Nagtagal pa ang aming yakapan dahil ninamnam namin pareho ang pagkakataon, dahil pagkatapos nito ay hindi na ito mauulit pa, sana. Lalo lang ako maiilang, lalo lang magiging awkward ang lahat. Dahil kahit ano pa 'man ang mangyari, nakakontrata naman ang lahat ng 'yon, lahat ng ito.
Napikit naman ako nang mariin dahil hindi ko nga pala binasa nang buo ang mga nakasaad sa kontrata na 'yon. Itatanong ko na lang sa kanya kung nasaan, at muli kong mabasa 'yon. Para alam ko na 'yon nang buo. Hindi ko rin kasi alam kung kailan ito matatapos, at sa tingin ko ay tapos na rin naman kami.
Pero hindi pa tapos ang benefit na nakukuha niya sa akin kaya tuluy-tuloy lang na ganito. Hindi ko na rin alam ang sunod na magkikita-kita kami ng magulang niya. Nang gusto ko nang putulin ang aming yakapan ay mahina kong nai-tap ang kanyang likod upang sabihin sa kanya na bumitaw na
Humarap na ako sa kanya at naputol niya na ang yakap niya sa akin. Kahit naiilang ako at hindi ko alam kung namumula pa rin ba ako hanggang ngayon ay matapang ko siyang hinarap. Dahil ano ba kami? Kasal lang kami under contract, bakit parang kung makaatas siya akala mo mayroong ibang ibig sabihin at talagang mahal namin ang isa't isa? Kitang-kita ko ang inosenteng mata ni Louis at ang napakaguwapo niyang mukha. Hindi ko maiwasan na pagmasdan lamang ang kanyang mukha. Iyong mata niyang brown, mahahabang pilik-mata, makapal niyang kilay, 'yong matangos niyang ilong, iyong medyo mapula niyang labi, iyong makinis niyang pisngi, at iyong buhok niyang pang-bad boy. Gayunpaman, iyong titig niya sa akin ay parang tinitignan niya na rin pati ang kaluluwa ko na rin. Nilabanan ko ang titig niya at kumuha na ako ng maraming lakas ng loob para magsalita. Kahit na nakakatakot s
Nagising ako dahil sa liwanag na ng araw na sumasalubong sa aking mukha. Inusod ko pa muna ang mukha ko para hindi ako mailawan dahil sobrang liwanag at ang init. Gusto ko pang matulog at inaantok pa ako. Pagkausod na pagkausod ko ay parang mayroon akong katabing malaking unan, pero unan ba ito? Hinawak-hawakan ko pa ito upang masuri talaga. Ang tigas at ang laki naman nito masyado. Umusud-usod pa ako upang malaman kung ano ba ito habang nakapikit pa ako dahil alam ko kapag minulat ang mata ko ay hindi na ako makakatulog pang muli. Nang hindi ko malaman kung ano ba ito ay dahan-dahan ko nang minulat ang mata ko at naiirita pa. "Oh my gosh!" sigaw ko pero kaagad ko ring tinakpan ang bibig ko. Napasigaw ako dahil narito lang naman si Louis. Anong ginagawa niya rito?! Nanlaki pa lalo ang mata ko nang makitang wala pa siyang suot na pang-itaas. Pinikit ko pa ang mata
Nakarating ako sa studio namin na magulo ang aking buhok at hindi ako nakaayos, dahil hindi ko namalayan ang oras na late na pala ako. Nakakainis kasi si Louis, para kasi siyang t*nga. Una kahapon iyong na mga bagay na pinag-usapan namin, iyong tindi at lakas ng tensyon na 'yon, 'yong mga pinagsasabi naming dalawa para sa isa't isa. Iyong kung paano rin ako nagising no'ng madaling-araw at alam na alam ko naman kung sino 'yon. At mas lalong nakakairita pa na pagkagising na pagkagising ko ay mukha at ang katawan niya pa ang bumungad sa akin. Nang-aasar pa siya sabay gising pa siya no'ng mga oras na tinititigan ko ang kanyang pagmumukha. Naalala ko pa ang naging usapan namin bago ako makapunta rito sa trabaho, napapikit ako nang mariin dahil doon. Anu-ano kasi ang pinagsasabi niya, ayan tuloy ay nakapagsabi ako ng mga salita na hindi ko naman ibig na sabihin ang laha
"Anong sinasabi mong I love you, I love you riyan?!" bungad ko sa kanya habang patuloy pa rin ang pagnguya ko. Tinawagan ko ngayon ang lalaking ito dahil sa letter na binigay niya pa kanina na may nakalagay pa sa dulo na I love you. Parang t*nga lang, at ano ang ibig no'n sabihin? Well, alam ko naman pero kailangan ko ng explanation dahil kung anu-ano na naman ang trip niya. "Hmm, I love you too!" walang kuwenta niyang sagot at napairap naman at lalong nanggigil sa kanya. Nilunok ko na muna ang kinakain ko at saka ako sumagot sa kanya. "I wasn't saying it! I was talking about sa letter na binigay mo, you d*mb*ss. Ang feeling mo naman masyado!" sigaw ko at saka ako sumubo ng aking pagkain. Narinig ko ang hagikgik ng lalaki mula sa kabilang linya at napaikot naman ulit ang aking mata dahil sa tawang 'yon, nakakapikon siya! "Okay, okay. Chill, wife—"
Bago pa siyang tuluyang makalapit sa akin at kaagad ko naman siyang sinuktok sa kanyang braso. "Aw!" Hinawakan niya pa ang kanang braso niya dahil doon ko siya sinuntok, at iyong mukha niya ay nakakatawang tignan dahil binigyan niya ako ng mukha na hindi makapaniwala dahil sa ginawa ko sa kanyang iyon. Tumawa na muna ako at siya naman ay nagtataka't kung anu-ano na siguro ang iniisip niya kaya lalo pa akong natawa. "D*mn, woman," angil niya. Tinignan ko naman siya ngayon nang masama at saka niya tinaas ang kanyang mga kamay na parang sumusuko. "Huwag mo akong ginaganyan!" "No, not you! I can't speak ill about you." "Whatever!" Umirap ako sa kanya at saka ako naglakad papasok na sa loob ng bahay namin pero bago pa ako tuluyang buksan ang pinto namin ay
Humarap ako sa kanya at saka ko siya binigyan ng tingin na nagtataka dahil sa nakasulat na lettering doon. Anong 5 months? Happy? Married? Alam ko naman ang ibig sabihin no'n, gusto ko lang ng kalinawan dahil hindi ko maisip na ganito? Maghahanda siya ng ganito para lang do'n? At saka ito ang tawag na monthsary ba 'yon? Gulung-gulo na ako. Gusto ko makuha ang kasagutan pero itong lalaki naman ay nakangiti lang na parang t*nga. Tumingin naman siya sa akin at nagbago ang timpla ng kanyang mukha dahil sa binibigay ko sa kanyang tingin. "What?" inosente niyang tanong. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nakumpirmi ko na nagce-celebrate nga kami ng monthsary namin na kasal kami. "Is this?" dahan-dahan kong tanong at hindi ko kayang ipagpatuloy ang sunod kong gustong sabihin at alam kong alam niya na ang ibig kong sabihin.
Dahil sa sinabi kong 'yon ay parang nailang na tuloy ako. Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Dapat talaga pinag-iisipan ko talaga nang mabuti kung ano 'man ang dapat kong sabihin. Eh, ano ba kasi naman? Gusto ko lang naman sabayan ang trip niya sa buhay. Kaya sinabi ko 'yon, hanggang ngayon ay natigilan pa rin si Louis at kinakabahan na ako dahil kahit isa ay wala pa rin siyang sinasabi.Puwede bang kahit isang salita magsalita siya? Kahit isa lang, para hindi naman ako mukhang nakakahiya rito. Hiyang-hiya na ako."Will you please say something?!" iritang sambit ko dahil para siyang t*nga na nakatitig lang sa akin na mayroong gulat na ekspresyon. Nang ma-realized niya na kung ano ang kanyang lagay ngayon ay siya namang napabalik sa kanyang sarili, at umiling-iling at saka siya yumuko."Ano?" sambit kong muli pagkuha sa kanya ng atensyon. Umang
"Dami mong alam!" Nagtawanan naman kami dahil sa hirit ko na 'yon. Nagpatuloy kaming kumain at ganoon din sa aming kuwentuhan. Binanggit ko rin sa kanya ang naging meeting namin kaninang umaga at ngiti lang siya nang ngiti. In his eyes, I could see that he is proud of me, I, am too. "This is the start of the success of my wife! This is perhaps a double celebration!" masaya niyang sigaw at natawa naman ako dahil inakto niya. "Huwag niyo po sana akong kalimutan." Natawa pa ako lalo dahil sa para naman siyang tuta ngayon. "Ang kulit mo talagang lalaki. Ikaw? Kumusta sa 'yo?" casual kong tanong at saka ako nagpatuloy na kumain. "It was fine... it's getting better and better, kaso mayroon lang mga minor coflicts. Ang kulit kasi no'ng HR resources, simple lang naman ang pinapagawa kong idea o concept sabay dagdagan niya na lan