Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 117 - Nanunuksong Ria

Share

Chapter 117 - Nanunuksong Ria

Author: Alshin07
last update publish date: 2025-09-18 22:34:23

Nang mangyari iyon ay parehas kaming natigilan ni Vicento.

Mabilis niyang inalis ang kanyang daliri. Ako naman ay nanatiling nakanganga at nakalimutang gumalaw.

Ang naramdaman ko lang ay para bang nanatili pa sa dulo ng dila ko ang haplos ng kanyang daliri.

"Sorry, hindi ko sinasadya," Mabilis akong humingi ng tawad.

Kung tutuusin ay napakabastos ng tagpong iyon!

"Ayos lang," sagot niyang hindi tumitingin sa akin pero halatang namumula ang kanyang tainga hanggang leeg.

Dahil nga hindi siya pala
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Sapongen Mercy
more updates po please
goodnovel comment avatar
H i K A B
Naku Ria, delicates yang puso mo para kay Vicento.. at si Vicento naman ang magiging pinakamasaya pagnagkaalaman na.
goodnovel comment avatar
Virnie De Vera
tawang tawa aq kay ria at sa reaksyon ni Vicento lagi na lang namumula sa awkward sitwasyon ginagawa ni ria ..may kasunod pa ba ngayon thanks author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 490 - Ang Totoo

    May kakaiba at napakalakas na aura ang dalawang taong iyon. Hindi sila mukhang ordinaryong tao.Nakasulat sa mga liham na iniwan ko para sa sarili ko na dahil sa mga impormasyong natuklasan nina Melissa at James, marami nang mga pugad ng organisasyon ang nawasak.Ang maliliit na tauhan ay matagal nang nahuli.Ibig sabihin ang mga natitira ngayon ay ang tunay na malalaking isda.Naalala ko ang paraan ng pagtingin sa akin ng babaeng iyon. Puno iyon ng pagkamuhi. May lantaran pa ngang intensyon na patayin ako. Siya kaya ang tunay na utak sa likod ng lahat ng ito?Kung hindi, bakit ganoon na lamang ang kasama ang tingin niya sa akin? Malinaw na alam niya kung sino talaga ako.Sa sandaling iyon, nanginig ang buong katawan ko.Kinakabahan ako. Ngunit kasabay nito, sobrang nasasabik din.Marahil, ito na ang pinakamalapit na pagkakataong nakaharap ko ang tunay kong kaaway.Gusto kong maghiganti. Ngunit napatingin ako sa malaking tiyan ko. Limang buwan at kalahati pa lamang akong buntis, nguni

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 489- Mga Sulat Sa Sarili

    Nang lumapag ang helicopter, umihip ang napakalakas na hangin. Nagliparan ang buhok ko at ang laylayan ng aking damit.Lumingon ako kay Shaun. "Shaun... sino ang dumating?"Napansin kong bahagyang nakakunot ang kanyang noo. Malamig ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Wala kang dapat alalahanin. Wala silang kinalaman sa'yo."Makalipas ang ilang sandali, nawala ang lamig sa kanyang mga mata. Muli niya akong tiningnan nang may banayad na ngiti."Mag-asawa tayo. Hindi ba masyadong malamig kung 'Shaun' pa rin ang itatawag mo sa akin?"Natigilan ako."Kung ganoon... ano ang dapat kong itawag sa'yo?"Ngumiti siya. "Tawagin mo akong mahal..." Lumapit siya at marahang inayos ang magulo kong buhok. "At mula ngayon ay tatawagin naman kitang asawa ko. Iyon ang tawagan natin mula pa noon."Nang marinig kong ganoon niya ako tawagin, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Parang may malamig na kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Nagsitayuan ang balahibo ko.Ngunit alam kong mahal niya ako. Kung

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 488 - Sino Ang Magliligtas?

    Bagama't hindi ko malinaw na makita ang kanyang mukha, pakiramdam ko ay napakahalaga niya sa akin. Walang pag-aalinlangan akong tumakbo palapit sa kanya.Hinabol ko siya hanggang sa gilid ng isang bangin. Nakatalikod siya sa akin."Huwag... sandali!"Ngunit hindi man lang siya lumingon. Tumalon siya sa napakalalim na bangin. Tumayo ako sa gilid nito, ngunit ni dulo ng kanyang damit ay hindi ko man lang nahawakan."Vicento!"Bigla akong nagising mula sa bangungot. Bahagyang nakabukas ang ilaw sa tabi ng kama, at ang banayad nitong liwanag ang pumawi sa kadiliman ng silid.Napaupo ako sa kama. Malamig na malamig ang likod ko sa malamig na pawis. May isang taong nakatayo sa tabi ng kama ko."Nagkaroon ka ba ng bangungot?"Nang tumingin ako, nakita ko ang mukha ni Shaun. Matagal ko siyang tinitigan. Pareho silang nakasuot ng puting polo. Ngunit sigurado akong hindi siya ang lalaking nasa panaginip ko.Magkaibang-magkaiba ang kanilang mga mata."Ano ang napanaginipan mo?" maingat niyang ta

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 487 - Nasaan Ka Na?

    Nakakapagtaka naman nito.Bagama't pakiramdam ko ay parang nababalot ng makapal na ulap ang isip ko, malalim pa rin ang alaala ko kay Denver.Sabay kaming lumaki.Siya ang nagligtas sa akin.Paano niya ako magagawang ipagkanulo?Tiningnan ko si Shaun. "Bakit ako magkakaroon ng psychiatrist?"Mahinahon siyang ngumiti. "Napakaraming nangyari sa pagitan ng mga panahong iyon.Isa-isa kong ikukuwento sa'yo."Tahimik akong umupo sa duyan habang ikinukuwento niya ang nangyari sa nakalipas na sampung taon.Ayon sa kanya, natapos ang relasyon namin ni Denver nang dumating ang huwad kong kapatid. Dahil sa depresyon na dulot ni Michelle, nakilala ko si Shaun, na ilang taong naging psychiatrist ko.Iniwan daw ako ni Denver sa mismong araw ng kasal.At nang gabing iyon, namatay ako. Pagkatapos ay himalang nabigyan ako ng panibagong buhay.Doon ko raw muling nakilala si Shaun. Nagkaroon kami ng pag-iibigan. At ang kambal na dinadala ko ngayon ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa.Dahil may isang

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 486 - Ang Asawa Ko?

    Sinabi sa akin noon ni Vicento na kahit halughugin pa nila ang buong Santa Catalina, hindi nila mahanap si Shaun. Kung hindi siya ang nagbigay ng lason sa akin, bakit siya magtatago nang ganoon?Mag-isa akong nakatayo sa silid. Walang sumasagot sa mga tanong ko. Pakiramdam ko'y isa akong taong itinapon sa isang liblib na isla.Maraming komiks, libro, mga gamit sa pagpipinta, at isang tablet sa silid. Ngunit hindi nakakonekta sa internet ang tablet. Puno lamang ito ng mga drama at maliliit na laro.Paminsan-minsan, may naglalagay ng pagkain sa maliit na parihabang butas sa pinto. Minsan ay pangmeryenda, minsan naman ay prutas, o kaya'y pangunahing pagkain.Hindi paulit-ulit ang mga pagkain at kumpleto pa sa nutrisyon.Noong una, hindi ako naglakas-loob na kainin ang mga ipinapadala nila. Ngunit matapos akong magutom nang isang araw, napansin kong naging balisa ang mga sanggol sa tiyan ko. Mas madalas silang gumalaw kaysa dati.Wala akong ibang magawa. Takot akong mamatay. Mas takot ako

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 485 - Ano Na Naman Ito?

    Ang lasong ito ay hindi lamang unti-unting nagpapawala ng alaala ko. Nakaaapekto rin ito sa emosyon ko. Pinapabagal nito ang reaksyon ko. Kaya pala bigla na lang akong umakyat sa terasa noon at muntik nang mahulog nang hindi ko namamalayan.Dahil dito, espesyal na nanatili si Vicento sa bahay upang samahan ako sa aking psychological treatment.Unti-unti namang bumuti ang kalagayan ko. Hindi na rin ako gumagawa ng mga mapanganib na bagay.May sarili akong diary.Isinusulat ko roon ang lahat ng nangyayari sa amin ni Vicento. Kahit dumating ang araw na tuluyan ko siyang makalimutan, maaari ko pa rin siyang makilala muli sa pamamagitan ng diary na iyon.Karamihan ng oras ko araw-araw ay ginugugol ko sa paghihip ng hangin sa hardin o sa pagniniting gamit ang sinulid. Ginagawa ko ang mga iyon upang mailihis ang isip ko.Tiningnan ko ang due date ko.May anim at kalahating buwan pa bago ako manganak. Malalagpasan ko ito.Gumawa ako ng maliliit na laruan at mga kumot na may disenyong bulaklak

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 27 - Ang Ahas Na Si Monica (Part1)

    Nagising si Denver kinahapunan at kahit hindi ko man siya maramdaman ay alam kong mabigat ang ulo niya dahil sa kalasingan mula kagabi.Nakita ko kung paano siya gumalaw— marahan, para bang binabangungot pa rin ng mga alaala ko. Bago pa niya tuluyang idilat ang kanyang mga mata ay iniunat niya ang

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 26 - Huli Sa Akto

    Nakinig lang ako sa kanila at dahan-dahan kong inabot ang cake. Nanginginig ang kamay ko habang dinadama ang lamig na nanggagaling sa cake.Gusto ko sanang tikman kahit isang kagat lang. Kahit isang subo lang ng pagmamahal ni Lola. Ngunit sa halip na tamis ay isang matinding hapdi ang bumalot sa di

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 24 - Ang Regalo Ni Vicento

    Paulit-ulit na tinatawag nila Papa si Lola, pero sa halip na lumabas kaagad si Lola ay inayos niya pang muli ang kanyang makeup bago utusan si Aling Sita na itulak ang kanyang wheelchair palabas."Dumating na siguro ang apo ko. Huwag mo siyang paghintayin," mahina ngunit mariing sabi ni Lola habang

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 23 - Ang Rosaryo

    Sa loob ng isang kahon na gawa sa kahoy ay nakita niya ang isang rosaryo at isang greeting card na isinulat ko para kay Lola. Oo nga pala, naalala ko na ang package na iyan.Napaluha si Lola habang tinititigan ang hawak niyang rosaryo.Isa iyong espesyal na rosaryo na nakuha ko pa sa pinakakilalang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status