Share

Chapter 16

"So now, tell me... are you avoiding me? And if yes, why?" malambing niyang tanong at ako naman ay rinig na rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis at lakas nito, hindi ko mapakalma ang aking sarili kaya napikit na muna ako ng aking mga mata at saka ko muling minulat.

Kitang-kita ko ang guwapo niyang mukha na nag-aalala ang kanyang inosenteng mga mata. Hinawi niya ang buhok ko nang dahan-dahan dahil humangin at nilagay niya ito sa likod ng aking tainga. Hindi ko tuloy maiwasan na maisip na baka kung baka mayroong dumi sa mukha ko, o baka may kung anong mayroon sa mukha ko at nakakahiya lalo't titig na titig sa akin si Louis. 

"Wife?" tawag niya sa akin na lalo nagpabilis sa aking puso. Binuka ko na ang aking bibig, sasagutin ko na dapat siya pero walang kahit anong salita at kung ano 'man ang aking nais sabihin na maririnig dahil natigilan ak

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status