Share

RED ROSE XV

Chapter 15

KALILA MADISON RAMIREZ

KINABUKASAN, matamlay kong ginawa ang morning routine ko. Mabigat ang aking katawan nang bumangon ako sa kama, tila ba tinatamad na. Pero dahil ayokong isipin nila na natatakot ako kay Cassidy, hinanda ko na lamang ang sarili ko. Kung hindi nila kami tatantanan ngayon, sisiguraduhin kong lalabanan namin sila.

"Don't forget to feed Boots po ha?" ani ko kay Nanay Belinda habang pinapasadahan ng kamay ko ang ulo ng pusa.

Kapansin-pansin na ang kaunting pagbabago sa katawan ni Boots. Medyo tumataba na siya at nagiging mas malambot ang puti at kahel nitong balahibo. Ang mas nakakatuwa pa roon, lumalapit ito ng kusa sa akin. Parang nagustuhan ako bilang may-ari niya. Hindi katulad ni Gray noon na kung kailan niya trip lumapit sa akin, doon ko lang siya mahahawakan.

"Bibilhan na natin ng cat food 'yan soon Kalila," singit naman ni Mommy. Nakaupo siya sa sofa habang umiinom ng kape. Kaharap niya ulit ang laptop.

"Okay po," sagot ko naman.

Nagmano ako kina Momm
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status