Share

Chapter 531: Ang Makulit Na Si Felix

Author: Epiphanywife
last update Last Updated: 2025-06-10 21:33:42

Pagkatapos ay lumapit si Felix kay Yuna na parang kagagaling lang sa trabaho. Hinubad nito ang kanyang coat at malumanay na tinanong si Yuna, "Naghapunan ka na ba?"

Nagbabasa ng fashion magazine si Yuna ng mga oras na iyon, sinulyapan niya ito, sumimangot at sinabing, "Pwede ka bang bumalik na sa bahay mo?"

"No, kailangan kong makita ka bago ako makaramdam ng ginhawa." Lumapit si Felix, at umupo sa tabi niya, at gusto sana siyang yakapin. Sumimangot si Yuna at sinubukang magtago ngunit nabigo siya. Hinarang siya nito sa sulok ng sofa. Sabi na lamang niya na may malamig na mukha, "At anong balak mong gawin?"

"Sabi ko, gusto kong tubusin ang mga kasalanan ko sa iyo, Yuna, at gusto kitang suyuin muli." Lumapit ito sa kanya at taimtim na nagsalita, "Ibibigay ko lahat ng kailangan mo, susundin ko ang lahat ng gusto mo maliban sa layuan ka"

Natawa si Yuna sa sarili at may sasabihin sana nang tumunog ang doorbell. Tumingin si Yuna sa kanya at sinabing, "Bubuksan ko ang pinto, pakiusap
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 533: Hindi Na Matutuloy Ang Kasal

    Tumayo si Yuna at naglakad patungo sa kuwarto. Wala lamang itong imik Nang makarating si Yuna sa pintuan, nagsalita si Felix."Ano ang gusto mong gawin ko kapalit ng pagbabalik mo sa akin?" Alam ni Felix na hindi talaga mahal ni Yuna si Robert, gusto lang nitong maghiganti. Lumingon si Yuna at nagtanong. "Hanggang saan mo kaya si Rowena?" Medyo curious siya kung hanggang saan nito kaya si Rowena. "Iniligtas ng kanyang ama ang aking ama pagkatapos ng lahat, at siya ay nakagawa ng isang pabor sa aming pamilya. Hindi ko siya maaaring patayin, ngunit maaari kong ayusin na bumalik siya sa ibang bansa at hinding-hindi na siya makakabalik." Itinaas ni Felix ang kanyang mga mata, at ang kristal na chandelier ay sumasalamin sa kanyang mukha, na malamig at madilim. Ngumiti si Yuna at sinabing, "Palagi kang may bahid ng kabaitan sa kanya, ngunit ano ang magagawa ko? Gusto ko lang na mapahamak siya, mamuhay ng mas masahol pa sa kamatayan, magsisi sa kanyang ginawa..." Giit ni Yuna. "Hindi p

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 532: Gusto ko Siyang Makasama

    Nang isara ang pinto, nagkatinginan ang dalawa, at puno ng poot ang mga mata ni Felix. Hindi siya pinansin ni Yuna at itinuloy lang ang pagsara ang pinto. Si Felix ay may malamig na mukha at binuksan ng kaunti ang pinto sapat na masilip niya ang tao sa sala. Nakita niyang umupo ang dalawa sa sofa.Nagsalin si Yuna ng isang basong tubig para kay Robert, "Ano ang gusto mong pag-usapan tungkol sa proyekto?"agad na tanong ni Yuna hindi pa man nakakaupo. Bagamat may intensiyon siyang akitin ito ramdam ni Yuna na may ibang pakay ang binata."Paano ka nagustuhan ang kapatid ko at pinayagan niyang ibigay sa iyo ang proyekto?" Tumingin si Robert sa kanya pailalim. Ibinaling ni Yuna ang kanyang ulo, ang kanyang mukha ay napakaputi na halos maaninag na ang kanyang mga ugat. Ngumiti siya at sinabing, "Sabihin na nating labis na humahanga talaga sa akin ang kapatid mo, naniniwala ka ba?"Hawak ni Robert ang baso ng tubig. Humihpit ang hawak niya sa baso, dahil sa totoo lang, ay naniniwala siyang

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 531: Ang Makulit Na Si Felix

    Pagkatapos ay lumapit si Felix kay Yuna na parang kagagaling lang sa trabaho. Hinubad nito ang kanyang coat at malumanay na tinanong si Yuna, "Naghapunan ka na ba?" Nagbabasa ng fashion magazine si Yuna ng mga oras na iyon, sinulyapan niya ito, sumimangot at sinabing, "Pwede ka bang bumalik na sa bahay mo?" "No, kailangan kong makita ka bago ako makaramdam ng ginhawa." Lumapit si Felix, at umupo sa tabi niya, at gusto sana siyang yakapin. Sumimangot si Yuna at sinubukang magtago ngunit nabigo siya. Hinarang siya nito sa sulok ng sofa. Sabi na lamang niya na may malamig na mukha, "At anong balak mong gawin?" "Sabi ko, gusto kong tubusin ang mga kasalanan ko sa iyo, Yuna, at gusto kitang suyuin muli." Lumapit ito sa kanya at taimtim na nagsalita, "Ibibigay ko lahat ng kailangan mo, susundin ko ang lahat ng gusto mo maliban sa layuan ka" Natawa si Yuna sa sarili at may sasabihin sana nang tumunog ang doorbell. Tumingin si Yuna sa kanya at sinabing, "Bubuksan ko ang pinto, pakiusap

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 530: Gusto Kong Bumawi

    Nang maglaon, nakaramdam na ng hiya si Yuna, para siyang biglang kinilabutan at nailang na naroon siya sa mga bisig ni Felix..."hindi dapat..hindi dapat." Dahil sa pagsirit ng guilt ay napasigaw si Yuna."Tatay..."Medyo nangasim ang lalamunan ni Felix ng marinig ang tinig ni Yuna na tinatawag ang ama, muling parang binayo ang puso niya sa guilt, kaya paos niyang sinabi, "I'm sorry, Yuna..."Alam ni Felix walang kapangyarihan angs salitang ito, ngunit ang salitang n iyon lang ang masasabi niya sa ngayon.Hanggat hindi siya binibigyan ni Yuna ng pagkakataong makabayad hindi niya maiaayos ang lahat. Niyakap na lang niya si Yuna ng mahigpit at ipinatong ang baba sa ulo nito."Sorry Yuna, pero hindi kita kayang bitawan, hind ko kayang mawala ka, kung pwede sana na bigyan mo ako ng pagkakataong magbayad-sala para sa aking mga kasalanan, habang buhay kung gagawin iyon Yuna..." Nagdedeliryo si Yuna kaya halos hindi niya ito narinig ng malinaw.Gabi na, unti-unti nang humupa ang lagnat ni Yun

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 529: Ang Pagkakasakit Ni Yuna

    “Nag-overnight si Patrick sa bahay ni Yuna? Nagpalipas talaga siya ng gabi doon, silang dalawa lang,” bulong ni Felix sa sarili.“Magdamag kaya silang magkayakap? Magkadikit? Magkasama kaya sila sa kama?” Paulit-ulit na umiikot ang mga tanong na ito sa isip niya. Hindi mapigilan ni Felix ang mga hindi kanais-nais na eksena na pumapasok sa isipan niya. Ayaw man niyang isipin, labis siyang nagseselos at naiinggit. Gusto niyang hablutin ang gwapong mukha ni Patrick.Sa totoo lang, matagal na siyang nahihirapan para kay Yuna, at minsan, gusto na niyang bumitaw. Pero sa tuwing may lumalapit na ibang lalaki kay Yuna, hindi niya kayang manatiling kalmado. Hindi niya kayang supilin ang hindi komportableng pakiramdam at ang nagwawalang poot sa dibdib niya. Kaya pinabalik ni Felix ang sasakyan at inutusan si Marlon na bumalik sa bahay ni Yuna.Umakyat si Felix at nagtungo sa elevator at pinindot ang doorbell, may malamig na ekspresyon sa mukha.Si Yuna naman ay naghahanap ng gamot dahil sa hilo

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 528: Nagpalipas Ng Gabi Si Patrick Sa Bahay Ni Yuna

    "Yuna!" tinawag siya ni Patrick. Naroon ito sa kabilang kalsada. At parang siya talaga ang hinihintay.Nakasuot pa ito ng kumpletong amerikana kaya't alam nyang galing ito sa trabaho.Para itong isang prinsipe na nag aantay ng kanyang prinsesa.May maliwanag at may mabait na aura. Si Patrick ay masasabi ni Yuna na isang taong pinagkakatiwalaan niya sa ngayon.Nang mga sandaling iyon, si Yuna ay nag iisa at nababalisa, matapos ang pag flashback ng masasakit na bagay ay nanginig ang kanyang katawan.At kailangan talaga niya ng karamay at masasandalan.Nang makita niya si Patrick.Hindi niya alam kung ano ang naisip nya ng mga sandaling yon pero bigla na lamang siyang tumakbo patawid ng kalsada at isinubsob ang sarili sa mga bisig ni Patrick. Nanatili si Yuna sa mga bisig nito at sinabi sa nanginginig na boses."Kuya Patrick, ang sama ng pakiramdam ko.Para akong nauupos." Sabi niya. Saglit naman na natigilan si Patrick.Una dahil sa biglang pagtakbo ni Yuna payakap sa kanya.Pero maya maya di

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status