Napatingin si Felix sa screen ng telepono, kitang kita niyang talagang may itinapon na telepono sa labas ng bintana. Ayun iyon sa cctv ng lugar. Hindi mawari ang ekspresyon ng babae sa sasakyan. Siya ay nakasuot ng isang sumbrero at isang mask."Ano ang sumunod na nangyayari?" Malamig ang buong katawan ni Felix tagos hanggang buto ang takot niya. Nakakakilabot din ang lamig ng boses ni Felix. Ipinagpatuloy ni Marlon ang report..Pagkatapos ay nagmaneho ang inyong asawa patungo sa isang maliit na bayan sa labas ng lungsod. Doon, iniwan niya ang kotse at pumasok sa isang tindahan ng damit. Pagkatapos noon, wala nang surveillance kaya hindi na nakita pa kung saan na nagpunta si Madam."Siguro sa tindahan ng damit na ito nagpalit ng damit at nag disguise ang asawa nyo Sir, at umalis sa likod ng pinto. Walang surveillance doon, kaya hindi namin siya matunton sa puntong ito, nawala siya ng tuluyan sa kanilang paningin.Malungkot ang mukha ni Felix. Sa sandaling iyon tila kinailangan na ni
Tatlong araw na mula ng mawala si Yuna. Narinig niya na nagpadala si Felix ng mga tao kung saan-saan upang hanapin siya sa nakalipas na tatlong araw.Natagpuan ang bayan kung saan siya nawala.Hinanap din ang Bayan ng San Jose na bayang sinilangan ng kanyang ama. Ngunit hindi mahanap ng mga ito si Yuna. Si Yuna ay tila nawala bigla, ang kanyang mobile phone, ID card, at bank card ay hindi na nito ginamit na muli kaya nahirapan itong i trace kung nasaan ang babae at hindi malaman kung paano ni Yuna ito ginawa.Nang marinig ni Jessie ang balita, ay kasalukuyan siyang naghihintay ng kanyang prenatal check-up. Itinaas niya ang sulok ng kanyang mga labi at ngumiti,"Ang galing! mabuti naman pala at hindi ko na kailangan pang makita ang nakakainis na babaeng iyon." Bulong ni Jessie"Mukhang maganda ang mood ng susunod na misis Altamirano at masayaang magdiwang ng isang masaganang salo salo para sa isang magandang panimula hindi ba?" Sabi ng assistant ni Jessie. Napangiti naman si Jessie"
Matapos turuan ni Yuna si Benjo asignatura nito sa Ingles, hiniling nito sa kanya na bumaba at sabay na kumain ng hapunan. Sobrang nagustuhan ni Benjo si Yuna kaya tinanong siya nito."Ate, malapit na ang Bisperas ng Pasko. Plano naming pumunta sa bayan para magbenta ng mga peace fruit at bulaklak sa araw na iyon. Gusto mo bang sumama sa amin?"Hindi namalayan ni Yuna na malapit na pala ang Pasko.Kung nagkataon, ang kaarawan ni Donya Belinda ay sa Bisperas ng Pasko, na tatlong araw pa mula ngayon."Ate?" Nang makitang hindi siya tumugon ay tinawag siya ni Benjo ng ilang beses. Bumabalik sa katinuan si Yuna at nakangiting sinabi, "Nagbebenta ka ng mga peace fruit at bulaklak sa Bisperas ng Pasko? Mayroon akong lubos na kaalaman sa negosyo.""Oo, si lola ay nagtatrabaho nang husto, gusto kong tulungan siyang kumita ng kaunti." Sabi ni Benjo.Si Benjo ay isang mabuting bata sa isip isip ni Yuna. Hinawakan ni Yuna ang kanyang ulo ng binatilyo at sinabing, "Okay, sasamahan kita na magtay
Sa kasamaang palad ay naabutan si Yuna ng isang grupo ng mga bodyguard mula sa likuran niya, sa dami ng tauhan ni Felix malamang mabilis nga siyang masusundan.Namutla sa takot si Yuna, Bagamat alam niyang bihasa sa takbuhan ay sanay sa paghahanap ng tao ang mga ito ay pinilit pa rin ni Yuna kumawala ngunit walang saysay."Ano ba? Bitawan nyo ako! Hindi na ako babalik!" sigaw ni Yuna, naninigas ang kanyang katawan.Ngunit hindi pinakinggan ng mga bodyguard ang sinabi niya. Sinunod lamang nito ang utos ni Felix, sinunggaban siya at isinakay sa kotse.Napaatras si Yuna at nagpipiglas sa takot,"Ano pa ba ang gusto mo?"nakita ni Felix na marumi ang kanyang mukha at may malinaw na marka ng sampal sa mukha.Lalong naghurumentado sa galit ang dibdib ni Felix"Dapat ngayon pa lang ay binugbog na niya ang tarantadong lalaking iyon""Pumunta ka sa ospital ng bayan." Nakagat ni Felix ang kanyang mga labi at nag-utos."Hindi ako pupunta!" Nakahawak si Yuna sa bintana ng kotse at tumanggi na maka
Sa mga araw na nagdaan, si Yuna ay walang tigil na tumatakbo, at ang huling hininga sa kanyang puso ay ang maghintay para kay Felix at Jessie na ikasal at hayaan na sila ng kanyang ama na mamuhay ng magkasama at tahimik.Sa hindi inaasahang pagkakataon, muli siyang natagpuan ni Felix. Ilang araw na ang nakalipas, iniisip pa rin niya na kapag nawala siya nang tuluyan, hindi na siya hahanapin pa ni Felix pero sa hindi inaasahan, heto pa rin si Felix at hinahanap siya.Yun ang nasa isip ni Yuna bago tuluyang wlaa ng narinig pa. Kahit saan siya tumakas, hindi siya makatakas sa pagkakahawak nito, kaya't bumagsak siya at pakiramdam niya ay wala nang pag-asa sa hinaharap.Yun marahil ang dahilan kung bakit bumigay ang isip at katawan niya.Nawalan siya ng malay pero naririnig niya ang paligid."Yuna, tumigil ka na kase sa pag iyak..Yuna..Yuna.." tapik ni Felix sa pisnge ng asawa ng ilang uliy ng parang mawalan ito ng malay at kinapos sa paghinga.Nabuhayan ng dugo si Fleix ng maringi na um
"Hindi ba panganib ang nangyari sayo ngayon lang?" Tanong ni Felix na may matigas na mukha, "Kung nalate pa ako ng konti ng dating malamang sinalakay ka na ng hayop na iyon."Nang maalala ang tarantanong matador ay nanigas muli sa galit ang mukha ni Feng at nanlisik ang kanyang mga mata lalo na nang maalala ang hitsura ng kawawa niyang asawa kanina.Alam ni Yuna ang iniisip nito pagkatapos lamang ng isang sulyap at natatakot siya dahil si Felix ay taong mapusok at mabilos magalit, kaya hinawakan niya ang kamay nito at bumulong. "Ipadala mo na lang siya sa istasyon ng pulisya. Sinipa siya ni Marlon kanina, Nakikita kong kaya pero matigas ito at hindi man lang tumayo. Malamang na may mali sa kanyang balakang" sabi pa ni Yuna.Malamig na sabi ni Felix "Hindi dapat mabuhay sa mundo ang taong ganyan, " Kalimutan mo na, tama lang na may matutunan siyang leksiyon.Sinulyapan siya ng masama ni Felix. Mabait ka sa iba pero sa akin ay hindi. pinagsisipa mo ako at at binugbog pa" sumbat
Tumingin sa kanya si Felix, Napakalalim ng mga titig nito. Halos masunog siya sa init ng kanyang mga mata.Nababasa niya ang pananabik sa mga titig nito na may kahalo pa ngang pag aalala. Hindi talaga malaman ni Yuna kung bakit siya tanga noong mga nakaraang araw."Ano...ano ba?" Hindi maipaliwanag na kinakabahan at naeexcite siya ng sabay . Hinawakan pang lalo ni Felix ang maliit niyang kamay at bumulong."Tatawagin kitang asawa mula ngayon, okay?" Nakatitig na sabi nito."Oo na, bahala ka na" Ibinuka ni Felix ang kanyang mga labi, ang kanyang mukha ay malinaw na nanunukso. Natigilan si Yuna at hindi napigilang mapahiyas.. "Mr. Felix....""Magpakabait ka na!" hinawakan ni Felix ang kanyang ulo at hinalikan siya muli, ang manipis nitong labi ay humahaplos sa kanya, at sinabi sa mahinang boses." "Miss na miss kita asawa mo" Nagulat si Yuna, napakalakas ng tibok ng kanyang puso.Hindi alam ni Yuna kung gaano katagal bago siya binitawan ni Felix at kumuha ng gamot para ipahid sa mukha
Ang Bisperas ng Pasko ay ang kaarawan ni Donya Belinda kung paano haharapin ang usapin tunglip sa pagaasawa ay naka depende kay Felix. Kinagat ni Yuna ang kanyang mga labi at sinabing "Mananatili ako sa bahay ni Benjo hanggang Pasko.Habang abala ka naman sa pagaasikaso sa okasyun ng iyong ina" Pagkatapos magsalita ni Yuna, sumulyap siya sa kay Felix, "Huwag kang magalaal hihintayin kita dito, at kunin mo aka pagdating ng takdang panahon." Sabi pa ni Yuna. Tumingin si Felix sa asawa at may gusto sanang sabihin, ngunit sa huli ay nag-alinlangan siya at sinabi na lang, "Sige, nagpadala na ako ng doktor sa iyong iyong ama ibinilin kong aalagaan siyang mabuti. Hindi mo na kailangang mag-alala pa." Sabi na lamang niya. "Oo, salamat." Naniwala si Yuna sa kanyang kakayahan ng asawa at tumango. Natapos na ang pamimili ng masasarap na pagkain, puno na ang likuran ng sasakyan nila.Ang dalawa ay muling nanglakbay patungong Sinag Village. Pagdating nila sa entrance ng village, sin
Isang araw, bigla siyang nakaramdam ng hindi komportable sa pakiramdam.Marahil nagsimula ito sa sandaling naramdaman niyang narating na ni Yuna ang isang destinasyon sa magkaibang landas.Nang makita ni Lester si Patrick, lumabas ito ng kotse, dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at nagtanong,"Boss Patrick, maaari ba akong magtanong sa iyo?" Walang sinabi si Patrick kaya tinanong ito ni Lester ng deretso. "Ano ang relasyon mo ngayon sa asawa ng amo ko?"Itinaas ni Patrick ang kanyang mga labi at ngumiti, "Inutusan la na ni Felix para magtanong ng ganyan?""Hindi, gusto ko sanang itanong sa sarili ko." Tumayo ng tuwid si Lester at magiliw na nagpayo,"Si Boss Patrick ay isang matalinong tao. Dapat niyang makita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng aking Boss sa asawa niya. Kung si Boss Patrick ay may kaalaman sa sarili, dapat niyang layuan ang aming Madam. Pagkatapos ng lahat, ang sinumang makasakit sa aming Madam ay magdurusa." Sabi nito."Ang dapat na lumayo kay Yuna ngayo
Pero anumang pilit niYuna mapait talaga ang kape amerikani sa kanya epro hindi niya iyong iponahalata kay Felix. Sa harap nito ay hindi siya magpakita ng kahinaan at hinding-hindi siya dapat maakit sa kaguwapuhan nito ngayon.Dati siyang isang simpleng tao, kung saktan siya ng iba, nakakalimutan niya agad, at nagpapatuloy sa pagiging masaya. Dahil ayaw niyang parusahan ang kanyang sarili dahil sa pagkakamali ng iba.Pero simula nang maipasok ang kanyang ama sa ICU, at ayaw ni Felix na parusahan si Rowaena, nagpasiya si Yuna na parusahan ang kanyang sarili.Pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa pagmamahal sa taong hindi niya dapat mahalin. Pinaparusahan din niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, nasaktan ng ganito ang kanyang ama. Mula noon, ayaw na niyang maging masaya.Parang naunawaan din ni Felix ang ibig niyang sabihin, at naging bahagyang malalim ang kanyang boses,"Ano ang gusto mong gawin?" Tumingin siya, at n
Kinabukasan ay maagang nangtungo si Yuna sa Shop.Naabutan niyang abala si Myca sa pagpili ng ibat ibang sample ng tela. Pagbukas ng pinto ay nagtaas ito ng tingin at nakita siya .Nabakas niya ang kaligayan pero pagkagulat sa mga mata nito."Yuna...""Boss, nakabalik ka na!" Sabi naman ni Lin na katuwang ni Myca."Magandang araw sa lahat!" Bati ni Yuna sa ilang tauhan at ngumiti kay Lin, at pagkatapos makipag-usap ng sandali, inalalayan niya si Myca paakyat sa opisina sa ikalawang palapag.Namumula ang mga mata ni Myca habang tinitingnan siya, "Yuna, natutuwa akong makita ka, kakalabas mo lang mula roon, hindi ka ba magpapahinga kahit lang araw man lang ?" Sabi ni Myca. Labis nipang ikinalungkot ng makulong si Yuna."Hindi na, wala naman akong gagawin." Tumingin si Yuna sa matambok na tiyan ni Myca."Sino ba ang nahihirap ha, ilang linggo na lang ba bago lumabas ang baby pero nagtatrabaho ka pa rin?"Tumingin si Myca sa kanyang tiyan, at naglabas ng dila, "Ganyan din ang sinasabi n
Medyo natulala si Yuna, hindi niya maintindihan ang nababasa sa mga mata ni Patrick. Pero para kay Yuna dapat ay wala ng madamay pa, dapat ay siya ang gumawa upang mapanatag ang kalooban niya. Sa kanya may atraso si Rowena kaya dapat sa mga kamay niya rinamgbayad ang babae. Kaya sa huli ay umiling siya,"Hindi na, Kuya Patrick, alam kong hindi ka rin masaya sa pamilya mo at may mga sarili ka ring problema, ikaw at ang iyong kuya ay magkalaban din diba. Mahirap din ang iyong buhay."Sinabi na sa kanya ni Myca dati, na si Petrick ay dumating lang sa pamilya Perez, at parang anak lamang sa labas, ang kuya nito ang tagapagmana, kaya't si Patrick, ang bagong ikalawang anak na lalaki, ay hindi masaya sa pamilya Perez.Yumuko si Patrick na tila napahiya at nainsulto bago muling tumingin kay Yuna."Okay lang, kaya kitang tulungan." Pero ilang ulit pa ring umiling muli si Yuna, at bahagyang lumabas ang kanyang mga dimples, sinabi niya kay Patrick,"Kuya Patrick, ayaw kong maging pabi
"Yuna!" Nag-iba ang tono ni Felix, at hinabol siya."Mr. Felix, itigil mo yan, hindi na tayo ganoon na magkakilala pa baka nakakalimutan. Mo wala na tay9ng konektion pa, huwag mo akong sundan pewde ba?" singhal nibYuna.Nang makarating si Yuna sa gilid ng kalsada, huminto ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana, at muli niyang nakita ang nakakainis na mukha ni Patrick, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Yuna,"Yuna, nandito ako para sunduin ka." Ngumiti si Yuna ngvubod ng tamis, at sasakay na sana sa sasakyan, ngunit hinawakan na naman siya ni Felix sa kamay, ang kanyang guwapong mukha ay parang isang walang buhay na estatwa,"Huwag kang sumama sa kanya Yuna." "Sino ka ba para bawalan ako?" Sarcastic na ngumiti si Yuna, garapal niyang sinabi, "Hindi tayo magkakilala, huwag kang kumilos na parang aso na palaging nakasunod sa akin, nakakainis na." Pagkatapos sabihin iyon, sumakay na si Yuna sa sasakyan.Ngunit bagi isara ang pinto ay tumingin ulit kay Felix, bakas ni Yu
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p