 LOGIN
LOGINIsang araw ay niyaya ito ng kanyang ama na uminom at sa pakikisama ay pumayag ito. Ngunit hindi pala sanay ang mayaman na binata sa inuming inilatag ng kanyang ama. Medyo gabi na noon nang makabalik si Yuna mula sa paglalako ng paninda at nadatnan niyang lango na sa alak ang ama at ang binatang bisita nito.
Hahayaan na sana niya ang mga ito sa labas nang biglang umambon at mababasa ang dalawa. Unang binuhat at kinaladkad ni Yuna ang ama at ihiniga sa sofa saka niya isinunod ang binatang bisita. Dahil maliit at lupa ang kanilang sahig ay sa silid niya ito dinala at pinahiga muna. Saka niya niligpit ang pinag-inuman ng mga nito.
Ang kaso ay habang nagliligpit ay bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin at kulog. Halos basang-basa si Yuna. Nagpalit na lamang ng damit ang dalaga at sumiksik sa isa pang maliit na sofang kawayan. Pero mga hating gabi ay naramdaman niya na para siyang binuhat at pagkatapos ay inilapag sa kama. Mainit ang pakiramdam niya kaya akala ng dalaga ay nilalagnan siya sa pagkabasa ng ulan. Naramdaman niyang may nagtanggal ng damit niya pero hindi magawang magmulat ni Yuna.
Inisip niya na baka ang kanyang ama iyon at binibihisan siya dahil pawisan na siya. Naramdam pa nga niya na kinumutan siya. Sa buong magdamag na iyon ay tumaas pa ang lagnat niya kaya nakaramdam ito nang matinding ginaw. Sa nagdedeliryong taas ng lagnat ay sumiksik si Yuna sa katabing nararamdaman niyang mainit ang katawan. Naramdaman niyang niyakap siya nang mahigpit ng may-ari ng mainit na katawan.
Galit na galit na boses ng ama ni Yuna ang gumulantang sa kanya kinabukasan. Pagbalikwas niya ay nakita niyang yakap siya ng lalaking bisita nila at wala silang parehong damit. Naghurumentado ang kanyang ama at binantaan si Felix na kung hindi siya pakakasalan ay kakasuhan nito ang lalaki. Disisyete lamang si Yuna noon kaya walang nagawa ang lalaki. Pumayag si Felix na pakasalan siya.
Napapitlag si Yuna mula sa pagbabalik-tanaw nang pabalibag na bumukas ang pinto ng banyo. Mula doon ay lumabas si Felix na nakatapis lamang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Hindi maikakailang napakagwapo nitong tingnan sa basang buhok pero kunot ang noo at madilim ang awra ng mukha nito. Biglang nagkulay-suka ang mukha ni Yuna nang makita kung ano ang nasa kamay ni Felix.
“What nonsense is this?” tanong ni Felix sa kanya. Nataranta si Yuna, hindi nga pala niya naitago ang kit na iyon sa kalutangan niya kanina! Sa dinami-dami naman ng pagkakataon bakit ngayon pa gumana ang pagkaburara niya?
“P-pasensya ka na. Sinubukan ko lang kasi baka lang ano….” Hindi magawang idiretso ni Yuna ang sasabihin.
“Ilang ulit na ba ito? Bakit mo naman naisipang bumili pa nito? Umaasa ka pa ba?”
“Pasensya ka na. Gusto ko lang malaman kung p-positive na kasi gusto kitang mapasaya,” sabi niya at yumuko upang itago ang pait at lungkot na nadarama sa walang emosyon nitong mga salita na para bang hindi mahalaga ang nakikita.
“Oh, eh binili mo na din lamang ito, bakit hindi mo pa gamitin? Gamitin mo na para makuntento ka na dyan!” sabi ni Fleix na medyo mataas ang boses.
Nataranta naman si Yuna kaya agad na kinuha ang ibinato sa kanyang ng pregnancy kit at agad-agad na ginamit. Napasandal sa likod ng pinto si Yuna nang makitang isang linya lamang na pula ang naroroon. Mga katok sa pinto ang nagpahinto nang masagana niyang luha.
“What took you so long? Natabunan ka na ba riyan?” sabi ni Felix kasabay nang sunod-sunod na katok. Lumabas siyang umiiyak habang nakatago sa likuran ang pregnancy kit.
“Anong drama yan? Akin na nang makita ko!” bulyaw nito na sapilitang hinablot ang hawak niyang pregnancy kit. Hindi niya maipaliwanag ang naging reaksyon nito nang makitang isa lamang ang linyang naroroon. Madilim ang mukha nito pagkatapos ay itinapon sa sahig ang kit saka pinag-aapakan.
"This is useless and bullshit! Ano pa nga ba? Bobo na lang ang umasa!” singhal nito at kulang na lang ay durugin ang kit. Umiiyak na niyakap ni Yuna si Felix mula sa likuran.
“I’m so sorry! Alam kong naghihintay ka ng magandang balita. I’m sorry. Pangako, aalagaan ko ang sarili ko para sa susunod ay magkaroon na ng magandang resulta,” sabi niya.
Kinalas ni Felix ang mga kamay niya pagkatapos ay naupo na sa kama. Wala itong kibo at lalong walang ring sinabi. Hindi siya nito tinitingnan kaya alam ni Yuna na dismayado ito. Sa edad ni Felix, alam niyang nangangarap na ito ng buong pamilya… lalo na ng anak. Kaya alam ni Yuna na sa kanilang pagsasama iyon ang pinakakulang.
Alam din ni Yuna na kapag nagdalang tao siya ay ipapakilala na siya ni Felix sa mga tao bilang asawa. Hindi na nito itatago ang kanilang pagsasama. Pumayag itong magpakasal sa kanya upang makaiwas na rin sa eskandalo pero pinakiusapan nito ang ama na huwes lamang ang kasal at kung maaari... ay sekreto lamang dahil ayon dito lilikha ng gulo sa kumpanya at mga kamag-anak niya ang biglang pagpapakasal nila.
Kinabukasan ng araw na iyon ay inasikaso ni Felix ang passport nila ng kanyang ama at sa US sila nagpakasal. Sumang-ayon na lamang ang ama mula nang mabayaran ng isang milyon. Wala pang tatlong araw sila sa Amerika at umuwi din sila. Ang ama ay bumalik sa bahay nila at siya ay sa mansyon ni Felix na inuwi ng asawa.
Ang kanilang honeymoon ay sa silid lamang ni Felix naganap. At doon nagsimula ang kalbaryo at impyernong pakiramdam ni Yuna. Doon niya natikman ang pinakamasakit na trato sa isang asawa.
“Ipaghanda mo na lang ako ng damit. May pupuntahan pa ako,” sabi na lamang ni Felix.
“Aalis ka na naman? Kararating mo lamang diba? Pwede bang kumain muna tayo?” sabi ni Yuna.
“May mahalaga akong meeting ngayon at kailangan ko pang lumuwas ng bansa bukas ng maaga. Umuwi lang talaga ako para kumuha ng damit at para dalawin ka,” sabi nito.
“Dahil sa akin o dahil sa pangangailangan mo?” medyo bitter na tanong ni Yuna.
“Magsisimula na naman ba tayo? Pagod ako!” singhal ni Felix. Nainis ito sa kanya kaya ito na ang kumuha ng isusuot. Nataranta naman si Yuna kaya agad na tumayo at tinulungan ang asawang magbihis at magkabit ng kurbata. Pero hindi na bumalik ang mood ni Felix.
Hindi man lang siya niyo tinapunan ng tingin. Matapos magbihis ay muli na namang nawala sa paningin niya ang asawa. Pakiramdam na naman ni Yuna ay para siyang laruan na ginamit lamang na libangan at kapag mapagsawaan na ay iiwan na lamang ng walang pasabi sa isang sulok at babalikan kung kailan ulit nito kailangan na naman.




Ginawa ni Jessica ang manahimik para may makatulong sa kanya para makalabas ng kulungan. Guilty si Jessica dahil naging mabait si Yuna sa kanya at tinulungan pa siya nina Felix na makalabas sa bilangguan. Kaya bilang kapalit ng kabutihan ng mag-asawa, inamin ni Jessica ang lahat. Ngunit may planong sarili si Yuna kaya't kinausap niya si Jessica na manatiling tahimik at magkunwaring may alam upang mahuli sa sarili niyang bitag si Rowena.Sumangayon si Jessica na makipagtulungan kay Yuna, hindi nga lamang nila inaasahan ang mangyayaring aksidente. Doon lalong napagtanto ni Jessica ang kasamaan ni Rowena.Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ng maaksidente si Jessica, at nahuli pa niya ang pagpapamanman ni Rowena gamit ang tauhan nito, lalong lumakas ang loob ni Yuna na ituloy ang nasimulang plano.Kaya ura_ urada ay gumawa ng lihim na hakbang si Yuna habang wala pang malay si Jessica.Bagamat delikado, Ito na lang ang tanging paraan na naiisip ni Yuna upang mahuli sa sarilng bibig ai Rowen
Kung hindi siya kikilos, tiyak na babaon ang balang iyon sa kanyang dibdib. Sa bisa ng dasal at sa bingit na iyon ng kamatayan ay binanggit ni Yuna ang pangalan ni Felix.Nagawa ni Yuna na ikilos ang katawan at umiwas sa paparating na kamatayan, ngunit ang bala ay kasing bilis ng kidlat at tinamaan pa rin si Yuna sa gilid ng kanyang braso.Napaiktad sa hapdi at sakit si Yuna na halos bumulagta sa tindi ng impact ng tama ng bala. Matapos mapasalampak sa sahig, bagamat duguan ay naging alerto si Yuna dahil nakita niyang humakbang palapit ang galit na di Rowena. Pagapang siyang umusad at nagtago siya sa likod ng isang drum. Niyakap niya ang kanyang braso na may balang nakabaon habang masaganang umaagos ang dugo. Sumandal siya sa drum, bumubuhos ang malamig na pawis sa kanyang noo at nanginig sa takot ng marinig ang mga yabag ni Rowena."Sh*t! nakailag ka pa talagang babae ka. Pwes, sige maglaro tay9 ng baril barilan, hide and seek at kapag nakita kita Yuna ibabaon ko ang suianod na bala
"Hindi, hindi sapat ang magmakawa ka lamang Yuna. Kapag patay ka na, doon pa lang ako makakahinga at makakatulog ng mapayapa." Muling hinigpitan ni Rowena ang hawak sa barili at inilagay ang daliri sa gatilyo. nagaapoy ang galit sa mga mata nito.Nanginig na ang buong katawan ni Yuna sa takot na halos manlambot na ang tuhod niya at mapaluhod. Walang katao tao sa lugar na iyon at wala siyang maaaring hingan ng tulong, Nasa ilalawang palapa sila a kahit tumakbo siya ay tiyak na tatamaan siya ng baril. Ang kanyang mukha ay maputla, tumingin siya kay Rowena na may pagmamakaawa sa kanyang mga mata, "Rowena, bago ako mamatay, maaari mo bang sabihin sa akin ang totoo tungkol sa aking ama na nahulog sa hagdanan?" sa huling sandali, sa kabila ng takot ay nais pa rin ni Yuna na baunin sa kabilang buhay ang katotohanan.Sandaling katahimikan ang namayani. Noong una ay nagplano si Rowena na hindi na sabihin ang sikretong ito, ngunit hindi niya maisip na hayaan si Yuna na magdusa pa bago siya
Nang mga sandaling iyon, ay para naman nagkatotoo ang imbentong kuwneto ni Susan dahil matapos siyang paalisin ni Yuna ay dumilat na nga si Jesica. kasalukuyang nakikipagusap noon si Yuna kay Lino para sa mga bagay na inihanda niyang plano kung salaking babalik si Rowena. Nang mabalitaan ang pagbabago kay Jessica nagmamadaling nangtungo si Yuna sa ICU, ng makarating sa silid ay nagmamadaling lumapit si Yuna at tinanong ang doktor na nakatayo sa labas, "Doktor, gising na ba siya?""She's awake," magalang na sagot ng doktor.Napangiti si Yuna, natuwa, at napabulalas, "Mabuti naman! Naaawa sa atin ang langit."Nang mga oras na iyon si Rowena naman ay nasa hospital na at nakakubli sa sulok ng hallway. Derederetso sana siya sa ICU habang nagdidilim ang paningin sa galit ng makita niyang nakatayo ang doktor at si Yuna sa labas ng pinto kaya sandali muna siyang nagkubli. Ruowan, kaya narinig nito mula sa sulok ng hallway, ang katotohanan at namutla ito at agad na sinundan si Yuna ng puma
Nang mga sandaling iyon ay malalim na nag-isip si Susan at natahimik. Lalo lamang siyang natakot. Lalong nanginnig. Pero may punto ang kausap, kilala niya si Rowena at paano nga kun g pabayaan na siya nito at hinid pa tuparin ang usapan nila. Pagkatapos ay dumaloy ang masagana niyang luha. Tumingala at saka umamin kay Yuna."Miss Yuna, inutusan ako ni Miss Rowena na gawin ito, inutos niyang patayin ko si Jessica pagkatapos ay aalis siya at pupunta sa ibang bansa!" u,iiyak na ami nni Susan. "May iba pa ba?" tanong ni Yuna. Umiling si Susan, "Yun lang ang alam ko. Matagal ko nang hindi nakikita si Miss Rowena. Nakipag-ugnayan siya sa akin sa pagkakataong ito dahil may utang ang tatay ko sa sugal. Wala na akong ibang mapupuntahan. Hiniling niya sa akin na tulungan siya sa bagay na ito. Pagkatapos nito, bibigyan niya ako ng tatlong milyon.""Tatlong milyon?" Sumilay ang pagkalito sa mga mata ni Yuna. "Susan alam mong nabangkarote si Rowena at ang kanyang bank card ay na-freeze ng kortKa
Ang sikretong nais sabihin ni Rowena kay Lilian ay ang sikreto tungkol sa pagpatay ng ama ni Yuna ang ama ni Felix? Ngunit ang sikretong ito ay ang tanging nalalaman at baraha ni Rowena at hindi niya ito maibibigay sa sinuman nang basta-basta. Paano kung ibinigay na niya ito kay Lilian pagkatapos ay itigil na nito ang pagtulong sa kanya ng pinansiyal? Eh di wala na siyang laban. Si Rowena ay hindi tanga at lalong hindi madaling isahan. Ang tanging kailangang mangyari ngayon ay ang makalabas siya ng bansa at mamuhay nang tahimik dahil kapag nalaman ni Yuna ang lahat at malaman ito ni Felix ay tiyak ipapapatay siya nito.Biglang dumilim ang mukha ni Lilian. Tila namis-calculate niya ang katusuhan ni Rowena. "Rowena, napagkasunduan natin sa simula na sa halagang tatlumpung milyon ay bibilhin ko ang sikretong 'yan. Hindi ba wala sa usapan natin na ang pagtulong ko sa'yo ay habang buhay? Oh, may nakatakdang araw." "Tama ka nga diyan, Miss Lilian. Pero sinabi mo rin sa akin na tutulungan








