing,” sabi ng captain mula sa cockpit. Tumayo ako, sinigurong nakasarado ang overhead bins at nakaayos ang mga pasahero. Lahat ay tila abala sa kani-kaniyang ginagawa, ngunit ang utak ko ay nakatuon lang sa iisang bagay—ang yakapin si Bella. Nilingon ko ang bintana. Ang mga ilaw ng lungsod sa gabi ay parang alahas na nakahiga sa kadiliman. Malapit na talaga. Naramdaman ko ang bahagyang pag-iling ng eroplano habang bumaba ito nang tuluyan. “Ma’am, are we almost there?” tanong ng isang pasaherong nanay na may dalang sanggol. Ngumiti ako sa kaniya, ang ngiting puno ng sariling pangungulila. “Yes, Ma’am. Just a few more minutes,” sagot ko. Sana nga ganito rin kabilis ang lahat—ilang minuto na lang at nandiyan na ako sa piling ng anak ko. Habang sinisigurado kong nakaupo at naka-seatbelt ang lahat, bigla kong naramdaman ang pag-init ng mga mata ko. Ilang buwan na rin akong wala sa bahay. Nakita ko si Bella sa video call kahapon, ngumiti siya pero alam kong iba pa rin ang personal. Iba pa rin kapag nakikita at nayayakap ko siya. Narinig ko ang anunsyo mula sa kapitan. “Ladies and gentlemen, welcome to Manila. We have safely landed.” Napuno ng palakpakan ang kabin, pero ako, ang puso ko lang ang kumakanta. Nakangiti akong tumayo sa gitna ng aisle, nagsimula nang magpaalam sa mga pasahero habang inaayos ang aking sarili. Halos gusto kong mauna pa sa kanilang bumaba. Paglabas ko ng eroplano, mabilis ang mga hakbang ko. Hindi ko alintana ang bigat ng dala kong bag. Nang makita ko ang arrivals area, hinanap agad ng mga mata ko si Bella. At ayun siya, nakatayo, hawak ang maliit niyang backpack. Kasama niya ang kaniyang Yaya. Nang magtama ang mga mata namin ni Bella, tumakbo siya papunta sa akin. “Mommy!” “Bella!” Niyakap ko siya nang mahigpit, parang hindi ko na siya kayang bitawan pa. Sa wakas, nasa piling ko na ulit siya. Habang buhat ko si Bella, ramdam ko ang init ng yakap niya na parang nagpapalakas sa akin matapos ang mahabang biyahe. Napansin ko ang mga naglalakad na pasahero sa paligid, pero mas nakatuon ang atensyon ko sa kaniya. “Mommy, may dala ka bang pasalubong?” tanong ni Bella habang nakayakap pa rin sa leeg ko. Napatawa ako nang bahagya. “Oo naman, pero mamaya na, ha? Gutom ka na ba?” “Kaunti,” sagot niya, sabay ngiti na parang kayang tunawin ang lahat ng pagod ko. Habang naglalakad kami patungo sa parking area, bigla akong napatigil. Ang mundo ko ay tila bumagal, at ang boses ng mga tao sa paligid ay naglaho. Si Alexus. Nakatayo siya sa malayo, malapit sa counter ng crew lounge. Suot niya ang uniporme ng piloto, mukhang mas maayos pa rin kaysa sa dati, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko. Ang dahilan ay ang mga mata niyang nakatingin sa akin, na para bang wala nang ibang tao sa paligid. “Luna,” tawag niya, malalim at pamilyar ang tinig. Parang naglakbay ang boses niyang iyon mula sa nakaraan, bumalik para guluhin ang kasalukuyan ko. Hindi ko alam kung paano ako nakatayo pa. Parang biglang nanigas ang mga tuhod ko. Hawak ko pa rin si Bella, pero ang pakiramdam ko, ako ang nanghihina. “Alexus,” mahina kong sagot, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Lumapit siya. Sa bawat hakbang niya, parang mas bumibigat ang dibdib ko. Ang daming tanong sa isip ko—bakit siya nandito? Bakit ngayon? At paano kung malaman niya? Ngumiti siya, pero may lungkot sa likod ng mga mata niya. “Hindi ko inasahang magkikita tayo ulit.” “Pareho tayo,” sagot ko, pilit na hinahawakan ang sariling lakas. Napatingin siya kay Bella, at sa isang iglap, ang kaba ko ay naging takot. Nakita ko ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya. “Luna…” tanong niya, mabagal at may halong pagdududa, “anak mo ba siya?” Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa. Binalot ako ng katahimikan na parang kulungang hindi ko matakasan. “Bella, punta ka muna kay Yaya, ha? May kakausapin lang ako,” paalam ko kay Bella. Tumakbo ang bata patungo sa kinaroroonan ni Yaya Ana. “Ang laki na pala ng anak mo sa ibang lalaki,” sarkastikong sabi ni Alexus kaya hinarap ko siya. “Hindi mo na kailangan pang idiin kung sino ang ama ng anak ko.” Inirapan ko siya at nagpasyang talikuran siya nang bigla siyang nagsalita. “So, how’s your life after you cheated on me and got pregnant with the other man?” Umigting ang aking panga sa tanong ni Alexus. “Iniinsulto mo ba ako?” “Hindi. Nagtatanong lang ako.” Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso. “Mukhang maayos naman ang buhay mo simula nang naghiwalay tayo.” “Wala akong oras makipagbiruan o makipag-usap sa iyo, Alexus. Kalimutan na natin kung ano man ang nangyari noon.” “Paano ko makakalimutan ang ginawa mong pangloloko sa akin, Luna? Hindi madaling kalimutan ang ginawa mo lalo na’t nagbunga ang pangloloko mo sa akin habang nasa ibang bansa ako.” Ngumisi si Alexus at Niluwagan ang kaniyang neck tie. Humakbang siya palapit sa akin. Napalunok ako nang bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya. Naramdaman ko agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pagtindig ng lahat ng mga balahibo ko sa katawan. “Ano? Mas napaligaya ka ba ng lalaki mo noon sa kama? Did you fuck everyday? Ilang beses sa isang araw ninyo ginagawa ang –” Isang malakas na sampal sa pisngi niya ang ginawa ko kaya naputol ang sasabihin niya. “Oo. Mas masarap siya kung ikukumpara sa iyo. Pinapaligaya niya ako sa kama. Napunan niya ang mga pangungulila ko sa ‘yo, Alexus.” Itinulak ko siya palayo sa akin. “Isipin mo na lahat ang gusto mo. Matagal na tayong tapos. Tahimik na ang buhay ko kaya huwag mo ng gugulohin pa,” matigas kong sabi sa kaniya. “Hindi ko akalain na ganito ang magiging buhay mo, Luna,” malamig na sabi ni Alexus. Ang mga mata niya, na dati ay puno ng init, ngayon ay puno ng pagdududa at panghuhusga. “Isang single mother, nagtatrabaho bilang flight attendant. Akala ko ba, mas mataas ang mga pangarap mo?” Para bang sinampal ako ng bawat salitang binitiwan niya. Masakit, pero hindi ako nagpakita ng kahinaan. Tumayo ako nang diretso, pilit na nilulon ang namuong galit at hinanakit. Hindi niya kailangang malaman kung gaano kasakit ang mga sinabi niya. Hindi ko siya pagbibigyan. “At ano namang pakialam mo, Alexus?” matapang kong sagot, kahit na nanginginig ang boses ko. “Hindi lahat ng tao may buhay na katulad ng sa ’yo—bilyonaryo, piloto, laging nasa taas. Pero alam mo ba? Masaya ako, Alexus. Masaya ako sa piling ng anak ko, at wala kang karapatang insultuhin ang mga pinili ko sa buhay.” Hindi siya sumagot agad. Nakatingin lang siya sa akin, pero sa mga mata niya, nakita ko ang lungkot, o baka pagkabigo. Hindi ako sigurado. Wala na akong pakialam. Tumalikod ako. Pilit kong nilakasan ang loob ko habang naglalakad papunta kay Bella, na kanina pa nakaupo sa bench, tahimik na hinihintay ako. Ang liwanag ng ngiti niya ang nagpatigil ng panginginig sa mga kamay ko. “Mommy, gutom na ako,” sabi niya, walang kamalay-malay sa tensyon na naganap ilang metro lang ang layo. Ngumiti ako sa kaniya, pinilit na burahin ang lahat ng sakit sa mukha ko. “Oo, anak. Tara na, kakain na tayo.” Habang hawak ko ang kamay niya at naglalakad papalayo, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Pero sa bawat hakbang din, pinapaalala ko sa sarili ko—si Bella lang ang mahalaga. Siya ang dahilan ng lahat ng ginagawa ko. Wala nang puwang si Alexus sa buhay naming mag-ina.Hello! Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. May ilang readers dito na galing pa talaga sa The Billionaire's Substitute Bride. Ang kwento sa Lola at Lolo ni Bella. Maraming salamat po sa pagsama sa akin kahit sobrang gulo na. Ganiyan talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin ay nasusunod. Ang buhay ng tao ay magulo. Hindi lahat ng love story ay nagtatapos sa masaya. Kaya mahalin natin ang ating mga mahal sa buhay habang nandiyan pa sila. Huwag natin sasayangin ang bawat segundong iparamdam kung gaano natin sila kamahal. Dahil hindi natin kayang i-predict ang ating kapalaran. Hindi natin malalaman kung kailan sila kukunin sa atin. My ongoing Stories: 1. The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG) - Special Chapters na lang kulang nito. 2. Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG) - Malapit na matapos. 3. The Cold Billionaire's Forbidden Maid - Malapit na matapos. 4. Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back 5. Dumped and Decei
Nakatitig lamang si Bella sa mga larawan ni Brent na naka-display sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Mga huling kuha nila iyon bago tuluyang mawala sa kanya—mga larawang laging pinagmamasdan niya tuwing gabi at umaga, para bang doon na lang siya kumukuha ng lakas para mabuhay pa. Today was his first death anniversary. At the same time, iyon din ang kanilang second wedding anniversary. Dalawang okasyong magkasalungat—isa para sa paggunita sa buhay na minsang pinuno ng pagmamahalan, at isa para sa pagkawala na sumira sa lahat ng meron siya. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko, habang marahan niyang hinahaplos ang frame ng litrato gamit ang dulo ng mga daliri. “Brent…” mahinang tawag niya, halos hindi lumalabas sa bibig. Para bang umaasa siyang may sumagot mula sa kawalan. “Happy second wedding anniversary… and… your first death anniversary.” Napahinto siya, pilit nilulunok ang namumuong luha. “Miss na miss na kita.” Sumandal siya sa headboard, pinipilit ngumiti kahit ra
Bella’s POVNagising ako nang marinig ang iyakan ng pamilya ko sa labas ng kwarto. Mabigat ang dibdib ko habang bumangon. Nagkusot ako ng mata at agad na nagtungo sa silid ni Brent.Pagbukas ko ng pinto, halos mapaluhod ako nang makita ang flatline sa monitor.“Brent?!” halos pasigaw kong tawag. Mabilis akong lumapit, nanginginig ang mga kamay.May doktor at dalawang nurse na nagmamadaling sinusubukan siyang i-revive. “Clear!” sigaw ng doktor bago pinindot muli ang defibrillator.Pero walang pagbabago.“Please, gawin niyo pa! Don’t stop!” sigaw ko habang pinipilit lumapit sa kama niya.“Ma’am, we’re trying our best…” sagot ng doktor na halatang mabigat din ang loob.“No! You’re not trying hard enough! Please, one more! Isa pa!” halos pakiusap at utos na ang tono ko.Nagtinginan ang mga nurse pero sumunod pa rin. Isa pang shock. Wala pa rin.“Brent! Gumising ka, please!” Pilit ko siyang ginigising, hinahawakan ko ang malamig niyang kamay. “This isn’t funny! You promised me… you promise
Bella’s POVHuminto ako sa trabaho bilang doktor sa sarili naming ospital. Wala na akong ibang iniisip kundi si Brent. Gusto kong mag-focus sa pag-aalaga sa kaniya lalo na’t habang tumatagal ay mas lalo siyang nanghihina.Araw-araw akong umiiyak at walang sawang nagdarasal na sana magkaroon ng himala—na gumaling si Brent. Pero kahit anong pakiusap ko sa Diyos, parang walang nangyayari. Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang ma-diagnose siya.Nagsimula na rin ang treatment niya, pero halata sa katawan niya ang pagkapagod. Lumalalim ang mga mata niya, at madalas ay wala na siyang ganang kumain.Hindi ko mapigilang mapaiyak habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog sa kama namin. Nakaupo lang ako sa gilid, hawak ang kamay niya. Palagi ko siyang kinukwentuhan kahit tulog siya—kung paano kami unang nagkita sa ospital, kung paano siya palaging makulit sa akin noon hanggang sa napapayag niya akong lumabas kasama siya, at kung paano niya ako tinanong kung gusto ko nang maging asawa
Brent’s POVNapahawak ako sa sentido ko nang muling maramdaman ang matinding kirot. Para bang kumikirot mula sa loob at kumakalat pababa sa leeg ko. Napapikit ako at dahan-dahang huminga, pero wala ring bisa. Ilang beses ko nang nararanasan ito sa loob ng limang buwan. Minsan kaya ko pa, pero nitong huli, parang mas lumalala.Kanina lang, halos hindi ako makakain ng maayos. Tuwing umaga, sumasabay sa sakit ng ulo ang pagsusuka. Minsan kahit wala namang dahilan, naiirita ako—lalo na kapag paulit-ulit akong tinatanong ni Bella kung ayos lang ba ako. Hindi niya alam na may tinatago akong iniindang sakit.Mag-iisang taon na ang kasal namin. Sa lahat ng panahong iyon, naging maayos naman kami. Pero sa kabila ng mga tawa, plano, at pangarap, tinatago ko sa kanya ang totoo. Ayokong mag-alala siya. Ayokong makita sa mga mata niya ang takot.Kaya ngayon, mag-isa akong pumunta sa ospital para magpa-check up. Pagkatapos ng ilang tests, nakaupo ako sa labas ng laboratory habang hinihintay ang res
Belle's POV Maingay pa ring humahagibis ang ulan sa bintana, pero sa loob ng bahay ay parang lumilipas ang oras sa mabagal, marangyang tik-tak — tila sariling sinasanto ng silid ang pinaghalong init at amoy ng kape, balat, at bagong-lutong pancakes. Ilang minuto na ang nakalipas buhat nang tinangka kong “asarin” si Brent sa kusina: unang hakbang, hawakan; pangalawa, lumuhod; pangatlo, pasukin ang isang teritoryong akala ko ay nakalaan lang sa kanya. Ang resulta — kami ngayon ay magkayakap sa ibabaw ng malamig na granite island, waring walang halaga kung basa pa ng katas ang mga daliri ko at kung magulo ang buhok niya. Humihinga kami nang malalim, sinasaliksik ang katahimikan na ninakaw namin mula sa mapusok na umaga. Ang mga palad niya ay nakasilid sa tagiliran ko, gumuguhit ng banayad na kurba na para bang koreograpya ng isang klasikong ballet. Sa bawat paghinga, bumabangga ang dibdib niya sa dibdib ko, at nakararamdam ako ng kuryenteng hindi ko pa rin matukoy kung saan nanggagaling