공유

Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife
Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife
작가: Deandra

Capitulo Uno

작가: Deandra
last update 최신 업데이트: 2024-07-23 15:54:09

“De Jesus, Arabella Fae. Ito ang araw na pinakahihintay mo. Laya ka na!” anunsyo ng BJMP officer.

“Congrats Fae!” bati sa kanya ng mga kasamahan niya sa selda.

“Salamat,” sensirong wika niya.

Ang masikip at maruming seldang ito ay ang naging tahanan niya sa loob ng halos isang taon. At ang mga narito ay itinuturing na niyang kaibigan. Sa mata ng ibang tao ay marumi at nakakatakot sila dahil suot nila ang kulay kahel na kamiseta.

“Baka makalimutan mo na kami, ah!” pagbibiro ni Leila sa kanya at niyakap siya.

“Paano kita makakalimutan kung sa bawat pikit ko mukha mo ang nakikita ko?” biro niya pabalik.

“Fae, ha! H’wag mo rin kaming kalimutan!” sigaw ni Anna na nakaupo sa ibabaw ng kamang gawa sa kahoy.

Ngumiti siya at tinignan isa-isa, “Hindi ko kayo makakalimutan, pangako ‘yan.”

Paano niya makakalimutan ang mga taong mas naging pamilya niya pa kaysa sa sarili niyang pamilya. Bago pa tumulo ang luha niya ay tumingala siya. Ayaw niyang makita siya ng mga ito na umiiyak. Sino ba naman ang hindi gugustuhin na makaalis sa impyernong iyon? Isang taon lang siya roon ngunit pakiramdam niya ay isang dekada na siyang naroon.

“Tama na ang dramahang ‘yan. Ano, lalabas ka ba o hindi?” malditang wika ng BJMP officer.

“Pasensya na po,” malumanay niyang aniya.

Binuksan ng opisyales ang selda niya. Kinawayan niya ang mga kasamahan bago tumalikod. Sa araw na ‘to ay makakamtan na niya ang kalayaang pinagkait sa kanya dahil sa bagay hindi naman niya ginawa. Sa pagtapak niya sa labas ng kulungan ay sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin dala ng masamang panahon.

Malungkot siyang ngumiti nang makita ni isa ay walang sumalubong sa kanya. Walang kamag-anak na sumundo sa kanya. Imbes na magmukmok ay nagsimula na siyang maglakad. Hindi naman siya imbalido para hindi kayaning maglakad. Abutin man siya ng ilang oras ay ayos lang, makarating lang sa destinasyon niya.

 

Kahit isang piso ay wala siya. Kahit uhaw na uhaw siya ay tiniis niya, tuwing bubuhos ang ulan ay humihinto siya para sumilong. Hanggang sa makarating siya sa Manuel hospital kung saan naroroon ang kanyang Lola.

 

Medyo basa siya dulot ng ulan ngunit hindi niya iyon alintana, mabilis siyang naglakad papunta sa silid kung saan naroroon ang natatanging taong nagbibigay sa kanya ng pag-asa. Pinihit niya ang sedura, sa bawat segundo ang nagdaan ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya.

 

Unti-unting sumilay sa kanya ang Lola na nakahiga sa kama, namamayat ito at nanghihina.

 

“Lola Mamay…”

 

Nagmulat ito ng mata, nagtama ang paningin nilang dalawa. “Aking apo!”

 

“Lola Mamay!” dali-dali siyang lumapit sa matanda, niyakap niya ito at pinugpog ng halik sa buong mukha. “Ang Lola Mamay ko! Narito na ‘ko, Lola Mamay. Maaalagaan na kita araw-araw, araw-araw kitang aalagaan.”

 

Hinawakan niya ang kamay ng matanda at inilapat iyon sa mukha niya. Maluha-luha ang matanda, “Ang apo ko. Namamayat ka apo ko…”

 

Umiling siya, “H’wag niyo akong alalahanin Lola Mamay. Kalusugan niyo ang dapat nating unahin. Maayos naman ako Mamay kaya h’wag niyong alalahanin ako. Ang importante ay narito na ‘ko. Miss na miss kita Lola Mamay. Walang araw na hindi kita iniisip. Walang araw na hindi kita namimiss.”

 

“B-bakit, hindi ka ba dinalaw ng asawa mo sa kulungan?” nag-aalalang tanong ng kanyang Lola.

 

Ngumiti siya, “Dumalaw naman Mamay. Busy lang siya ngayon.”

 

Ayaw niyang sabihin rito na hindi man lang siya sinundo ng magaling niyang asawa. Panigurado ay kasama na naman nito ang babae nitong si Abegail. Ano nga bang laban niya roon? Si Abegail ang unang babaeng minahal ni Hendrix at kahit kailan ay hindi niya iyon mapapantayan kesohodang siya pa ang asawa. Mananatili at mananatili sa puso niya si Abegail.

 

“H’wag na nating pag-usapan ang asawa ko, Mamay. Kwentuhan niyo na lang ako sa mga nangyari sa ‘yo habang wala ako. Dumalaw na ba si Tiyo at Tiya sa ‘yo?”

 

Ilang oras silang nagkuwentuhan ng kanyang Lola. Kung saan-saan umabot ang usapan nila, miss na miss na niya ito. Ito lang ang rason kung bakit pinipilit niya pang mabuhay, kung bakit hanggang ngayon ay nagtitiis siya.

 

Maliit pa lang siya ay ito na ang kasama niya, ito ang bumuhay sa kanya at nagtaguyod para lang mapag-aral siya. Nagkasakit ito noong nasa huling taon na siya ng kolehiyo at lumala nang lumala. Bandang alas seis ng gabi ay pinilit na siya nitong umuwi.

 

“Umuwi ka na sa bahay niyo ng asawa mo. Dapat siya agad ang una mong pinuntahan apo. Baka magtampo sa iyo ‘yon. Nakakahiya naman sa kanya,” anas ng Lola niya.

 

“May hindi naman siguro,” wika niya-alam naman niyang hindi iyon mangyayari. Wala namang pakialam sa kanya si Hendrix, isa lang siyang laruan para rito.

 

 

“Hindi! Umuwi ka sa bahay niyo, unang araw mo rito sa labas. Dapat kay Hendrix ka agad nagtungo, siya ang priyoridad mo ngayon!” galit na wika ng matanda.

”May please… ang puso mo,” pakiusap niya rito. “Hindi ka pwedeng magalit!”

Humingang malalim ang matanda, “Kaya umuwi ka na ngayon din bago pa ‘ko magalit sa ‘yo.”

Wala siyang nagawa kundi ang um-oo, ayaw niyang bigyan nang sama ng loob ang Lola niya. Sapat na iyon nang makulong siya at malayo siya rito, malaking sama ng loob ang naibigay niya rito. Wala siyang nagawa kundi ang umuwi na lamang ang bahay kung saan naging impyerno ang buhay niya.

Inabot siya ng dalawang oras sa paglalakad. Sumabay pa ang sama ng panahon sa nararamdaman niya. Ang bawat hakbang niya ay mabigat, ang puso niya ang parang pinupunit sa sakit. Huminto siya sa tapat nang malaking bahay, naghuhumiyaw iyon sa karangyaan at ang isang tulad niya ay hindi nababagay roon. 

Sampung minuto ang lumipas ngunit hindi pa rin magawang pindutin ang door bell. Natatakot siya na sa pagbalik niya roon ay madudurog na naman ulit siya. 

“Sino ‘yan?” biglang bumukas ang malaking gate at iniluwa noon ang isang lalaking may katandaan na.

“Manong Arturo,” anas niya.

Nanlaki ang mata ng matandang lalaki sa gulat, “Ma’am Arabella? Mahabaging Diyos! Pumasok ka rine!”

Pinapasok siya nito sa mansyon at nagdire-diretso na siya sa silid na tinutuluyan niya. At nadatnan niya roon ang asawa niyang mahimbing ang tulog. Hindi niya mapigilang mapaiyak, hindi siya iyaking tao pero simula nang maikasal siya kay Hendrix ay halos araw-araw siyang lumuluha. 

“Oh, you’re here!” anas nito habang humihikab pa, namumungay ang mata nito at halatang kakagising lang niya. “Welcome home, My wife.”

Mabilis siyang tumalikod at pinahid ang mga luha niya at saka humarap siya kay Hendrix Levian Leviste. Ang asawa niyang walang pakialam sa kanya. Ang isa sa rason ng kalungkutan niya. Ang lalaking iniibig niya  buong buhay niya.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Capitulo Setenta Y Nueve

    Napatingin si Arabella nang bumukas ang pinto. Nagbabakasakali na ang asawa niya ang dumating. And to her dismay, it wasn’t her husband. Kundi ang doktor, pilit siyang ngumiti nang magtama ang mata nila. “You’re disappointed when you saw me,” Komento ng doktor. Umiling si Arabella, nahihiyang umamin na dismayado talaga siya nang makita ang doktor.“H-Hindi naman, Dok.” Umiling lang ang doktor. Huminto ito sa harap niya at may hawak-hawak na chart. Kunot ang noo ng doktor habang may bunabasa sa charts nito. Napatitig naman si Arabella rito, it was Khalid’s doctor. “You’ll be discharged this afternoon. Reresitahan kita nga mga vitamins at appetite stimulant. Masyadong mababa ang timbang mo. At kulang na kulang sa bitamina, halatang hindi ka rin halos nasisikatan ng araw. At mataas ang stress level mo, and I suggest you to exercise, nakakatulong rin ‘yan kapag hindi ka makatulog.” Buong magdamag kasi ay gising si Arabella. Hindi siya makatulog kahit anong pilit niya. Hanggang nama

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Caapitulo Setenta Y Ocho

    Tulala si Hendrix habang pinagmamasdan si Abegail, mahimbing ang tulog nito. Kasalukuyan silang nasa hospital. Dinala niya si Abegail matapos mahimatay ito sa kaiiyak. Kinailangan niyang siguruhin na ayos ito at walang nainom na gamot. At ayon naman sa mga doktor ay ayos naman si Abegail. Stress lang daw ito at dehydrated. Hendrix sighed. Ilang oras na siyang naroon at hindi niya maiwanan si Abegail dahil hindi pa dumadating ang ina nito. Sumulyap si Hendrix sa wallclock, alas siete na ng gabi. Kaya pala gutom na gutom na siya ngunit hindi niya magawang iwanan si Abegail dahil baka magising ito.Kinapa ni Hendrix sa bulsa niya ang cellphone niya, napatayo siya nang wala roon ang cellphone niya. Sa pagkakaalala niya ay nailagay niya iyon sa bulsa niya. Hindi niya pa natatawagan si Haniel ulit, naitext niya lang ito kanina na nagtangkang magpakamatay si Abegail at kailangan na muna niya itong samahan. Pati na rin ang asawa niya ay hindi niya alam kung nakauwi na ba ito sa mansyon at ku

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Capitulo Setenta Y Siete

    “Wala ba kayong na-retrieve na ebidensya?” “Unfortunate, Sir. Nakatakas ang mga kriminal at wala kaming nahanap na ebidensya maliban sa kotseng inabandona na inarkila palal nila. But don’t worry, we are working hard to find the real mastermind of this case. At habang wala pang lead na nakukuha ay pinapangako ng organisasyon namin na poprotektahan namin ang buong pamilya niyo sa abot ng aming makakaya.” Naalimpungatan si Arabella nang marinig ang mga boses na ‘yon. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kumunot ang noo niya nang makita ang puting kisame. Pupungas-pungas pa siya. Sinubukan niyang maupo ngunit nakaramdam siya ng hilo kaya muli siyang humiga.“H’wag ka munang gumalaw, Ate.” Napatingin siya sa gawi kung saan nagmula ang boses. She squinted her eyes, adjusting her eyes sight from the light. Napaawang ang labi niya nang makita si Haniel na nasa tabi niya. Katabi nito ang hindi pamilya nalalaki. “Nasaan ako?” She groggily asked. “Water please.” Anas niya nang maramdaman a

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Capitulo Setenta Y Seis

    “Hendrix! Hendrix! Hendrix!” Usal ni Abegail habang nakatingin sa litrato ni Hendrix. Kanina pa siya nakaharap roon. Naghihintay siya ng magandang balita mula sa mga tauhan niya. Ngayong araw ang pinakahihintay niya. Nagbago ang takbo ng plano ni Abegail. What she wanted is to kill Arabella. Kailangan ng mawala ni Arabella. Dahil hangga’t naroon ito ay hinding-hindi mababawi ni Abegail ang puwesto niya bilang misis Leviste. Kakatapos lang niyang tawagan si Hendrix at alam niyang nagkukumahog na ito papunta sa kanya. Alam niyang natatakot si Hendrix na saktan niya ang sarili niya. At kinukonsensya rin ni Abegail si Hendrix upang magkukumahog ito na magpunta sa kanya. Nakahanda rin ang gamot na kunwaring iinumin niya pagdating ni Hendrix para mas maging makatotohanan ang pag-arte niya. At mas lalong matakot si Hendrix na iwanan siya.Tumunog ang cellphone ni Abegail sa drawer at agad niyang pinaandar ang wheelchair niya. At nagtungo roon at mabilis na kinuha iyon. Sumilay ang ngiti s

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Capitulo Setenta Y Cinco

    Panatag si Hendrix na walang mangyayaring masama kay Arabella. Lingid sa kaalaman ni Arabella ay may nakausap na niya ang isang pribadong organisasyon na bantayan si Arabella nang hindi nito nalalaman. Lahat ng pamilya nila ay may naka-assign na tauhan upang protektahan ang mga ito. Kahit si Hendrix ay mayroon rin. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead sa kaso ng kanyang ama at sa kaso nila ni Arabella. Wala pa ring matukoy na suspect kung sino ang nais magpapatay sa kanila. Nang malaman iyon ni Hendrix ay hindi siya mapakali lalong-lalo na para sa asawa niya. Hindi niya kakayanin kung may mangyari pa kay Arabella. “A got inside the cab.” Iyong ang report ng tauhan ni Hendrix. Muling bumalik ang tingin ni Hendrix sa mga magulang na parehong nakahiga sa kama. Naiintindihan ni Hendrix kung gaano ka na missed ng Mommy ang Daddy niya. Matagal nang kasal ang mga magulang niya, halos mag tatatlumpung taon na kasal ang mga ito at kahit kailan ay hindi nawalay nang matagal sa isa’t-isa. “K

  • Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife   Capitulo Setenta Y Quatro

    Lulan ng taxi si Arabella. Lumilipad ang isip niya kung saan-saan. She’s weighing things, whether she would stay or not. Bumuntong hininga siya at tumingin sa bintana. Wala siyang balak umuwi muna sa mansyon. Kailangan niyang mag-isip kaya pupunta muna siya sa puntod ng mga magulang. Matagal na rin kasi niyang hindi nadadalaw ang mga ito. Sa isang taon ay isang beses niya lamang na dadalaw ang mga ito at iyon ay tuwing undas pero ngayon pakiramdam niya ay don niya mahahanap ang kapayapaan na gusto niyang malasap. Hindi niya personal na kilala ang mga magulang niya dahil sanggol pa lang siya ng iwan ng mga ito. At naaksidente ang sinasakyang bus ng mga ito pabalik sa syudad. Tanging sa litrato niya lang nakita ang mga ito at sa mga kwento ng Lola Mamay niya. “Ma’am,” tawag ng driver kay Arabella. Napatingin si Arabella rito sa may rear view mirror. Pansin niyang pinagpapawisan ang driver kahit malakas naman ang buga ng aircon ng sasakyan. Kumunot ang ni Arabella. Napaupo siya ng tuw

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status