Share

Capitulo Nueve

Penulis: Deandra
last update Terakhir Diperbarui: 2024-07-28 22:53:13
Hindi siya umalis sa trabaho. Hinintay niya munang pumatak ang alas singko para magtungo sa kabilang hospital kung saan naroon ang asawa niya. Nadatnan niya si Ellen na nakatayo sa labas. Kinawayan niya ito, nanlaki ang mata ni Ellen at sumenyas ito. Tinuro ang leeg nito at gumawa ng imaginary line.

Napangiwi siya nang mapagtanto kung ano iyon. Nasa loob ang biyenan niya kaya patay talaga siya. Mabilis siyang naglakad papalapit kay Ellen–ka edad niya ito at ito ang pinaka malapit sa kanya. Isa rin itong kasambahay na namamasukan sa pamilyang Leviste–siya itong sinuwerte–o mas tamang sabihing minalas at nasali sa pamilyang ‘to. Kaya heto siya, nagdurusa.

Humawak siya sa braso ni Ellen, “Sino ba ang nandyan?”

“Nasa loob ang biyenan mo. Kahit iyong kabit andon. Lumabas na nga ako ‘di ko kaya sa loob. Para akong nasa impyerno! Nagsama-sama lahat ng mga demonyo,” halos pabulong na wika ni Ellen.

Napalunok siya sa kaba. Kapag pumasok siya sa loob parang ipinagkanulo niya ang sarili bilan
Deandra

Happy reading, please don't forget to vote, rate, and comment.

| 9
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
❤❤❤(Mrs.Kim❤)
update please
goodnovel comment avatar
Dewani Aurelio De Torres
update Po please ...️
goodnovel comment avatar
korome
Ang ganda ng story umpisa palang Ang ganda n
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Capitulo Setenta Y Nueve

    Napatingin si Arabella nang bumukas ang pinto. Nagbabakasakali na ang asawa niya ang dumating. And to her dismay, it wasn’t her husband. Kundi ang doktor, pilit siyang ngumiti nang magtama ang mata nila. “You’re disappointed when you saw me,” Komento ng doktor. Umiling si Arabella, nahihiyang umamin na dismayado talaga siya nang makita ang doktor.“H-Hindi naman, Dok.” Umiling lang ang doktor. Huminto ito sa harap niya at may hawak-hawak na chart. Kunot ang noo ng doktor habang may bunabasa sa charts nito. Napatitig naman si Arabella rito, it was Khalid’s doctor. “You’ll be discharged this afternoon. Reresitahan kita nga mga vitamins at appetite stimulant. Masyadong mababa ang timbang mo. At kulang na kulang sa bitamina, halatang hindi ka rin halos nasisikatan ng araw. At mataas ang stress level mo, and I suggest you to exercise, nakakatulong rin ‘yan kapag hindi ka makatulog.” Buong magdamag kasi ay gising si Arabella. Hindi siya makatulog kahit anong pilit niya. Hanggang nama

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Caapitulo Setenta Y Ocho

    Tulala si Hendrix habang pinagmamasdan si Abegail, mahimbing ang tulog nito. Kasalukuyan silang nasa hospital. Dinala niya si Abegail matapos mahimatay ito sa kaiiyak. Kinailangan niyang siguruhin na ayos ito at walang nainom na gamot. At ayon naman sa mga doktor ay ayos naman si Abegail. Stress lang daw ito at dehydrated. Hendrix sighed. Ilang oras na siyang naroon at hindi niya maiwanan si Abegail dahil hindi pa dumadating ang ina nito. Sumulyap si Hendrix sa wallclock, alas siete na ng gabi. Kaya pala gutom na gutom na siya ngunit hindi niya magawang iwanan si Abegail dahil baka magising ito.Kinapa ni Hendrix sa bulsa niya ang cellphone niya, napatayo siya nang wala roon ang cellphone niya. Sa pagkakaalala niya ay nailagay niya iyon sa bulsa niya. Hindi niya pa natatawagan si Haniel ulit, naitext niya lang ito kanina na nagtangkang magpakamatay si Abegail at kailangan na muna niya itong samahan. Pati na rin ang asawa niya ay hindi niya alam kung nakauwi na ba ito sa mansyon at ku

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Capitulo Setenta Y Siete

    “Wala ba kayong na-retrieve na ebidensya?” “Unfortunate, Sir. Nakatakas ang mga kriminal at wala kaming nahanap na ebidensya maliban sa kotseng inabandona na inarkila palal nila. But don’t worry, we are working hard to find the real mastermind of this case. At habang wala pang lead na nakukuha ay pinapangako ng organisasyon namin na poprotektahan namin ang buong pamilya niyo sa abot ng aming makakaya.” Naalimpungatan si Arabella nang marinig ang mga boses na ‘yon. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kumunot ang noo niya nang makita ang puting kisame. Pupungas-pungas pa siya. Sinubukan niyang maupo ngunit nakaramdam siya ng hilo kaya muli siyang humiga.“H’wag ka munang gumalaw, Ate.” Napatingin siya sa gawi kung saan nagmula ang boses. She squinted her eyes, adjusting her eyes sight from the light. Napaawang ang labi niya nang makita si Haniel na nasa tabi niya. Katabi nito ang hindi pamilya nalalaki. “Nasaan ako?” She groggily asked. “Water please.” Anas niya nang maramdaman a

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Capitulo Setenta Y Seis

    “Hendrix! Hendrix! Hendrix!” Usal ni Abegail habang nakatingin sa litrato ni Hendrix. Kanina pa siya nakaharap roon. Naghihintay siya ng magandang balita mula sa mga tauhan niya. Ngayong araw ang pinakahihintay niya. Nagbago ang takbo ng plano ni Abegail. What she wanted is to kill Arabella. Kailangan ng mawala ni Arabella. Dahil hangga’t naroon ito ay hinding-hindi mababawi ni Abegail ang puwesto niya bilang misis Leviste. Kakatapos lang niyang tawagan si Hendrix at alam niyang nagkukumahog na ito papunta sa kanya. Alam niyang natatakot si Hendrix na saktan niya ang sarili niya. At kinukonsensya rin ni Abegail si Hendrix upang magkukumahog ito na magpunta sa kanya. Nakahanda rin ang gamot na kunwaring iinumin niya pagdating ni Hendrix para mas maging makatotohanan ang pag-arte niya. At mas lalong matakot si Hendrix na iwanan siya.Tumunog ang cellphone ni Abegail sa drawer at agad niyang pinaandar ang wheelchair niya. At nagtungo roon at mabilis na kinuha iyon. Sumilay ang ngiti s

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Capitulo Setenta Y Cinco

    Panatag si Hendrix na walang mangyayaring masama kay Arabella. Lingid sa kaalaman ni Arabella ay may nakausap na niya ang isang pribadong organisasyon na bantayan si Arabella nang hindi nito nalalaman. Lahat ng pamilya nila ay may naka-assign na tauhan upang protektahan ang mga ito. Kahit si Hendrix ay mayroon rin. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead sa kaso ng kanyang ama at sa kaso nila ni Arabella. Wala pa ring matukoy na suspect kung sino ang nais magpapatay sa kanila. Nang malaman iyon ni Hendrix ay hindi siya mapakali lalong-lalo na para sa asawa niya. Hindi niya kakayanin kung may mangyari pa kay Arabella. “A got inside the cab.” Iyong ang report ng tauhan ni Hendrix. Muling bumalik ang tingin ni Hendrix sa mga magulang na parehong nakahiga sa kama. Naiintindihan ni Hendrix kung gaano ka na missed ng Mommy ang Daddy niya. Matagal nang kasal ang mga magulang niya, halos mag tatatlumpung taon na kasal ang mga ito at kahit kailan ay hindi nawalay nang matagal sa isa’t-isa. “K

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Capitulo Setenta Y Quatro

    Lulan ng taxi si Arabella. Lumilipad ang isip niya kung saan-saan. She’s weighing things, whether she would stay or not. Bumuntong hininga siya at tumingin sa bintana. Wala siyang balak umuwi muna sa mansyon. Kailangan niyang mag-isip kaya pupunta muna siya sa puntod ng mga magulang. Matagal na rin kasi niyang hindi nadadalaw ang mga ito. Sa isang taon ay isang beses niya lamang na dadalaw ang mga ito at iyon ay tuwing undas pero ngayon pakiramdam niya ay don niya mahahanap ang kapayapaan na gusto niyang malasap. Hindi niya personal na kilala ang mga magulang niya dahil sanggol pa lang siya ng iwan ng mga ito. At naaksidente ang sinasakyang bus ng mga ito pabalik sa syudad. Tanging sa litrato niya lang nakita ang mga ito at sa mga kwento ng Lola Mamay niya. “Ma’am,” tawag ng driver kay Arabella. Napatingin si Arabella rito sa may rear view mirror. Pansin niyang pinagpapawisan ang driver kahit malakas naman ang buga ng aircon ng sasakyan. Kumunot ang ni Arabella. Napaupo siya ng tuw

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status