Share

06

Tahimik ko silang sinundan. Sa dami ng pinto na nadaanan namin ay ilang beses akong sumubok na hulaan kung alin ba ang tamang pinto sa magiging silid ko at iyon ngalang ay ilang beses din akong nagkamali.

"Ano pala 'yong mga pangalan niyo?" pagbabasag ko ng katahimikan sa aming tatlo.

Medyo nakakaramdam na kasi ako ng pagkabagot dahil hindi pa rin kami tumitigil sa isang silid.

Natigilan sila sa paglalakad. Mabilis silang humarap sa'kin at yumuko.

"My apologies, madame. I am Shelley," mabilis na sagot ng short-haired na babae.

"And I am Jessa, madame," ani naman ng naka-pusod 'yong buhok.

"Matagal na kayo dito?" pagtatanong ko ulit.

Bawal talaga akong binabagot dahil dumadaldal ako. Isali pa na medyo tipsy ako.

"Ilang taon na kayo?" halata kasi na mas bata sila sa'kin ng ilang taon.

"Bago lang po kami, madame. I'm 19. Jessa is 21." Si Shelley 'yong sumagot.

Ang babata pa nga nila. Mas matanda ako ng ilang taon lalo na't 'yong real age ko ay 26 and the real Rendyl was 28.

Bumalik agad ang katahimikan naming tatlo.

I let out an internal sigh when they stopped in front of a wooden door. Like the entrance, it also has perfect engravings. Hindi na ako magugulat pa kung ang price nito ay sapat na para ma-solve ang world hunger dahil sumisigaw talaga 'yong pinto na mas mahal pa ito sa buhay ko.

"This will be your room, madame." Pinagbuksan ako ni Shelley ng pinto ng magiging silid ko. Bahagya siyang tumango sa'kin na tila inuudyok na pumasok.

"Thank you," mahinahon kong sagot.

Pilit kong tinago ang excitement at pagkamangha ko sa nakitang malawak na silid. Mas malaki pa ito sa condo ko. Kahit isali pa 'yong buong banyo, bedroom at kusina ay mas malaki pa talaga ito. I can afford naman ng extravagant na room but mas pinili ko 'yong hindi lalagpas sa nasa plano ko na budget.

The room has a masculine theme. The walls were painted black, white, and gray. I can also smell a faint scent of coolness and mint. Mayro'n ding mamahalin na mga gamit. A vanity with the usual amazing carvings.

Hindi na rin ako nagugulat sa kulay na nakikita ko dahil nabanggit sa libro 'yong tungkol sa paboriting kulay ni Maetel noong naitanong ng totoong Rendyl.

But why am I here? I have a hunch that there's something strange happening right now.

"Kapag may kailangan po kayo, just call us through the telephone on the bedside table," ani nila at tumango pa ng isang beses bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Nang masigurado kong wala na talagang nakakakita sa'kin, mabilis akong tumalon sa kama. Ang lambot at ang komportable sa pakiramdam.

I breathed and felt how everything seemed so surreal. Hindi ko inaasahan na makakarating ako sa ganitong sitwasyon. Mas naramdaman ko lang na totoo ang lahat after I felt the soft bed. The soothing feeling made me sleepy.

I hope that everything goes well during and after our one-year contract. I just want to live a peaceful life. And I know my parents would want me to have a peaceful afterlife, too. I can't tell if this is indeed the afterlife, but I will cherish this second chance.

Malakas akong napabuntong-hininga at napatingin sa gilid kung saan may malaking glass wall. Nakuha ng malawak na dagat and atensyon ko. Meron palang malapit na beach sa likod na bahagi ng mansion. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa glass window.

Nakikita ko ang asul na asul na tubig na nababahiran ng kulay ng sunset. May mga ibon din na nagsisiliparan para makauwi na sa tinitirhan nila. Malaki ang araw at habang papalubog ito ay mas nagiging breathtaking pa ang view. I felt tranquil just watching by the window. Mas na-appreciate ko pa lalo 'yong tanawin dahil sa tahimik ng buong kwarto.

Sa pagkakaalam ko, soundproofed ang mga kwarto dito sa mansyon. Ayaw kasi ni Maetel sa ingay. Marahil ay dahil gusto niya ng katahimikan na walang bahid ng gulo at dugo mula sa labas.

Alam ko rin na itong malalaking window glasses ay tinted. Maayos kong nakikita ang tanawin mula dito sa loob pero hindi ka makikita sa labas.

Umupo ako sa malapit na couch. Patuloy kong pinagmasdan ang magandang tanawin nang hindi inaalis ang tingin dito. It's like this view and solace would suddenly disappear if I looked away for even a second.

I could watch this all day. Bahagya ko pang naipikit ang mga mata ko sa sobrang relaxed. I bet mas magiging precious experience ito kung mapapakinggan ko lang ang bawat hampas ng mga alon sa pampang.

Habang nilalasap ko ang katahimikan ng kwarto ay narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto na nasa likuran ko.

Mabilis kong naidilat ang mga mata ko at tumayo para tingnan kung sino 'yong pumasok. Hindi kasi marunong kumatok at hindi rin nagsalita. Hula ko ay hindi isang maid 'yong pumasok.

Napahawak ako nang mabilis sa header ng couch nang makita ko kung sino 'yong taong kapapasok lang. Bakas sa pagmumukha ko ang gulat at kung hindi agad ako kumapit sa armrest ay baka kanina pa ako nabuwal sa kinatatayuan ko.

Tahimik lang akong nakatingin sa mga ginagawa niya. Hindi rin niya naman ako kinakausap at tila isang hangin lang ako dito sa gilid.

Nakita kong lumapit siya sa isang pinto at pumasok na tila pamilyar na pamilyar ito sa kwarto. Ilang sandali lang ang lumipas ay lumabas agad siya na nakapagpalit na ng damit.

"Why are you here?" lakas-loob kong tanong nang matauhan sa pagkabigla.

"This is my room," walang gana nitong sagot.

"Huh? But this is my room." Ramdam ko ang tahip ng puso ko.

"It's my room as well because we are married," walang emosyon nitong sagot.

Bahagya akong napairap sa hangin.

"Sa daming kwarto sa mansyon na ito, ba't kailangan pa natin mag-share? And we're just on a contract marriage," pagtataray ko.

"Why are you scared? Afraid that I might eat you? Well, last time I checked, I'm not carnivorous," he said with a smirk plastered on his lips. Biglang nagpanting ang tainga ko kaya hindi ko na napigilan pang magsalita at halos sumabog.

"Excuse me? I am allergic of cold and arrogant people like you. And over my dead body. Do you think I'd let you eat me?" Bahagya ko siyang inirapan. Pero agad rin akong nakaramdam ng pamumula dahil sa huling sinabi.

Tumikhim ako. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang tingin niya sa'kin na tila aliw na aliw.

Inirapan ko lamang siya at naupo na lang ulit. Ngayon ko lang naalala na 'yong silid niya lang ang may ganitong motifs. The rest of the rooms have different ambiance. Kaya mas lalo pa akong napikon at nahiya.

"How about I turn you into a dead body right now?" malamig niyang ani. I got goosebumps after hearing his words.

Mas pikon pa pala sa'kin 'to tapos ang hilig mang-asar.

Umirap ulit ako sa hangin dahil hindi niya rin naman makikita. Binalingan niya ng tingin ang tanawin kaya napatingin din tuloy ako sa labas. Lumubog na pala ang araw at dumidilim na ang kapaligiran. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng lungkot.

Nakasimangot akong tumayo at pupunta na sana sa kama kaso may isang dimuho akong nakita na naupo sa kama. Nakita ko ang malapad na likod niya dahil nakatalikod siya sa gawi ko at tila may ginagawa sa cellphone niya.

Gusto kong ilapat ang buong katawan ko sa kama, hindi sa kaniya ah. Sobrang pagod talaga ang nararamdaman ko kaya kahit ayaw kong magkatabi kami, wala akong magawa kundi humiga at alisin siya sa isip ko.

Nakatingin lamang ako sa kisame habang pinapakiramdaman ko lang siya. Baka topakin at barilin lang ako bigla.

Kahit gusto kong matulog ay hindi ko magawa dahil ayaw naman makisama ng antok.

Napabaling lang ang atensyon ko sa ibang bagay nang may kumatok sa pinto namin. Pagkatapos ay marahan itong bumukas.

"Oh, my gosh!" bahagyang napasigaw ang gulat na si Shelley tumambad sa kaniya ang grim reaper na boss niya. Mabilis siyang yumuko at tila natatakot na isang tuta. Nakita ko paano itong manginig sa takot.

"The dinner is ready po," maingat na sabi nito.

Nakita kong hindi ito ginawaran ng pansin ni Maetel at walang imik na lumabas ng kwarto. Mas lalo pang namutla si Shelley dahil late na niya pinagbuksan nang maayos si Maetel.

Bumangon na ako at bahagyang inayos 'yong nagusot na kama.

Nakita kong nakayuko pa rin si Shelley. Naaawa tuloy ako kay Shelley. Ang bata pa tapos nanginginig na ito sa sobrang takot dahil sa isang lalaking pinaglihi sa sama ng loob. Kaya bago pa ito mas lalong matakot at umiyak ay muli ko na lang kinuha ang atensyon niya. Kita ang nangingilid na mga luha sa gilid ng mga mata niya.

"Lead the way, please," pagkukuha ko ng atensyon ni Shelley na nakatulala at nanginginig.

"Ah? Yes, madame," taranta niyang sagot.

Nang makalapit ako sa kaniya ay tinapik ko ng bahagya 'yong balikat niya.

"Don't worry, Shelley. Everything will be okay. Don't be scared," alo ko sa kaniya dahil nakita ko ang nagsipagbagsakan na mga luha niya.

Hindi ko inaasahan na grabe talaga 'yong nasaksihan o napagdaanan ng mga maid dito. Sobra silang takot at nangangamba para sa mga buhay nila.

Wala akong magawa kundi i-comfort siya dahil pati rin naman ako ay tauhan lang ni Maetel. Takot din ako sa kaniya dahil hawak niya ang buhay ko.

"Thank you, madame." Matamis na nakangiti sa'kin si Shelley. Nakita ko pang mamumula 'yong buong mukha niya sa kakaiyak.

Mestisa si Shelley niyo. Hindi na rin nakakagulat pa dahil halata sa beauty ni Shelley na may ibang lahi ito.

Nang medyo kumalma na ako ay pinagbuksan niya ako ng pinto nang maayos. Then she led the way papunta sa dining area.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status